° 6 °

Hiding

"Are you okay?"

Napabuga ako ng hangin sa tanong ni Agatha.

"For the nth time, yes. I am okay. I am fine." Pag-uulit ko.

Liar!

Napayakap ako sa malambot kong unan at bahagyang tinakpan ang mukha ko gamit 'yon. Kanina, habang pauwi, ilang beses akong tinanong ng mga kapatid at pinsan ko kung ayos lang ako. Hindi ko alam kung saan nila nakukuha ang ideya na hindi ako okay.

Tanging oo at pagtataray lamang ang tugon ko. Pagtataray dahil kung hindi ko gagawin 'yon, iisipin talaga nilang may mali kahit wala naman talaga.

Ano bang hindi nila maintindihan sa Oo, ayos lang ako? Sinabi ko na ngang oo, oo, oo!

Pero maya-maya nanaman..

Al, you okay?

Alice, okay ka lang?

Ayos ka lang, Al?

Magsimula kaninang pauwi hanggang sa makuha naming kumain, hindi nila ako tinantanan. Lalo na si Agatha, siya ang pinaka masipag sa lahat. Ito nga siya at ginugulo ako sa loob ng kwarto ko.

She's too bored that she's pestering my life! Pesteng peste na nga, pinepeste pa.

"Really? I don't beleive you. Para kang bintanang nakasara habang sobrang init ng sikat ng araw." Aniya.

"I never knew that you're so good with words." Pag-iiba ko ng usapan.

Rinig ko ang malalim niyang pag hinga. Mas yinakap ko pa ang unan ko habang hinihiling na makatulog na sana ako para wala na siyang maging rason para mag tanong pa.

I inhaled and exhaled.

Parang isang malakas na kalabog ang naramdaman ko mula sa aking puso. Instead of me, smelling my own scent, parang bumalik sa akin ang amoy ng bwisit na lalaking 'yon.

Gosh! I can't believe this!

Para akong hishschool student sa ginagawa ko! I am not like this! Absolutely, definitely, not like this! I don't dwell into something just because of someone! I loath people who do these things yet here I am, experiencing it.

"Hindi nga?" Patuloy niyang pangungulit.

Pagod akong umupo at matamis na ngumiti sa harap niya. Nakakatawang isipin na hindi pilit ang ngiti ko, maybe because even if I am so pissed with myself, alam ko sa sarili kong masaya ako ngayong araw.

Ayokong isipin kung bakit pero ramdam ko. There is something fluttering inside me, something that is making me so giddy and happy. Pakiramdam ko ang saya-saya ko talaga pero pilit kong sinasara 'yon dahil ayokong matuklasan kung bakit.

Sapat na sa akin ang malaman na masaya ako ngayon. My heart is throbbing so fast and I like it.

"Alice.." puno ng pag titimpi niyang wika.

Kita ko ang inis sakanya at alam kong nag titimpi na siya sa kaartehan ko dahil ayaw kong sabihin ang bumabagabag sa akin.

I don't want to say it because I don't even want to acknowledge it. Kararating pa lang namin dito, for goodness sake! I don't easily go crush-ing on someone at si Agatha lang ang nakaka-alam 'non. My brothers and some of my cousins, think that I'm a girly girl who easily likes someone she doesn't even know.

"Agatha, wag ka ng mainis.." parang batang nakikipag bati ako sa boses ko.

Ngumiwi siya at tinignan ako na parang nandidiri dahil sa narinig mula sa akin. Napanguso ako at bahagyang natawa.

"I am so okay, gusto ko na ngang yakapin ang sarili ko sa hindi ko alam na dahilan." I said with dreamy eyes.

Well, that hug part is true. Gusto ko talagang yakapin ang sarili ko, and I only do that when..

Erase. Erase.

Stop, Alice.

"Fine. I believe you." Aniya sabay hinga ng malalim.

Lumawak ang ngiti ko at kita ko rin ang unti-unti niyang pag ngisi. Matalim niya akong tinignan pero sa huli ay nagpakawala siya ng pigil na tawa.

"Alam ko naman na kung ano man yang ina-arte mo, kayang kaya mo yan. Tsismosa lang ako kaya gusto ko malaman."

It's my turn to laugh. Bahagya ko siyang tinulak at muntikan pa siyang mahulog sa kama ko kaya gumanti siya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata pero hindi ko napigilan ang aking tawa.

"I hate you, Gath!" Natatawang sabi ko.

"I hate you too!" Balik niya sa akin pero sa huli ay yinakap ko pa rin siya.

Mahigpit ang aking yakap. Sa aming dalawa, ako ang mas sweet dahil hindi daw niya kaya ng ganon. Para nga daw siyang ginagapangan ng mga insekto pag sweet siya sa iba.

She's not that showy, maybe isa 'yon sa mga dahilan kung bakit kami naging close sa isa't isa. Hindi dahil sa hindi ako showy because I think, I am the most sweetest person on earth but because, I fake my emotions most of the time.

"Eh kung.. mag out of town nalang tayo?" Suhestyon ko.

Napatingin sa akin si Agatha at maagap na tumango bilang pag sangayon. Sunod kong tinignan si Tulip dahil nasa kanya ang huling desisyon.

Kanina pa namin siya ginugulo para sa birthday niya. Pinilit ko si Agatha na puntahan at pilitin si Tulip na mag plano para sa birthday niya. I can't help but feel sad for her, alam kong hindi naman siya mahilig sa big gatherings.

Besides gusto ko ng party na magagawa ko lahat ng gusto ko. Ayoko ng may rules and responsibilities na dapat isipin.

"Laki ng problema ng mga tao ngayon."

Bahagya akong natigilan sa paglapit ni Agatha sa akin at sa pag bulong niya.

"Hm?" Tipid kong sagot dahil napatingin ako kay Tulip.

Binuksan niya ang pintuan ng kwarto ni Rian at tuloy-tuloy na pumasok doon. Mabilis akong sumunod at iniwan si Agatha na may binubulong bulong pa doon.

"Hindi ba kayo marunong kumatok?" Rinig kong wika ni Rian.

Linipat ko ang tingin ko sakanya at mukhang plano na niyang matulog.

Umakyat si Tulip sa kama niya at ganoon din ang ginawa namin ni Agatha. The warmth of her bed feels so comfortable with my pajamas.

"Ate naman.. para namang kailangan pa kumatok." Wika ni Agatha.

Kita ko pag ngiti niya at ang pagtakip niya sakanyang mata gamit ang kanyang braso.

"Ano bang problema niyo? Wala na ba kayong mapuntahan at dito sa kwarto ko kayo nanggugulo?" Tanong niya.

Hinawakan ko siya sa kamay at ganon din ang ginawa ni Agatha sa kabila. Pilit namin siyang pinapa-upo pero sadyang ayaw niya talaga kaya sumuko kami.

"Rian, pinoproblema ni Tulip ang birthday niya." Sagot ko.

Well, I think it's partly true though mukhang mas pino-problema ko pa.

Inalis niya ang pagkakatakip sakanyang mga mata at tinignan kami.

"Akala ko ba ayaw mo mag party?"

Napabagsak si Tulip at napahiga sa tabi ni Rian.

See? Ayaw niya din ng party dito.

"Mapilit si daddy. You know them.. tsaka feeling ko gagamitin nila tong party to invite important people." Ani Tulip.

Damn! Hindi lang pala ako ang hindi sangayon sa mga pangyayari! I thought I'm so bad for feeling this but I guess, it's normal.

Politics is okay but having a party with politicians? No.

"Tell him na mag dinner nalang. Atleast they can invite people over.." ani Rian.

No! Definitely, hindi pwede!

Naitikom ko ang aking bibig dahil sa sobrang kaba para sa magiging desisyon nila.

"Parang hindi ko naman party non, wala akong bisita.. siguradong puro mga taga-politika ang dadating." Ani Tul.

Yes! Oh my! Yes, Tul!

Gusto kong umalis sa lugar na 'to. I need to breathe properly. I need to let myself be normal again.

"Tul's right. Wala pa tayong mga kilala rito. Who will she invite?" Pagdadagdag ni Agatha.

Sandali akong napapikit para bawasan ang kaba sa puso ko. I looked back at them and I bit my lips.

"Ganito.. let's make plan A and plan B." Ani Rian at napaayos ng upo.

Something inside me leaped.

Napaayos din ng upo si Tulip kaya mabilis akong napakapit sa kumot ni Rian. I think, I can hear the clock ticking because of the suspense they're giving me.

"What's the plan?" Excited kong tanong.

Shit, Al.

Hindi makapag hintay?

"Plan A, tell Tito Ivor to let us have an out of town. Like Tagaytay.. pero if hindi pwede, no choice.. Plan B."

Tagaytay?

God, thank you so much! Malayo ang Tagaytay, sobrang layo at mas maganda 'yon para sa akin. Mas malayo dito, mas maganda. This will be a good opportunity for me to think properly again.

Nabigla ako sa mga nangyayari, kailangan kong ibalik ang you only live once type of life ko.

"What's plan B?" Tanong ni Tulip.

Ngumisi siya at bumagsak ulit sa pagkakahiga.

What the heck! Ano ba 'to? Pa-suspense?

"Celebrate your birthday with the politicians.."

My jaw literally dropped.

Mabilis namin siyang pinag papalo na naging dahilan ng pag tawa niya.

"Rian naman! Wala bang plan C?" Reklamo ko.

Natigilan siya.

"Meron naman.." mahina niyang saad.

Lumingon siya muli sa amin at mas tinuon ko ang atensyon ko sa kanya.

"What?" Tanong ni Agatha.

"Let's escape" Tipid niyang wika.

Nanlaki ang aking mga mata.

Not because I don't like the suggestion but I'm still a daughter. To be exact, I am the daughter of Danziel Montgomery who will go berserk when he knew about this plan.

"Gosh! I like Plan A" I safely said.

Humiga sa tabi ni Rian si Agatha at ngumisi.

"I like Plan C" aniya.

Napalunok ako.

Napalingon ako kay Tulip para hintayin ang desisyon niya.

"Well.. Plan C sounds better" Aniya.

Napabuntong hininga ako at napahiga sa tabi nila. Tumambad sa akin ang kisame ng kwarto ni Rian at hinayaan kong kainin kami ng katahimikan.

Plan A?

Plan C?

They are all possible, nakakatakot lang talaga ang Plan C. With Danziel Montgomery as my dad, mas gugustuhin ko pang makasama ang mga politicians kay'sa galitin siya.

But.. it's Tulip's birthday.

"Plan C then.." may kabagalan kong wika.

Tinakpan ko ang aking mga mata nang marinig ang pag tawa nila.

"Saan ka pupunta?" Pagpigil sa akin ni Dos sa pag baba.

"Sa school?" I obviously answered.

Kumunot ang kanyang noo at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nanliit ang aking mga mata at umayos ng tayo sakanyang harapan.

Nagpamaywang ako para mas lalo pa niya akong makita.

"School? More like a runway."

Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Uno na palabas ng kwarto niya. Inaayos niya ang polo shirt niya habang nakangising nakatingin sa akin.

"Shut up." Mataray kong wika.

Sa halip na magalit, humagalpak pa siya sa tawa at inakbayan kami ni Dos.

Hinila niya na kami at sabay sabay kaming bumaba habang naka-akbay siya sa amin. Thanks to my two-inches heels, lumebel ako sa tangkad nila.

"I don't like what she's wearing, Uno." Ani Dos.

Sinamaan ko ng tingin si Dos pero hindi niya ako pinansin.

"Let her be. We're here anyways, they won't even dare try to look at her." Mayabang na paninigurado ni Uno.

I rolled my eyes.

I can't believe they're my brothers!

"This is the last time I'm allowing you to wear something a model would wear in the runway. You're in school. Wear something appropriate." Puno ng diin na wika ni Dos.

"Did I even asked for permission?" Balik ko.

Kita ko ang pag dilim ng ekspresyon niya kaya napatakip ako ng bibig. Rinig ko ang pag halakhak muli ni Uno.

"Yes, Kuya Dos." I sarcastically said.

Napangiwi ako at napahalukipkip nalamang. Madaya sila! Hindi ko naman sila pinapakielaman sa fashion statements nila!

I invest on fashion same as them, investing on cars.

"Oh, yun naman pala. Ngumiti na kayo. Today is our first day and we should be smiling to start the day postively."

Napailing ako sa sinabi ni Uno pero hindi ko napigilan ang mapingiti na din.

Nagpatangay ako sakanila hanggang sa labas ng Mansyon. Kita kong abala ang mga pinsan ko sa paglalagay ng gamit sa loob ng mga sasakyan. Humiwalay sa amin si Uno at mabilis na tinungo ang kinaroroonan ni Kuya Carl.

Umalis ang tingin ko doon at napabaling ng tingin sa magandang sikat ng araw.

I can't deny the beauty of the scenery.

Iba ang sikat ng araw sa probinsya at hindi ko alam kung bakit.

Iba ang ganda ng langit kaysa sa syudad..

Bahagya akong natigilan dahil kinuha ni Dos ang maliit kong hand bag mula sa pagkaka-sabit sa aking braso. Naramdaman ko ang pag ihip ng sariwang hangin sa aking pisngi bago napatingin sa aking braso.

Nilingon ko siya at kita ko ang malungkot niyang mga matang nakatingin sa akin.

"Sorry, Al. For ruining your day. I know you want to show a good first impression or maybe you want Jacob Mondragon to notice you. I'm sorry for being insensitive." Malungkot niyang wika.

Jacob Mondragon?

Who is he again-- oh! Did I just put my self on trouble?

Napabuga ako ng hangin at napangiti.

"You didn't! You're so funny, Dos. I was just joking! Kung ako lang, I don't actually like to wear this dress, not at school, kaya lang.. ngayon ko lang napansin na hindi ko nadala lahat ng pants ko. Nasa labahan pa ang iba." Paliwanag ko.

Kita ko na parang nabunutan siya ng tinik sa sinabi ko.

Dos is very sensitive, kahit na ipilit niya ang gusto niya, sa huli siya pa rin nag hihingi ng tawad kahit wala naman siyang maling ginawa.

"Besides.. ayoko mag rubber shoes baka matanggal lang sintas." Bulong ko.

"Okay, pasok ko na muna gamit mo." Aniya.

Tumango ako at napayuko para makita ang suot kong heels. Kanina, I actually wanted to wear rubber shoes but I remember yesterday's incident.

I can't help but smile thinking about it that's why I decided not to wear it. Baka hindi pa ako makapag focus kaka tingin doon.

"You don't want to wear rubber shoes? Why? Because of Sky Cabello?"

Mas mabilis pa sa kidlat ang ginawa kong pag lingon at sumalubong sa akin ang mapanuksong tingin ni Uno. Namilog ang aking mga mata at napaawang ng bahagya ang aking labi.

Ang mataas na sikat ng araw ay tumatama sakanyang mukha at mula doon ay kita ko pa rin ang pag taas ng sulok ng kanyang labi.

Tuluyan siyang ngumisi.

"My sister is hiding something something, isn't she?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top