° 5 °
Imagination
My eyes roamed through out the whole bookstore.
Napapikit ako nang may isang imahe na dumaan sa aking utak. Napakagat ako sa aking labi para pigilan ang pag mura.
Gusto kong sakalin ang sarili ko ngayon dahil simula kagabi ay hindi na ako nag karoon ng maayos na pag isip dahil pilit na pumapasok sa utak ko ang bwisit na lalaking 'yon.
I opened my eyes again and took a deep breath.
"Bakit ka lutang?"
"Fuck." Marahas kong mura dahil sa gulat.
Napahawak ako sa aking puso at napa buga ng hangin. I suddenly felt thankful, kailangan na kailangan ko ng puputol sa pag iisip ko sa lalaking 'yon.
"Okay ka lang ba, Alice?"
Nilingon ko si Agatha at kita ang pag-aalala sa kanyang ekspresyon.
Pinilig ko ang aking ulo at napahawak sa mag kabilang pisngi ko. Pakiramdam ko nabisto ako sa bagay na tinatago ko.
My cheeks felt so red and warm..
"Yes. Of course." Sagot ko at sinubukan tumingin sa ibang bagay para maiwasan ang mga mapanuring mata ni Agatha.
"Really? You look so flushed." Aniya.
Nilingon ko siya muli at matamis na nginitian.
I need to make her stop asking. Walang magandang kapupuntahan ang pag tatanong niya dahil ako mismo ay pinipilit ko ang sarili kong 'wag isipin ang bagay na 'yon.
It's like being forced to do something you're not willing to do. This thing is making me confuse and I don't like being confused.
I'm a sure lady. I know what I want, what I like and what I hate. However, right now.. something is confusing me.
It's like eating chocolates even you know that there's a big possibility of you, having a diabetes.
Masarap kasi..
Lumunok ako at masinsinang tinignan si Agatha. I tried to look act normal, as if she was just imagining things. As if I wasn't really daydreaming about a guy who I really want to kill right now.
"My cousin is really sweet." Mapanukso kong wika.
Hinawakan ko siya sa pisngi at bahagyang tinapik 'yon. Ngumiwi siya at mabilis na iniwas ang mukha sa akin. Natawa ako dahil doon at napailing nalamang.
I sighed. "I'm fine. Super fine. Absolutely fine." Puno ng kasiguraduhan kong wika.
Yeah, Alice. Try to fool yourself.
Hindi nag bago ang kanyang reaksyon. Nanatiling nakakunot ang kanyang noo sa akin.
"Stop looking at me like that! Tusukin ko eyes mo!" Banta ko sakanya at pinanlakihan ko pa siya ng mata.
Napabuntong hininga siya at natawa ng bahagya. Pinasadahan niya ang kanyang maiksing buhok na tila nabuhusan siya ng malamig na tubig.
"That's more like it. You're bitching out again so I guess, you're fine." Aniya.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Is that even a compliment?"
Humalukipkip ako at pinanood siyang mag kibit balikat at inunahan na akong mag lakad. Sumunod siya sa mga pinsan namin at akmang susunod na ako nang may mahagip ang mga mata ko.
Pinikit ko ang aking mga mata at minulat muli pero nandoon pa rin siya. My imagination is working again, lumilitaw nanaman siya kahit ayoko siyang makita.
His smile is pestering my whole being again.
Umiwas nalamang ako ng tingin at pilit na sumabay mag lakad sa mga pinsan ko. Tumabi ako kay Tulip na parang malalim din ang iniisip.
"Anong plano for your nineteenth birthday?" Tanong ko.
I'm not normal today so I need to do something normal and that is being concern for my cousins.
Mula sa pag kakatingin ko kay Tulip ay lumagpas ang mga mata ko papunta sa mga cashier lady.
Damn.
Of course, I'm not looking at those cashier lady because I just felt like looking. It's because of this guy who keeps on pestering my beautiful soul!
Why do I keep on seeing him where in fact, wala naman siya dito!
"Hm.."
Napalingon ako muli kay Tulip nang mag salita na siya.
"Ewan.. ayoko na sana maghanda kasi bongga na ang handa ko nung debut ko." Sagot niya.
Lumingon siya sa mga ballpen racks kaya ganoon din ang ginawa ko. Sumunod ako sakanya at kumuha ng ilang ballpen para sa amin.
Today is supposed to be my day because there is no one else more passionate about shopping than me but because I'm so lutang today, I can't even enjoy our little school supplies shopping,
We passed the exams and I have a mixed feelings about it. Uno was so happy and cocky of course. Honestly, I felt happy too but there was still a small hope that we can go back to Manila, back to my old life, back to the normal me, back to where I haven't entered the maze yet.
"Debut yon syempre. Kailangan bongga talaga. Ngayon.. 19th birthday mo. Sigurado ako na ipaghahanda ka ni Tito Ivor." Komento ni Agatha.
Napangiwi ako at binalik ang mga ballpen dahil sa totoo lang, hindi ko naman kailangan kumuha 'non. Tulip already got ballpens for everyone, I don't even know why I'm trying to get some.
Alice! Come back to earth!
Nilingon ko sila at sumunod nalamang. This time, I walked with Adrianna. Luminga linga siya at ganon din ang ginawa ko pero parang may pumukpok sa ulo ko. Naalala ko bigla na may iniiwasan akong makita.
Napahawak ako sa mag kabilang pisngi ko at sinubukan na pakalmahin ang sarili ko.
Nababaliw na ata ako!
"Where are they?" Tanong ni Rian.
Somehow, kahit lutang ako ay alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Kasabay ko sa paglalakad sina Uno kanina pero may humarang na mga babae sakanila kaya iniwan ko sila doon. Wala akong panahon para i-baby sit sila.
Wala sa sariling tinuro ko ang lugar kung saan ko huling iniwan sina Uno, sa may labasan ng bookstore. Sinundan ko 'yon ng tingin at tama ako, nandoon pa rin sila. Pero kasing bilis ng kidlat ay umiwas din ako ng tingin dahil nakita ko nanaman ang lalaking hindi ko dapat nakikita.
Why is he everywhere?!
"Buti hindi kayo sumama doon?" Tanong ni Agatha.
Pinilit kong ibaling ang tingin ko sa aking mga pinsan. Tinuon ko ang aking atensyon kina Gelo at Clyde na hindi pumayag mag pa-iwan kanina.
I scoffed when they said they're not interested, Clyde? Not interested? Maybe lazy. Gelo? I'm the only one who knows his true colors. Yeah, he is smart, responsible, thoughtful but definitely not innocent. He's sometimes worse than Uno.
"Hindi naman kami ganyan Ate. I don't want to be like them." Ani Gelo.
Napangisi ako at mukhang napansin 'yon ni Gelo. Ngumiwi siya at akala niya siguro madadaan niya ako sa ganon. Guess what? No.
I rolled my eyes and looked back again.
Ngiting ngiti ang dalawa kong kapatid habang nakikipag usap sa mga babae. I can't believe they're my brothers.
"Look at Uno and Adrian. They are being ravished by everyone." Puna ko.
I was about to say something again when my eyes caught something again. I stopped and closed my mouth. My eyes locked to the person walking around.
I mean, wala akong pakielam sa taong nag lalakad na 'to pero parang mag wawala ang utak ko sa mga konklusyon na nabubuo sa utak ko ngayon.
Evander Claveria is here.
It's impossible that I'm imagining him just like how I imagine his friend since yesterday. One thing is for sure, he is real. Evander Claveria is really here and I might lose my mind if Sky Cabello is not an imagination like how I expected him to be.
Hindi ko alam kung bakit napakalaking bagay nito pero..
Just imagine yourself having a hard time sleeping just because you're scared that your heart will run away from you. Imagine feeling giddy and pissed at the same time.
Kagabi, gusto kong ngumiti pero parang gusto ko rin ngumiwi dahil sa mga naiisip ko.
This is the first time ever!
"They're too famous." Agatha hissed.
Nilingon ko si Agatha at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Napabuga ako ng hangin pero hindi niya pa rin inalis ang tingin sa akin. Mukhang hindi pa rin siya sumusuko sa akin. She didn't buy what I said earlier.
"Hayaan niyo nalang sila. Let's go." Ani Tulip.
Parang gusto kong mag pasalamat dahil sa sinabi ni Tulip. Hindi ko alam kung paano ko pa maaalis sa utak ko ang pamemeste ng lalaking 'yon kung hindi pa kami aalis.
Kailangan ko ng pag kaka-abalahan. Kailangan kong gumawa ng normal ngayong araw kung hindi mag papasagasa na ako para mag ka-amnesia.
Maybe I should take this school supplies' shopping seriously.
Tama, I'll get everything that I think we need.
"Ako ng kukuha sa pad papers." Ani Adrianna.
Tumango ako.
Let's do this Alice!
Cheer for yourself!
"Sure, doon muna kami sa mga envelopes." Wika ko.
Umalis na si Adrianna at nauna na akong lumakad papunta sa mga envelopes. Naramdaman ko ang pag sunod nila sa akin kaya hinayaan ko nalang sila. Taas noo akong naglakad, tila parang nasa runway ako.
"Ilan kukunin ko?" Tanong ko habang pinapasadahan ang mga envelope.
"I guess, eleven?" Rinig kong sagot ni Clyde.
"Make it fifteen. It's better to be sure." Ani Gelo.
Tumango ako at lumapit sa iilang envelopes. Bumilang ako ng fifteen doon gaya ng sinabi ni Gelo bago ko kinuha ang mga 'yon.
"Saan tayo susunod?" Tanong ni Clyde na siyang may hawak ng cart.
"Nasaan na ba sila Uno?" Rinig kong reklamo ni Agatha.
"Gath, let them be. Kilala mo naman sila, lilitaw lang pag nag babayad na. Ipabayad natin sakanila lahat 'to. Pati ang lunch mamaya." Wika ko.
Tumango nalamang si Agatha at siya mismo ang kumuha kay Clyde ng cart para itulak. Sumunod ang dalawang lalaki kay Agatha at ganon din ako. Nahagip ng mga mata ko ang mga notebook sa hindi kalayuan kaya tumigil ako sa paglalakad.
"Hey!" Tawag ko sakanila kaya napalingon ang tatlo sa akin.
"Para mas mabilis, hihiwalay na ako. Balikan ko nalang kayo mamaya." Saad ko.
Kita ko ang pag protesta kay Gelo.
"Don't you dare separate ways with Agatha. Stick with her." Saad ko at hindi na sila hinintay sumagot.
Tinalikuran ko na sila at dumiretso sa notebook section. Bahagya ko pang pinasadahan ng hawak ang aking palda habang nag lalakad. I felt the ruffles on my top against my skin while making my way through the shelves.
Hinanap ko ang mga notebook binders at bahagyang napangiti nang makita ang mga 'yon. I have a thing for stationaries, kahit wala naman akong sinusulat madalas. Hindi na ako bumilang at kumuha nalang ng kakayanin ng kamay ko.
Bahagya pa akong natigilan dahil naramdaman kong natapakan ko ang shoelace na naging dahilan ng pag ka-tanggal 'non. Napangiwi ako at sinubukan tignan 'yon habang hawak-hawak ang madaming binders.
Tumigil ako sa paglakad dahil sa takot na matapilok. I was about to bring down the binders when I felt someone touched my foot. Nahigit ko ang aking hininga at parang nadikit ako sa kinatatayuan ko.
Hindi ako gumalaw at pinakiramdaman lamang ang ginawa ng taong 'yon. Maybe Kuya Carl? Siya lang naman ang maalaga sa amin.
"Hindi ka dapat humiwalay sakanila." Saad ng lalaking 'yon.
Napaawang ang aking labi. Naramdaman ko nanaman ang kakaibang kaguluhan sa loob ko. Of course, I know this voice. Ito ang pumepeste buong araw sa akin.
I felt dragonflies on my stomach.
Damn. Alice.
Get a hold of yourself.
"Kaya ko." Masungit kong wika.
Naramdaman ko ang pag gaan ng hawak ko. Binaba ko ng bahagya ang braso ko at tumambad sa akin ang lalaking gumugulo sa akin buong araw at buong gabi.
Pumikit ako at nag mulat muli ng mata, humihiling na sana mawala siya bigla. If he's really an imagination, dapat ay mawawala siya.
"What are you doing?" Manghang wika niya.
He is really here..
He is not an imagination.
"What are you doing here?" Kunot-noo kong tanong.
Gusto kong sapukin ang sarili ko ngayon din. Itanong ko ba naman ang obvious? Malamang mamimili rin!
Alice, utak please.
"What?"
Sumilay ang ngiti sakanyang labi at parang nawalan ako ng hangin panandalian. I felt my insides turn upside down. My whole system is having a party for no apparent reason.
Nakatayo lamang siya sa aking harapan, he is not wearing something that will caught my eyes, he is just wearing a simple mint cotton shirt and he is just wearing a cap which I don't really find attractive yet here I am.. unable to speak.
"Why Ms. Montgomery? Sainyo ba ang mall na 'to para hindi ko pwede puntahan? I haven't heard of it, sorry." Aniya at bahagyang tumawa.
Napaiwas ako ng tingin at sinamaan siya ng tingin.
"Sarcasm." I hissed.
Mangha niya akong tinignan gamit ang kumikinang niyang mga mata.
What the heck.
Stop looking at his eyes, Alice.
"You're so cute, you know that?" Ngiting ngiti na wika niya.
I opened my mouth to speak but nothing came out. Napalunok ako at napaubo dahil hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Sanay akong mapuri, ako mismo ay pinupuri ko ang sarili ko kaya hindi ko alam kung bakit ako nag kaka-ganito.
"Excuse me.." I traced.
Bahagya kong tinaas ang sulok ng labi ko.
"I'm not just cute. I'm beautiful." Nakangisi kong wika.
Tinaas niya ang kanyang kilay at nagpakawala ng halakhak. Kakaiba talaga ang ngiti niya, I won't lie, nakakawala ng problema ang pagtitig doon.
Wala naman masamang mag sabi ng totoo, lalo na kung hindi naman niya malalaman ang iniisip ko.
"Well Ms. Beautiful, to answer your question, nandito ako dahil nahiwalay ako sa mga kasama ko. I was roaming around and suddenly something caught my eyes.."
My eyes are just on him. I was following every movement of his lips..
"I saw you.. that you needed help." Aniya.
Ngumiti siya habang mas lalo akong nawala sa huwisyo.
I know what he's doing. Dapat ay alam ko, dapat alam ko din kung ano ang gagawin. This is what I learned through out the years with my cousins, with my brothers but I felt so blank right now.
"Funny right? Kung bakit iba ang hinahanap ko pero ikaw ang nakita ko."
He was smiling while saying those while I can't even comprehend them.
It's like I forgot the alphabet.
"Yeah.. funny." Bulong ko.
Funny because I'm not even looking for you nor someone but I kept on seeing you.
Is this black magic?
Gamit ang kanyang isang kamay ay tinanggal niya ang kanyang sumbrero. He wore it again but this time the opposite way around. Mas naging visible ang mukha niya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.
"Sky! Let's go!" Rinig kong tawag sakanya ng nasa likuran ko.
Napalingon ako muli sakanya at nakita ko ang pag ngiwi niya. Lumagpas ang tingin niya sa akin at tumingin sa taong tumawag sakanya. I didn't even bothered looking back because I can't take my eyes away from him.
Binalik niya muli ang tingin sa akin at sinalubong ko 'yon.
"I need to go. See you at school." Aniya at mabilis na kumindat.
Binalik niya ang mga notebook sa shelf at binigyan ako ng ngiti bago niya ako nilisan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top