° 3 °

Good night

Lumingon ako sa likod ko pero mabilis din akong umiwas ng tingin.

"Can you stop following me?" Mataray kong wika sa lalaking nasa likuran ko.

After I learned his name, tinalikuran ko na siya dahil wala na akong balak na pahabain pa ang pag-uusap namin but here he is, making me feel irritated by following me.

Paanong hindi ako maiinis? There are hundreds of reasons to dislike him!

One, everytime I snapped at him, wala lang sakanya. Hindi man siya nagagalit o naiinis sa akin. He is full of positivity which angers me more! I don't even want to elaborate more of my reasons.

"You own this place. If there is one person I should follow to get out of here.. it will be you, Montgomery." He said with a matter of fact.

I rolled my eyes.

Why do I feel that every word that comes out on his mouth is sarcasm?

"Just go. Kung hindi mo pala alam ang palabas dito, bakit ka pa pumasok? You shouldn't enter something you're not sure of, Mr. Cabello."

I looked to the left then looked to the right. Sandali akong mariin na pumikit dahil gusto kong sakalin ang sarili ko. Hindi ko makita ang labasan at hindi nakakatulong na nasa likuran ko ang kagaya niya!

I feel so competitive! Gusto kong makita ang labasan para ako mismo ang sumipa sakanya palabas ng lugar na 'to!

"You're wrong. I think, people should take risks." Aniya.

Nagmulat ako ng mata at napalingon sakanya. I faced him and raised an eyebrow.

"What are you even trying to prove? Sige nga. Yes, you took a risk by entering this maze which you're not very familiar with. Oh tapos? Anong napala mo? Maliban sa hindi mo alam paano makalabas?"

One. Two. Three.

Breathe in, breathe out, Al.

Tatanda ka ng maaga pag nagpadaig ka sa lalaking nasa harapan mo. Stress na stress ka ng kausap siya habang wala man lang bakas ng pagkairita sakanya. It's like, fighting with someone who doesn't even want to fight.

Ewan ko ba, nagiinit talaga ang dugo ko sakanya.

He slightly tilted his head and chuckled. Nagtiim bagang ako dahil sa reaksyon niya. Humalukipkip ako habang pinasadahan niya naman ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay.

I know what he's trying to do.

Trying to show off! Trying to look cool!

Oh please, he needs to try harder!

"I'm talking to you." Aniya.

Kumunot ang aking noo.

"What?"

"Yun ang napala ko. I met you. I got to talk to you." Walang preno niyang sagot.

So fast. So direct to the point. I totally didn't even expected that. Akala ko ay bibigyan niya ako ng mga words of wisdom about taking risks pero wala, he answered with something I didn't even know how to comprehend.

Napaayos ako ng tayo at nawala ang paghalukipkip ko. My brain is working so hard to understand what he just said.

Tama naman kasi siya, may napala naman siya pero..

Al, can't assume. No. Don't do it.

Tumikhim ako. "Ano ba kasing ginagawa mo dito? You shouldn't even be here."

Bahagya siyang ngumiwi na parang naalala ang rason kung bakit siya nandito. He shrugged and looked to his side before looking back at me.

Pa-cute pa!

"I'm looking for my friend. He followed someone, at hindi namin alam kung saan na siya napadpad." Aniya.

Tumango ako at napatingin sa langit muli.

"If that's the truth then continue looking for him."

"But I can't leave you here." Maagap niyang saad.

Now I'm getting speechless.

I looked at him again and sighed.

"I can manage myself Mr. Cabello. As what you said a while ago. I own this place. Maya-maya lang ay siguradong hinahanap na nila ako."

"But.."

"Alice!"

Halos mapaigtad ako sa narinig kong pag tawag sa akin. Luminga-linga ako sa paligid at nakarinig ng mga yapak. Hindi lamang ako sigurado kung saan nanggaling ang mga yapak na 'yon dahil may dalawang lagusan sa aking likuran.

Binalingan ko siya muli at nakitang wala na ang ngiti sakanyang labi. Nakakapanibagong makita siya na hindi man lang nakangisi o nakangiti. He's serious, though he looks calm.

"Alice!"

Napalingon ako muli at nakita ang hinihingal na si Agatha. Bahagya siyang bumuga ng hangin at napasapo sakanyang dibdib marahil dahil sa pagod.

"Are you okay?"

I can't help but worry. Mukhang hindi lang si Adrianna ang ni-problema nila. It looks like, pati ako ay hinanap nila.

Umayos siya ng tayo at tinignan ako habang kinakalma ang sarili niya. Kita ko ang paglipat ng tingin niya mula sa akin papunta sa aking likuran. Bahagya siyang napangisi at tumaas ang kanyang kilay.

"Kaya naman pala hindi ka namin makita!" Aniya sabay halakhak.

I rolled my eyes.

"This is Sky Cabello, one of Claveria's friend if you remember. Nawawala siya and nawawala din ako-"

"So you found each other and decided to stick together?" Pamumutol ni Agatha sa aking sinabi.

She's teasing me!

Kitang kita ko sa mata, tono at pagsasalita niya. She's already concluding things and God knows, baka saan pa makarating ang conclusions niya!

Natigilan ako sa narinig kong mahinang pag tawa. Napalingon ako sa aking likuran at nakita si Sky Cabello na pigil na pigil ang ngiti. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan pero natawa lamang siya muli.

Damn!

I'm with people who are happy when they tease me!

"No, Agatha. No. I was just so kind to let him follow me even though I really want to smash his face a few minutes ago." Puno ng diin kong sagot.

I can see that Agatha is really amused by what's happening. She slightly laughed and shook her head. Parehas na parehas sila ng taong nasa likuran ko.

Ang sarap hampasin!

"Agatha." Tawag ko sakanya ng may pagbabanta.

Pinanlakihan ko siya ng mata at mabilis naman niyang tinikom ang bibig niya. Tumango-tango siya at nagtaas pa ng kamay bilang pagsuko.

Ngumisi siya at ngumiti nalamang.

"Okay.." mapanukso pa rin niyang saad.

Inirapan ko nalang siya at lumingon sa lalaking nasa likuran ko. His eyes were already on me when I looked at him. Akala ko mahihiya siya na nakita kong nakatingin na siya sa akin pero mas lalo lamang lumalim ang paninitig niya.

Now I'm uncomfortable by how he looks.

"You should just come with us then I'll ask someone to look for your friend." Alok ko sakanya.

Kita ko ang gulat sakanyang mukha. He didn't expected my kind action. Anong iniisip niya tungkol sa akin? Akala niya ba ay isa akong maarteng babaeng walang pakielam sa paligid niya?

Well, somehow true but not completely true!

Bahagya akong nakaramdam ng hiya. Inis at iritado ako sakanya, most of the times ay wala rin akong pakielam sa iba pero may puso pa rin naman ako.

I can't leave him here knowing he doesn't even know the place.

"No need, I can find my way."

Ngumiwi ako at bahagyang napaismid dahil sakanyang sinabi.

Why do people always pretend?

"I don't believe you. Halika na, 'wag ka ng maarte diyan."

Inabot ko ang braso niya at mahigpit na hinawakan 'yon. Liningon ko muli si Agatha na manghang mangha ata sa nakikita. I raised my free hand and snapped at her.

"Gath! Lead the way." Wika ko at doon lamang siya nagising.

Napangiwi si Agatha at inirapan ako.

"Gawin ba naman akong aso." Rinig kong bulong niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at hinila na si Sky Cabello nang magsimula ng tahakin ni Agatha ang palabas ng maze. I can conclude na sporty body talaga ang meron si Sky.

His arms were very firm and strong. Just like Uno's but I guess, mas lamang lang ng konti si Uno which I don't like. I prefer Sky's I guess, tipong sakto lang.

Wow, Al. Complimenting him? Really?

"Thank you.."

Napalingon ako at bahagyang nagulat na nasa tabi ko na siya. He was no longer at my back, nakasabay na siya sa akin ngayon. Saglit kong nilingon si Agatha na nasa harapan namin. I know she's trying her best not to look back.

Kainis! I'm sure, she's tease me later.

"Your welcome." Tipid kong sagot.

Nanatili nalang akong nakatingin sa harapan. Niluwagan ko na rin ang pagkakahawak ko sakanya at unti-unting binitawan ang kanyang braso. Huminga ako ng malalim dahil nakaramdam ako ng bahagyang pagkalito.

I felt so uneasy for a moment.

"Are you really easily irritated or it's simply because you don't like me?"

Inaamin ko, nagulat ako ng konti sa tanong niya. Nobody questioned my way of dealing with people before.

Nilingon ko siya pero napaiwas din ako ng tingin dahil nakita kong palingon din siya sa akin. I don't want to look at him while he's also looking at me.

"I guess so but in your case, nainis lang ako nung nakitang nasaktan ang kuya ko dahil sa'yo." I honestly said.

Yeah, ganon kababaw ang rason ko. Actually, kanina lang ay napakadami kong rason para mainis sakanya pero ngayon ay wala na akong masabi. I can't find them, those hundreds of reasons seem to vanish.

Maybe because I can see that he's not that bad at all.

"Oh.. that."

Napalingon ako sakanya at nakitang nakatingin din siya sa akin. By his expression, mukhang naaalala niya kung ano ang nangyari kanina.

His eyes lit like the stars in sky.

How ironic.

"I'm sorry."

My lips parted a bit.

He said sorry without even thinking twice. Walang excuses o ano pero nag sorry lamang siya. Ang bagay na hirap na hirap akong sabihin sa iba ay nagawa niya ng walang kahirap-hirap.

Now I look so pathetic.

"Forgiven."

I tried to sound calm. I tried to sound that I'm not even moved by his apology.

Tumaas ang sulok ng kanyang labi. Nahigit ko ang aking hininga at hindi ko alam kung saan ako titingin. I'm really bothered by his small movements! Maybe I just didn't expect to meet someone like him?

Someone so bright..

"Fuck." Marahas kong mura ng muntikan na akong matapilok.

Para akong nanigas nang may maramdaman akong kamay sa aking braso. His hot palm touched my arms and I can't seem to find my airway to breathe in.

"Watch your steps.." he whispered.

Napatingin ako sa braso ko kung saan siya nakahawak at mabilis na inagaw 'yon mula sa kanya. Napatikhim ako at pinagpag ko ang aking damit kahit hindi naman 'yon nadumihan.

Nilingon ko siya muli pero napaiwas din ako.

Damn it! I look like a high school girl who can't even look at her seatmate!

"Excuse me?"

Nag-angat ako ng tingin at kusang huminto ang aking mga paa sa ginawang pag tikhim ni Agatha. Humarap siya sa amin at humalukipkip. Her eyes were really teasing me.

I glared at her.

"Nandito na tayo. In case you didn't notice while you're being lovey-dovey there." Aniya sabay halukipkip.

This is what I hate! She can stand me, ang iba kong pinsan, pag tinignan ko ng masama ay titigil na pero si Agatha? Mas lalo niya pa akong tutuksuhin at mas lalo siyang hindi titigil.

Napatingin ako sa paligid at nakitang nakarating na nga kami sa bukana maze.

"Where are the others?" Tanong ko.

Nagkibit-balikat siya at kita kong hirap na hirap siyang mag pigil ng ngiti.

"Pumasok na sa loob. We saw Adrianna already, siya mag-isa ang lumabas mula sa maze. Masyadong matatakutin ang mga hinayupak nating pinsan. Sumakit lang ang ulo ko." May bahid ng inis ang kanyang tono.

Napailing ako at binalingan si Sky na nakatingin sakanyang cellphone. Kumunot ang aking noo dahil sa hindi ko malamang dahilan.

I'm being unreasonable again.

"Mauna na ako, sunod ka nalang." Mabilis na paalam ni Agatha.

"Gath!" Pagpigil ko pero hindi niya ako hinayaang pigilan siya dahil mabilis niyang tinahak ang daan papasok ng mansyon.

Nilingon ko muli si Sky na nasa akin na ang atensyon. I can't help but to feel satisfied, atleast hindi na siya sa cellphone niya nakatingin.

I licked my lip and slightly smiled.

"About your friend.." I traced.

"He's inside already. He sent a message, ngayon-ngayon lang."

Naitaas ko ang aking kilay dahil sa narinig.

"Oh.. that was your friend."

Damn. What did I just said?

Did I just got curious kung sino ang pinagkaka-abalahan niya sa cellphone niya?

No! Of course not! Gutom lang 'to, I'm so hungry that shameless things are already running in my head.

"Yes.." mabagal niyang wika.

"Okay." I whispered.

Umayos ako ng tindig at nag lebel ng tingin sakanya. He smiled at me and I stopped myself from reacting.

I smiled. "So.. have a good night."

I raised my hand and slightly waved.

Lalong lumawak ang ngiti niya at tumango. His eyes were really shining by the way he smiles.

"I did." He breathed.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top