° 2 °

Sky

"Shit, Al. Ang sikip." Daing ni Agatha.

Nilingon ko siya habang inaayos niya ang tube dress na pinahiram ko sa kanya. Kumunot ang noo ko habang pinapanuod siyang inaayos 'yon.

Binalikan ko siya at sumabay sakanya habang naglalakad. Nasa likuran kami ng aming mga pinsan habang tinatahak namin ang party.

"What are you doing?" I hissed.

"Damn, my boobs doesn't fit here." Reklamo niya.

Pilit niyang tinataas ang upper part ng dress at hindi ko alam kung matatawa ba ako o mahihiya dahil sa ginagawa niya.

We are walking down the stairs for people's sake! Nasa baba lamang ang mga bisita nila daddy! The funny thing is, birthday ni lola pero ang mga bisita ay sigurado akong hindi naman talaga niya kilala.

Politicians and businessmen.

Napailing nalamang ako at pinagmasdan ang mga bisita. Pinadaan ko ang aking mga mata sa bawat bisita na naroon, expecting to see middle-aged men and women but I suddenly stopped breathing for a second.

Hindi ko mapigilan na mapangiwi ng may mamukhaan akong mga lalaking pumasok.

Three young men entered..

"I thought he hates us?" Taas kilay kong wika.

"Huh?" Inosenteng tanong ni Agatha.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa tatlong lalaking pumasok. They stopped at the middle, parang nakikiramdam din sa buong party. Ramdam kong nakita na rin ni Agatha ang tinutukoy ko dahil kusa siyang tumigil. I can't help but to stop walking too.

Of course we know them.

I can still remember how the guy at the center, Evander Claveria, hates us. Hindi ko man narinig ang buong usapan kanina dahil masyado akong pre-occupied sa mayabang guy na sumira ng araw ko, still I heard the whole story from Agatha. Detailed, with emotions, walang labis at walang kulang and I can say that I'm so pissed because of them.

I can't believe that he hates us! With no grounds or what so ever. To make the night worse, the guy on Claveria's left is no other than the mayabang guy himself.

Bahagya akong napabuga ng hangin.

His playful smile is so evident at this moment. Parang tuwang tuwa siya sa nakikita niya. Evander is so serious while mayabang guy seems so amuse with everything. They are so prepared for this and I assume that they are invited.

From mayabang guy's eyes, I can see that he is so happy to be in here. His eyes were glowing like the light from the Sun. He slightly fixed his dark blue long sleeves..

Wait.

Stop looking Alice. He already destroyed your day, don't make him destroy your night.

"Are you even listening to me, Alice?" I can hear irritation from Agatha's voice.

Binaling ko ang tingin ko sakanya.

"What?" 

I blinked a few times and smiled a little because I'm guilty of not listening.

See? That mayabang guy, got my attention again and I don't see any good thing about it!

"Nevermind. I was asking why are they here but I guess you're too pre-occupied because of.."

Nanliit ang mga mata ni Agatha na para bang inaakusahan niya ako sa isang bagay na hindi ko naman alam kung pagkakamali ba o hindi. Bumaling muli ang tingin niya sa mga lalaking 'yon at kusang sumunod ang mga mata ko. I can that they're enjoying now..

They're talking and laughing at the same time. Even Claveria is laughing, showing his dimples off.  Mayabang guy is smiling like he owns the world showing his perfect set of white teeth. I suddenly want to smash his face. 

While.. I didn't notice, ngayon lang, they are with the mysterious guy. He was slightly laughing with them but he seems so guarded with everyone. Hindi ko mapigilan na mas lalong ma-curious dahil doon, the urge to know him is so strong right now.

"Someone caught your eyes?" Mapanuksong wika ni Agatha.

I sweetly smiled and nodded. There's no point in hiding, lalo na kay Agatha. She's my closest and I can tell anything to her. Siya ang tipo na hindi na mag tatanong pa, tipong pag sinabi mo ay tatanggapin na lang niya.

Akala ng iba ay wala na siyang pakielam pero hindi nila alam na iniintindi niya ang mga tao sa paligid niya sa paraang alam niya.

"Yes. Curious lang. Plain attraction." Sagot ko.

Tumango siya at muli ng naglakad.

See?

"Wait for me!" 

Mabilis akong sumunod sakanya at humawak sa braso niya. Rinig ko ang hagikgik ni Agatha kaya bahagya ko siyang tinulak.

"Hey! Mahuhulog yung dress!" Inis niyang wika pero sa huli ay natawa pa rin.

Pigil tawa ang ginawa naming paglapit sa mga pinsan namin habang binabati nila ang lola namin. Lumapit si Agatha at hinalikan sa pisngi si lola, I saw that she whispered something to Agatha that made her smile.

I smiled while waiting for my turn.

"Grandma!" Masayang bati ko at maagap na lumapit sakanya nang humiwalay na si Agatha.

Nagpakawala ng halakhak si lola at lumebel ako sakanya para halikan siya sa pisngi. Bahagya kong pinunasan ang lipstick ko na nag marka sakanyang pisngi.

"Happy Birthday, lola. I love you so much!" Masaya kong bati.

Matamis ang ngiting ginawad ko sakanya. She smiled brightly too and it made my heart warm. Yinakap ko siya muli at bahagya akong nagulat nang hawakan niya ng mahigpit ang braso ko. 

I guess, she has a message for me.

"Alice, the beautiful Alice of the Montgomery.." she whispered.

Napahagikgik ako dahil doon. I can't help but to remember how I cry before just for my brothers, I always force them to say that I'm beautiful but I never heard it from them.

They suck big time. How unlucky can I get to be their sibling?

"I hope, maabutan ko pa ang panahon na mahanap mo ang lalaking hindi mag sasawang sabihin kung gaano ka kaganda." Ani lola sabay hagikgik.

Napangiwi ako at humiwalay sakanya. Ngumiti ako at tumayo ng maayos habang mahigpit pa rin niyang hawak ang braso ko pababa sa aking kamay.

Lola has this way to calm me and make my heart better. Tuwing hinahawakan niya ang kamay ko gaya ngayon, parang pakiramdam ko.. hindi ko kailangan umarte sa harap niya. 

Nag-angat siya ng tingin at marahang hinaplos ang palad ko.

"Promise me that you'll stand in front of the brightest stage or even the brightest flash of camera. Promise me that you'll chase your dreams and you'll chase whatever that makes you happy. Promise me that you'll continue to be fearless.. just as much as how you dad is so fearless." Mataman niyang wika.

Ramdam ko ang pag hapdi ng aking mga mata dahil sa nag babadyang mga luha. This is what I hate! Mababaw lang ang luha ko at nasa proseso pa ako ng pag improve sa parteng 'yon. I know how to act but I can't stop my tears when something tugged my heart already.

Tumango ako pero umiling din.

"Lola! I should be the one giving a message or a wish for you.." 

Umiling siya at marahang pinisil ang aking kamay.

"Promise me."  Puno ng diin niyang wika.

I sighed and forced myself to smile even though I'm in the verge of crying my heart out like a baby.

"I do. I will. I promise." Wika ko.

Kita ko ang saya sakanyang mga mata at mabilis ko siyang yinakap muli. She is always like this that's why I admired her. Lahat ay gagawin niya para sa amin, lagi siyang nandyan para sa aming lahat. Itong mansyon ay hindi niya pinabayaan, hindi para sakanya kung hindi para sa aming lahat. 

Para kay lolo..

Their love is so sweet yet painful at the same time. Siya ang nagturo sa amin na pag mahal mo ang tao, kasama dito ang parteng kaya mo siyang palayain para sa ikasasaya niya. She made us understand that love isn't about being together but it's about loving despite of the distance.

Alam kong mahal nila ang isa't isa pero hindi sapat 'yon, alam nila na pag nagsama sila ulit, masasaktan lang nila ulit ang isa't isa.

"I love you, lola." I whispered and gave her a kiss before breaking from the hug.

"Happy Birthday my beautiful grandma!" Bati ni Rian.

Bahagya akong natawa at lumayo na ng tuluyan kay lola para bigyan sila ng tyansa na bumati.

"Are you okay?"

"Yeah.." Sagot ko kay Dos.

Lumingon ako sakanya.

"Why?" Dagdag ko.

Casual siyang nagkibit balikat at humarap sa akin. Tinuro niya ang necktie niya at bahagya akong napahagikgik dahil doon. Inabot ko 'yon at inayos para sakanya.

"Bakit kayo nahuli kanina? You and Agatha?" Puno ng kuryosidad niyang tanong.

Tinapik ko ang necktie niya bilang hudyat na tapos na 'to. Ngumiti siya at tumayo ng maayos. This time, more confident and proud.

"Wala naman, nakita lang namin na nandito sina Claveria." Sagot ko.

Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo na para bang hindi niya rin maintindihan ang ideyang 'yon pero hindi niya na nagawang mag salita pa dahil narinig na namin ang boses ni lola.

"Sige na at kumain na kayo sa loob. Itong mga batang to talaga. Batiin niyo ang lolo niyo pag nakita niyo siya ah." Ani Lola.

Ngumiti ako at binigyan siya ng huling yakap. 

Hinanap ng mga mata ko si Agatha at mabilis na lumapit sakanya para sumabay sa paglalakad.

Pumasok kami sa loob ng mansyon at tinungo ang buffet table kung nasaan nandoon ang mga pagkain na pinaghandaan ng mga cook mula kanina pang umaga.

Hindi ko alam pero sabay kaming tumingin ni Agatha sa isa't isa at tinaas-taas namin ang aming mga kilay na parang bang alam namin ang iniisip ng isa't isa.

"I never imagined that we will be in a place full of politicians." Rinig kong komento ni Gelo.

I nodded. Never imagined.

"Never imagined that the place will be in our very own humble home." Dagdag ni Kuya Carl.

"Puro mga politiko" Puna ko.

Linibot muli ng mga mata ko ang mga tao at parang nanliliit ako dahil sa aura na bininbigay nila. Something is telling me that I can't fool around here and to behave properly even though it's my grandmother's birthday-- especially it's her birthday.

Pinilig ko ang aking ulo.

"Kuha na tayo ng pagkain!" Masayang wika ko pero natigilan ako nang may humablot ng dress ko para hilahin ako pabalik.

Namilog ang aking mga mata at bago ko pa siya masinghalan ay binatukan na siya ni Adrianna.

Napatakip ako ng bibig at lihim na napangiti.

Buti nga sayo!

"Shit sorry!" Mabilis na bawi ni Adrianna pero namaywang pa rin siya.

"Pero wag mong gagawin yon Mon! Nakadress si Alice." Dagdag niya pero hindi ko mapigilan ang matawa na dahil napahawak nalang si Simon sakanyang batok.

Actually it's not what I'm laughing about.. she called him Mon again. Ewan ko ba, natatawa ako pag naririnig 'yon. It's his nickname when we were still kids.

Before I even get to mock him, napigilan nanaman ako ng tadhana dahil sumingit si Angelo and I know it's serious. 

He's wearing this very serious problematic face.

"Ate, pinapatawag ka ni dad doon sa table na yon" Ani Gelo.

Tumango si Adrianna na parang walang kailangan intindihin. Lumingon siya sa amin at being the ate, ngumiti siya para hindi kami mag-alala.

"Kumain na kayo. 'Wag niyo na akong hintayin." Aniya bago kami tuluyan iniwan doon.

Sinundan siya ng mga mata ko at hindi ko mapigilan ang kabahan para sakanya. Never 'pang ginawa 'to sa amin, pag may party na ganito.. we are not introduced to anybody or even talked to people. Kung business man 'yon, more likely, Kuya Adrian, Kuya Carl or Uno will be called.

"Hey!" 

Nawala na ang atensyon ko kay Agatha dahil hinila niya na ako para kumuha ng pagkain. Napatingin ako sa aming nasa harapan at nakitang inaasikaso ni Simon si Tulip.

Napangiwi ako dahil doon, nakatakas nanaman ang mokong sa akin. I'm sure he's just making this whole mabait na kapatid thing so I could see that he's busy. Ayaw niyang singhalan ko siya sa ginawa niya.

They were never close kaya imposibleng bigla nalang siya naging close kay Tulip.

I rolled my eyes and got my food together with Agatha. Iniwan namin doon si Tulip at Simon. Sumunod kami sa mga pinsan namin at umupo na. We pick a big table that could fit us all.

Tumabi ako kay Uno at mabilis niyang inabot sa akin ang isang juice. Nilingon ko siya at umiwas siya ng tingin na para bang nahihiya pa sa ginawa niya.

Napaismid ako at pinalo siya sa braso.

"Thank you!" Mapanukso kong sabi at kita kong namula siya.

Kakaiba talaga si Uno, he takes care of people he loves pero ayaw niyang napapansin 'yon. Masama lang talaga ang ugali ko sakanya kaya binubusit ko siya pag ganitong pagkakataon na para bang pinapakita ko pa sa kanya na pansin na pansin ko.

Lumingon ako sa mga pinsan ko para maghanap ng kasama habang pinag titripan ko si Uno pero laking gulat ko nang makita silang seryoso habang nakatingin sa iisang direksyon.

Sinundan 'yon ng mga mata ko at nakitang masinsinang nag-uusap si Tito Teo at Adrianna. I felt my heart compressed when I saw how her eyes reflected that she's so disappointed and hurt at the same time.

Napaayos ako ng upo nang makitang iniwan ni Adrianna si Tito Teo. I can sense na hindi maganda ang pinagusapan nila dahil hinding hindi gagawin ni Adrianna ang ginagawa niya ngayon maliban nalang kung hindi niya talaga nagustuhan ang nangyayari.

Mabilis siyang lumabas ng mansyon, tinungo niya ang pintuan patungo sa likuran. Unang tumayo si Tulip at lahat kami ay napatayo din. Walang sabi-sabi kaming sumunod kay Adrianna para kausapin siya pero ako mismo ay hindi kabisado ang lugar na 'to.

Especially the back part of the mansion where the maze is located. Napalunok ako nang makita ang malawak na maze kung saan sigurado akong tinungo ni Adrianna. Wala na siyang ibang mapupuntahan kung hindi 'to dahil nakapalibot sa buong mansyon ang mga bisita.

The maze was the idea of Tito Ivor because I heard it served a big part of their love.. Tito Ivor and Tita Jade.

"Papasok tayo?" Rinig kong alanganing tanong ni Dos.

"Ikaw muna.." Ani Kuya Carl.

Kumunot ang noo ko.

"Sabay tayo, Ad." Ani Dos.

Nilingon ko sila at kitang nagtutulakan sila. Napatingin ako sa likod at nakitang nag uusap sina Agatha doon.

Seriously? They are a bunch of cowards!

"No, I'll go with Clyde." Ani Kuya Carl sabay hila kay Clyde pero iniwas ni Clyde ang braso niya.

Umiling si Clyde at luminga linga sa paligid.

"I'll go with Gelo and Agatha." Aniya.

"Bahala kayo diyan." Mahina kong wika at tinalikuran sila.

If they don't have the guts then I'll find Adrianna myself!  

I don't have the time to worry about them.

"Alice, it's dangerous! We don't know what's inside." Pagpigil ni Kuya Carl sa akin.

Naiyukom ko ang mga palad ko at pigil hiningang pinasok ang unang butas sa maze. Common sense, hindi naman siguro hahayaan nila Tito na maging delikado ang lugar na 'to para sa amin.

There are four openings for the whole maze that made it look so intimidating.

"Alice!" Rinig kong sigaw nila pero mas lalo kong binilasan ang lakad ko.

I walked fast until I can't hear their voices anymore. I walked fast without knowing, na nasa gitna na pala ako ng maze. Actually, hindi naman nakakatakot, masyado lang madaming daanan na hindi mo alam kung saan papasok o saan lalabas.

Unti-unti kong binagalan ang lakad ko habang lumilingon sa bawat daan na nalalagpasan ko. Hoping to see Adrianna of course..

"Rian!" Subok kong pag tawag sakanya.

"Adrianna! Let's talk!" Subok ko muli. 

Lumilingon lingon ako at sandaling tumahimik. Napangiwi ako nang walang marinig na kahit anong yapak o pag galaw. 

Mukhang malayo ako kung nasaan man si Adrianna ngayon..

Natigilan ako nang umihip ang hangin at naramdaman ko ang pagyakap ng lamig sa aking balat. Kasabay non ang pag ihip ng aking buhok kaya mabilis ko 'tong inayos at sinuklay gamit ang aking daliri.

Nag-angat ako ng tingin at nakitang malalim na ang gabi, nagsilitawan na rin ang mga nag niningning na bituin sa langit. Ang buong kalangitan ay binabalot ng bituin at hindi ko mapigilan ang mamangha dahil doon.

I hope if I won't find her.. someone could find her soon.

Humakbang ako papasok sa isang daan habang nakatingin pa rin sa langit. Para akong batang namamangha habang pinapanuod na gumalaw ang buwan kasabay ko.

Seeing green everywhere plus the beautiful sky.. how relaxing.

Inangat ko ang aking mga kamay para yakapin ang aking sarili habang naglalakad. Bumaba ang tingin ko sa aking braso at nakitang tumaas na ang aking mga balahibo dahil sa lamig.

I should go back..

"Fuck." Marahas kong wika nang tumama ang mukha ko sa isang matigas na bagay.

Napahakbang ako paatras at napahawak sa noo ko.

"Saan-saan kasi tumitingin." Rinig kong wika ng hampas lupang nasa harapan ko ngayon.

Mariin akong pumikit at huminga ng malalim para magpigil ng inis. Minulat ko muli ang mga mata ko nang maramdaman na kumalma na ang puso ko pero mas lalo itong nagwala sa nakita.

Mas tumaas pa ang inis at galit ko na parang narating na nito ang pinaka mataas na parte ng iritasyon ko. The amusement from his eyes is still there and his smile is telling me that he's really much happy with what he's seeing now.

But not me!

"Saan-saan tumitingin? I was just trying to appreciate the sky then you blocked me! Kung ako yung hindi tumitingin sa dinadaanan ko then same as you! Hindi mo ako mababangga kung tumitingin ka din!" Singhal ko sakanya.

I was expecting him to get shocked or get angry but no..

Wala man lang pagbabago sakanyang ekspresyon maliban sa mas namangha siya sa nakikita niya. Pakiramdam ko tuloy pinagkakatuwaan niya na ako sa utak niya and I won't be happy because of that! I'll give this man a piece of my irritation!

"You're appreciating me? That's new.." He mockingly said.

Mockingly! How dare he!

Naiyukom ko ang mga palad ko at lumalim ang aking pag hinga. I'm not easily irritated but he's really pushing my buttons! Kung may hawak lang ako ngayon ay naihampas ko na sakanya!

"I said sky.." I said with gritted teeth.

He smirked.

Fuck him! Itong ngisi na 'to ang papatay sa akin. Papatay sa inis! Si Uno nga hindi ko pinapalagpas pag ngumingisi sa harapan ko tapos siya? 

"Yeah, I'm Sky. Sky Cabello. Nice to meet you, Montgomery." He said with so much emphasis that it made me angrier.. kung may igagalit pa ako.

Sky Cabello? 

Mayabang guy's name is Sky Cabello?

I just hated the sky right now.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top