° 1 °

Yabang

Nanliit ang aking mga mata nang marinig ko ang tunog ng busy line sa kabilang linya.

Damn you, Dos. Bakit hindi ka sumasagot?

"Nasaan na ba sila?" Inis kong tanong.

I tried dialing Uno's number this time. Sabi ko na nga ba at mangyayari 'to, the fact that they finished earlier than us means something. Nakakagulat na kaming mga babae nalang ang naiwan sa examination room habang ang mga lalaki ay sunod-sunod na nagsilabasan.

"Great!" I hissed.

Inis kong pinatay ang cellphone ko nang marinig ang beeping side sa kabilang linya. Bakit nga ba ako nag assume na sasagot agad si Uno? For sure, siya ang utak ng nangyayari dito.

"Maybe nasa gym? Try out remember?" Wika ni Gath.

I can't help but roll my eyes when I remembered what Uno said last night. See? Siya nga ang utak ng nangyayari. Pag siya na ang nagsabi, siguradong susunod nalang ang iba kaya kahit sabihin namin na wag nila kaming iiwan, gagawin pa rin nila. Hindi man lang ba nila naisip na hindi kami makakauwi ng wala sila?

Selfishness at its best! Kung ibato ko kaya sakanila yung mga bola!

Kusang tumaas ang aking kilay at tumigil ang aking paa sa paghakbang nang ma-realize ko na pasimpleng tumitingin ang mga tao sa amin.

Hindi ko mapigilan ang tumingin kay Tulip dahil alam kong ayaw niya ng ganito. She's different, unlike me who's confident enough to face attention.

"They know us. I heard one them said hindi ba sila ang mga Montgomery" saad ni Tul habang ginagaya pa ang pagsasalita nung nagsabi.

Wala sa sariling napangiti ako dahil doon. 

She's learning.

"Ang gwapo nung mga magpipinsan! Sabi ni mama, sobrang yaman nila at hawak nila ang mga pinakamalalaking lupa sa buong Cebu." Dagdag ko habang inaalala ang mga naririnig ko kanina pa.

Hindi ko alam kung bakit gwapong gwapo sila sa mga unggoy kong pinsan at kapatid. Wala namang espesyal sakanila. Mga mukha silang patolang hindi ko alam kung kailan natanim.

Kung alam lang nila kung gaano ka-yabang ang mga pinsan at kapatid ko, I doubt they'll like them.

"Bilis! Try outs na! Nandon daw ang mga Montgomery!" 

Mabilis akong napahawak sa bag ko at napakapit kay Agatha nang may tumakbo sa harapan namin. Sinundan ng mga mata ko ang dumaan at nakitang palabas sila ng field.

"Pati daw ang mga Claveria! Nandon!" 

Kumunot ang aking noo at napatingin kay Adriannna. Tumango ako at walang sabi-sabing sumunod kami sa mga estudyanteng nag mamadaling makarating ng gym.

Lihim akong nagpapasalamat habang lakad-takbo ang ginagawa namin dahil hindi ko naisip pumorma ngayon at naka rubber shoes ako. 

I almost want to wear heels a while ago.

"Agatha!" Tili ko nang maipit ako sa mga babae.

"Hand." Aniya sabay lahad sa akin ng kamay niya.

Siningit ko ang aking kamay at halos walang kahirap-hirap niya akong hinila mula doon. If my calculations are correct, nasa gitna kami ng student body. Hindi ko mapigilan ang takpan ang tenga ko dahil sa lakas ng sigaw ng mga tao.

"Claveria! Claveria!"

"Montgomery! Moooontgomeryyy!!"

Pumunta ako sa likod ni Tulip dahil nakita kong tinatamaan siya ng isang babae dahil sa kaka-talon. Natigilan ang babae sa aking ginawa pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Inirapan ako ng babae at umirap din ako.

Si Agatha ay mabilis na sumingit sa mga babae sa harap at hinila si Adrianna mula doon kaya sumunod kami ni Tulip.

"Excuse me! Excuse me!" Sumigaw na si Agatha kaya natigilan ang lahat.

Lumingon ang mga tao sa amin at mabilis na gumawa ng daan para makadaan kami. Napabuntong hininga ako nang marating namin ang harapan ng mga audience. Binuksan ko ang bag ko at kumuha ng tissue mula doon. Binigay ko kay Tulip ang ilan at nag punas ng pawis na tumatakas sa akin.

Luminga-linga ako sa paligid at hinanap ang mga pinsan at kapatid ko. Una kong nakita si Uno na nakikipag-agawan ng bola sa isang lalaki.

"Go Uno! Go Kuya! Ayusin niyo yan!" Sigaw ko at nakita kong nakuha ko ang atensyon nila.

Kumindat si Dos sa aking gawi at nag thumbs-up naman ako pero mabilis na napawi ang ngiti ko nang may nakatama kay Dos. He almost fell! Dammit! How dare that mayabang na face looking guy hit my brother! 

Naiyukom ko ang mga palad ko. Mabilis na pinagpag ni Dos ang damit niya at lumingon muli sa akin. Tinanguan niya ako at tumakbo na muli pero hindi ko maalis ang tingin ko sa lalaking nanakit sa kapatid ko. Okay lang sana kung hindi sadya pero nakita kong ngumisi siya!

I fucking saw him smirk na parang tuwang tuwa sa nangyari!

Sarap ipasagasa kay Uno ng ngisi niya!

"Oh my mother! Yung gwapo nandito! Rian! Nandito siya!" Narinig kong masayang balita ni Tulip.

Humalukipkip ako at inirapan ang lalaki kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. Lumingon ako kina Tulip at mabilis na tinignan kung ano man ang tinitignan nila.

"Nasaan?!" Tanong ni Agatha at tumabi kay Tul para makita ito ng maayos. 

Sumingit pa ako para makita ng maayos yung lalaki at bahagya kong tinuro ang isang lalaki para makompirma kung sino nga ba doon. Tumango si Tulip sa isang turo ko palang at napangisi ako dahil doon. Tumango tango ako dahil sangayon akong sobrang gwapo nga nung lalaki.

Nakakamangha ang bawat paglabas ng dimples niya kahit na hindi siya ngumingiti.

"Tul ang gwapo nga!" Komento ko habang nakatingin pa rin doon sa lalaking 'yon.

Mukhang siya ang captain ng kabilang team dahil sakanya ang atensyon nila. Isa pa ay siya ang kanina pang ka-agawan ni Uno ng bola and knowing Uno, mahirap siyang kalabanin dito.

Lumihis ang tingin ko sa lalaki at napunta sa lalaking nasa likod niya. Napangiti ako nang ngumiti ang lalaki at nakipag-apir sa isang ka teammate niya. Sinundan ng mga mata ko ang bawat galaw niya at kahit saan siya pumunta sa court.

"Diba! Ang gwapo! Pasado na para kay Adrianna! Bagay sila! Destiny!" Ani Tul sabay hagikgik.

Hindi na ako sumagot doon dahil nakuha na ng lalaking 'yon ang atensyon ko. Actually what attracts me to him is the fact that he looks so mysterious.

Tipid lang ang kanyang ngiti at puro eye signal lang ang ginagawa niya. Sobrang cute niyang tignan hindi katulad nung mayabang na lalaking nanakit sa kapatid ko.

Kung makangiti kala mo pag-aari niya yung buong mundo! Kung makipag fist-bump kala mo naman ang cool niya! Ipakain ko kaya yung bola sakanya!

Lumipat ang tingin ko kay Uno muli at nakitang i-shoshoot niya na yung bola. Pinagsiklop ko ang mga daliri ko at mahinang nag dasal na sana mashoot niya 'to. Kahit naman sure akong ma sho-shoot niya 'yon ay hindi ko mapigilan ang mangamba.

Sa buhay naman natin, walang kasiguraduhan ang mga pangyayari. Kahit gaano ka man kagaling, wala pa 'ring kasiguraduhan na ikaw ang mananalo. Well, that was what my dad told me.

"Oh my gosh!" tili ko at mabilis na yumakap sa mga pinsan ko nang mashoot ni Uno ang bola.

Nagsitalunan kami na para bang kami ang nanalo. Napahalakhak pa ako nang muntik ng matumba si Agatha dahil halos siya ang mag balanse sa amin.

"Montgomery!" Sabay sabay kaming sumigaw  at nakipagsabayan naman ang mga tao.

Tinignan ko ang mga pinsan ko at matamis na napangiti nang makitang sobrang saya nila. Hindi ko mapigilan na tumingin sa mayabang na lalaki kanina para sana ipamukha sakanya na nanalo kami pero laking gulat ko ng nakangiti din siya habang nakangiti sa gawi ng mga pinsan ko. Pinasadahan niya ng kanyang daliri ang kanyang buhok habang masayang nakatingin sa mga pinsan ko.

Kahit naman gaano ko ka-ayaw sa lalaking 'yon, I won't deny that his smile was genuine. Totoong masaya siya para sa mga pinsan ko.. pero bakit kanina?

What was that?

Pinilig ko ang ulo ko at tinuon nalang ang atensyon sa mga pinsan ko. Marami kaming narinig na mga humahanga sakanila pati na sa Claveria na sinasabi nila pero hindi ko na 'yon pinansin.

Hinila ko na sila Agatha para lumapit sa mga pinsan namin. Kita ko na sobrang saya nila habang nakikita kaming palapit sakanila.

Itinaas ni Clyde ang kamay niya sa akin at pinagbigyan ko naman siya. We did high-five and I hugged my brothers.

"I'm sweating!" Reklamo ni Dos kaya inismiran ko siya.

Mabilis akong kumuha ng pamunas para sakanya at ginulo naman niya ang buhok ko.

"Dos!" Inis ko wika pero sa huli ay natawa nalang habang inaayos ko ang buhok ko.

"You're the man!" Ani Kuya Carl at nakipag fist-bump kay Uno.

"Diyan ako walang masasabi sayo. You did really well there" Ani Adrianna at pinalakpakan sila.

"Alam ko na yan. Maliit na bagay" Ani Uno sabay hawi sa buhok niya.

I scoffed and laughed nang batuhan siya ni Adrianna ng pamunas. Ngumiti ako ng matamis ng sinamaan ako ng tingin ni Uno. Well, he's blushing! Kasalanan niya kung bakit siya inaasar ngayon! Minsan lang siya ma-flatter, hindi pa niya aminin.

Nagkatinginan kaming mga girls at ngumiti sa isa't isa.

"Congratulations!" Sabay sabay naming wika at natawa naman ang mga pinsan kong lalaki.

I can't help but to feel so happy. Lumingon pa ako kay Gelo dahil nakaupo siya sa gilid pero nakahinga naman ako ng maluwag ng makita na nakangiti na siya.

"Welcome to the team" Napalingon kami sa nagsalita. 

Bahagya akong napaayos ng tayo ng makita na palalapit ang team-members ng kabilang team. Kinamayan nung isa si Uno pero hinanap ng mga mata ko ang misteryosong lalaki kanina. He was just at the back slightly talking to the mayabang guy.

"I am Osiris Ciro Claveria" pakilala ng isa sakanila. 

Claveria? So siya yung tinutukoy ng mga tao kanina? Some were shouting Claveria a while ago.

"Sino ang captain niyo?" Tanong ni Uno. 

Sumunod ang mga mata ko sa paglingon ng mga lalaki sa taong nakaupo sa hindi kalayuan. 

The dimple guy is their captain.

"There.. Evander Caden Claveria. Captain ng basketball team na ito at kapatid ko."

Mukhang gwapo nga pero bastos. Hindi man lang lumapit dito. 

"Ayaw niya ba kaming tanggapin?" Deretsong tanong ni Kuya Adrian.

Malamang ayaw niya, hindi nga lumapit 'e. Besides, kung ayaw niya, 'di fine! Dapat hindi ipagpilitan ang bagay, pag ayaw.. ayaw. You shouldn't be forcing yourself to someone who doesn't even acknowledge your existence.

"Masakit lang loob non. Madalang lang may makapasok sa team dahil walang nakakatalo sakanya pero nagulat kami kanina dahil nalamangan mo siya" paliwanag ng nagngangalang Osiris.

My attention was caught again because of the mayabang guy. He was intently looking at me kaya sinamaan ko siya ng tingin. Inirapan ko siya at nakita kong umarte siyang nasaktan ang puso dahil napasapo siya sa kanyang dibdib. Bahagyang natawa ang lalaking katabi niya-- mysterious guy. 

I smiled a little and looked away. 

"Magaling siya. No doubt he was really good. Tulad niya ay minsan lang din kami mahirapan sa game but I can say that this game was really good. It was a challenging one. Actually mas magaling pa sa akin pero he got pre-occupied..." Uno traced.

Sinundan ko ang tingin niya at nakitang nakatingin siya kay Adrianna. I don't need to deny it, alam ko kung bakit ganon ang tingin niya. My brain works the same with Uno, we won't be siblings for nothing. One things is for sure..

Adrianna caught the Claveria's eyes. To be specific, the dimpled Claveria.

"Kuya, kung ayaw niya lumapit. Bakit hindi tayo ang lumapit?" Ani Gelo.

Binuhat niya ang gamit niya at tumango naman sila Uno. Naunang maglakad ang kabilang team at sumunod naman kami. Napabuga ako ng hangin at inayos ang bag ko. Mabilis akong naglakad para makasunod sa mga pinsan ko.

I slightly stopped nang mapansin kong may katabi akong hindi ko inaasahan na makakasabay kong maglakad.

"What?" Tanong ko sabay taas ng aking kilay.

Sandali niya akong nilingon at bahagyang ngumisi.

"Bawal makisabay sa paglakad?" Balik niya sa akin.

I rolled my eyes. Damn. I hate his guts.

Huminga ako ng malalim at binalingan siya muli ng tingin. 

"Oo." Nakangiti kong wika.

"Oh, I didn't expect that answer." 

Napangisi ako.

"Well, expect that you won't hear nice words from me." 

Napaayos siya ng tayo at bahagyang pinasadahan muli ang buhok niya. Napaiwas ako ng tingin dahil doon.

I hope he stops doing that.

"Hindi mo ba kami i-wewelcome?" Rinig kong tanong ni Clyde.

We stopped walking. Nakita kong nakatayo na ang lalaking may dimples sa harap ng mga pinsan ko. He was standing in front of Uno and I can't help but get nervous.

"Sino bang nagsabi na isasali ko kayo?" Natigilan ako sa narinig ko.

Naiyukom ko ang mga palad ko at humakbang paharap pero natigilan ako nang may maramdaman akong humawak sa braso ko. I looked back and saw the mayabang guy holding my arm. Gusto ko sana siyang sungitan pero nakita kong seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Don't meddle. You don't know, Evander Claveria." Aniya.

I licked my lips and smiled.

"You don't know my cousins either." I cockily said.

I was expecting him to get pissed but he chuckled. Kumunot ang noo ko at marahas na binawi ang braso ko sakanya. Napahawak pa ako sa parteng hawak niya at bahagyang pinisil 'yon.

Tumikhim ako at sinamaan siya ng tingin.

"Don't touch me." Mahina kong wika.

"Sungit." Aniya sabay pakawala ng mahinang halakhak muli.

Why is he so positive? Nakakainis na ang ngiti niya!

"Yabang." Bulong ko.

Humalukipkip ako at inirapan nalang ang lalaki. I guess magkaibigan ang dimpled guy na 'to pati itong mayabang na lalaking 'to. Of course! Birds with the same feather flocks together! 

I want to find something that I'll like here pero nauna ko pa atang mahanap ang dahilan para mas lalo kong ka-ayawan ang lugar na 'to. 

What a great start!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top