Simula
"What's a mundane?"
"Shit! This is boredom"
Napalingon ako sa katabi ko at tinignan siya gamit ang matalim kong mga mata. Kita ko ang pag busangot niya habang pinag mamasdan ang big screen.
Here he goes again.. he's being annoying and unconsiderate.
Binalingan niya ako ng tingin.
"What?" Inosente niyang tanong sa akin.
Bahagya pa siyang ngumisi kaya inirapan ko siya.
"Can you please shut up, Simon Chase? We're in a cinema and nasa warning kanina na bawal ang maingay." Pagbabawal ko sa nakakatanda kong kapatid.
Kahit madilim ay kita ko pa rin ang pagbusangot niya at siguradong nakabusangot na rin ako ngayon.
"Why are we even watching this?" Dagdag pa niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nakurot ko siya sa kanyang tagiliran. Dumaing siya kaya binitawan ko siya. He has a big built unlike me, I'm too slim for their muscles pero hindi makakaligtas sa akin ang mga kapatid ko.
Ang mali ay mali, at sobrang reklamador niya kanina pa!
"Fuck! That hurts!" Aniya kaya tinakpan ko ang bibig niya.
"Please, stop it you two. Tul, naiwan mo ata ang salitang kuya sa bahay?" Napalingon ako kay Kuya Carl, ang panganay naming kapatid.
Ngumiti ako ng matamis sakanya at binaling ang tingin ko sa screen ulit. Huminga ako ng malalim at ngumuso.
"Kuya Carl, how can I call him Kuya kung mas immature pa siya kay Gelo?" Inis kong tanong.
Ang tinutukoy ay si Gelo na pinaka bunso sa aming mag pipinsan. I'm comparing Simon who's a few months older compared to gelo. Kung titignan ay konti lang din ang agwat ng edad namin kaya bakit kailangan ko siyang tawaging Kuya?
Hindi ko makita ang logic.
Hindi ako pinansin ni Kuya Carl at nanonood nalang. Ngumiwi ako at bumuntong hininga.
"This is all your fault, Simon! Act your age!" I hissed.
Humalakhak lamang ito at ngumisi habang nanatili ang mata sa screen. I rolled my eyes, sinubukan ko nalang manuod ng tahimik. Naramdaman ko ang pag hilig niya ng bahagya sa akin at hinayaan ko nalang siya doon.
Baka inaantok siya kaya nag rereklamo. Binalingan ko si Kuya Carl ay malungkot na ngumiti sakanya.
"Happy Birthday, Kuya. Sorry." Mahina kong bulong.
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sakanyang labi at ginulo niya pa ang buhok ko.
Birthday ni Kuya Carl ngayon. Ang wish niya ay makasama kaming manuod ng pelikula na siya ang mamimili ng papanoorin at tinupad namin iyon. Kaming apat na magkakapatid ay magkakasama at magkakatabi sa sinehan. Malas ko lang talaga sa katabi ko.
Buti nalang at pagkatapos non ay natahimik na si Simon. Mukha pang naging engrossed na rin siya sa pinapanuod namin.
"What the heck! They're brother and sister? Incest?"
Napalingon kaming lahat kay Simon habang palabas ng sinehan. Napabuga ako ng hangin at gusto ko siyang sakalin.
"Inexplain na kanina ni Clyde 'yan. They're not related.. kagagawan lang yon ni Valentine. They thought they are but they aren't." pag-explain ko muli sakanya.
Napahawak pa ito sakanyang batok at tumango tango.
We were watching Mortal Instruments, The City of Bones as Kuya Carl suggested. Ito lang daw ang pasado sa standards niya sa mga showing. It was a great movie, but I still preferred the book.
"Why are you so affected, Simon? Do you like those type of movies now?" Panunukso ni Clyde sakanya kaya sinamaan niya ito ng tingin.
Clyde is one of my brothers too. I'm the youngest in our family and I have three annoying older brothers.
Life is so unfair.
"I'm not. It's just.. weird." Aniya.
Nagkibit balikat nalang ako at sumabay kay Kuya Carl sa paglalakad. Inakbayan ako ni Kuya kaya humilig ako sa balikat niya.
"Hindi ba ay ganon din yung nangyari kay Tito Josh at Tita Jess?" Tanong ni Clyde.
Umiling ako. "That's different. Ampon lang si Tita Jess atsaka naging sila pagkatapos malaman ang lahat. Naging sila nung tanggap na ng lahat ang totoo about kay Tita. They met again after everything and they fell in love." Paliwanag ko.
"Ano daw?" Tanong ni Simon.
Of course Simon was surely not listening again..
"Diba.. ampon lang si Tita Jess." Clyde explained it to Simon. The difference was, he summarized everything.
Pag naiisip ko iyon ay medyo nakakatakot pala. It seems so surreal. Parang naiisip ko, paano kaya kung buhay na ako nung mga panahong yon?
What is it like? Paano hinarap 'yon ni Tita? I love this family.. I'm sure she loves this family as much as we love it. I'm wondering.. how did she let everything go?
"But still it's weird. Hindi ko ata ma-imagine na may mangyaring ganon sa atin." natatawang wika ni Kuya Carl.
We laughed by what he said.
Tama si Kuya Carl. Kaya nga hindi ko lubusang maisip kung anong naramdaman ni Tita Jess non. Parang sa mga movies at drama ko lang naman napapanood ang mga ganon. Thinking that it happened in our family felt so scary and amazing at the same time.
Buti nalang at walang ganon sa amin, siguradong iniwasan na ng pamilya namin ang ganon dahil halos nasaktan lahat noon. Ayon sa narinig ko ay kinailangan pa nilang pumunta sa ibang bansa para lang mag move on.
"Nandoon na sila.." rinig kong wika ni Clyde sa likod pero hindi ko 'yon pinansin.
Nasa isip ko pa rin ay ang topic tungkol kay Tita Jess. Ano ba ang naramdaman nila noong mga panahong yon?
This will remain a question because I know, I wouldn't be able to understand because I will never be in their place.
"Yeah! Can't imagine bro!" ani Simon at nakipag apir pa kay Clyde.
Pinaguusapan pa rin nila ang tungkol sa pinanuod namin pati na rin ang tungkol kay Tita Jess at Tito Josh.
"I can't imagine myself being devastated because of that situation." Dagdag ni Clyde.
Ngumiwi ako. Buti nalang ay kay Kuya Carl ako nag mana.
Pinulupot ko ang braso ko kay Kuya Carl at naglambing. Masusungitan ko ang dalawa kong kapatid kaya siguradong papagalitan ako ni Kuya Carl. Nang makita kong lumambot ang ekspresyon ni Kuya atsaka ko binalingan si Simon at Clyde.
Matalim ang tingin na pinukaw ko sakanilang dalawa.
"Hindi naman mangyayari 'yon.. wala naman ampon sa atin." giit ko.
Nagkibit-balikat nalamang silang dalawa. Inirapan ko nalang sila at bumitaw kay Kuya Carl para mauna na sa restaurant. Mapapagod lang ako kung makikipag basag trip ako sakanila.
Narating namin ang paboritong restaurant ni Kuya Carl. Masarap ang pizza at pasta dito and we love all of those. Dito namin i-memeet ang mga iba pa naming pinsan dahil manlilibre daw si Kuya.
Pareparehas lang naman kami ng mga gusto. Si Dos na ang bahala doon. Dito na namin napagpasyahan mag dinner.
"Nililigawan ka daw nung Ivan?" Bungad sa akin ni Kuya Adrian pagkaupo ko.
Kuya Adrian is one of our cousins. He and Kuya Carl has the same age. Ginagalang ko siya at isa siya sa mga piling taong sinusunod ko.
Hindi ko napigilan ang matawa dahil sa itsura ng mga kapatid at pinsan ko. Sanay na akong ganito sila. They have been always like this. Perks of being one of the youngest.
Ako at si Gelo ay parehas ng edad, matanda lang ako ng ilang araw sakanya.
"Kuya Ad, wala naman yon. He is courting me, yes, pero it's not in my priority right now." Saad ko at tinignan ang menu kahit alam na ni Dos ang oorder-in namin.
Wala naman silang dapat ikabahala. Kahit kailan ay hindi ako naging sutil sa mga gusto nilang mangyari. Masunurin ako at handa akong gawin ang lahat para sakanila kaya kung sabihin nilang 'wag akong lalapit kay Ivan, 'di wag.
Ganon lang ka-simple.
"Ang pangit lang non." Rinig kong komento ni Agatha.
Impit ang naging tawa ko dahil sa sinabi ni Agatha habang lahat sila ay humagalpak na sa tawa. Napakagat ako sa labi ko dahil pigil pa rin ang tawa ko.
"Hard, Gath!" Natatawang wika ni Alice.
"Damn, Agatha! You're the best!" Ani Clyde habang nakahawak sa tyan dahil sa pagtawa.
Napailing ako.
I hate it pag ako ang topic. I prefer kung mga babae nalang nila ang pag-usapan kay'sa ang buhay ko. Hangga't maari ay gusto kong umiwas lalo na at ang sama na ng tingin na pinupukaw sa akin ni Simon.
Nag angat ako ng tingin kay Simon na nakakunot ang noo sa akin. What is it this time? Ano nanaman ang ginawa ko sakanya?
Tinaasan ko siya ng kilay.
"What's wrong, Simon?" Tanong ni Clyde nang mapansin ang itsura niya.
He was still looking at me. Ngumisi ito sa akin.
"Nakalaban na namin yung Ivan na yon. Eight times.."
I raised my eyebrow at him. Ano naman ngayon? Bakit nanaman niya binabalik ang topic na yon?
Nailigaw na nga ni Agatha 'e!
"Natalo ng team namin ang team nila for eight times too." ani Dos na ikinalaglag ng panga ko.
I always watch their games pero may mga games din akong pinapalagpas. Alam ko naman kasi lagi na hindi sila matatalo.
Natawa silang lahat at nag apir pa ang mga lalaki. Kami nila Agatha ay napailing nalang.
"Well, we're too great. Walang wala yang manliligaw mo." Saad ni Simon sa akin.
Naparoll-eyes ako.
"I know" saad ko at umirap.
It's the truth.. Uno, Dos, Kuya Adrian, Kuya Carl, Clyde and Simon were part of the varsity. Si Gelo ay papasok na niyan din. They're all good lalong lalo na si Uno. He is our school's MVP.
"Good" aniya at ngumisi.
Umiling ako at sumimsim ng juice na sinerve. Hindi ko alam kung anong pinuputok ng butsi niya pero bahala siya sa buhay niya.
"Naghanda daw si mommy?" Tanong ko.
Pumasok ako sa sasakyan ni Kuya Carl at pumwesto ako sa dulo, tabi ng bintana. Inayos ko ang bag ko at tinignan si Kuya na nasa driver's seat.
"Yes.. nandoon na din sila Tita." Sagot niya. Tumango nalamang ako at tinuon ang mata ko sa labas.
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko and I know it's Clyde. Alam ko naman na hindi tatabi sa akin si Simon dahil takot siya na basagin ko ang trip niya ulit.
Gagawin ko ang lahat upang sa huli, sa huli,
Sa huli ay tayo
Napangiti ako nang marinig ko ang music na pinapatugtog ng isang station. Napatingin ako doon at kumunot ang noo ko nang akmang ililipat ni Kuya ng station 'yon.
"Kuya, no! Diyan lang 'yan." Pag pipigil ko sakanya.
Kung kailangan kong tahakin ang kilome, kilome
Kilometrong layo
"You like Sarah Geronimo? Kailan pa?"
Napalingon ako sa katabi ko at nagulat ako nang makita si Simon dito.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Paki mo ba? Tsaka doon ka nga. Palit kayo ni Clyde."
Ngumisi siya at umiling.
Yeah...
Oooh...
Oh...
Ooohh...
Humalukipkip ako at pinabayaan nalang siya. Sumandal nalang ako at tinanaw ang daan na tinatahak namin. Binuksan ko rin ang bintana dahil hindi masyadong mainit ngayon. Ramdam na ramdam ko ang pag hipan ng hangin sa mukha ko.
Bakit nga ba itong agwat natin
Pinipilit palawakin
"Your hair.."
Napapitlag ako nang makaramdam ako ng pagbulong sa gilid ng tenga ko. Napatingin ako kay Simon na sobrang lapit at inirapan ko siya.
Inayos ko na ang buhok ko bago pa niya sabihin sa akin na mabaho ang shampoo ko o kaya ay hindi ako naligo.
"Sorry." Mahina kong bulong at pinony-tail nalang ang buhok ko.
Pero habang merong bumabalakid
Ang pag-ibig lumalalim
Sumandal ako dahil medyo inaantok na ako. Late akong natulog kahapon dahil tumulong ako sa pag gawa ng mga cupcakes para sa birthday ni Kuya Carl. It's a surprise.. ang alam lang niya ay simpleng handaan lang pero nag effort talaga si mommy.
Tila tala sa tala ang layo
At di ka na matanaw
"You, sleepy?" Rinig kong tanong ni Simon.
Tumango ako nang hindi siya tinitignan.
Pero pag humahaba ay lalo kitang sinisigaw
Napangiwi ako nang abutin niya ang ulo ko at ilagay 'yon sa balikat niya. Hindi ko na siya tinarayan dahil minsan lang naman siya maging ganito.
Lubusin ko na..
"Thanks.." bulong ko.
"Just sleep." Aniya.
Unti-unti ay pumikit ako.
Maging ang laot walang takot na tatawarin
Kahit alon ay umabot sa papawirin
San man dako'y pinangakong makakarating
Ikaw lang ay makapiling
"Bukas ah? Let's play." Ani Kuya Carl.
Natawa ako habang sumusubo ng ice cream. May part two daw ang birthday niya at dahil minsan lang naman siya humiling, pinag bigyan na namin.
"Damn! We need to form the teams properly!" Pag rereklamo ni Agatha.
Sa aming mga babae ay si Agatha lang ang may hilig sa ganito. Malas niya nga at lagi niya kaming kagrupo ni Alice. We're weak in terms of using physical strength.
"Individual nalang!" Ani Uno.
"So we should assume that Alice and Tulip are out." Dagdag ni Simon kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Out mo mukha mo!" Saad ko at mabilis na binato sa mukha niya ang isang scoop ng ice cream.
Natawa lahat pero kita ko ang pamumula ng tenga niya dahil sa inis. Napatakip ako ng bibig at humagalpak din sa tawa.
"Don't throw your food!" Pag babawal ni Kuya Carl pero tumawa lang ako.
Pinagdikit ko ang mga labi ko para matigil ako sa pagtawa. Inalog alog pa ako ni Rian para matigil ako pero sa huli ay humagalpak pa rin ako sa tawa.
"You're gonna pay for this!" Inis niyang wika habang pinupunasan ang mukha niya ng tissue.
"Shit! Lagkit niyan bro!" Ani Dos at binigyan pa ng tissue si Simon.
"Oh! I'm gonna look forward to your lame revenge." Natatawang wika ko at sumubo nalang ng ice cream.
Tumingin ako sakanya ulit at masamang tingin lang ang pinukaw niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay pero humagalpak lang ako sa tawa ulit dahil nakita ko nanaman ang pamumula ng tenga niya.
Oh, my brother, you're so cute with your red ears.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top