Chapter 7

Matters

"Stop by muna daw tayo sa nearest fast food chain. We need to eat lunch" saad ko.

I got the message from Clyde. Sakto at gutom na rin ako.

"Simon, pakuha ng maliit kong bag sa likod." Pakiusap ko kay Simon.

Lumingon pa ako sandali para tignan kung kukunin niya ba dahil baka hanggang ngayon ay nagtatampo pa siya and guess what? Tama nga ako. Naka halukipkip ang mokong at ayaw kunin ang gamit ko sa likod.

Wala sa sariling napairap ako.

"Gelo, can you please get my small bag?" Inis na inis kong wika habang pinipilit magtimpi.

Mabilis na tumango si Gelo pero bago niya pa makuha 'yon ay nakipag unahan si Simon sakanya. Siya ang kumuha ng gamit ko at inabot 'yon sa akin.

Hindi ko mapigilan ang magtaas ng kilay dahil sa ginawa niya. May saltik din ang isang 'to. Ano 'yon? Gusto lang ng kakompetensya. Bahagya siyang tumingin sa akin at binigyan ako ng isang ngisi.

Oh! Inaasar niya ba ako?

Tumigil kami sa isang malapit na gasoline station at nakapaikot dito ang mga fastfood chain. Lumabas na kami ng kotse at sabay-sabay na naglakad. I was walking beside Agatha and we were both laughing while looking at Alice's face.

"Hey! Grabe! I want to kill Kuya Uno! Pakiramdam ko mawawalan ako nang kaluluwa dahil sakanya!" Inis na inis niyang wika.

We laughed at her at kinwento niya kung paano mag drive si Uno kanina. Though kahit naman hindi niya ikwento ay alam ko na kung papaano dahil mas madalas ay kay Uno kami sumasabay, buti nalang ay kay Kuya Adrian kami ngayon.

Medyo mas matitiis naman ang driving skills ni Kuya Ad.

Si Uno, akala mo nasa karera pag nagdrive. Para siyang nasa underground racing na parang nakataya ang buhay mo. Uno's driving is equal to a horror experience.

"I'll kill him for you" saad ni Agatha at biglang sinapok si Uno.

Tumawa ako dahil doon at pilit kong pinipigilan ang tawa ko habang papamasok kami sa Mcdonalds, matagal tagal na rin nang last kaming kumain dito. Pumupunta lang namin kami sa mga ganito tuwing tumatakas kami sa P.E Classes namin.

Napalingon lahat nang pumasok kami. Napahakbang ako patalikod dahil hindi ako sanay sa atensyon. I'm aware of what will people think when they see us but I'm not comfortable with it.

"Are you okay?"

Napaigtad ako nang may naramdaman akong palad sa likod ko. Bahagya akong lumingon at nakita si Simon. Hinawakan niya ako sa braso at hinila palapit sakanya.

Ngumiti ako.

"Okay lang.." mahina kong sagot.

Sabay kaming sumunod sa mga pinsan namin at nakita kong pinagdikit dikit ng mga staff doon ang table para magkasya kaming sampo.

Lumibot ang mata ko doon at nakita kong may bakanteng upuan sa tabi ni Adrianna. Lumingon ako kay Simon at tumango siya sa akin. Binitawan niya ako at hinayaang lumapit kay Rian para umupo sa tabi niya.

"I'll miss Manila" saad ko habang hinihilig ang ulo ko sakanya.

Tumingin ako sa labas at pinagmasdan ang mga naka paradang kotse doon. I conclude, maraming mga bumabyahe ngayong araw ngayon.

"We can still go back.. madalang ngalang. Look at the brighter side, hindi mo na makikita yung boyfriend mong.. urg! Mukhang bola dahil bounce ng bounce from one person to another." Aniya.

Napahagikgik ako. Why are they pushing that he's my boyfriend when he is not. Sa una, nakakainis pero ngayon.. nakakatawa nalang and besides, bola na bounce ng bounce? Damn!

True!

Namamangka kasi sa dalawang ilog.

"Rian! You're so mean! Well true!" Natatawang wika ko.

I met Ivan when I was waiting for my brothers from their basketball practice. Matapang siyang lumapit sa akin kaya hindi ako naka tanggi nang hingin niya ang number ko. I was not attracted to him but I was amazed on how he carried everything on his own.

Hindi man lang siya natakot so I thought he was really serious but I guess, I need to learn now. Love doesn't work that or this way.

It's something more.. something strong. Tipong kahit anong iwas mo ay hindi mo magagawa dahil alam mong wala ka ng kawala.

"Gusto ko ng kalimutan 'yon.." I traced while looking outside.

May bagong chapter na kami sa mga buhay namin. Kabanata kung saan walang Ivan o kahit sino mang nasa nakaraan namin. Ayaw ko naman na may iwang masamang ala-ala dito sa Manila. I rather think that I gave him charity than think I was stupid because I believe people easily.

"Tsaka wala na akong paki don sa Ivan na yon- hey! Are you listening?"

Liningon ko siya habang nagsasalita pero napangiwi ako nang wala man lang siyang reaksyon sa mga sinasabi ko. She was just looking outside like her eyes were glued in it.

"Hah? Oo! Gusto ko nang Sundae" Nalilito niyang wika.

Nag angat ako ng tingin at umalis sa pagkakahilig sakanya. Nanliit ang mga mata ko at tinignan ko siya ng para bang sinusuri ko ang bawat galaw niya. Minsan lang maging ganito si Adrianna so it's making me wonder.

"Who are you looking at? Bakit hindi ka nakikinig?" Tanong ko.

Sinundan ng mga mata ko ang bagay na tinitignan niya pero hindi pala 'yon isang bagay kung hindi isang tao. Napa awang ang labi ko at nanlaki ang mga mata. Wala sa sariling napangiti ako nang makita ang taong 'yon.

"Oh my mother! Ang gwapo! Grabe! Hindi ako agad na-aamaze sa itsura ng mga lalaki dahil tignan mo naman ang mga pinsan natin pero damn! Talo sila nang lalaking to! He looks so cute but handsome at the same time. Oh look at that biceps! Nag feflex! Oh his broad shoulders! Oh M--"

Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko para mapigilan ako. Hindi maalis ang tingin ko sa lalaking 'yon. It was a guy.. a handsome one! A very handsome one and he's looking at Adrianna! I am sure he was!

"He looked at you! He freaking looked  at you! Kinikilig ako!" Masayang masayang wika ko.

"Kuya Adrian! Adrianna is eyeing--" sinubukan kong sabihin pero mabilis nanaman niyang tinakpan ang bibig ko.

Agatha and Alice looked there but sadly, wala na siya doon. Nahagip naman ng mata ko ang nakakunot na noo ng mga pinsan ko pero tumigil lamang ang tingin ko kay Simon. Matalim na tingin ang pinukaw niya sa akin pero nag kibit balikat lamang ako.

"Sayang hindi niyo nakita! He was so handsome!" Nakangiti kong wika.

Tinagilid ni Simon ang ulo niya na para bang may masama akong sinabi. Fine! He's being a protective brother! Pagbigyan.

"Who?" Madilim na wika ni Kuya Adrian.

Natahimik kami dahil doon.

"Wala. Don't worry it was just a simple appreciation to a human." Ani Adrianna.

Matiim kong pinagdikit ang mga labi ko at napaiwas ng tingin sa mga lalaki naming pinsan. Partly, I think it's my fault why they are reacting like this so it's better to keep my mouth shut.

"We're just joking. Alam namin na hanggang ganyan lang yan. Pagbigyan niyo na" Natatawang wika ni Uno.

"Loser! Nakakainis ka!" Inis na inis na wika ni Rian.

Natawa naman ako at pinanlakihan siya ng mata. Atleast hindi lang ako ang naiinis kay Uno. He's so annoying na ang sarap niyang tirisin. Dapat ay mabigyan ng leksyon 'to!

Tawanan, asaran lang ang ginawa namin habang kumakain. Noong bumalik na kami sa kotse ay napunta ako sa likod kaya nakatabi ako kay Gelo at Simon. Nakapagitna ako sakanilang dalawa pero hindi na kami nag salita dahil nakaramdam kami ng antok.

Kahit na inaantok ay hindi pa rin ako makatulog kaya pinanuod ko nalang silang matulog. Gelo was sleeping soundly beside me while Agatha and Adrianna has something stucked on their ears. I guess makakatulog na rin ang mga 'to.

"Tul.."

Napalingon ako sa kaliwa ko at nakitang nakasandal si Simon sa upuan habang nakatingin sa akin. Tapat na tapat ang mukha niya tulad ng isang araw kaya parang maduduling ako sa pag tingin sakanya.

"What?"

"Tul.."

Instead of answering me, tinawag lang niya ulit ang pangalan ko.

"What?" Pag uulit ko.

"Tul."

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtawag niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay pero ngumisi lang siya. Nag baba siya ng tingin pero mabilis rin na bumalik sa mga mata ko ang tingin niya.

"What? Ano bang-"

"Nothing, I just like calling your name." Mahina niyang wika.

Literal akong napaubo dahil sa sinabi niya. Napalunok ako at napahawak sa leeg ko. I feel suffocated. I tried smiling but I'm sure it will turn into a fake one.

Pinag titripan niya na naman ba ako?

"Inaantok ka ba?" Tanong ko.

Nagpakawala siya ng halakhak dahil sa narinig mula sa akin. Umiling iling siya kaya mabilis kong kinurot ang tagiliran niya. Napadaing siya pero maagap kong tinakpan ang bibig niya dahil baka may makarinig sakanya.

"Wag kang maingay!" I hissed.

Nanigas ang mga kamay ko nang hawakan niya ito at unti-unting inalis sa pagkakatakip sa bibig niya. Lumalim ang pag hinga ko at na blanko na ang utak ko. I don't know what's running on my head right now.

Is it this how it feels to be close to a Simon Chase Montgomery? Naninibago ba ako kasi ngayon ko lang naranasan na pansinin niya ako? I mean, we live in the same house and we go to the same school.. we're eventually siblings but I never felt how to be close to him.

I never got the chance dahil napaka distant niya sa akin.

"Do you have someone special in your heart right now?" Seryosong tanong niya.

Natigilan ako sa pag iisip dahil sa tanong niya. What was that? Out of the blue, he'll ask that?

Is he pertaining to the guy we saw at the McDonalds?

"Kayo.."

Safe answer. Good job, Tul!

Bumuga siya ng hangin at umayos ng pagkakasandal sa upuan. Umupo na siya ng deretso at marahang pinikit na ang mga mata niya. Nanatili lamang ang tingin ko sakanya. Pinanuod ko ang tahimik niyang pag hinga.

Mula sa pagtaas ng dibdib niya tuwing hihinga siya hanggang sa pagkagat niya sa labi niya na para bang may malalim na iniisip.

"Not that, Tul. Like Ivan, you like him right? Hanggang ngayon ba gusto mo pa siya? Nalulungkot ka ba dahil iiwan mo na siya sa Manila? You might not see him again." Sunod sunod niyang tanong.

Binuka ko ang bibig ko at sinubukang sumagot pero walang lumabas kaya sinara ko 'to muli. I don't know what to say, I mean my answer is clear and it's a no but I think, I need a good answer. Something that will make him stop thinking about it.

Hinayaan ko lang na tignan ang nakapikit niyang mga mata. Nagmamag-asang makahanap ng sagot doon pero hindi 'yon ang nakita ko. Nakuha ko pang mapansin ang mga pilik mata niya.

To someone like me who didn't had the chance to talk to him this close, ngayon ko lang napansin ang mga pilik mata niya. They're longer than mine and they're thicker than mine too. Totoo nga ang sinabi nilang kamukha niya si daddy.

Gwapong hindi nakaka-sawa. Sakto lang at masarap makita. Parang si Gelo din, it's just Gelo has softer features than Simon. Para kasing anghel ang lalaking 'yon habang ito namang si Simon ay parang anghel pero may nakatagong sungay ang kagwapuhan.

Uno was the most handsome, sabi nila.. pero para sa akin nakakasawa minsan ang ka gwapuhan niya. Masyadong striking ang sakanya na masakit na sa mata. If I have to choose between Simon and him, I'll choose Simon.

Oh damn. Why am I even thinking about this things?

Is this the result of boredom or is it because I'm an artist that's why I appreciate the gift of God?

"Tul, gwapo ba ako?"

Mabilis akong napalayo sakanya nang magsalita siya. Nanatili siyang nakapikit pero hindi pa rin ako komportableng malaman na gising lang siya habang ginagawa kong art subject ang mukha niya.

He noticed for sure! The hot stare I was giving him..

Tumikhim ako. "Yan nanaman? Hindi ka pa naka move on? Alam ko naman na alam mo ang sagot diyan. Mag kakagusto ba sa'yo ang karamihan ng mga babae sa block mo pati sa course mo kung hindi diba?"

Nag yayabang ba siya o gusto niya talaga marinig ang sagot ko?

"I still want to hear it from you." Aniya.

Napaawang ang labi ko pero mabilis kong sinara 'yon. Binasa ko ang ibabang labi ko at marahang pumikit. Nalanghap ko ang bagong fresh scent nanaman niya kaya nanatili akong ganon.

Ang tanong niya ay madali pero parang ang hirap. What? Ano? Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.

"What I think doesn't matter." Saad ko.

Nagmulat ako ng mga mata at sumalubong sa akin ang mga mata niya. Kasabay non ay ang pagkalabog ng puso ko, marahil ay dahil sa gulat dahil inaasahan kong nakapikit siya.

Malalim ang pag hinga ko..

"It does. It matters to me." Bulong niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top