Chapter 6
Cute
"But.." I traced.
Parang horror movie ang pag hihintay ko sa sasabihin niya. My heart is pounding like it never been before. Pilit na na-bablanko ang utak ko dahil sa sobrang kaba pero pilit ko ring binabalik sa hwisyo ang sarili ko.
His steady breathing is making me wonder about everything more.
"Nevermind.. wag mo ng isipin 'yon." Aniya sabay iling.
Mas lalong nanikip ang puso ko dahil sa sinabi niya. Napakagat ako sa labi ko at umiling.
"But what?" Pag pupumilit ko.
Tumaas ang hawak niya papunta sa siko ko. Hinaplos niya 'yon habang nanatiling naka tingin ng deretso sa akin. Parang sobrang lalim ng iniisip niya kaya mas lalo akong kinakabahan.
Ganon ba kalaki ang problema niya sa akin para mahirapan siya ng ganito?
"Hindi ko rin alam. I don't know why I can't but trust me, I'm gonna fix this. Aayusin ko 'to kasi na a-apektuhan ka na. Ito nalang isipin mo, hindi ako galit sa'yo and I don't hate you. I will never hate you. Para mapanatag ka na, I agree.. let's be okay. I will also try my best to be a good brother.. a brother." Mahinahon niyang wika.
Gusto ko pa sanang magtanong at pilitin siya dahil nababagabag talaga ako tungkol dito. Siya mismo, hindi niya alam kung bakit hindi niya kayang pakitunguhan ako ng mabuti? Ano 'yon? Hindi ko maintindihan.
I want to ask things but I didn't. Okay na sa akin ang sinabi niya. It might not be the answer I was looking for but this is the best answer that he can give me.
He will try..
"Okay. Thank you." Bulong ko.
Napabuga siyang hangin at ngumiti na. Wala sa sariling napangiti na din ako. Nahigit ko ang hininga ko nang iangat niya ang kamay niya papunta sa mukha ko at marahang pinunasan ang mga luhang natuyo na.
Ngiti nalang ang sinagot ko sa bawat punas niya.
"Ngayon ko lang nalaman.." he traced.
Kumunot ang noo ko.
"Ano?"
"Uhugin ka pala." Biro niya.
Nagpakawala siya ng halakhak at namula nanaman ng sobra ang tenga niya. Napangiwi ako at bahagya siyang tinulak pero lalo lamang siyang natawa.
Nakaka inis! Pinagsisisihan ko tuloy na nag labas pa ako sakanya ng sama ng loob.
"Gutom lang 'yan." Aniya.
"Ewan ko sa'yo!" Inis kong wika.
Binaling ko ang atensyon ko sa pagkain at ngumuso. Sinilip ko muli siya dahil nanatili siyang nakaupo pa rin sa harap ko. Tinaasan lang niya ako ng kilay habang may nag lalarong ngisi sakanyang labi.
Pinigilan kong mapangiti pero hindi ako nag tagumpay. Sa huli ay ngumiti ako habang inaabot ang mga kubyertos. Kahit nasa harap ko siya ay kumain pa rin ako.
"Pa-cute ka 'no." Natatawa pa rin niyang wika.
Bumuga ako ng hangin. "Hindi ako cute!" Mataray kong wika.
Ngumuya nguya ako habang matalim na tingin ang binibigay ko sakanya. Hindi naman maalis sa labi niya ang nag lalarong ngisi at ngiti.
Tinukod niya ang kamay niya sa arm rest ng upuan kaya mas nahirapan akong kumain. Ganito ba ang I'll try my best niya?
"Umupo ka nga don." Saad ko sabay turo sa upuan sa harap ko.
"It's okay. I'm comfortable." Aniya.
Napaismid ako.
"Ako, hindi comfortable."
"Ako comfortable." Aniya sabay kibit balikat.
Binigyan ko siya ng pilit na ngiti pero tinawanan lang niya 'yon. Inirapan ko siya at kumain nalang. I need to get a lot of strength for tomorrow. Mahaba-haba ang biyahe namin.
"Tulip?" Lumingon ako sa may pintuan ng kwarto ko.
"Yes Kuya?"
Binalik ko ang tingin ko sa mga maletang naka latag sa kama ko. Today is the day that we will be moving to Argao. Maaga akong nagising para mag ayos ng gamit.
Sila mommy ay nauna na sa Argao dahil may aayusin pa daw si Dad dooj together with my uncles.
"May space pa ba sa maleta mo? Wala ng paglalagyan ang ibang mga damit ko." Ani Kuya Carl.
Narinig ko ang mga yapak niya sa likod ko. Umupo siya sa may paanan ng kama ko at pinakita sa akin ang ilang damit na hawak niya.
Napanguso ako habang binalik balik ang tingin sa mga maleta ko at sa mga hawak niyang damit. Napa buntong hininga ako tsaka ko kinuha 'yon. Siniksik ko nalang 'yon sa isa sa mga maleta ko.
"Thank you Tul! Hulog ka talaga ng langit!" Masaya niyang wika.
I rolled my eyes and nodded. Ano pa nga ba ang magagawa ko?
"No problem." Saad ko at nagpatuloy na sa ginagawa ko.
Hinayaan ko nalang siyang lumabas ng kusa sa kwarto ko. Tinungo ko ang drawer ko at kinuha doon ang mga ilang tingin kong kakailanganin ko. Hindi ko naman lahat dadalhin doon, siguro si Kuya Carl ay dinala na ang lahat.
Nilagay ko ang mga 'yon sa isang maleta ko. Dalawang maleta ang dadalhin ko at isang malaking travelling bag.
"Hey sister."
Walang gana akong lumingon sa likod at pinanuod ang prenteng prenteng lumalakad na si Clyde. Lumapit siya sa akin at napangiwi ako nang makita ang hawak niyang mga brief.
Literal na mga brief ang hawak niya.
"Oh! Dami mo pang space! Pwedeng palagay 'to? Please.. wala na kasi akong space sa mga maleta ko. Konti lang naman ang mga 'to. Labing-apat na brief lang naman 'to. For two weeks tsaka nalang ako papalaba doon." Paliwanag niya sa akin.
Napakamot nalang ako at marahang ngumiti sakanya. Huminga ako ng malalim tsaka ko kinuha 'yon para isiksik na rin sa mga gamit ko.
Binalingan ko siya muli at kita ko ang matamis na ngiti sa labi ng kapatid ko.
"You're such great sister. I love you!" Aniya sabay halik sa noo ko.
Sinundan siya ng mga mata ko hanggang sa makalabas siya ng kwarto ko. Umiling iling nalang ako habang sinasara ang isang maleta ko.
"Tul.."
I know it's Simon.
Narinig ko ang pag bukas ng pintuan ko kaya hindi ko na siya nilingon.
"Wala ng space ang maleta ko."
Pinangunahan ko na siya at ako na ang nagsabi. I have this conclusion na magpapalagay din siya ng gamit sa akin.
Ano pa nga ba ang use ko sakanila?
Natigilan ako sa pag aayos ng gamit nang ipatong niya ang itim niyang maleta sa tabi ng isa kong pulang maleta. Bahagya kong tinagilid ang ulo ko dahil hindi ko maintindihan ang mga ginagawa niya.
"What are you doing?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Ang bigat bigat na ng maleta mo, siniksik mo pa ang mga gamit nila dito."
Binuksan niya ang kasasara ko palang na maleta at kinuha doon ang mga damit ni Kuya Carl pati na rin ang mga brief ni Clyde. Lahat yon ay linagay niya sa maleta niya.
Napansin ko kasi, tuwing nag a-outing kami, hindi naman mapagdala ng maraming gamit si Simon. Mostly ay bumibili nalang siya ng mga damit o gamit sa mismong lugar na pupuntahan namin so maybe that's the reason why he has a lot of space.
"Really? Pati brief ni Clyde? Don't you ever touch this again." Matigas niyang wika.
Pabagsak akong napaupo sa kama ko at piangmasdan siyang ayusin ang mga gamit ko. Pati na rin kasi ang mga personal kong gamit ay pinakielaman niya at inayos niya.
Napakagat ako sa aking labi.
"Wala namang malisya. Okay lang." Malamya kong wika.
"No. This is still a boy's thing so you can't." Giit niya.
"Okay.." I traced.
Pinanuod ko ang pagkunot ng noo niya at ang maya't mayang pag luwag ng ekspresyon niya. Wala ng rason para makipag away pa ako tungkol sa brief ni Clyde.
Hindi naman ako mananalo sakanya.
"Done. Bumaba ka na doon. Babalik lang ako sa kwarto ko para kunin ang backpack ko. Nasa baba na sila Uno." Aniya.
Tumango ako atsaka ngumiti. He's really trying hard. Buong gabi ko atang inisip ang sinabi niya sa aking susubukan niya talaga. Iniisip ko kung paano niya susubukan at ngayong nakikita ko na, ganito pala 'yon.
Well.. I like it.
"Ako ng magdadala nito-"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang kunin niya ang pula kong maleta at linabas 'yon kasama ang itim niyang maleta.
Inirapan ko ang linabasan niyang pintuan tsaka ko kinuha ang isa ko pang kulay asul na maleta at travelling bag. Sinunod ko ang sinabi niya at bumaba na ako para mapuntahan sa labas sila Uno.
Naabutan ko ang mga pinsan ko sa baba na nag aayos ng gamit sa mga sasakyan. Mabilis na lumapit sa akin si Uno at kinuha ang mga gamit ko.
"Uno, ano ba! 'Wag yan!" Sigaw ko dahil basta basta nalang niyang kinuha ang travelling bag ko.
Nandoon ang mga bottled necessities ko!
Mabilis kong kinuha sakanya ang mga 'yon at matalim na tingin ang pinukaw ko sakanya. Siya naman ay nagkibit balikat lang. Kumuha siya ng ibang gamit at binato 'yon sa likod ng kotse.
Damn! I pity the bag!
"Do you have a fetish for throwing things?" Sarkastikong wika ni Adrianna.
Oh I really wanted to ask that! Great Rian! Very good! Kahit naman MVP siya ng basketball team ay nakakatakot pa din.
"I'm practicing, Rian. Papasok kami ng varsity sa papasukan nating university sa Cebu."
Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Ano 'yon? Alternative for balls ang gamit namin? Aba, magaling!
"Nandyan na ba lahat? Wala na kayong naiwan? Ayoko na may maghahanap ng gamit mamaya." Sunod sunod na tanong ni Kuya Adrian habang tinutulungan si Kuya Carl magpasok ng gamit.
Napangiti ako kay Simon nang makalabas na siya ng bahay namin. Ngumiti siya sa akin at tinulungan akong maglagay ng gamit sa likod ng kotse. Inuna niya ang kanya atsaka niya pinatong ang mga maleta ko.
He's really trying!
I can't believe this!
"Wala ka ng naiwan?" Tanong niya.
Maagap akong umiling. "Wala na."
Tumago lamang siya atsaka tumulong na rin magpasok ng gamit ng iba. Inayos ko ang suot kong off-shoulders at high-waisted shorts. Tinali ko ang buhok ko habang hinihintay na matapos ang mga kapatid ko sa pag aayos ng gamit.
"Mauna na ang sasakyan ni Uno. Sino ang sasabay?" Tanong ni Kuya Carl.
Isinara na ni Kuya Adrian ang likod ng kotse niya. Alterra at Chevrolet ang dadalhin namin ngayon. Ang ibang kotse ay pinadala na doon kahapon. Narealize ko na medyo mag tatagal pala kami doon lalo na at madaming sasakyan ang dinala doon.
Nag iwan nalang kami ng dalawang kotse dito.
"Carl? Hindi ka ba mag dadrive?" Tanong ni Clyde.
Isinuot niya ang bonnet niya at binaba ang headphones niya. Tumingin siya sa akin kaya nag kibit-balikat ako. I don't think Kuya will drive lalo na at dalawang kotse lang ang dadalhin.
Lumpit si Kuya Carl sa akin at binigay sa akin ang isang cap niya. Ngumiti ako at kinuha 'yon pero hindi ko sinuot.
"Uno and Ad will be driving" ani Kuya Carl.
What the heck? Are they serious? Anong akala nila sa pupuntahan namin? Jungle? Kung sino pa ang mga worst drivers ay sila pa ang mga mag da-drive.
This is insane!
"Why don't you drive for us Carl?" Tanong ni Rian habang naka pamaywang.
"I can hear you twin" ani Kuya Ad.
Umirap siya kay Adrian at nauna ng pumasok sa kotse. Lihim akong natawa dahil doon. She doesn't even trust her twin! Damn! So funny!
Napapitlag ako nang maramdaman ko ang hininga sa tenga ko. Lumingon ako doon pero hindi ko tinuloy dahil naamoy ko ang fresh scent ni Simon. Huminga ako ng malalim at dinilaan ang labi ko.
Ang lapit naman masyado!
"Kay Adrian tayo sasakay." Aniya.
"Okay." Tumango nalang ako.
I exhaled when he took a step away from me. Nagpamulsa siya at tumayo sa tabi ko.
"Don't worry papalitan ko siya mamaya. Mahaba ang byahe so we need to take shifts" ani Kuya Carl.
Atleast mapapalitan si Kuya Adrian. I feel safer when Kuya Carl is driving.
"Uno dahan-dahan. Clyde palitan mo si Uno mamaya pag nag stop-over na tayo" saad ni Simon at pumasok na sa loob ng kotse ni Kuya Adrian.
Sumunod ako sakanya at sumakay na din. Tumabi ako kay Adrianna at sa tabi ko naman ay si Agatha. Nasa likod naman namin si Gelo at Simon. Inayos ko ang upo ko hanggang sa maging komportable ako.
"Adrian.. think that you're with your girlfriend so you need to take it slow" natatawang saad ni Simon mula sa likod.
Lahat kami ay natawa dahil sa sinabi niya. As if naman, hindi naman ata girlfriend ang tawag ni Kuya Adrian sa mga babae niya. He calls them, flavor of the week?
"Mon, if I am with my girlfriend, I won't take it slow. You know I like it hard" I cringed by what Kuya Ad said.
Nadudumihan ang virgin mind ko sakanila! Tawa pa ng tawa si Gelo at Simon sa likod. Mabilis akong lumingon sakanila at inabot si Simon. Binatukan ko siya kaya napadaing siya.
Ngumiwi siya sa akin at napadaing. Pinanlakihan ko lang siya ng mata pero inirapan ko siya nang bigla niya akong kindatan.
Kakaiba!
"Gelo.. 'wag mong pakinggan si Ad" ani Rian pero natawa ako nang mapakamot nalang sa batok si Gelo.
I know he won't. Gelo is a great guy and the most normal one. Hindi ko maiwasan tignan si Simon dahil nakabusangot siya sa gawi ko. Ngayon ko lang napansin na naka matchy color kami.
We're wearing the same shade of color blue.
"Hi Daddy" Rinig kong sagot ni Adrianna sa cellphone niya.
"Si Ad po" dagdag niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang may madaanan kaming humps at imbes na magbagal si Kuya Adrian ay binilisan niya pa lalo ang pag mamaneho. Napamura ako ng hindi sinasadya at mariing pumikit ng makitang may madadaanan kami ulit.
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko para hindi ako maapektuhan ng humps. Si Agatha ay naumpog dahil sa lakas non. Lumingon ako at nakitang kamay 'yon ni Simon. Ngumuso ako at ngumiti sa huli.
"Thanks." Saad ko at umayos na ng upo.
"Adrian! Dahan-dahan!" Ani Simon habang inaayos ang seatbelt niya.
Ako din ay nag ayos ng seatbelt. Sadyang nakakatakot talaga silang mag maneho! Though mas malala si Uno sakanya ay hindi mag papahuli si Kuya Adrian.
"Ad! Yung humps!" Ani Rian nang makahupa na siya sa gulat.
Napailing nalang ako at sumandal sa upuan ko. Nakita ko namang may kinakalkal si Agatha sa cellphone niya. Pictures 'yon ng isang band, Five Seconds Of Summer.
"Simon!" Excited na wika niya.
"What?" Ani Simon.
Napa alis ako sa pagkakasandal at tinignan kung anong pinapakita ni Agatha kay Simon. Tinapat niya 'yon kina Simon at Gelo kaya nakitingin din ako.
It was a picture of Luke Hemmings.
"Kamukha mo 'oh! Kinalat 'yan ng mga freshmen sa Ateneo. Kamukha mo daw, sabi ko naman.. ang pangit mo lang kaya paano mo magiging kamukha." Natatawang wika ni Agatha.
Ang hard talaga nito! Hindi ko rin mapigilang ang matawa. Pinagmasdan ko amg picture ni Luke Hemmings at masasabi kong hindi naman niya 'to kamukha.
Talagang crush lang siguro siya ng mga freshmen kaya kung ano-ano nalang ang pumapasok sa utak nila. Sadly, hindi na nila siya makikita sa school.
"Mas gwapo ako diyan no." Mayabang na wika ni Simon.
Nanlaki ang mga mata ko at humagalpak sa tawa. Parang hindi naman! Ang feeler talaga nito. Sinamaan niya pa ako ng tingin kaya lalo akong natawa.
"Ew." Natatawang wika ko.
"Simon! Pwede ba!" Natatawang saad ni Agatha.
Binalingan ako ni Simon at kumunot ang noo niya sa akin.
"Kampihan mo ako!" Aniya.
"No!" I stucked my tounge at him.
Mas lalong namula ang tenga niya kaya napahagikgik ako.
Sa totoo lang ay gwapo naman talaga si Simon. Kuhang kuha niya ang mukha ni daddy. Si Clyde kasi ay mas nagmana kay mommy habang si Kuya Carl ay kay Lolo James daw nag mana.
"Damn. Kawawa ako sainyo!" Inis niyang wika at nakangiwing bumaling sa labas ng bintana.
Ang sarap talaga niyang bwisitin!
Cute!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top