Chapter 53
Don't count
"Maybe we should go party?" Rinig kong suhestyon ni Clyde.
Sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng tinuring kong tahanan sa loob ng twenty-four years.
"Really, Clyde? Ngayon mo pa naisip 'yan?" Inis na wika ni Agatha.
"Well.. mali nanaman ako?" Inosenteng tanong ni Clyde.
Bahagya akong napangiti at hinayaan nalang silang mag diskusyon sa likod namin ni Simon. Nag-angat ako ng tingin para pasadahan ng tingin ang buong kabahayan. I can't help but to feel sad while my eyes wandered.
Hindi ko akalain na maiilang ako sa lugar na 'to.
"They're here." Bulong ni Gelo sa likod.
Lumipat ang tingin ko sa hagdan. Pababa doon sina Tito Teo kasama sina mommy at daddy.
"Tulip.."
Wala pa man ay nakita ko ng tumulo ang mga luha ni mommy. Agad nag-init ang mga mata ko at walang sabi-sabing nag situluan sila nang makitang halos takbuhin ni mommy ang distansya naming dalawa.
Nabitawan ko si Simon nang mabilis akong yakapin ni Mommy. Mahigpit ang kanyang yakap sa akin at humagulgol siya sa aking bisig.
"I'm so sorry.." bulong niya sa akin.
Mariin akong pumikit at yinakap siya pabalik.
"Babalik ka na ba?" May halong pagmamaka-awa ang kanyang boses.
"Mom.." panimula ko.
Nanikip ang aking dibdib sa bawat paghikbi niya. It hurts me to hear her sob like this but it won't help if I'll just forget everything. Kahit saan ko tignan ay may masasaktan at masasaktan pa din.
Kailangan kong mag desisyon kung saan ang hindi gaanong matagal ang sakit. Kailangan kong ayusin 'to kung saan ba talaga siya nagsimula.
I need to go back from the start.
"Mom.. I found them." I finally said.
Naramdaman ko ang pagluwag ng kanyang hawak sa akin. Bumigat ang loob ko at lumalim ang pag hinga ko.
Humiwalay siya sa akin at hinawakan niya ako sa aking mukha. Nagmulat ako ng mata at sinalubong 'yon ng kanyang mugtong mga mata. Patuloy lamang ang pag-agos ng kanyang mga luha at ganon din ako.
"Is that why you're here?" Pigil hikbi niyang tanong.
"Iiwan mo na ba kami?" Puno ng hinanakit niyang tanong.
Maagap akong umiling.
"Kahit kailan naman po, hindi ko kayo plinanong iwan o talikuran. Oo, umalis ako kasi kailangan kong hanapin ang sarili ko kahit sandali lang. The moment I found out about the truth makes me so weak and lost. Pakiramdam ko non.. pag hindi ako umalis, mawawala na ako ng tuluyan. Me, leaving for a while doesn't mean that I won't come back."
Unti-unting napaupo sa sahig si mommy. Mabilis ko siyang dinaluhan at hinayaang umiyak sa harapan ko. She cried her heart out and I did too. I never thought that I'll be one of the reasons to break my mom like this.
To break a Jade Montgomery.. is what scared me the most.
But here I am, being the reason.
"So you're gonna go? Sasama ka na sakanila? Paano kami, anak? Paano ako? Paano si mommy? Hindi mo na ba kami mahal? Anak.. kung ano man yung mga nagawa ko sa'yo, kung naramdaman mong kulang ang pagmamahal ko.. pasensya ka na. Aayusin ni mommy, promise. Just.. stay. Don't go. Wag mo akong iwan. Nag-mamakaawa ako sa'yo."
Nahigit ko ang aking hininga at marahang pinunasan ang mga luhang tumutulo sakanyang mga mata.
"I'll come back, I promise. It won't take long. I love you so much, I love the family so much but mom.. I can't fully love everyone if I don't even know how to love myself. You poured me your love, you showered me with everything you have and I will never forget that. I hate myself because I'm hurting you this way, masyado na pong malaki ang nagawa kong sugat sa pamilyang 'to. Pahilumin muna natin, hayaan nating maghilom ang bawat sugat."
I never thought that saying goodbye would hurt this way.
Naramdaman ko ang paghila ni Simon sa akin patayo. Ganon din ang ginawa ni Kuya Carl kay mommy. Tinayo niya 'to at yinakap. Hinanap ng mga mata ko si daddy na nakatayo sa hindi kalayuan. Deretso lamang ang tingin niya pero kita kong namumula ang kanyang mga mata.
Bumitaw ako kay Simon at dahan-dahan na lumapit kay daddy.
"Dad.."
I reached for him and hugged him.
Siniksik ko ang aking sarili sakanyang bisig at dinama ang mainit na yakap niya. I felt him cried but I didn't talk. I felt his hands embraced me and I cried even harder because of that.
"Dad, alam niyo ba kung ano yung pangarap ko? I never wished anything but to make you proud. I know that I might have destroyed this family and that's far from you getting proud of me but still, I want to say sorry and I want to say thank you for everything." Hikbi ko.
He was the best dad for me, he is chill most of the times. Yes, he is hard on us sometimes but I know he's doing that because he wanted us to keep on improving. Naiintindihan ko siya at hindi ko makakalimutan ang mga panahon na aalis siya ng meeting para lang panuorin kaming mag perform sa school.
Tuwing may sakit ang isa sa amin, siya pa ang mag pe-presinta kay mommy na mag bantay. He was so willing to give up everything for us. Lahat bibitawan niya para lang mapakita kung gaano siya kahandang protektahan kami.
"I am proud of you." he breathed.
"Daddy.."
Napahikbi ako lalo nang marinig ang mga katagang 'yon.
"Go.."
Nabitawan ko si daddy at lumayo sakanya. Nag-angat ako ng tingin at nakitang malambot ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
I felt it..
The feeling when someone is finally letting you go.
"Take care of yourself okay? Pag sinaktan ka doon, go back here. Wag na wag kang mag dadalawang isip na bumalik dito. No one should dare to hurt a Montgomery, okay?"
Malungkot akong napangiti at tumango. Humarap ako sakanilang lahat at nakita kong mugto ang kanilang mga mata. I stared at their eyes, one by one and I didn't dare to talk.
Hinayaan ko lang damhin ang katahimikan.
"Ihatid mo siya sa Chase." Utos ni daddy.
"Joachim.." pagpigil ni mommy.
"Hindi mo ba ako narinig, Chase?" Matigas na tanong ni daddy.
Naging hudyat 'yon nang paglapit ni Simon sa akin. Nilahad niya ang kanyang kamay at walang alinlangan ko 'yong tinanggap. Sumunod ako sakanya palabas at ginawa ko ang lahat para wag tumalikod. Hindi ko ata kakayanin na makita silang lahat na pinapanood akong umalis.
"Let's go." he breathed.
Inalalayan niya akong sumakay sa loob ng sasakyan niya at siya mismo ang nagsuot sakin ng seatbelt. Sandali niya akong tinignan bago sinara ang pintuan. Mabilis siyang lumipat sa driver's seat at tinahak na ang daan papunta sa orphanage.
Hindi ko mapigilan ang lumingon at parang pipigain sa sakit ang puso ko nang makita na nakatanaw sa labas ang mga tinuring kong kapatid at pinsan.
"Don't look back." Ani Simon.
"I'll miss everyone." Saad ko.
"Don't worry, isasama ko sila doon." Aniya.
Napangiwi ako at binalingan siya.
"Seryoso ka ba diyan?"
"Yeah, kailan ba ako nag biro?" May halong tukso ang wika niya
Naramdaman kong gumaan ang pakiramdam ko. Bahagya siyang ngumiti sa akin at mas napanatag ako dahil doon. Sumandal ako ng maayos sa upuan at pinagmasdan lamang siya.
Bawat anggulo ng mukha niya at tinitigan ko.
"Simon.." tawag ko sakanya.
Bahagyang tumaas ang sulok ng kanyang labi.
"Hm?"
"Paano kung ayaw kong sumunod ka?"
"Then I will still go." Aniya.
"Wag, Simon. Please. Don't." Banayad kong sabi.
"Why? You don't want to be with me?"
Umiling ako.
"I want to find my identity, Simon. Hindi ko magagawa 'yon kung nandoon ka. Lagi kitang iisipin at hahanapin. Gugustuhin ko nalang na makasama ka at hindi 'yon ang gusto mangyari ngayon. Nakakatawa diba? Nahahati ang sarili ko. Gusto kong makasama ka pero gusto rin na gawin 'to mag-isa. Gusto kong makilala si Tulip, hindi bilang Montgomery o kahit bilang Cruz man. Si Tulip lang.. kung sino ako at kung ano ang kaya kong gawin. I don't want to drag you into this, I want to come back and tell you that I did it. I want you to see my progress, I want you to see that I found what I'm looking for.."
I slightly smiled.
"I need to let go to continue holding you in the future." Saad ko.
"Tulip, you don't need to do that." Aniya.
"No, I need to. I want to." Desidido kong saad.
"You're Tulip. What's there to find?" Frustrated niyang tanong.
Kita kong gusto niyang itigil ang sasakyan pero hindi niya ginawa. Malungkot akong ngumiti dahil doon, alam kong naiintindihan niya ako kahit na hindi niya sabihin.
"Yun nga. I'm Tulip, then what?"
I felt the empty feeling inside me.
"How long?"
He reached for my hand. Tinanggap ko 'yon at mahigpit na hinawakan. Halos memoryahin ko ang bawat pakiramdam na nararamdaman ko sa bawat paghigpit ng hawak niya.
"Don't count. Tatagal." Saad ko.
"Kaya mo?"
Lumingon siya sandali sa akin bago binalik ang tingin sa harap.
"I know I'm for you and no one can change that. Ang tinakda ng Diyos ay mangyayari, nakatakda ako para sa'yo kaya alam kong kahit pahabain man natin 'to, isa pa rin ang kahahantungan nito." Saad ko.
It's good to say this to him without fear.
"I'm for you and you're for me?"
"I'm for you. You are for me." Paninigurado ko.
Nanahimik siya at pinagpatuloy nalamang ang pagmamaneho. Ako naman ay mahigpit lamang na hinawakan ang kamay niya at hinayaan lang ang sarili kong titigan siya.
Ngayon ko lamang siya muli natitigan ng matagal pagkatapos ng limang taon na lumipas. He's not the Simon that I know before, I know something changed. Right now, he is the man I am destined to love forever.
He is my Simon.
I'll work hard to be his Tulip.
Pinarada niya ang sasakyan sa harapan ng orphanage at naunang bumaba sa akin. Mabilis niya akong pinagbuksan ng pintuan at inalalayan bumaba. Akmang sasama pa siya sa akin sa loob nang hawakan ko ang braso niya.
"Go back, kailangan ka na doon. I can manage." Saad ko.
"Hahatid lang kita sa loob."
Umiling ako.
"Pag pumasok ka pa sa loob, baka hindi ko mapanindigan ang mga sinabi ko kanina lang."
"Then that's good."
Napangiwi ako.
"Fine."
He stepped closer and embraced me with his might. I felt his lips brushed in my forehead down to the tip of my nose and finally at my lips.
Parang sasabog ang puso ko nang maramdaman kong dumampi ang labi niya sa akin. It was soft and careful. The kiss could make the time stop as what it did with my heart. Parang tumigil ang lahat at ang lakas ng pintig ng puso ko ang tanging naririnig ko. Bawat pag-galaw ng labi niya sa akin ay ang pag-akyat ng dugo sa katawan ko.
Marahan kong pinikit ang mga mata ko at dinama ang pag-galaw ng kanyang labi sa akin. Naramdaman kong umapaw lahat sa akin, mula sa pinaka malungkot na parte ng puso ko hanggang sa pinaka masaya. His hands encircled my waist and pulled me closer to him. He savored my mouth like it was the last thing he wanted me to remember.
Lumayo siya sa akin at pinagdikit niya ang mga noo namin.
"I love you." He whispered.
"I love you too." I whispered back.
"Goodbye?" Tanong niya.
Umiling ako at matamis na ngumiti.
"No goodbyes. See you."
Bahagya siyang ngumiti na lalong nakapag-pangiti sa akin. Wala na akong hihilingin sa mga panahong 'to kung hindi ang makita siyang nakangiti.
"Nasisilaw ako." Reklamo ni Friz, ang pinsan ko.
Sinuot niya ang kanyang sunnies at bahagyang hinawi ang buhok niyang nagsitakasan.
"Sabi ko na sa'yo, dapat dinala mo yung cap mo." Saad ko.
"Akala ko kasi, darating agad si Kuya Nix. Ang bagal talaga mag maneho 'non." Pagmamaktol niya.
"Tinawagan mo na ba? Mag lulunch pa daw tayo." Saad ko habang tinitignan ang cellphone ko kung may nag text ba.
Nag-angat ako ng tingin nang may tumigil na kotse sa harapan namin. Napangiti ako nang makita si Kuya Nix at Kuya Reig doon. Hindi ko mapigilan ang matawa nang marinig ang pag buga ng hangin ni Friz.
Ngumiti si Kuya Nix sa gawi ko. Ang ngiti niya ay hindi masyadong nag kakalayo sa ngiti ni Tita Rose.
"Tagal niyo." Reklamo ni Friz at mabilis na hinila ako papasok sa loob ng sasakyan.
Bahagya ko pang natanaw ang malaking singnage ng Hollywood sa hindi kalayuan. Napangiti ako nang marinig ang boses ni Emy, hindi ko napansin na nasa loob din pala siya.
"Sorry, Friz. May dinaanan lang kami." Paghingi ng paumanhin ni Kuya Nix.
"Ano pa nga bang magagawa ko?" Bulong ni Friz.
"May sinasabi ka?" Sarkastikong tanong ni Kuya Nix at napatingin ako kay Emy dahil doon.
Bahagya siyang nagpigil ng tawa at ganon din ako.
"Wala, kuya. Sabi ko nga uwi na tayo." Ani Friz.
"Akala ko may sinasabi ka." Tudyo ni Kuya Nix.
Hindi na namin napigilan at napahagalpak na kami ng tawa ni Emy. Narinig ko rin ang mababaw na tawa ni Kuya Reig. Si Friz naman ay inis na inis at umirap nalamang.
"Ano ba kasi yung dinaanan niyo.. po?" Tanong ni Friz na parang linoloko pa si Kuya Nix sa pagiging magalang niya.
"Well.."
Bahagyang lumingon sa akin Kuya Reig at si Emy. Nagtaas ako ng kilay at ngumiti lamang.
"Ayos na ba yung mga paintings mo for your first exhibit?" Tanong ni Emy biglaan.
"Oo, bakit?"
"The family decided to do it in the Philippines." Ani Emy.
"What?" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Friz.
Napaawang lamang ang labi ko.
"Friz, bakit ikaw ang nag re-react? Ikaw ang mag e-exhibit?" Natatawang tanong ni Kuya Nix.
"Kainis! Wag na nga." Pagmamaktol ni Friz at humalukipkip nalamang.
Binalingan ko si Emy.
"Bakit?" Tanong ko.
"I don't know. They said, it's time to go back." Aniya.
Well established na ang Cruz dito sa Los Angeles at sa ibang lugar. Patunay dito na pati sikat na celebrities ay pumupunta tuwing exhibit at malalaki na ang bid sa bawat art piece na nalilikha namin.
Pinaplano na rin nilang ituloy ang pangarap ni mommy. Ang magkaroon ng sariling museum ang mga Cruz.
"Okay." Saad ko.
"Babalik na talaga tayo?" Hirit pa ni Friz.
"Ahuh." Ani Emy.
Natahimik ang lahat at wala na rin akong nasabi. Sumandal nalang ako at tumingin sa labas. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero isa lang naman ang pumasok sa isip ko nang marinig ang katotohanan na babalik na kami sa Pilipinas.
Si Simon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top