Chapter 52

Part ways

"This is your mom.."

Tinuro ni Tita Rose sa akin ang litrato ni mommy sa album na hawak-hawak niya.

Tita Rose is their other sibling. Apat pala silang magkakapatid. Babae silang lahat at pare-parehas na arts ang profession nila. Ikinwento nila kanina halos lahat ng kailangan kong malaman. They were really kind and very lively. Akala ko ay maiilang ako pero nagkamali ako.

Wala man lang akong naramdaman na pagkailang.

"She's beautiful.." rinig kong wika ni Simon sa tabi ko.

Napangiti ako at tumango.

"Just like you." He added.

Napangiwi ako at bahagyang tinignan siya.

"Bolero." Bulong ko.

"What? I'm not." Depensa niya.

His eyes glittered.

Ngayon, mas naiintindihan ko na. Why all these years, iba ang nakikita ko sa mata niya, sa mata nilang lahat. It seems like.. may mali. Sometimes I can't help but compare myself from them.

The courage, their will, confidence and the aura they emit..

I know I don't have those.

"Hindi pa daw na co-contact si Friz." Balita ni Tita Carmela kay Tita Rose.

Napayuko nalang ako at napatitig sa mukha ni mommy. Kamukhang kamukha ko nga talaga siya, from her eyes, hair and her body type. Parang ako lang talaga siya pero ang kaibahan lang namin ay ang bibig at hugis ng mukha.

I wonder if I got them from my dad..

"Nasaan na ba ang batang 'yon? Lagot talaga siya sa akin pag nalaman kong hindi siya sumabay kay Emy." Ani Tita Rose.

"Hayaan mo na, alam mo naman ang batang 'yon.. ngayon mo lang siya hinayaan lumabas kaya sinusulit." Depensa ni Tita Carmela.

Nawala ang atensyon ko sakanila nang mapansin ang isang family picture. Hindi ko maiwasan mapangiti nang mapagmasdan 'yon. Mukhang buo sila dito. Maybe it was taken from a reunion party.

"What are you thinking?" Tanong ni Simon sa akin.

His shoulder slightly brushed on mine. Nakiliti ang puso ko dahil doon pero may kaibihan na mula sa nararamdaman ko dati.

Ngayon, mas tanggap na ng puso ko ang nararamdaman ko para sakanya.. hindi tulad dati na puno ng ito ng takot at pangamba.

"Nothing.. it's just.. my heart is so mixed with different emotions. Malungkot dahil nalilito pa rin pero masaya dahil habang tinitignan ko sila.. when I get to look at their eyes.. parang magiging okay lang lahat." Mahina kong wika.

Nilingon ko siya at malungkot na tingin ang ginawad ko sakanya.

"Is it wrong to feel like this?" Tanong ko.

He slightly smiled and shook his head.

"Of course not.." he traced.

"Gusto mo na ba umuwi?" Hindi ko maiwasang itanong sakanya.

Ngayong tinitignan ko siya ng mabuti, hindi ko maiwasan ang maguilty dahil parang puyat na puyat siya. His eyes look so tired and I can't help but to feel guilty.

"No, I'm okay. I'll wait for you." Panigurado niya.

"Are you sure?"

He stopped for a second. Mataman niya akong tinignan at ngumisi ng bahagya. Lumapit siya sa akin ng konti at parang manliliit ako sa tingin niya.

"I love you." Biglaang sabi niya.

"Hah?"

Kumawala ang mahinang halakhak sakanya.

"Nothing, tinitignan ko lang reaksyon mo." Aniya.

"Anong reaction?"

"Dati, pag sinasabi ko sa'yo yan, fear will always be evident in your eyes but right now, I can't help but to feel happy that I can't see that anymore." Ngiting wika niya.

Nag-init ang aking pisngi sa sinabi niya.

"Ewan ko sa'yo." Hiyang wika ko sabay irap.

"Friz called, hindi na daw niya kasama si Emy. Umuwi na daw po siya." Saad ng kapapasok na Reig.

"Buti naman.." ani Tita Rose.

"Reig, did you call your sister already?" Rinig kong tanong ni Tita Carmela.

"Yes ma, pauwi na daw si Emy." Ani Reig.

He was talking about Jeremy.

"Tell her to go straight home." Ani Tita Carmela.

It's nice to call her Tita. Siya mismo ang nag-alok sa akin na tawagin ko siya non.

"Okay." Tipid na sagot ni Reig.

Tumalikod siya at lumabas ng opisina.

"Monique.. I mean, Tulip." Tawag ni Tita Carmela sa akin.

Inabot niya ang kamay ko at marahang hinawakan. Pinisil niya 'yon at mainit na ngiti ang ginawad niya sa akin. Nakaupo kami ngayon sa loob ng office niya sa building na nalaman kong sakanila pala talaga. Kasama din nila ang isa pa nilang kapatid, kaya pala medyo hawig niya si Tita Carmela.

Tita Rose told me that she met the Montgomery clan way back. Sinong mag-aakala na ganon kaliit ang mundo para pagdugtong-dugtongin ang mga buhay namin.

"Gusto lang namin malaman mo na.." panimula niya sabay lingon kay Tita Rose.

Tinanguan niya 'yon.

"We will enter the international market soon and with that, we want to move temporarily in L.A." Panimula ni Tita Rose.

Napaawang ang aking labi sa narinig.

"Alam namin na hindi mo magagawang iwan ang pamilya mo dito kaya hindi ka namin pipilitin, we can always keep in touch and once in a while.. uuwi naman kami. As much as we want to take you, alam namin na hindi ka namin pwedeng biglain." Paliwanag ni Tita Rose.

"Gaano po kayo katagal doon?" Tanong ko.

"Maybe until we get the recognition. After some exhibits and some fashion shows.." walang kasigaraduhan niyang sagot.

"It's okay, wag mong isipin 'to. Sinasabi lang naman namin 'ton dahil gusto namin maging involve ka sa pamilya. Gusto namin malaman mo ang mga plano." Ani Tita Rose.

"Sasama po ako." Deretso kong saad.

"What?"

"Monique.."

"Tulip." Matigas na tawag sa akin ni Simon.

Napakagat ako sa aking labi. Pinigilan kong lingunin siya at tinuon ang tingin ko sa gulat na gulat na Tita Rose at Tita Carmela.

"Sasama po ako. Isa po sa mga natutunan ko sa mundo ang katotohanan na maikli ang buhay. I lost my mom without even seeing her. The least that I can do it to try, subukan na makilala kayo." I breathed.

Parang may pumisil sa aking puso sa sariling sinabi.

I need to be brave. Kailangan ko 'tong gawin para sa sarili ko. Ang butas sa puso ko ay patuloy na lalaki kung hindi ko 'to gagawin. Kailangan kong ayusin ang buhay ko dahan dahan.

"Pasensya na po, ayoko pong maging bastos pero kailangan ko na pong umalis." Ani Simon.

Wala siyang hinintay na sandali at mabilis na tumayo. Napasinghap ako dahil doon. Napatayo din ako at ganon din sila tita. Tuluyang lumabas si Simon ng hindi man lang ako tinitignan.

"Tita, babalik nalang po ako bukas. Maraming salamat po pala." Saad ko.

"Oo naman.. mag ingat kayo." Ani Tita Carmela kahit na mukhang litong lito pa.

"Ingat kayo.." ani Tita Rose at sandaling yinakap ako.

Tumango ako at nag madaling hinabol si Simon. Lakad-takbo ang ginawa ko at mabilis na hinablot ang braso niya nang marating namin ang bukana ng building. Kita ko ang inis sa mukha niya at ang bahagyang pag-igting ng panga niya.

Bumigat ang puso ko at marahang hinanap ang kamay niya. Pinisil ko 'yon at mahigpit na hinawakan.

"Talk to me.." puno ng pagsusumamo kong wika.

"What do you want me to say? May magagawa ba ako? Magagawa ba kitang pigilan? Do I have any say on your decisions?" Puno ng hinanakit niyang wika.

Natigilan ako sa kanyang sinabi. Hindi ko akalain na ganito ang naiisip niya. Hindi niya ba alam na sobrang importante niya sa akin? Hindi niya ba alam kung anong kayang idulot ng isang salita niya sa akin?

"Simon, nakikita mo naman yung sitwasyon diba?"

Mariin siyang pumikit sandali bago ako tinignan gamit ang nanunubig niyang mga mata.

"Yes.. but, paano ako? Naisip mo man lang ba kung anong reaksyon ko dito? Hindi ko na kakayanin. Hinayaan kong mahiwalay sayo ng limang taon sa dahilan na pinoprotektahan kita at ang pamilya pero ito? Hindi ko na kakayanin. Ikaw ba? Kaya mo ba?"

"Paano ang pamilya na kailangan kong kilalanin, Simon?" Hirap na hirap kong wika.

"Bullshit." Matigas niyang wika.

"I'm so tired of this."

Inalis niya ang kamay kong nakahawak sakanya at tinalikuran ako.

"Let's go home. Let's tell the family about your decision." Aniya atsaka nauna sa aking umalis.

Dumiretso siya sa sasakyan niya. Nakuha niya pa akong pinagbuksan ng pintuan. Sumakay ako doon at malungkot na tinignan siya pero sinara niya lang ang pintuan at dumiretso sa driver's seat.

Mabilis niyang pinaandar ang kotse at kita kong tinatahak na niya ang daan pauwi sa amin. Ilang beses kong sinubukan na kausapin siya pero nawawala ang lakas ng loob ko pag nakikita kong kumukunot ang noo niya.

"Simon.." marahan kong tawag sakanya.

Hindi niya ako pinansin at nanatiling nakatuon ang atensyon sa daan.

"Mahal kita." Lakas loob kong wika.

Kita ko ang bahagyang pag-lambot ng ekspresyon niya. Napangiti ako at napabuga ng hangin.

"Tinanong mo ako kanina kung kaya ko ba? Sobrang hirap Simon. Mahirap kasi ang dami kong kailangan gawin sa sobrang ikling oras na pakiramdam ko meron ako. I want to know them, lahat sila at kailangan kong gawin 'yon ngayon.." pagsubok kong paliwanag.

"Then what about me? We lost five years already." Aniya.

"We have our forever, Simon." Saad ko.

Kahit gaano pa ka-corny, kung mapapanatag naman siya ay handa kong gawin lahat. Ayokong may mawala pa sa buhay ko. Hindi ko kailangan i-sakripisyo ang meron kami para sa gusto kong tahakin. I know that I can have both.

Kita ko na natigilan siya.

"Ayoko." Aniya.

"Simon.."

"Ayoko. Hindi pwede sa akin 'yan. Kung kailangan kong sumunod sa'yo doon, I will."

"Wag mong gagawin 'yan. Kailangan ka ng pamilya dito." Pagpigil ko.

"I don't care. This is the Montgomery way, Tulip. You can wait? I can't. I'll do it my way. Gawin mo ang gusto mo, hanapin mo ang sarili mo at kilalanin ang buong pamilya mo but I won't let that hinder us."

Pinagtiim ko ang aking mga labi at piniling manahimik nalang. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa harap, naniniwala ako na hindi makakatulong ang pagsasalita ko ngayon. Parehas kaming may ibang pinaniniwalaan ngayon at kailangan kong intindihin ang nasa isip niya.

"We're here." Aniya at naunang lumabas.

Mabilis niya akong pinagbuksan ng pintuan at medyo nawala ang bigat sa puso ko nang makita ang bahagyang ngiti sakanyang labi. Lumabas ako at linahad ang kamay ko sakanya.

Tinitigan niya 'yon at bahagyang napahawak sa batok niya.

"I should be the one to reach for your hand." Aniya.

"This is Cruz's way." Pigil tawa kong wika.

"Oh, I like that." Aniya.

Inabot niya ang kamay niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming pumasok sa loob ng gate, hinihintay kong makaramdam ako ng kung ano pero hindi ganon ang nangyari.

Hindi ko alam kung dahil ba kay Simon o sadyang magaan nalang ang nararamdaman ko ngayon.

"Tulip is here! Gosh! I told you! Simon would find her! Babalik siya dito!" Rinig kong malakas na wika ni Alice.

Ng-angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang pababang mga pinsan ko. Nangunguna si Alice sakanila at mabilis siyang yumakap sa akin. Mahigpit 'to at bahagya akong natawa dahil doon.

Sa likod ng aking pagtawa ay ang mainit na kamay na humahaplos sa puso ko. I can feel the emotions flowing through me.

"We missed you." Ani Gelo sabay tapik sa aking balikat.

"Ako naman!" Ani Agatha sabay subok na ilayo si Alice sa akin.

"Gosh! I missed you." Naiiyak na wika ni Alice nang bitawan ako.

Sumunod na yumakap sa akin si Agatha. Sinubukan ko siyang gantihan ng yakap pero masyadong mahigpit ang hawak sa akin ni Simon.

"I was so prepared to shoot Dos, Tul. Kung hindi ka naibalik ni Simon dito, I'll shoot him." Inis na wika ni Agatha.

Lumayo siya sa akin at matamis na ngiti ang ginawad ko sakanya.

"Thank you for everything Agatha." Saad ko.

She was one of the reason why I have so much courage before despite knowing that me and Simon will never be allowed to be together.

"I'm really sorry, Tul." Rinig kong wika ni Dos.

Binalingan ko siya ng tingin at kita kong nasa pinakalikod siya. Ngumiti ako at marahang tumango. I was never angry to him, naiintindihan ko naman kung saan siya nanggagaling.

"Will you be back for good?" Tanong ni Kuya Carl.

He reached for me and slightly hugged me.

"Alisin mo kamay mo, Sy. Give us a chance bro." Singit ni Clyde na sinusubukan sumingit sa pagitan namin ni Simon.

Simon hissed.

"Go away." Aniya at mas lalong lumapit sa akin.

Binalingan ko muli si Kuya Carl.

"No Kuya.." sagot ko.

Sandaling natahimik at walang sumubok na mag-komento sa sagot ko. Narinig ko ang paghikbi ni Alice sa gilid ko at nakita kong yinakap siya ni Uno.

Napayuko at napakagat sa aking labi.

"You'll part ways from us?" Tanong ni Kuya Adrian.

"Not with me." Agad na singit ni Simon.

Binalingan ko ng tingin si Simon at kibit-balikat lamang ang ginawad niya sa akin.

"Atleast you're back. 'Yun naman ang importante. Surnames don't matter. Distance don't matter. Basta para sa akin, you're part of the family." Ani Kuya Carl.

"Kuya.."

Nagbadya ang mga luha ko dahil sa narinig mula sakanya.

"You will always be our very own Tulip Montgomery." Dagdag ni Adrianna.

"Group hug!" Sigaw ni Uno.

Mabilis silang lumapit sa amin ni Simon at yinakap kaming dalawa. Bahagya pa akong natawa dahil napitpit talaga kami ng todo. Nagsituluan ang mga luha ko pero hindi maalis ang ngiti sa akin.

"Wag kang maarte diyan, Dos. Lumapit ka na dito. Barilin kita." Ani Agatha sabay hila kay Dos para makayakap.

Lalong lumawak ang ngiti ko at hinilig amg ulo ko kay Simon. Hinayaan kong damhin ng puso ko ang init ng yakap at pagmamahal nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top