Chapter 51

Monique

"Tulip? Ayos ka lang ba?"

Parang nabingi na ako sa mga sumunod na sinasabi ni Sister Martha. Wala na akong ibang naririnig kung hindi ang lakas ng pintig ng puso ko.

Nanghina ang aking mga tuhod kaya kusa akong napa-upo sa sahig. Hindi ko alam kung para saan ang bigat ng puso ko at ang pag hagulgol ko. Damang dama ko ang halo-halong emosyon.

"Tulip! Anong ginagawa mo?" Hysterical na saad ni Sister Martha.

Mabilis niya akong tinayo at hinawakan ng mahigpit sa kamay.

"Sister.." hikbi ko.

Hinanap ko ang kanyang mga mata. Tuloy-tuloy lamang sa pagluha ang aking mga mata at kita ko ang pag-aalala sakanya.

"We saw her and that very moment.. she smiled, alam namin non na masaya siya. Ang pamilyang kinabibilangan niya ay hindi matatawaran. Mahal na mahal siya ng pamilyang 'yon at kayang ibigay lahat sakanya. Kahit na gustong gusto namin siyang makasama, mas nangingibabaw pa rin ang takot namin na masaktan siya. Isa pa, alam kong darating din ang panahon na 'yon. Tadhana mismo ang magbabalik sakanya sa amin."

Carmela Cruz's voice echoed inside me. Bawat ngiti niya noong araw na 'yon ay bumalik sa akin. Kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko sakanya. Kaya pala kung tignan niya ako ay parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.

Even Reig's eyes flashed inside me, ngayon ko lang naintindihan. The feeling of looking at the mirror everytime I looked at his eyes is not coincidence.

It's because I can see my own eyes from him.

"Sister.. I found my family." Hikbi ko.

Namilog ang kanyang mga mata at sandaling natigilan.

"Sabi ko na nga ba, Diyos ang gagawa ng paraan para magtagpo ang mga landas niyo." Hindi makapaniwalang wika niya.

Mabilis niyang pinunasan ang mga luha ko. Malungkot siyang ngumiti sa akin at pinakatitigan ako sa mukha.

"Masaya ako para sa'yo. Isa sa mga pinagdadasal ko ang kasiyahan mo at kung mapapasaya ka ng totoo mong pamilya, wala na akong ibang hihilingin pa kung hindi sana makasama mo sila. Puntahan mo sila. Hanapin mo ang nawawala sa'yo."

Sandali akong mariing pumikit. Dinama ko ang paninikip ng aking dibdib at ang mainit na palad na bumabalot sa aking puso.

Tumango ako.

Nagmulat ako ng mata at ngumiti. Umagos muli ang luha sa aking mga mata at unti-unting binitawan ang kamay ni Sister Martha. Tumalikod ako at mabilis na kinuha ang cellphone ko. Hinanap ko ang pangalan ni Simon sa contacts ko at pinundot ang call button sa tabi ng numero niya.

Mahigpit kong hinawakan ang singsing sa aking kamay.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang wala man ilang segundo ay agad niyang sinagot ang tawag.

"Simon.. can you please go back here--"

"I'm on my way. Wait for me." Aniya at mabilis na pinatay ang tawag.

Nanglambot ang aking puso.

Mabilis akong lumabas at tinungo ang gate ng orphanage. Hinintay ko doon si Simon habang pinapakalma ang sarili. Hindi naman nagtagal ay nakita ko agad ang humaharurot na sasakyan niya. Mas lalo akong naging emosyonal dahil doon.

Hindi ko akailan na may makakatulong pa pala sa akin. I thought I was all alone but here he is, proving to me his promises years ago.

Promises that I thought will never be kept.

Mabilis niyang tinigil sa aking harapan ang kanyang kotse at lumabas doon. Lumapit siya sa akin pero bago pa siya tuluyang makalapit ay tumakbo na ako papunta sakanya.

Mabilis ko siyang yinakap at agad naman niya akong yinakap pabilik. Napahagulgol ako sakanyang bisig. Ibinuhos ko lahat ng sakit at iba't ibang emosyon na nararamdaman ko. Pinulupot ko ang aking braso sakanyang leeg habang siya ay yinakap ako mula sa aking bewang.

Dinama ko lamang ang init ng yakap niya sa akin. Sa dami ng nangyayari sa buhay ko, ang sarap nalang bumigay. Ang sarap sumuko nalang at kalimutan ang lahat pero tuwing nakikita ko siya, nagkakarason ako para lumaban.

When I see him, everything is making sense again.

"What happened?" He whispered.

Umiling ako.

"Simon.. hindi nila ako iniwan. Hindi nila ako sinadyang iwan dito. My family loves me. They love so much but circumstances didn't let them enter my world."

Huminga ako ng malalim dahil nagbabara na ang lalamunan ko sa kakaiyak.

Hindi ko lubusang maisip na sobrang lapit ko na sakanila dati. Nasa isang organization ako kasama si Jeremy habang ilang beses ko na rin nakausap si Reig. I was with them.. I was studying on the same school as them but because of my personal issues, it's like I was too distracted to realize things.

I was too in love to realize things.

"What?" Mas humina ang kanyang boses kung may ihihina pa ito.

"I found them.."

Hinigit ko ang aking hininga.

"Reig Cruz is my cousin." Tuluyan kong sabi.

Naramdaman ko na natigilan siya sa narinig. Dahan-dahan akong lumayo sakanya pero nanatili ang kamay niya na nakapalibot sa aking bewang. Pinunasan ko ang mga luha ko at hinarap siya.

Ako naman ang natigilan nang makita ang malungkot niyang ekspresyon. Nanikip ang dibdib ko nang makitang dumaan ang sakit sakanyang mga mata.

"Simon.."

"The day I was dreading is finally here." He breathed.

Maingat kong inangat ang kamay ko at inabot ang mukha niya. Marahan ko 'yong hinawakan at malungkot na ngumiti.

"Why are you sad? You should be happy for me, right?" Tanong ko.

Napakagat ako sa aking labi.

"I'm afraid that you'll turn your back on us. Honestly, right now, I don't care about your family nor our family. I'm so tired to think about them. I'm so tired to put their happiness first. Yes, I'm bad for saying this but I'm willing to be the worst just for you. Damn cliche. I can hear Uno laughing at me." Puno ng emosyon niyang wika pero hindi niya naiwasan na mapangiti sa huli niyang sinabi.

Ganon din ako..

Napangiti dahil sa pagngiti niya.

I'm so overwhelmed. Ano bang nagawa ko para ibigay siya sa akin ng Diyos. He is so good to be true. I can remember him being an eye candy for all of his batchmates.

Naiinis pa nga ako non. Naisip ko noon na dahil siguro ayoko lang talaga sakanya pero hindi pala, ngayon ay narealize ko na.. my love for him was there already.

I was just too denial to realize.

"I won't turn my back on you nor the family. Pero nai-intindihan mo naman diba? Hindi lang 'to tungkol sa pamilya. This is about me finding myself again. This is about me loving myself again. Konti-konti, nahahanap ko na ang rason kung bakit nga ba ako nandito."

Tumango siya at bahagyang ngumiti. He leaned closer to my palm and he tried to feel my touch. Hinaplos ko ng marahan ang kanyang pisngi at pinagmasdan ang mga mata niyang malambot ang tingin sa akin.

He slightly kissed my palm and I felt thousands of volts ran through me.

"If this is important to you then it is for me too.." he traced.

Humiwalay na siya ng tuluyan sa akin at linahad ang kanyang kamay. Napatingin ako doon at bahagyang napangiti.

"Let's go. Let's find them." Aniya.

"Hindi ka ba hahanapin nila mommy?" Hindi ko mapigilan itanong.

"I told them that I'm gonna look for you and that they can't stop me because I'll turn the world upside down if they try to." Aniya sabay ngisi.

Napangiwi ako dahil doon. Tinanggap ko ang kamay niya at mahigpit na hinawakan 'yon. Sabay kaming pumunta sa kotse niya at pinagbuksan niya ako ng pintuan.

Sumakay ako at pinagsiklop ko ang mga kamay ko. Unti-unti kong naramdaman ang kaba. May kung anong nangyayari sa puso ko habang iniisip ko na makikita ko na sila. Liningon ko si Simon na nakangiti habang nakatingin sa akin. Ngumisi siya at bahagyang pinsil ang kamay ko bago sinara ang pintuan.

Lumipat siya sa driver's seat at agad na pinaandar paalis ang kotse. Pinaglaruan ko ang aking mga daliri na naging dahilan siguro kaya inabot niya ang kamay ko. Pinagsiklop niya ang aming mga daliri at mahigpit na hinawakan 'yon.

Kumalma ako ng konti dahil doon.

"Alam mo ba kung saan yung sarili nilang building tuwing nag exhibit sila?" Tanong ko.

"Yeah, Agatha told me everything when she stayed at Argao. Don't worry, I won't stop till you see them."

Tumango ako at marahang ngumiti. Sumandal ako at hinayaan ang sariling panoorin ang bawat nadadaanan namin. Habang unti-unti akong nagiging pamilyar sa dinadaanan namin ay bumibilis din ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung paano nangyari o bakit pero pakiramdam ko ang bilis ng naging byahe. Nakita ko nalang ang sarili kong pababa ng kotse ni Simon habang tanaw na tanaw ang labas ng building na 'yon. Magbabakasakali lang naman kami kung nandito ba sila. Pinarada ni Simon ang kotse sa hindi kalayuan kaya tanaw ko ang kabuo-an ng lugar.

Nanginginig ang kamay ko habang inaabot ang leeg ko pero bago ko pa 'to tuluyan mahawakan ay kinuha na ni Simon 'yon at mahigpit na hinawakan.

"Stop getting nervous. You'll see your family and not just any stranger." Aniya.

Tumango ako kahit na hirap. Napakagat nalang ako sa aking pang-ibabang labi.

"So your family is artistic." Puna niya.

"Yeah.." sagot ko habang nakatanaw sa pintuan ng building.

"I'm gonna look for them." Alok ni Simon pero kusa siyang pinigilan ng mga kamay ko.

Pinanuod ng mga mata ko ang palabas na si Carmela Cruz kasama ang isa pang babae at si Reig. Nag-uusap sila at bahagyang nagtatawanan pa habang sinasara ang pintuan ng building.

Napaayos ako ng tayo at napalunok. Hinawi ni Carmela ang buhok niya kaya nakita ko ang singsing sa daliri niya. Hindi maiwasan ng mga mata ko na hanapin din ang pagmamay-ari ng babae kaya hinanap ko 'yon at hindi ako nabigo.

I wonder who she is.

Meron din siya 'non at dumapo ang mga mata ko sa kamay ni Reig at hindi din ako nabigo. Nakakatuwa makita pero nakakapangilabot din. Napatingin ako sa mahigpit kong hawak at binuksan ang palad ko. Kusa kong sinuot ang singsing at bahagyang kumirot ang puso ko.

Gusto ko malaman kung ano ang nasa isip ng ina ko noong mga panahon na ginagawa niya ang simbolong 'to.

It's so meaningful..

Pumunta sa likuran ko si Simon at humawak sa likod ko. Kita ko na nakuha ko ang atensyon nila nang mapabaling sila sa akin at natigilan sila nang makita ako. Naramdaman ko nanaman ulit ang paninikip ng dibdib ko at ang pagkabuhay ng lahat ng dugo sa aking katawan.

Nagtama ang mga mata namin ni Carmela Cruz.

Mas pamilyar na ang nararamdaman ko. Mula sa pagkakapareha ng mata namin hanggang sa ngiting ibinigay niya sa akin pero nang tumulo ang mga luha sa mata ko ay napatakip siya ng bibig. Nanatili lamang ang mga mata kong nakatingin sakanya. It's like our eyes were talking.

Habang tumatagal akong nakatingin sakanya mas lalo akong napapaiyak. I can't believe that this day will come. Yung parang, nagkasaysay lahat. Nararamdaman ko sa puso ko ang pagtawag sakanila. Damang dama ko 'yon. I don't feel weird at all.

I find peace.

"You look just like her.." Bulong ni Simon.

"She is my mom's sister." I breathed.

"The eyes.." hindi makapaniwala niyang wika.

"It's amazing right. I was so blind to see this." Saad ko.

"Go.." Simon whispered.

Sa sinabing 'yon ni Simon ay hudyat din ng paglahad ng kamay ni Carmela Cruz sa akin. Napahikbi ako at tinakbo ang distansya naming dalawa. Mabilis akong yumakap sakanya at parang batang umiyak nanaman sa bisig niya.

Kailan kaya mapapagod ang mga mata ko sa kakaiyak. Kanino kaya ako nag mana sa ganitong pag-uugali? Who do I resemble the most? Parang kahapon lang, naiisip ko na baka hanggang tanong nalamang ang mga 'to pero ngayon ay hindi na ako natatakot mag tanong dahil alam kong nahanap ko na ang sagot.

Naramdaman ko ang pagtapik sa akin sa likod. Nag-angat ako ng tingin at kahit nanglalabo ang mga mata dahil sa iyak ay nakuha ko pang makita si Reig na nakangiti at ang mangiyak ngiyak na babae.

"Monique.." Carmela Cruz called me.

Something stirred inside me.

"Your mom will be proud of you." She whispered.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top