Chapter 5
Better
Inhale, exhale.
Ilang ulit akong huminga ng malalim habang pinapakiramdaman ang sasakyang gumagalaw. Tahimik na rin at sa palagay ko ay nakatulog na si Gelo at Simon sa tabi ko. Kanina pa ako gising pero hindi ko makuhang mag mulat ng mata.
Hinintay ko pang makatulog ang dalawang katabi ko dahil siguradong pag gumising ako ay mababalik na naman ang walang kwentang topic namin.
"Oo, malapit na kami. Ihahatid ko muna ang dalawang magkapatid." Rinig kong wika ni Kuya Adrian na nasa driver's seat.
Bahagya kong minulat ang mga mata ko at pinikit-bukas pa ang mga 'yon ng ilang mga beses bago ko tuluyang makita kung sino ang nasa harapan ko. Nakasandal ako sa upuan habang naka harap ang mukha ko sa kaliwa kung nasaan ang kapatid ko.
Si Simon.
Halos lumabas ang mga mata ko dahil sa pamimilog nito. Hindi ko inaasahan ang bumungad sa akin. Naka sandal din siya sa upuan habang naka harap sa akin. He is only an inch apart from me. I can see his closed eyes down to his perfect nose and very..
Stop.
I'm being my art self again. Nagiging descriptive ako masyado. Maybe, this is me, being artistic.
I'm an artist..
Yeah, right.
"Yup, sumakay sa akin si Simon at Tulip. They're sleeping. Nasa village na nila ako, don't worry. See you, twin." Ani Kuya Ad.
I conclude he's talking to Adrianna.
Bahagya akong sumilip sa pwesto niya at mabilis akong pumikit nang sumulip din siya sa amin. Napalunok ako at bumilis ang tibok ng puso ko. I don't know why I'm being like this.
Ano naman kung gising na ako? Damn.. I was just following my intuition.
Tulip! Umayos ka nga! 'Yan ba ang dulot ng bagong gising?
Habang nakapikit ay kinapa ko ang bag ko pero kumunot ang noo ko dahil hindi ko nakapa 'yon. Mabilis akong nagmulat ng mata dahil sa takot na nahulog 'yon. Babasagin ang bote ng perfume ko at nasa pinaka ilalim 'yon.
Ayaw ko naman na matapon 'yon dahil 'yun ang unang regalo sa akin ni Simon. I'm an artist so I'm very sentimental. Sa buong buhay ko ay isang beses palang niya ako binigyan ng regalo at ito ay noong debut ko. It was my favorite perfume, kailangan pang order-in 'yon para makakuha.
"Simon.." I breathed.
Sa pag mulat ko ng aking mga mata ay sumalubong sa akin ang mga mata ni Simon. He's awake now pero ganon pa rin ang pwesto niya tulad ng kanina.
He's still an inch away and the position is not helping me to think properly. Naging malalim ang pag hinga ko sa hindi malamang dahilan.
Hindi ko alam na nakaka tanga pala ang makaharap siya ng ganito. Hindi ako sanay na makatabi siya ng ganito, mostly ay si Clyde ang katabi ko tuwing may family outing o nasa sasakyan kami. Sa mga babae naman ay si Adrianna.
Hindi ako umiwas ng tingin dahil gustong gusto ko makita ang pag lambot ng tingin niya sa akin. He's very hard most of the time so I really like seeing him genuine everytime he looks at me or any member of the family.
"Tulip.." bigkas niya sa pangalan ko.
Para akong kikilabutan sa pag banggit niya non. His stares are giving me the creeps and I don't know why. Maybe because he's too serious right now. He's an open book but right now, I can't read him.
I just can't.
Hindi ko maintindihan ang malambot na tinging 'yon. May halong emosyon doon at hindi ko rin alam kung anong ibig sabihin non. Mas naguluhan pa ako nang mamula ang tenga niya.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong rason ng pamumula ng tenga niya. Simula bata kami ay ganon na siya, tuwing nakakaramdam siya ng sobrang emosyon ay pati tenga niya nag re-react.
"Nandito na tayo. Gising na.." rinig kong wika ni Kuya Ad.
"We're home." Pabulong kong wika.
Hindi siya sumagot at nanatiling deretso ang tingin niya sa akin. Tinging hindi mo maiintindihan. Galit pa rin ba siya sa akin? Naiinis pa rin ba siya? Tagos sa kaluluwa ang tingin niya at hindi ko kayang harangan 'yon.
"Hey.." narinig ko ang pag bukas ng pintuan sa tabi ni Gelo.
"Hm.."
Umarte ako na parang bagong gising. Umayos ako ng upo at kunyari at kinusot kusot pa ang mga mata ko. Damn! Kay Alice field ang pag arte pero ito ako at na a-adopt na 'yon.
I'm sorry Alice.. ikakahiya mo ako pagkatapos mong makita 'tong fail acting ko.
"Yung bag mo nasa baba. Baka matapakan mo." Bilin sa akin ni Kuya Adrian.
Tumango ako at ngumiti. Sinuklayan ko muna ang buhok ko dahil sa takot na mukhang bird's nest na 'yon bago ko kunin ang bag ko na nahulog sa baba.
"Ako na."
Bago ko pa makuha 'yon ay mabilis na hinablot 'yon ni Simon at binuksan ang pintuan sa tabi niya. Dere-deretso siyang lumabas at hindi man lang ako hinintay.
Napa buntong hininga nalang ako dahil sa naramdaman kong lungkot. Bakit ganito ang relasyon ko sakanya? Ang gulo gulo.. minsan okay, madalas ay hindi.
Hanggang kailan ba ganito?
"Anong problema non?"
Napalingon ako kay Gelo na inaayos ang buhok dahil bagong gising din. Malungkot akong ngumiti at umiling.
"Hindi ko alam." I honestly said.
"Hayaan mo na.. ganon lang yon kasi bagong gising." Aniya.
Tinapik niya ang balikat ko kaya lumawak ang ngiti ko.
"Okay.. 'yun nalang ang iisipin ko." Natatawang wika ko.
Lumabas na ako ng kotse at humarap muli sakanila.
"Thank you! See you tomorrow!" Bati ko sakanila at sinara na ang pintuan ng kotse.
Tumuloy na ako sa loob ng gate namin at tinungo ang loob ng bahay namin. Tahimik sa buong bahay lalo na at wala sila mommy at daddy. Kuya Carl is in his room for sure. Clyde? I don't know.. maybe in his room too.
Simon? Malamang nasa kwarto na rin niya. Pero.. yung gamit ko!
Mabilis akong umakyat pataas ng hagdan. Naramdaman ko na rin ang gutom pero hindi ko na muna pinansin 'yon. Gusto ko rin naman siyang makausap lalo na at hindi magandang may hindi kami pag kakaunawaan.
Balak ko ay puntahan siya sa kwarto niya pero bago ko pa magawa 'yon ay nahagip na ng mga mata ko ang bag ko na naka lapag sa harap ng pintuan ng kwarto ko. Literal akong natigilan at napaawang ng bahagya ang labi.
Parang may pumukpok sa puso ko nang makita 'yon. Ganito ba niya ka-ayaw na makausap ako? Bakit naman? Nakakapanikip ng dibdib ang katotohanang 'to. Akala ko pa naman ay okay na kami.
I thought we're getting closer already..
Marami talagang namamatay sa maling akala.
"Tul."
"Huh?"
Nawala ako sa pag iisip nang bumaling ang atensyon ko sa tumawag sa akin. Naka silip ang ulo ni Clyde sa pintuan niya.
"Kumain ka na sa baba. May niluto na sila manang." Aniya.
"Hindi na. Mamaya nalang." Saad ko.
Huminga ako ng malalim at inayos ang ekspresyon ko. Kahit gutom ako ay nawalan na ako ng ganang kumain. Nakaka busog naman ang pag hihirap sa puso ko.
"Why? Hindi ka ba nagugutom? Masamang magpalipas ng gutom." Puno ng pag aalalang wika ni Clyde.
I genuinely smiled at him.
Buti pa siya ay may pakielam sa akin. Kailan kaya magiging ganito ang pakikitungo sa akin ni Simon? Hindi ko maiwasang isipin na may malaking galit siya sa akin tuwing ganito siya.
"Hindi ako gutom. Thank you, kuya."
"Kuya? Wow! Sa wakas at narinig ko na 'yan mula sa'yo!" Natatawang wika niya kaya napahalakhak na rin ako.
"Corny mo." Biro ko sakanya.
"I love you, Tul! Kain ka mamaya ah. Iidlip lang ako." Aniya.
"I will, Kuya."
Tumango naman ako at hindi ko na siya hinintay mag salita ulit. Tumalikod na ako at tinungo ang harap ng kwarto ko. Pinulot ko muna ang bag ko atsaka binuksan ang pintuan. Ni-lock ko ito at marahang pinatong ang bag sa aking kama.
Kasabay non ay ang pabagsak kong paghiga sa kama. Hinila ko ang kumot at ang unan ko. Yinakap ko ito ng mahigpit at parang naamoy ko ang aking sarili dahil doon. Hindi ko tuloy maiwasang isipin si Simon.
Naninikip at parang pinupukpok pa rin ang puso ko dahil sa kakaisip sa nangyayari. Hindi ko na maintindihan ang lahat. Pakiramdam ko ay hindi nalang dahil sa nangyari kanina 'to. Maybe he really hates me.
Baka ayaw niya ng kapatid na babae.
Humigpit lalo ang yakap ko sa unan at hinayaang tumulo ang mga luha sa mata ko. Maybe, I'm only overthinking. It's just that I can't help it.
Hindi nakakatulong sa pag iisip ko ang gutom kong tyan. It is really growling pero naramdaman ko rin ang sakit ng katawan kaya mas pinipili ko ang matulog na muna.
Maybe if I'll sleep, matapos lahat ng pangamba ko. Baka pag gising ko ay bati na kami ulit.
Lord, please.
Nagising ako dahil sa katok sa pintuan ko. Sobrang bigat ng nararamdaman ko at ramdam na ramdam ko pa rin ang gutom at pagod mula kanina. Kahit hirap ay umupo ako at tumingin sa orasan.
Four o'clock pm.
I was sleeping for three hours and nothing happened. It didn't even clear my head. Buhol buhol pa rin ang pag iisip ko. Kumatok muli ang nasa pintuan kaya mabilis akong napatayo.
I completely forgot the person knocking. Damn! Wala talaga ako sa sarili ko.
"Nandyan na!"
I groaned while walking towards it. Napahawak ako sa ulo dahil pati ito ay sumasakit na rin. Hinawakan ko ang sedura ng pintuan at pinihit 'to.
Habang nakahawak sa noo ko ay nag angat ako ng tingin at muntik na akong matumba nang makita kung sino ang nasa harap ng pintuan ko. Namilog ang mga mata ko at napaawang ang labi ko nang mabilis akong hawakan sa likod ni Simon para 'wag bumagsak.
Pero may naramdaman akong bumagsak. Meron..
"Dammit Tul! Bakit hindi ka mag dahan dahan! Why do you keep on falling!" Inis na inis niyang wika.
"Sorry.." Bulong ko.
I was only staring at him. Tapat na tapat ang mukha niya sa akin kaya nakikita ko nanaman ang namumula niyang tenga. His eyes were roaming, parang hindi niya alam kung saan siya titingin.
Ayaw niya talagang tumingin sa akin. He can't even stand my presence? Maybe he hated it.
My heart was pounding so fast. Malakas na pagkalabog na ngayon ko lang naramdaman.
Marahil ay natutuwa ito dahil may pakielam pa rin pala sa akin si Simon. Sa ibang paraan lang niya ito pinapakita pero meron.. kahit konti lang ay meron pa rin. Ayos na 'yon.
"Namumutla ka." Puna niya.
"Bakit ka nandito?" Balik kong wika.
Inangat niya ang isa niyang kamay at hinarap 'yon sa akin. May hawak siyang pinggan at nakuha ko doon na baka inutusan siyang pag hatiran ako ng pagkain.
Imposibleng nag kusa siya para sa akin. Masakit man aminin ay 'yon ang katotohanan.
"Thank you. Ilapag mo nalang diyan sa study table ko. Mag papalit lang ako ng damit. Pasensya ka na sa abala." Mahinang wika ko.
"It's nothing." Matipid niyang wika.
Ako na mismo ang humiwalay sakanya at tumalikod. Narinig ko ang mga yapak niyang papunta sa study table ko habang ako ay tinutungo naman ang walk-in closet ko.
"Shit." Mura ko dahil muntik na naman akong matumba.
"Simon!" Tili ko dahil sa gulat.
Bago pa ako makahawak sa sedura ng walk-in closet ko ay naramdaman ko nalang na sinakop niya ako at mabilis na binuhat. Kahit man pilitin kong kumawala sakanya ay hindi ko magagawa dahil wala akong lakas ngayon.
Hinayaan ko lang siya na dalhin ako sa may study table ko at inupo ako sa upuan doon. Naramdaman kong bumagsak ang mga luha ko kasabay ng pagkaupo ko doon. Hindi ko akalain na pwede pala 'yon. Walang pag iinit ng mata, pangingilid ng luha o ano pa man.
Basta nalang babagsak.
Walang babala o ano pa man basta nalang lalabas.
"Thank you. Umalis ka na."
Kahit hirap ay nagawa ko pa rin 'yon sabihin. May bumabara pa sa lalamunan ko kaya napahikbi ako. Napatakip ako ng bibig ko dahil sa hiya ko sakanya. Mas lalo akong nahiya at napaiwas ng tingin nang bumaba siya para maka lebel sa akin.
"Look at me." Matigas niyang utos.
"No."
"Please.. look at me, Tul." Puno ng pag susumamo niyang wika.
Nahulog ang kung ano sa akin dahil sa narinig kong boses niya. Lalong nag silabasan ang mga luha sa aking mga mata. I never heard him like this before.
"Look at me, sweetheart."
Siya mismo ang humawak sa mukha ko at marahan akong hinarap sakanya. Patuloy lamang sa pagtulo ang mga luha ko. Pinanuod ko lang siya na pagmasdan ako. This time, his eyes were not roaming.
They are directly looking at me.
Tinukod niya ang kanang paa niya sa semento bilang suporta. Bumaba ang mga kamay niya sa kamay ko at mahigpit 'yong hinawakan. Sumabog ang puso ko dahil doon.
He cares for me..
"What's wrong? Why are you crying? Did I hurt you?" Puno ng pag aalala niyang tanong.
Umiling ako at sandaling pumikit para makakuha ng lakas.
"Then what? Damn.. I hate to see you cry." He breathed.
I opened my eyes.
Huminga ako ng malalim bago ko binuka ang bibig ko. I can literally feel the pain in my chest.
"Nothing.. it's just that I felt like you hated me."
Isang impit na hikbi ang lumabas mula sa akin. Kita ko naman ang pagkabigla sakanyang mga mata. Atleast alam ko na ngayon na hindi niya ako kinamumuhian.
Maybe I was really overthinking.
Ngumiti ako. "I'm not asking you to treat me good like how you treat Alice, Agatha and Adrianna. Alam ko naman na choice mo 'yon. I don't have anything to do with that but please.. treat me better. Hindi naman mahirap 'yon diba? Kahit konti lang.. subukan nating maging maayos."
Halos mag makaawa ang boses ko sakanya. Bumuka ang kanyang bibig pero sinara niya muli 'yon. Kita ko ang pagkagat niya sakanyang labi kaya nakaramdaman ako ng takot.
Umiwas ang mga tingin niya sa akin.
Ayaw niya?
"Simon.. please. Kapatid mo naman ako diba? Bakit ang hirap hirap para sa'yo? Why is it easy for you to treat them good but when it comes to me, parang kahit ang pagtingin sa akin ay nahihirapan ka pa." Puno ng sakit ang aking boses.
Ayaw ko ng ganito. Mamatay ako pag nagpatuloy 'to.
"Tulip.."
Tumingin siya sa akin at seryosong tingin ang binungad ng mga mata niya sa akin. Pinisil niya ang mga kamay ko at marahang ngumiti sa akin.
Napanatag ako sa ngiti niyang 'yon. It made my heart stop from hurting.
"You don't know how much I wanted to treat you better. Not just better but the best. I want to give you everything.. I can always give you everything without thinking twice. You are my first priority, believe it or not. It's just that I can't. I love to give you anything and everything but.."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top