Chapter 48

Existence

Sabi sa mga nababasa kong libro, malalaman mong sobrang sakit na ng nararamdaman mo pag halos hindi ka na makahinga, yung parang bawat pag pintig ng puso mo ay puno ng pag hihirap.

I never thought breathing will be this hard.

Bawat ugat sa kawatawan ko ay nararamdaman at naririnig ang sinabi ng madre kanina. It's just so unbearable and the mere thought of it makes me so scared and weak.

So scared..

It's like I'm alone in the middle of no where with no one.

Nanghihina man ay nagawa ko pang iparada ang sasakyan ko sa loob ng aming gate. Mahigpit kong hinawakan ang manibela dahil parang mawawalan ako ng lakas na lumabas ng sasakyan ko. Nakakatawang isipin na nagawa kong makarating dito habang naglalabo ang mata dahil sa pag-iyak.

Binaling ko ang aking tingin sa pintuan ng aking kotse at dahan-dahan binuksan 'yon. Tinapak ko ang aking paa sa labasan at tuluyang lumabas. Nag-angat ako ng tingin upang tignan ang aking bahay, unti-unti kong sinara ang pintuan ng kotse ko.

Hindi ko akalain na, darating ang panahon na ang tinuturing kong tahanan ay magiging ganito kahirap tignan.

I can't recognize it anymore..

I took slow steps while entering our house. Puno ng paghihirap ang ginawa kong pag hakbang habang pumapasok sa loob ng bahay namin. Nag babadya muli ang mga luha ay binaling ko ang atensyon ko sa mga taong mataman na nakatingin sa akin.

There, in our very own living room, my whole family.

Bakas sa mukha nila ang iba't ibang emosyon pero hindi makakalagpas sa akin ang sobrang paghihirap na nakikita ko sa bawat mukha nila.

"Anak.."

Mariin akong napapikit sa narinig kong pag tawag sa akin ni mommy.

I'm slowly dying inside.

Sana panaginip nalang 'to.

"Tumawag sa amin ang Orphanage.." dad traced.

Naiyukom ko ang aking mga palad at hinayaang tumulo ang aking mga luha. Nag mulat ako ng mga mata at nagtama ang aming mata ni daddy. Namumula ang kanyang mga mata kaya mas lalo akong nahirapan.

Nahirapan dahil alam ko na kahit ano pang katotohanan ang narinig ko, umaasa pa rin akong hindi totoo.

Umaasa ako na, kahit sila.. matira pa sa akin.

"Dad.."

Hikbi ang lumabas sa akin kaya mabilis kong tinikom ang aking labi.

"Anak I'm so sorry." Puno ng sakit na saad ni daddy.

"Bakit hindi niyo po sinabi sa akin?"

I bit my lower lip to stop it from trembling.

Parang tutusukin ang puso ko habang nakikitang lumalakad si mommy palapit sa akin. Her eyes were crying so hard and I can see pain in there.

"Anak, patawarin mo si mommy.. I did not tell you, kasi akala ko hindi na kailangan. We're a family and no one can change that. I am your mother, nanggaling ka man sa akin o hindi. Walang katotohanan ang magpapabago ng pagmamahal ko sa'yo. Montgomery ka kahit anong sabihin nila, hindi magbabago 'yon." Aniya.

Pinilig ko ang aking ulo.

"Ma, kahit sabihin mong walang mag babago, meron at meron pa rin. Ubos na ubos na po ako. Pagod na pagod na po akong patunayan ang sarili ko. Did you ever thought that I will need this truth? Did you ever thought that this could help me in finding myself? Ma, pakiramdam ko.. back to zero nanaman ang buhay ko. I need to go back so I could save myself from being destroyed. Since the day I accepted that me and Simon can't be together because we're siblings, I lost myself. Yet.. I kept on living because of the fact that I have all of you. Sabi ko sa sarili ko, okay lang naman na mawala ako kasi nandyan naman kayo. Pinili ko maging mabuting miyembro ng pamilyang 'to.. pero, hindi pala. I don't even deserve to be part of this family." Puno ng hinanakit kong wika.

Napaupo si mommy sa sahig pero hindi ko magawang igalaw ang sarili ko. I painfully stared at her, mabilis naman siyang dinaluhan ni daddy at yinakap ng mahigpit.

Nilipat ko ang tingin sa mga pinsan ko, sa mga kapatid ko.. sa kanilang lahat.

"Alam niyo ba 'to?" Lakas loob kong tanong.

"Tul.. please.." Alice traced and hugged Uno.

"Alam niyo ba na hindi ako miyembro ng pamilyang 'to, kaya ba hindi kayo tumutol sa amin ni Simon?"

Now everything makes sense.

Kaya pala pinrotektahan nila kami, kaya pala kahit gaano ka-mali ang nararamdaman namin ni Simon ay hindi nila kami kinamuhian. Dos only protected the truth, they only protected the family.

Ako lang ang walang alam dito.

Simon knows too..

"Bakit ba natin pinaguusapan 'to? Wala naman kailangan magbago." Banayad na wika ni Clyde.

"We want to protect you. Yun lang naman ang gusto namin. We never thought that this could hurt you like this." Ani daddy.

"No dad, you didn't protect me. You protected the family, you protected the truth but not me. Kasi kung na-protektahan niyo ako. Hindi ako maghihirap sa loob ng limang taon, hindi ako masasaktan ng ganito. Hindi niyo alam kung gaano kahirap ikulong ang sarili ko dito dahil gusto kong pagbayaran yung kasalanan ko sa pamilyang 'to. I thought, by following what's right will make me a good person again, I thought I will deserve to be will all of you again like before but right now.. alam kong hindi mangyayari 'yon kasi sa una palang ay hindi na ako para dito. I'm in toxic." I breathed.

"Wag mong sabihin 'yan. Walang pwedeng magsabi na hindi ka para sa pamilyang 'to. The day I saw you reaching for me at that orphanage, alam ko na binigay ka na sa akin ng Panginoon. You are a Mongtomery, you are Tulip Montgomery. You are my daughter." Mom sobbed.

I took a deep breath and tried my best to stop myself from crying. Sobrang sakit na ng puso at mga mata ko sa sobrang pagiyak pero wala pa atang balak tumigil ang mga 'to sa mga luha na nagbabadyang lumabas muli.

Naninikip ang dibdib ko.

Sobra akong natatakot.

"Tulip Montgomery?" I whispered.

"Para sa akin ba talaga ang pangalan na 'yan?"

Now I'm even killing myself by asking this.

"Tulip!" Pagbabawal sa akin ni Kuya Carl

"Kilala niyo po ba kung sino ang totoo kong mga magulang? Alam niyo po ba kung saan ako galing? Bakit ako napunta doon? Iniwan ba nila ako? Ayaw din ba nila sa akin? This questions kept on bugging me, habang papunta ako dito ay hindi ko mapigilan na itanong ang mga 'yan. I'm questioning my whole existence. Madali para sainyo na sabihin na walang magbabago dahil hindi niyo nararamdaman ang sakit. I'm telling you, sobra-sobrang sakit. You won't even dare to imagine how painful it is."

"Tulip! Sumosobra ka na!" Galit na saad ni Tito Teo.

Mabilis siyang hinawakan sa balikat ni Tita Pin at pinigilan. Tita Pin's eyes were brimming with tears while looking at me.

Malungkot siyang ngumiti sa akin at tinanguan ako.

"I understand you. I once questioned my existence even though I'm really what I am, paano pa kaya ikaw.. I understand you but please, don't break your family's heart like this. We love you Tulip. Alam kong naramdaman mo 'yon dahil kahit minsan ay hindi namin pinaramdam sa'yo na iba ka. I know you love this family too.. sana mangibabaw 'yon." Ani Tita Pin.

"Anong gusto mong mangyari?" Singit ni Tito Ziel.

His expression is calm. Mataman lang siyang nakikinig sa amin. His eyes were very soft while looking at me.

"I don't know Tito.. ang alam ko lang po, I need to lose the grip on my neck dahil mismong sarili ko na ang sumasakal sa akin."

I tear fell from my eyes again.

"Are you doing this for Simon? Hindi mo ba pwedeng kalimutan nalang ang lahat?" Tito Teo.

"Theodore!" Banta sakanya ni daddy.

"Kahit kailan po, hindi ko hiniling na hindi maging parte ng pamilyang 'to. Kahit noong mga panahon na nahihirapan ako sa nararamdaman ko para kay Simon ay hindi ko hiniling na hindi maging parte ng pamilyang 'to. I want us to be from different families but not like this dahil kung hiniling ko po 'yon, 'di sana ay wala po ako sa harapan niyo ngayon. 'Di sana ay hindi ko pinili na maghirap mag-isa dito. Sana.. wala si Simon sa Argao ngayon. I love this family so much but I can't even love myself. Ang hirap magmahal kung ang sarili mo ay hindi magawang mahalin. Pasensya na po, kung puro sakit ng ulo ang binibigay ko sainyo. I'm sorry." Saad ko at mabilis na tumakbo paakyat ng hagdan.

Mabilis kong tinungo ang kwarto ko at ni-lock 'yon. Napadausdos ako sa sahig at mahigpit na yinakap ang sarili ko. Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapahagulgol sa sobrang panlalamig sa lahat ng bagay.

My heart felt so numb, my throat and eyes aches from too much crying. Pakiramdam ko ay may yelong bumabalot sa akin.

Hindi ako makahinga. Pakiramdam ko walang lugar na pwedeng huminga ako ng maayos. I want to clear my head, I want to clear my heart. I want to know every bit of my being. I want to love myself, I want to know myself.

Alam na alam ko kung ano ang gusto kong maramdaman pero hindi ko alam kung paano gagawin 'yon. Ayokong mawala ang pamilyang meron ako ngayon pero alam kong hindi na ako makakahinga dito. Being here is like a torture, sa loob ng limang taon ay parang preso ako hindi dahil sakanila kung hindi dahil sarili ko mismo ay kinulong ko..

Ngayon, parang sobrang sikip na dito.

There's no room to breathe.

Gusto ko malaman kung sino ba talaga ako, kung sino ang totoo kong mga magulang. It doesn't matter if it's big or small, gusto ko lang makita kung sino ba ang kamukha ko o kung kanino ba ako nag mana. If my eyes resembles my mother's or if my smile resembles my father's. For my whole existence, kahit kailan ay hindi ko nakita ang sarili ko sakanila.

Akala ko, naiiba lang talaga ako. May nalalaman pa nga si Agatha na recessive trait. Kahit sa skills ko, alam kong wala akong business skills tulad ng meron sila. They are all born for the business, to handle it. Si Alice, kahit na nag artista siya ay alam kong sa huli, when she settles down.. ang fallback niya ay sa business din.

Not like me.

Arts is all what I have.

I don't have their confidence. I don't have their will to talk effortlessly to people. I don't even have the guts to admit something..

Dahan-dahan ay tumayo ako at kahit nanghihina ang tuhod ay tinungo ko ang aking walk-in closet. Nag-angat ako ng tingin doon at linibot ko ang aking mga mata sa bawat damit na naroroon.

Alam ko ang kailangan ko.

Cliche, yes, but I need to find myself.

Hindi ko 'yon magagawa sa lugar na ito. I'll come back, I will. But right now, I need to go for myself. Hindi ko magagawang ngumiti sa harap nila ulit kung hindi ko palalayain ang sarili ko. Hindi ko magagawang maging masaya ulit kung hindi ko iisipin muna ang sarili ko.

Hihinga lang ako.

Pwede naman 'yon, hindi ba?

Inabot ko ang aking maleta at linapag 'yon sa sahig. Kumuha ako ng ilang damit, gamit at mga bagay na kailangan ko. Mabilis kong sinara ang maleta at lumabas mula doon. Lumapit ako sa lamesa ko at inabot ang susi ng aking kotse ngunit bago ko pa 'yon mahawakan ay mabilis kong naiyukom ang palad ko.

Umurong ako at linagpasan 'yon. Inabot ko ang body bag ko at sinuot 'yon, linabas ko ang wallet ko doon at kinuha ang mga credit cards at atm ko. Linapag ko ang mga 'yon sa lamesa at nagtira lang ilang pera. Sa tingin ko, kailangan kong gawin 'to. Hindi ako komportable na gamitin ang pera nila lalo na sa paghahanap ng aking sarili.

My goal right now is very dangerous. It could open doors for me or it could hurt me so much more.

But I want to do it because right now, pain is still the only choice I have.

Hinila ko ang aking maleta palabas ng aking kwarto. Binuhat ko ang aking maleta pababa at nakahinga ako ng maluwag nang makita na wala ng tao sa living room. Hindi ko kayang sabihin sakanila ang gusto ko, I'm so drained that I don't know if I could watch my mom.. crying again.

Tinungo ko ang pintuan ng labasan at tuloy-tuloy na lumabas doon. I immediately opened the gates and dragged myself out there. Mabigat man ang puso ay nagawa ko pang mag-angat ng tingin sa buong kabahayan namin.

I gave a one last look before turning my head to the other side.

Naramdaman ko ang pagtunog ng aking cellphone at agad kong tinignan 'yon. Parang bumagsak ang puso ko nang makita ang pangalan ni Simon doon. I suddenly felt like crying again.

Mahigpit ko 'yong hinawakan at mariing pumikit bago pinatay ang tawag.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top