Chapter 47
Litrato
"Kuya, saan ka pupunta?"
Natigilan siya sa paghakbang nang marinig ang boses ko. Tuluyan kong sinara ang pintuan ng aking kotse atsaka lumapit sakanya.
Kararating ko lang mula sa bahay nila Agatha. She helped me yesterday that's why I told her that I'll help her too. Alam kong kaya niyang mag isa pero nag insist ako, I want to get back on track and be out again. I also want to see her before she goes to Argao.
Tinulungan ko siyang magpaalam sa pamilya niya at hindi na siya nagsayang ng oras at umalis na papunta ng Argao.
"Sa hospital." Sagot ni Kuya Carl.
"Anong gagawin mo doon?"
Nanliit ang aking mga mata.
"I'll talk to Tita Jackie. May paguusapan kaming importante." Aniya.
"Really?"
I doubt it.
If I know, ang pinupunta niya doon ay si Evangeline Yu. Noong isang gabi, inutusan niya ako pumunta sa hospital para ihatid ang isang bag na may lamang pera. Nagulat ako nang makita ko muli ang babaeng nakita ko sa library five years ago.
I should have forgotten her already but Uno never did so he kept on asking me what was her name for the whole five years that passed.
"Really." Paninigurado niya.
"Okay.." hindi ko pa rin mapigilan na hindi maniwala.
Tumikhim siya at ngumiti.
"Kailangan ko ng umalis. See you later." Aniya at akmang aalis na nang hawakan niya muli ang aking kamay.
"By the way, paki-bigay 'to kay daddy mamaya pag dumating sila. Baka kasi hindi ko sila maabutan." Aniya sabay abot sa akin ng isang invitation.
"Ano 'to?"
Tinignan ko ang invitation pero hindi niya ako sinagot. Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng mababaw na halik sa noo.
Dumiretso siya sa kanyang kotse at tuluyan akong iniwan doon. Nanatili lamang ang tingin ko sa invitation.
I know this invitation, I saw this before.
Dahan-dahan kong binaliktad ang invitation at parang may nabuhay sa loob ko nang makita ang nakasulat doon.
I almost forgot, it's the same invitation I saw from dad's office five years ago and every year after that.. lagi kong nakikita na may imbitasyon sila pero kahit kailan ay hindi ko narinig na pumunta sila.
"Reaching Hands Orphanage." I silently breathed.
Mabilis ko iyon tinago at nag madaling pumasok sa loob. Dumiretso na ako sa aking kwarto at hindi na pinansin kung may tao man sa baba o wala.
"Saan ka galing? You're so tagal!"
Napapitlag ako sa narinig kong boses. Napalingon ako sa aking kama at nakitang prenteng nakahiga sa headboard si Alice habang nakahalukipkip.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Nasaan si Agatha?" Balik niyang tanong sa akin.
"Umalis na siya." Deretso kong sagot.
Mabilis siyang napaayos ng upo dahil sa narinig mula sa akin.
"What?! Saan siya nag punta? Damn this! I pleaded my manager to cancel all my shoots till tomorrow to spend the day with the two of you tapos aalis siya ng hindi nag papaalam?!" Inis na inis niyang wika.
"Argao.." I simply answered.
"Oh yeah, I almost forgot her oplan taguan with Markus De la Fuente." Sarkastiko niyang wika.
"Bakit ikaw? You're also playing hide and seek with your langit slash himpapawid." I teasingly said.
Nanlaki ang kanyang mga mata kayo lalo akong napangiti.
"Of course not! Kung nakikipag-laro ako ng taguan 'di sana ay hindi ako nakakapag trabaho ng kasama siya. Remember, he's our director." Depensa niya.
Nagkibit-balikat lamang ako.
"Hindi ko naman sinabi na literal kang nakikipag taguan. I'm talking about your denial feelings." Saad ko sabay hagikgik.
Narinig ko ang frustrations mula sakanya dahil napadaing siya at napa-padyak pa. Inayos niya ang kanyang sarili at humalukipkip sa aking gawi.
"Fine, we're in the same boat pero kasama ka din! Nasa Argao nga ang sa'yo." Aniya sabay ngiti na may halong panunukso.
Napailing nalamang ako at inalis ang aking sapatos. Inabot ko ang aking flats at linagay 'yon sa ilalim ng aking lamesa. Tumapak ako sa aking black carpet at parang gusto ko nalamang humiga sa aking kama nang maramdaman ko ang kaginhawaan.
Pinilig ko ang ulo ko.
Dumiretso ako sa aking walk-in closet at kumuha ng isang sunday dress mula doon.
"May lakad ka ba?" Rinig kong tanong ni Alice.
"Oo."
"Can I come with you?"
Ramdam ko ang kanyang presensya sa aking likuran.
"Yeah, of course."
Humarap ako sakanya at sinenyasan siya na mag bibihis lang ako. Lumayo siya sa hamba ng aking walk-in closet at linagpasan ko siya. Dumiretso ako sa banyo at kinuha mula sa aking bulsa ang invitation.
Linapag ko 'yon sa lababo tsaka nagpalit ng damit.
"Saan tayo pupunta?" Sigaw ni Alice mula sa labas.
Napatingin ako sa pintuan at kita ko ang anino niya mula doon.
"Orphanage, may invitation sina mommy pero hindi sila nakakapunta dahil busy. Ako nalang ang pupunta bilang representative." Saad ko.
It's the truth.
"What? Orphanage? Bakit naman? Sinong kasama? Tayong dalawa lang?" Tuloy-tuloy niyang tanong.
"Gusto ko lang." Sagot ko.
Sandali siyang natahimik. Kinuha ko ang oportunidad na 'yon para matapos ang mga gagawin ko sa banyo. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at pinasadahan ng tingin ang suot kong lavander sunday dress.
Tinignan ko muli ang invitation tsaka na tuluyan lumabas na hawak 'yon. Nadatnan ko si Alice na nakaupo sa kama ko habang malalim ang iniisip.
"Are you okay?" Nag-aalala kong tanong.
Tinungo ko ang aking lamesa at kinuha doon ang aking maliit na bag. Pinasok ko doon ang invitation bago sinabit ang bag sa aking katawan.
"Alam ba nila Tita 'to?"
Binalingan ko siya ng tingin bago mag suot ng flats na terno sa suot ko.
"Hindi."
"You should tell them first." Aniya.
Liningon niya ako at halong emosyon ang mga nakikita ko sa mata niya. Parang gumulo tuloy ang isipan ko.
"No. You won't." Matigas kong saad.
"I will." Aniya.
"I'm warning you, Alice. Don't dare, kung hindi.. pati ang tiwala ko sa'yo ay mawawala."
Bumigat ang aking dibdib sa sariling sinabi. I don't want to talk to her this way pero hindi ko mapigilan dahil nakakapagod din na dinidiktahan minsan. All these years, siya at si Agatha lang ang nakaka-usap ko ng matagal dahil hindi ko mapagkatiwalaan ang iba.
Alam kong ipit sila ni Agatha sa sitwasyon ko kaya hangga't maari ay hindi ko sila dinadamay pero tuwing nakikita kong sumusunod sila sa mga magulang ko, nasasaktan ako. It's making me doubt their presence for me.
Ayos na ako na ang nakakulong pero kung umakto sila minsan, parang nakakulong din sila.
"But, Tul-"
"I'm so tired, Al. Lahat nalang ba ng galaw ko ay ipapaalam ko sa inyong lahat? I want to have my own life. I'm already twenty-four and I haven't proven my worth yet. Gusto ko gumalaw na naayon sa tingin ko ay gusto ko. You know the funny thing? It took me five years to have this courage and I won't let you destroy it. I changed my mind, aalis akong mag-isa. Tell them and I don't care." Dere-deretso kong wika.
Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Hindi ko na siya hinintay magsalita at tuluyan na akong lumabas. Bawat paghakbang ko ay parang nasasaktan ako, I'm guilty of hurting her through my words but I'm just so tired.
Lantang lanta na ang puso ko. Unti-unti ko palang ito na na-aalagaan tapos papatayin ulit?
Pakiramdam ko nakahawak silang lahat sa leeg ko.
I went straight ahead to my car and drove to where I can find the Reaching Hands Orphanage. Malapit lang ito sa amin at parang pag papawisan ako sa bawat paglapit ko sa lugar na 'yon. I'm really nervous and I don't even know why.
Kasama ako sa iniimbitahan nila, klarong klaro 'yon sa mga note na naka ipit sa invitation tuwing pinapadalhan si daddy. Ang weird nga na ngayon, walang naka-ipit.
Binaba ko ang bintana ng kotse ko nang matapat ako sa isang guard. Agad kong inabot sakanya ang invitation at agad niyang binuksan ang gate nang makita 'yon.
"Maraming salamat po." Saad ko at pinaandar na muli ang kotse.
Nag-angat ako nang tingin sa kabuoan ng Orphanage. Mula sa hindi kalayuan ay tanaw na tanaw ko na ang mga naglalarong mga bata. Nanglambot ang puso ko sa bawat paghagod ng mga mata ko sa kabuoan ng lugar.
Pinarada ko ang kotse sa gilid at bumaba ng may pag-aalinlangan. I stepped my feet on the familiar ground. Tumibok ng malakas ang puso ko at nakaramdam ako ng halo-halong emosyon sa puso ko.
"Ano pong kailangan ninyo?"
Napalingon ako sa nagsalita. Isang madre ang lumapit sa akin at tinignan ako gamit ang mapagmahal niyang mga mata.
"Anniversary po ng Orphanage?" Wala sa sariling tanong ko.
Ngumiti ito ng matamis at tumango.
"I'm Tulip Montgomery. Inimbitahan niyo po ang pamilya ko pero busy po kasi sila kaya ako nalang ang pumunta." Paliwanag ko.
Napatingin ako sa invitation at inabot sakanya 'yon pero hindi niya kinuha. Nag-angat ako ng tingin muli sakanya at kita ko ang pamimilog ng mga mata niya at ang unti-unting pag-agos ng luha sa kanyang mga mata.
"Sister.."
"Tulip." Tawag niya sa aking pangalan.
Ang munting pag-tawag na 'yon ay nagawang buhayin ang kalooban ko. Parang may sasabog sa aking tyan at pinipisil naman ang aking puso.
"Hindi ko akalain na makikita kita ulit.." hikbi ang lumabas sakanya.
"Pasensya na po kayo at ngayon lang ako nakapunta." Pag-hingi ko ng paumanhin.
Umiling ito at inabot ang aking kamay. Mahigpit niya 'yong hinawakan at mas nakaramdam ako ng kapayapaan ng kalooban. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya tinignan ko nalamang siya.
I intently looked at her, brimming with tears and happiness at the same time.
"Ayos lang. Masaya ako na nakita kita ulit. Tignan mo naman, napaka-ganda mong bata at lumaki ka na halatang inaruga at minahal ng mga Montgomery. Siguradong magiging masaya ang mga iba pag nakita ka nila. Halika, siguradong matutuwa sila."
Nanglambot ang puso ko sa mga sinabi niya.
Kahit nangingig ang kamay ay hinila niya ako papasok ng orphanage. Pinasadahan ko ang mga dingding na nadadaanan namin. Halatang luma na ang orphanage dahil sa mga lumang litrato na nakasabit sa dingding.
"Teka lang po." Pagpigil ko.
Natigilan din siya at binitawan ako. Nanatili ang tingin ko sa isang litrato. Pakiramdam ko bumagal ang takbo ng paligid at ang daming konklusyon ang pumapasok sa utak ko habang nakatingin sa litratong 'yon.
Humakbang ako palapit doon at napasinghap nang makita ang aking sarili doon. It was my three years old version. Nakayakap ako sa mga ibang bata habang abo't langit ang ngiti ko. Madungis din ang aking itsura pero dama ko ang saya ko doon.
"Ako po ito hindi ba?" I asked to clarify.
"Oo, sayang lang dahil ang mga kasama mo sa litratong 'yon ay wala na dito." Aniya na may halong kalungkutan.
"Anniversary din po ba nung kinunan ang litratong 'to?"
"Hindi." Aniya.
Napalingon ako sa ibang mga litrato at may isa pang nakakuha sa atensyon ko. Parang may isang bala ng baril ang tumama sa puso ko habang tinitignan ang litratong 'yon. Nag-init ang aking mga mata habang nakatingin sa litratong 'yon.
Napahawak ako sa aking leeg at naramdaman ko ang mga nag babadyang luha sa aking mga mata.
"Kailan po 'to?"
Litrato ko 'yon habang naka-karga kay daddy. Nasa tabi niya si mommy na halatang mangiyak-ngiyak. Nasa gilid namin ang mga madre habang nakangiti kami sa picture.
"Yan ang huling araw mo dito. Inilagay namin 'yan diyan dahil ikaw ang unang bata na natulungan namin magkaroon ng pamilya. Ikaw ang unang bata na napa-ampon ng orphanage na 'to kaya espesyal ka sa amin. Hindi mo alam kung gaano kami kasaya nang malaman namin na mag a-ampon ang mga Montgomery. Sila ang isa sa pinakatanyag, hindi lang dito sa Maynila kung hindi pati na rin sa ibang lugar." Masayang paliwanag niya.
Nagsitakasan ang mga luhang kanina lamang ay nagbabadya sa aking mga mata. Naiyukom ko ang mga palad ko at pakiramdam ko mabibingi ako mula sa mga naririnig ko. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa litratong sanhi ng kasakitan na nararamdaman ko.
Para akong mababaliw.
Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Totoo ba 'to? Nanaginip ba ako? Bakit ako pa? Hindi pa ba tapos ang pagpapahirap sa puso ko?
Parusa ba 'to sa mga kasalanan ng puso ko?
"Ampon po ako?"
Napatakip ako sa aking bibig para mapigilan ang paghikbi.
"A-ano? Anak, ano bang ibig-"
"Kailangan ko na pong umalis. Pasensya na po sa abala."
Napailing ako at mabilis na pinunasan ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko na siya hinintay nagsalita pa at lakad-takbo ang aking ginawang pag alis. Bumagsak muli ang mga luhang pinipigilan ko kanina pa.
Paulit-ulit sa utak ko ang boses ng madre at parang paulit-ulit din akong pinapatay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top