Chapter 45

Eyes

"Anak, gusto mo ba ng snacks? Ipaghahanda kita." Ani Mommy.

Marahan lang akong ngumiti at umiling. Tuluyan akong bumaba sa hagdan at dumiretso nalamang sa kusina. Agad ko namang narinig ang mga sumunod na yapak ni mommy.

Tinungo ko ang refrigerator at kumuha doon ng bottled water.

"Gusto mo bang lumabas? I'll come with you. Let's go shopping. Let's spend time with each other, bago kami umalis at pumunta sa Argao bukas." Alok niya.

Argao..

The place where I could not even take a one single step. They're all too afraid that Simon and I will see each other.

"No need mom. Just rest. Ngayon na lang po kayo nakapagpahinga, nakakahiya naman kung mapapagod pa po kayo dahil lang sa akin." Saad ko.

Kita ko ang bahagya niyang pagtigil dahil sa sinabi ko. Aaminin ko, parang bibiyakin ang puso ko nang makita ko ang malungkot niyang mga mata. Alam kong nasasaktan ko siya sa pakikitungo ko pero hindi ko siya kayang tignan sa mga mata.

Simula nung araw na 'yon..

I was aloof.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi ko na mababalik sa dati. May kulang at may butas na. May ibang hinahanap ang sarili ko at hindi ko 'yon maramdaman dito.

"Okay.. just tell me if you need something." Aniya.

Tumango ako at linagpasan na siya. Akmang a-akyat na ako sa hagdan nang marinig ang news sa t.v.

Markus Hyde De la Fuente was shot at his own company's event.

Markus? Agatha's mission?

Nawala doon ang atensyon ko nang maramdaman na nag va-vibrate ang cellphone ko. I immediately took it and saw Agatha's name.

Agad ko itong sinagot.

"Tulip?" Bungad niya.

I can hear her deep breath.

"Agatha? Are you okay? I saw the news.."

Napahikbi siya kaya natigilan ako. I suddenly remembered myself crying just like how she's crying right now.

"Hey! Where are you? Tell me, I'm gonna fetch you." Nag aalalang tanong ko.

"Yes please.. kunin mo ako dito. Nasa LH ako. Please Tul." Hikbi niya.

"Wait for me." Saad ko.

I ended the call.

Tumalikod ako at akmang lalakad patungo sa labasan ng bahay namin nang kusang tumigil ang mga binti ko. I felt a rush of tingling feeling inside me. Para akong mabilis na pinana, saktong sakto sa puso ko.

What is he doing here?

Wide eyed open, I looked at him.

"Simon.." I breathed.

Naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko.

He smiled. Ngumiti siya sa akin at gusto kong maiyak dahil doon. Nasa may bukana siya ng aming pintuan at hindi ko alam kung maniniwala ba ako na totoo siya at hindi lang imahinasyon.

"How are you? I'm good. So good that I'm seeing you right now." He breathed.

Wala sa sariling malungkot akong napangiti. For the past years, tuwing may sinasadya siya sa bahay ay lagi kaming hindi nagkakakitaan pero ngayon... nasa harapan ko na siya.

I saw him again.

"Simon?"

Agad akong napaiwas ng tingin nang narinig ang boses ni mommy. Alam kong may kaba sa boses niya at alam ko rin kung bakit.

"Dad said to fetch you. Lolo is with him, pag u-usapan daw ang libing ni lola bukas." Ani Simon.

Lola Selena died and I heard Simon will be in manila to fetch our grandfather. Si mommy at daddy ay bukas pa ang punta doon. Sila Kuya Carl at ang ilang pinsan ko ay sasama din ata kung hindi ako nagkakamali.

Si Agatha at ako lamang ang maiiwan dito. Hindi makakasama si Agatha dahil alam naman ng lahat na nasa misyon siya, ako naman.. pinili kong hindi pumunta.

I don't deserve to be there.

I don't deserve to see her if I was the one who caused her the pain. Alam kong na depress si Lola pagkatapos niyang malaman ang tungkol sa amin ni Simon.

"Tul, may pupuntahan ka ba?" Tanong ni mommy sa akin.

Lumingon ako at marahang tumango.

"Opo, nagpapasundo lang po si Agatha." Saad ko.

"I'll drive--"

Naiyukom ko ang mga palad ko at agad na pinutol ang sasabihin niya.

"Mauna na po ako." Pigil hiningang wika ko.

Hindi ko na tinignan ang reaksyon niya. Agad kong kinuha ang susi sa sabitan ng mga susi namin at nagpatuloy na sa paglabas. Bawat hakbang ko palapit sa pintuan..

Palapit sakanya..

Para akong sasakalin.

Bumigat ang puso ko nang maamoy ko na siya. Sobra-sobra ko siyang na-miss.

Pinigilan kong lumingon sakanya at pilit na dumiretso palabas. Nang malagpasan ko siya ay doon lang nag sitakasan ang mga luha ko. Dumiretso ako sa kotse at agad na sinara 'yon.

"Tulip.. sh.. it's okay." I told myself.

"Hindi ka pwedeng ganito." Pag-kukumbinse ko sa sarili ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko at agad na pinaandar ang kotse ko paalis. Hindi ako lumingon, dire-diretso lang ako na para bang alam ko sa sarili ko na kung lilingon ako, baka bumalik lang ako ulit sakanya.


"Al, hindi ba artista ka? Why don't you pretend and act like you support my decision?" Rinig kong frustrated na tanong ni Agatha.

I was with Agatha already, noong tinawagan ako ni Alice at sinabing pupunta siya sa bahay. Pagkarating namin ay wala man ilang minuto ay nandito na siya.

Fresh from taping pa siya. Hindi ko alam kung matutuwa ako na nandito siya dahil pakiramdam ko wala siyang ginawa kung hindi singhalan kami.

"I won't! Nakakapagod na ngang umarte tapos gusto mo umarte pa ako sa harap mo?" Sarkastikong saad ni Alice.

Napailing ako at pumasok ng tuluyan sa kusina kung saan nag be-bake si Agatha.

"Ano? Nakakapagod umarte sa harap ni langit? Nakakapagod ba siyang makita araw araw at ipakita sakanya na ayos ka lang at masayang masaya ka pero sa totoo lang ay hindi naman." Sabat ko sakanila.

Bahagya akong napangisi nang mapansing natigilan si Alice. Hindi ako humuhugot dahil may paghuhugutan ako, sadyang iniinis ko lang si Alice sa pag ka bitter niya.

Talaga, Tulip?

Now, I'm even talking to myself.

"Langit?" Tanong ni Gath.

"Sky." Natatawang wika ko.

"This topic is going no where. I'm not the topic here, ang topic natin ay ang kahibangan ni Agatha at ang pakikinig niya sa hiling ng loka-loka niyang step mother." Ani Alice sabay wagayway pa ng kamay niya sa taas.

I rolled my eyes.

"Al! Don't call his step mother like that. I understand her.. she's just protecting him, that in the first place, dapat ay ginawa ko." Depensa ni Agatha.

"You protected him!"

Itinuro niya si Agatha at namilog ang mga mata niya. I know she's proving a point in there. Pointless nga lang dahil hindi sila magkakaintindihan ni Agatha.

I believe that no pain is the same.

Iba ang coping process ni Alice at iba rin ang kay Agatha.

"No, I didn't! Kung nagawa ko 'yon, 'di sana ay wala siya sa hospital ngayon at hindi nabaril." Balik ni Agatha.

"So you think by letting him go to New York can protect him? Tingin mo ba magiging masaya siya doon? Tingin mo ba hindi ka niya hahanapin? Saan ka magtatago?" Balik ni Alice.

I remained emotionless.

I understand Agatha and I understand Alice too pero alam ko na sa loob ko ay may iba akong paningin dito sa nangyayari kay Agatha. Ayoko lang buksan dahil alam kong masasaktan lang ako.

I can't advise her to do something where in fact, hindi ko maayos ang sarili kong problema.

"I don't know.. maybe I'll go to Argao." Ani Agatha.

"Argao? Sasamahan mo si Simon doon?" Hindi makapaniwalang wika ni Alice.

Sinamaan ko ng tingin si Alice at agad naman siyang nagkibit balikat. Why does she need to insert his name, nanahimik yung tao.

"Pwede.. pag iisipan ko pa. Basta ang importante ay makasama siya sa pamilya niya. If I need to escape and hide from him then I'll do it." Ani Agatha.

Narinig ko ang pag buntong hininga ni Alice. Alam kong nakaka frustrate ang mga pangyayari pero alam ko rin na kahit kailan ay hindi niya maiintindihan ang nararamdaman ni Agatha. Iba ang sakit na nararamdaman niya at iba rin ang kay Agatha.

Agatha can deal with the most painful phisycal wound but not with emotional pain.

"Paano naman siya? Alam niya ba ang ginagawa mo para sakanya? You're sacrificing everything for him. Even your happiness to be with him para lang sa oh so called protection niya. Alam ba niyang 'yang binebake mo ngayon ay ang huling bagay na matitikman niya sa'yo?" Puno ng diin na wika ni Alice.

"Your mouth, Al!" Pagbabawal ko sakanya.

"What? Totoo naman! Ang bastos ng utak niyo! 'Yan naman talaga ang huling bagay na matitikman niya. Alam niya bang farewell gift mo 'yan?" Dagdag ni Alice.

"No.." sagot ni Agatha.

"Why don't you go to him and tell him that his step mother acted like a villain! Ang sakit masabihan ng nakakasama ka when in the first place, buhay mo ang linalagay sa panganib para lang sa anak niya!"

Tumayo ako at umiling iling. Lumapit ako kay Agatha at kinuha ang ginagawa niya para ituloy ang pag mimix non.

Ako ang sasakit ang ulo sa naririnig ko.

"I repeat, Al. Naiintindihan ko kasi.. nanay siya. She is just protecting him." Giit ni Agatha.

"Pinili niya 'yon! Ginawa niya 'yon dahil gusto niya. He wanted to protect you because of his feelings for you! Isa pa, protect? Anong akala niyo kay Markus? Batang aalagaan at padedehin pa? For pete's sake! He is a bachelor in his late twenties, well muntik ng maging ex bachelor kung hindi pinuputol ang maganda nilang love story ni Agatha. He is also a business man and a basketball player. He earns his own money and he is so damn rich! Hindi niya kailangan maprotektahan! My gosh!"

I know she has a lot of points pero pag nandoon ka na sa sitwasyon na 'yon, yung tipong hindi mo na alam kung anong paniniwalaan mo ay mawawalan ka nalang ng gana na mag isip.

You'll just act based on what you think will make people happy.

"Paki filter nga ang bibig mo." Pagbabawal ko muli.

Binigay ko muli kay Agatha ang lalagyan para ituloy niya.

"What? Totoo naman ah! Nakaka beastmode kaya ang mga pangyayari dito! Nakaka beast mode din kayo ni-"

"Don't mention his name." Pag puputol ko sakanya.

Masamang tingin ang ginawad ko kay Alice.

"Okay fine! Lahat ng nangyayari sa inyo nakaka beastmode!" Napahawak pa siya sa ulo niya na parang beast mode na siya.

"Nakaka beastmode din kayo ni Sky!" Balik ko.

"And why? Wala dapat ika beast mode. Sky chose to believe on what he sees. Iniisip niya na mahal ko si Jacob when in the first place hindi naman. Pero fine, gusto niyang paniwalaan 'yon. Bahala siya! End of story. Next please." Kalmadong wika ni Alice.

She's acting huh?

"Agatha, ano bang nararamdaman mo para kay Markus?" Tanong ko.

Inangat ko ang aking kamay at pinunasan ang mga luha na nagbabadya muli sa mga mata niya.

"I hate him.. I hate him so much pero ngayon ko lang naintindihan ang sinasabi nilang there is a very thin line between hate and love at malapit na malapit ko ng matawid ang linyang 'yon." Aniya.

"Pero ayaw mong tawirin because of his villain step mom." Singit ni Alice.

"Al!" Banta ko.

"Sorry." Bulong ni Alice.

Lumingon ako kay Agatha at bahagyang ngumiti.

"Continue, Gath."

"Everything was like a bullet. Biglaang pagputok, deretsong deretso, mabilis pero saktong sakto. Hindi ko napansin na sa puso ko pala papunta 'yon, hindi ko napansin na nasasaktan na pala ako." Tagos sa puso niyang saad.

I understand her..

I completely understand her.

"Yun naman pala! Why don't you conquer it! Risk everything! Kayang kaya mong harapin ang batalyon ng mga mandirigma sa mga misyon mo, why don't you take this bullet?" Pag basag muli ni Alice sa tahimik na paligid.

"Because I want to protect him." Giit niya muli.

"Damn, Agatha. You can't apply everything you learned from the army in this situation. Iba 'to, this is you life. Your real life outside your barracks, your uniform and your guns. He doesn't need protection, he needs you."

"I hate to say this but I agree with Alice this time." Saad ko.

If only I can fight for Simon then I will.

Siya pwedeng pwede, kayang kaya niya. Masakit at mahirap man, malaki ang tyansa na mapagtagumpayan nila 'to at makuha nila ang nararapat para sakanila.

"You agree with me? You want me to give you an advice regarding-"

"No, thanks." Pagpuputol ko sa akmang sasabihin nila Alice.

Bumaling ako kay Agatha.

"So what's your plan?"

Nagkibit balikat siya at yumuko.

"Hindi pa rin nagbabago. Less than a month with him is enough. Naging masaya, malungkot, takot at nagalit din ako pero wala akong pinag sisisihan sa lahat. I was very happy."

"Dammit! Nakaka frustrate! Hindi ka naman ganyan dati. You will go and go until you get what you want pero bakit ngayon tumitigil ka? I never thought I'm gonna talk to you like this because you're the most sane in our family."

Napahawak na si Alice sakanyang sentido. Malungkot akong napatingin kay Agatha.

"Stop that, Al. Tigilan mo si Agatha. Ganon talaga.. people change, feelings change. Ganon siya dati dahil hindi pa nararamdaman ng puso niya kung paano tumibok para sa iba. May mga bagay na dapat hayaan nalang, mga bagay na hindi pwede ipilit lalo na kung nakakasama. May mga bagay na hanggang doon nalang talaga." Pag dedepensa ko kay Agatha.

Things should stop sometimes. Kung hindi, sarili mo nalang ang sinasaktan mo. May mga bagay na dapat paghirapan, may mga bagay na dapat bitawan.

Hindi dahil wala silang halaga kung hindi dahil sarili mo na ang mawawalan ng halaga pag pinagpatuloy mo pa.

"Lalim ng hugot mo. Sandali lang, mag iigib ako para sa'yo." Natatawang saad ni Alice.

Muli ko siyang sinamaan ng tingin.

"Alice Montgomery!" Banta ko muli.

Nag taas ng kamay si Alice at ngumiti ng matamis.

"I am sorry! Chill!"

"I know you're in your bitter state but please.. act like you're sane." Saad ko.

"Okay fine, mukhang wala na akong magagawa. Na kay Markus na ang desisyon kung anong gagawin niya. Wala ako bukas para makita kung ano ang nangyayari sa buhay mo dahil balik shooting na ako pero I'll free my day the next day after tomorrow to see you again." Ani Alice.

"Thank you, Alice. Though I can manage.. balak ko kasi, the day after tomorrow will be the day I'll go to Argao. Doon na muna siguro ako. I want to see Ate Rian and her twins with the child on her tummy. I also want to see Simon." Saad ni Agatha.

"Speaking of Simon.. hindi ba siya dumaan dito?" Tanong ni Alice.

Napaiwas ako ng tingin. Ayoko siyang pagusapan. Wala akong balak na magbukas ng sugat sa harapan nila.

"Ah? No! Hindi siya.. narinig ko, bumalik nalang siya agad sa Argao with Lolo. Si mommy and daddy naman, pupunta bukas para sa libing." Napaiwas ako ng tingin at napahawak sa kwintas na binigay ni Simon sa akin.

"Really?" Hindi makapaniwalang tanong ni Alice.

"Yes." Simple kong sagot.

Humigpit lalo ang pagkakahawak ko sa kwintas.

"Bukas, kakausapin ko na rin si Captain para sa pag alis ko sa serbisyo." Biglang sabat ni Agatha.

Para akong naalisan ng tinik sa lalamunan dahil doon.

"Oh! Sakto! Pwede kitang samahan tapos samahan mo ako sa exhibit na pupuntahan ko." Masaya kong alok sakanya.

"Exhibit? You're gonna pursue your passion?" Tanong ni Alice.

Tumango ako.

Naisip ko nakung hindi ko makukuha ang pinaka gusto kong bagay ay sa ibang bagay ko nalang ilalahad ang atensyon ko. Sa isang bagay na tuwing ginagawa ko parang ibang tao ako. Parang kilalang kilala ko ang sarili ko.

It's painting..

Arts..

"Yeah.." nakangiting wika ko.

"Well goodluck to the both of you. Just text me kung may problema kayo. I am always here kahit na mukhang kinokontra ko kayong dalawa, mahal ko pa rin kayo." Ani Alice.

I'm suddenly excited for the exhibit. I feel like something good will come with it. Something will open and I hope it's gonna be good.

Hindi ko tuloy maiwasan ang mapatingin sa invitation ng exhibit na pinadala sa akin. Kinuha ko ito sa gilid ng vase sa hindi kalayuan at pinakatitigan ang pangalan ng artist. I heard she's good and she's very talented.

I hope I'll meet her.

Carmela Cruz's first exhibit, blood will rise, earth will turn and eyes will see.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top