Chapter 44
Life
"Bakit ka nag kukulong dito?"
Napalingon ako sa nag salita. Napangiti lang ako ng bahagya bago binalik ang tingin ko sa langit. Narinig ko ang papalapit na yapak ni Clyde at naramdaman ko ang ginawa niyang pag-upo sa tabi ko.
Bahagyang gumalaw ang duyan at hinayaan ko nalamang ito. Nasa balkonahe kami ng aking kwarto.
"Saan ba ako pwede pumunta?" Malamig kong saad.
"I heard, dad allowed you to go out?" Alanganin niyang tanong.
"Yeah, pero ayokong lumabas habang alam kong iniisip nila na malaki ang tyansang makipagkita ako kay... alam ko na kahit malayo siya, yun pa rin ang iniisip nila." Sagot ko.
"Really? That's absurd. Nasa Visayas siya, ano pa ba ang gusto nila? I'm getting mad everyday, lalo na tuwing nakikita ko si Dos. I can't forgive him." Puno pa rin ng inis niyang wika.
"Stop it with Dos. He already said sorry. We forgave him. Kung iisipin natin na kasalanan niya lahat ng 'to, it will only make us look immature." Saad ko.
Bumalik si Dos sa New York pagkatapos ng nangyari pero sandali lang 'yon. Bumalik siya ulit pagkatapos ng kalahating taon at dumiretso siya sa bahay namin. Nagulat nalang ako na umiiyak siya sa harap ng gate namin habang umuulan.
"Dos! Anong ginagawa mo diyan?" Gulat kong tanong.
"I'm so sorry, Tulip.. I'm really really sorry. Your tears kept on hunting me, I was too impulsive. Damn. Gusto kong patayin ang sarili ko." Aniya habang pinipigilan ang pag-iyak.
"Gago ka pala! Ngayon mo pa naisip 'yan!" Kuya Carl roared and gave him a strong punch.
Bumagsak sa semento si Dos at hindi man lang naglaban. Kahit na hirap ay tinukod niya ang braso niya sa semento at hinarap kami muli.
"Tarantado ka. Ang tagal kong gustong suntukin ka. Ang tagal kong ginusto na iganti ang kapatid ko sa'yo. Hindi sila ang sumira ng pamilya. You're the one who destroyed everything! Alam mo ang sitwasyon, alam mo na hindi solusyon ang sabihin kina mama ang totoo pero ginawa mo sa hindi ko alam na dahilan. Tapos ngayon sorry? Mag so-sorry ka na para bang kayang ibalik ng sorry mo ang kapatid ko dito! Fuck you! Fuck your sorry! Hindi kita matatanggap!" Galit na galit na saad ni Kuya tsaka ako binitawan.
Hinawakan niya ako sa likod at sinubukan na hilahin papasok pero hindi ako sumunod. Instead, I walked towards Dos and kneeled in front of him.
"I'm so sorry." He breathed.
"I understand.. kuya."
I smiled and held his hand.
"Today is the day, I gave up on him.." I whispered.
Sad third year anniversary to me and to the day we're allowed to get close to each other.
Sa nga nagdaang taon, para akong preso na nagbibilang ng araw na lumilipas. Dati, ninamnam ko ang mga araw dahil pakiramdam ko napaka bilis nito maubos tuwing kasama ko si Simon pero ngayon, kulang nalang ay gusto ko nalang matulog ng matulog.
Nagdadasal na sana, dumating ang araw na matapos lahat ng sakit.
Na sana.. lahat ng pighati at sugat sa puso ay maghilom.
"I'm so sorry, Tul." Aniya.
Napangiti ako sa sinabi niya. Sa mga lumipas na araw, wala silang sinabi sa akin kung hindi ang mga katagang 'yan.
Naninikip ang dibdib ko pero hindi na ako naiiyak tulad ng dati. Napagod na rin ako. Kahit anong iyak ko, kahit anong sakit ng puso ko, wala akong magagawa. Hihinga nalang ako ng malalim at susubukan tapusin ang araw na ibinigay ng Diyos. Nagpapasalamat pa din dahil masaya at tahimik ang buong pamilya.
"Wala kang kasalanan, Clyde. It's okay." I whispered.
"Everytime I see you here, locked up inside your room, para akong papatayin ng konsensya ko. I'm a bad brother. Kasalanan? Damn, buong buhay ko ata pagbabayarin ang kasalanan ko sa'yo. I want to make you happy.. I badly want to.."
Maagap akong umiling.
Liningon ko siya at matamis na ngumiti sakanya. Naramdaman ko ang pangingilid ng aking mga luha. Ito nanaman sila, pinipiga nanaman ako.
"I am happy.." I traced.
"No you're not." Siguradong wika niya.
"Maayos ang pamilya, masaya ako." Saad ko.
Sandali siyang pumikit at malungkot na ngumiti sa akin. Inangat niya ang kanyang braso at inakbayan ako. Hinilig niya ang ulo ko sakanyang balikat at naginit ang aking puso dahil doon.
He embraced me.
Ginalaw niya ang duyan at huminga ng malalim.
"I hope.. that one day, dumating ang araw na hindi mo na kami kailangan pang isipin. Sana dumating yung araw na kasiyahan mo naman ang isipin mo." Narinig kong wika niya gamit ang kanyang basag na boses.
Sana nga..
"By the way, Simon called."
What?
Simon..
Parang sa isang iglap lang ay sumabog ang puso ko. Matagal tagal ko rin hindi narinig ang pangalan niya. Even his voice.. I miss it so much. Sobra-sobra ko itong na-miss. I badly want to hear it so much but I can't.
Akala ko nga ay makakalimutan ko na siya pero hindi. Ito pa rin ako, araw-araw na namamatay.
Mahal na mahal pa rin siya..
"Is he okay?"
Damn.
It hurts.
"The two of you are really funny. He asked me the same question about you. To answer your question, he said he's okay but I don't believe him. I know he's struggling there. I know he miss you. I know he's still trying to push everything for the two of you."
Ramdam ko ang pagpiga sa aking puso. Tuwing ganito, tuwing paguusapan siya. Hindi ko mapigilan ang na makaramdam ng sobrang sakit sa puso ko.
"He'll make it through.." mahina kong wika.
Ramdam ko na natigilan siya sa sinabi ko. Sumunod dito ang pagtikhin niya at ang paghiwalay niya sa akin.
"I'll pretend I didn't heard that." Aniya.
"Clyde.."
He held my hand and slightly squeezed it.
"Stop lying. Take some rest. Goodnight. I love you."
He leaned and gave me a kiss on my forehead. Malungkot akong ngumiti.
"Goodnight. I love you too."
Tumango siya at naglakad na palabas ng aking balkonahe at ng aking kwarto. Sinundan siya ng aking mga mata bago ko binalik ang tingin sa labas. Ginalaw ko ng bahagya ang aking duyan at marahang pumikit habang inaalala ang huling pag-uusap namin ni Simon.
"Simon.."
Pumasok ako sa kwarto niya at hindi na ako nahiya na mapahikbi nang makita kong nag-iimpake na siya.
I told him to go. I told him that.. not because I don't love him anymore but because it's the right thing to do.
Sabi nila, letting go will hurt. It will always hurt. Tama sila pero hindi ko alam na ganito kasakit. Gulong gulo ako, gusto ko tanungin ang sarili ko kung para saan ba ang laban na ginawa namin kung ganito ko lang siya kadali isusuko pero tuwing naririnig ko sa loob ko ang iyak ni mommy..
Everything will be questioned again, leaving me to decide what's for the better.
"Do you need anything?" Banayad niyang tanong.
"None.."
Umiling ako at pinunasan ang mga luha sa aking mga mata. Ito ang nakakainis sakanya. Ako pa rin ang iniisip niya pagkatapos ng lahat. I'm expecting him to get angry and blame me for his hardships but he didn't. He still looks at me like I'm the most important thing right now.
Kung tignan niya ako, parang masaya pa rin siya.
"Ikaw? Do you need something?" Tanong ko.
Humakbang ako palapit sakanya at lakas loob na umupo sa tabi niya. Nakapagitan sa amin ang maleta niya at puno na ito ng mga damit niya.
Gusto ko na sana ako nalang ang aalis pero pinilit niya na siya nalang. Hindi ko siya nagawang tanggihan dahil alam ko na lagi niya nalang akong pinagbibigyan.
"You. I need you to stop me from going." He breathed.
"Simon.."
"I know.. I just tried my luck."
Malungkot ko siyang tinignan at binigyan ng malungkot na ngiti.
"Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik. Hindi ko alam kung kailan kita makikita ulit. Fuck everything. Just the mere fact of thinking about it makes me feel like I'm dying. Hindi ko ata kakayanin na hindi ka makita kahit isang araw lang. Kaya mo ba? Bakit parang kayang kaya mo."
"I love you." Lakas loob kong wika.
Natigilan siya sa sinabi ko.
Pinipisil ang puso ko habang sinusubukan kong abutin ang kanyang mukha. Nanginginig ang aking mga kamay habang inaabot 'yon. I touched it like it was the best thing to do in the world.
Linayo niya ang maleta at mabilis na hinapit ang aking bewang palapit sakanya. Nawala ang nakapagitan sa amin at mahigpit niya akong hinawakan. I held his face close to mine. Pinagdikit ko ang aming noo habang pinaikot niya ang braso niya sa aking bewang.
Sabay kaming huminga ng malalim at ngumiti sa isa't isa.
"Could you repeat it?"
"I love you.. I love you, Simon Chase. So much. Wag na wag mong iisipin na kaya kong bitawan ka. Oo nga at nag desisyon ako pero sana maging sapat ang ginagawa ko para makita mo kung gaano kita kamahal. I want to save everybody, especially you. As much as I love you, I also love this family. I need to decide for the better, yung kung saan hindi masasaktan ng sobra ang lahat." I painfully said.
He smiled.
My heart skipped because of that.
"Is this your goodbye? Hanggang dito nalang ba talaga? Are you really letting me go? Do you really want me to stop? I know this questions will make it all hard for you that's why I kept them for a very long time but I need an answer now. Kailangan ko ng panghahawakan, Tulip." Aniya.
Hinaplos ko ang kanyang mukha at hinalikan ang kanyang kanang pisngi. Nagsipatakan muli ang mga luha sa aking nga mata.
Hindi ako makasagot sakanya.
Ayoko.
Ayaw kong pakawalan ang bagay na gustong gusto ko pero pag hindi ko ginawa 'yon, alam namin pareho ang mangyayari. Gustuhin ko man na maging masaya kasama siya ay hindi maari dahil hindi ko kayang sirain ang pamilya para lang sa kasiyahan ko.
Martyr sa pagmamahal? Hindi.
Nagsasakripisyo para sa pamilya? Oo.
"Araw-araw.."
Hinigit ko ang aking hininga at mariin na pumikit. Dinama ko ang paghinga niya at pagdikit niya lalo sa akin.
Hindi ko alam kung kailan ko ulit siya mahahawakan ng ganito..
Baka hindi na.
Pero sana..
"Araw-araw ay hihilingin ko na sana sa susunod na buhay natin, ibigay tayo ng Diyos muli sa isa't isa. Kung saan hindi ako si Tulip Montgomery at hindi ikaw si Simon Montgomery. Kung saan pwede kong ipagsigawan sa buong mundo kung gaano kita kamahal. Kung saan, kaya kong maglakad sa labas na hawak-hawak ang kamay mo. I will pray that we will meet again in our next life. Hoping that we're both from different societies.. different families.. different places." I whispered.
"Ikaw lang ang hihilingin ko. It will always be you, Simon. Kahit sino pa ang dumating sa buhay ko, wala na akong mamahalin na katulad ng pagmamahal ko sa'yo."
Pinagdikit ko ang aming mga pisngi at humawak sakanyang braso. Mariin akong pumikit sandali para makakuha ng lakas. I smelled him and I felt my heart break into pieces.
I will miss him..
I will miss my Simon Chase.
"Life is so unfair."
I can hear pain from his voice.
"If only I can do it with my way. I'll do it. This battle is not done yet. I'll come back for you. I promise.. I will. You'll see what I can do. I'll turn everything and make it right for the two of us. Hindi ako makakapayag na hindi tayo magkikita ulit. Hindi ako makakapayag na may ibang lalaki sa buhay mo. Meron pa akong laban at alam kong kaya ko pa 'to ilaban. Kahit ako lang mag isa.. I'll do it. I'm not afraid, Tulip and if there's two things I'm only afraid of, that would be not being with you and seeing you hurt." He sincerely said.
If only I could believe him.
Walang laban 'to. My brothers and cousins are always stubborn. Ipipilit nila kahit hindi pwede. They'll cheat and make things right basta alam nilang may pag-asa pa. Gusto ko man maniwala na may pag-asa pa 'to ay hindi ko na rin magawa.
Kitang kita na ang katotohanan.
Apilyido palang naming dalawa ay back to zero nanaman kami.
"Stop, Simon.."
"No. I will never stop. You're the one for me, I am the only one for you. Remember that, Tulip. I love you, I will be back for you." He breathed.
I will wait..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top