Chapter 43
Go
"I never felt so nervous." Pagbasag ni Gelo sa katahimikan.
Kanina pa kami nandito sa dining area ng bahay namin. Hindi nila kami iniwan dahil sigurado kami na sinabi na ni Dos. Natatakot ako, sobra.. pero tuwing titignan ko sila na nandito sa tabi ko parang kakayanin ko.
Wala akong excuse, wala akong paliwanag para malusutan 'to at wala rin akong plano na gawin 'yon. The only thing I can say is sorry..
"Are you scared?"
"I'm scared to see mom.. scared that I'll see her cry." Sagot ko kay Simon.
Mom gave her all, for us. Making her cry is like seeing yourself kill the one who gave birth to you.
"If you want, you could go and rest in your room. Ako na ang makikipagusap sakanila." Banayad niyang wika.
Maagap akong umiling.
"No. We will face together, diba?"
Sumilay ang ngiti sakanyang labi. Hindi ko mapigilan ang mapangiti na rin dahil doon.
"Nandito na sila." Napalingon ako kay Kuya Carl.
He was looking at the TV that was projecting the CCTVs surrounding the whole house. Everything seems normal except for the fact that four cars entered our gate. Of course I know kung sino ang nag mamay-ari ng mga 'yon.
Tito Teo, Tito Ziel, Dos.. and of course my dad's car parked outside. Automatic kaming napatayo dahil doon.
"He really did." Gelo hissed.
"Of course, he will. It's a given fact. We know his principles." Ani Kuya Adrian.
"But still, Kuya.. I still hoped. May natitira pa akong tiwala para sakanya but right now, I don't know. Hindi niya man lang tayo binigyan ng panahon para maghanda." Depensa ni Gelo.
"This is so nakakatakot na.." Rinig kong wika ni Alice.
Naiintindihan ko siya. Damang-dama ko ang takot para sa aming dalawa ni Simon pero mas lalong nadagdagan ang kaba at takot ko dahil alam kong damay silang lahat.
"Let's go." Matigas na wika ni Kuya Carl.
Kumalabog ang puso ko nang marinig ko ang pagbukas ng main door ng bahay namin. Mabilis kong kinuha ang kamay ni Simon at mahigpit na hinawakan 'yon.
Naramdaman ko ang pagpisil niya ng aking kamay.
Sabay kaming lumabas ng kusina at sinalubong ang aming pamilya. Hindi ko sila magawang tignan sa mga mata kaya yumuko nalamang ako habang ang mga pinsan at kapatid ko ay taas noong sinalubong ang mga magulang namin.
Parang unti-unting winawasak ang puso ko nang marinig ang paghikbi ni mommy. Mas hinigpitan ni Simon ang hawak sa akin.
"Carl, what do you think you're doing?!" Dad roared.
Napaawang ang aking labi at nag-angat ng tingin. Kuya Carl was standing infront of us. Tinatakpan niya kami habang taas noong nakikipag sukatan ng tingin kay daddy.
Ang mga mata ni daddy na lagi kong nakikita kay Simon. Ang kaibahan lang.. dad's eyes right now shows anger.
"Ivor.. don't let your anger eat you." Ani mommy na garalgal ang boses.
Nag-init ang aking mga mata dahil sa mga luhang nagbabadya at walang pag a-alinlangan na nagsitakasan ang mga 'yon.
"Dad, let's talk about this. Without Tulip.." ani Kuya Carl.
Kumunot ang aking noo.
Bakit?
"No. Walang dapat pagusapan. Mali ito. Ikababagsak at ikawawasak ito ng pamilya! Nag iisip ba kayo! Simon and Tulip are siblings! They are my children! Tapos gusto niyo 'to pagusapan 'to?!"
Mariin akong napapikit para mapigilan ang pag-agos ng mga luha sa aking mga mata. Inangat ko ang aking kamay at napahawak sa aking leeg. The pain I'm feeling right now is getting deeper and deeper every time I hear my mom weep.
"Ivor, uminahon ka. You know this won't work like this. Masasaktan lang ang mga bata." Rinig kong wika ni Tito Ziel.
"Don't meddle with this Ziel. Sapat ng pinagtakpan ng anak mo ang nangyayaring 'to. I can't believe this! Lahat kayo nag sama-sama pa talaga dito?! Kung hindi pa sinabi ni Dos, hindi pa namin malalaman! Hanggang kailan niyo itatago 'to? Kung kailan ba sira na ang pamilya, tsaka lang kayo titigil?!"
I felt it.
Yung sobra-sobrang sakit. Ramdam na ramdam ko sa puso ko kung gaano kasakit ang nararamdaman nila. Mula sa iyak ni mommy, sa nagpupuyos na damdamin ni mommy, sa higpit ng hawak ni Simon sa akin at kahit sa iyak ni Alice sa likod ko ay tagos na tagos sa akin.
It's like I'm bearing everything..
"Dad, I'm sorry. I'm so sorry po.." pigil hininga kong paghingi ng tawad.
Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang magkakahalong emosyon sa mga ekspresyon nila.
Mom is crying really hard. Dad is so angry and hurt..
"I'm so disappointed, Tulip. Ikaw ang pinaka inaasahan ko sa inyong magkakapatid. Ikaw ang babae at ikaw ang masunurin sakanilang lahat. I thought, I raised you well.. may kulang ba sa akin? May kulang ba sa pagpapalaki ko sayo?"
I can hear frustration from his voice.
Hindi ko magawang tignan sa mga mata si daddy kaya napaiwas nalang ako ng tingin.
"Dad, please. Don't say that. Ako ang may kasalanan dito." Pagpipigil ni Simon.
Mabilis ko siyang binalingan ng tingin. His stand was proud and strong. Ang tinig niya ay matigas at walang pag aalinlangan.
"Please stop this.. I don't want to hear this anymore. This a big mistake. Kalimutan na natin lahat 'to." Ani mommy habang pinupunasan ang kanyang mga luha.
"Mom! There's no mistake in here! Sainyo ako natuto na panindigan ang mga desisyon ko. I know.. this will hurt the family but we all know that I'm not doing anything wrong. I tried, I swear that I tried to stop but I can't mom. Hindi ko alam kung bakit kami yung kailangan mahirapan sa bagay na hindi naman namin kasalanan--"
"Tarantado ka!"
Namilog ang aking mga mata. Mabilis na bumitaw sa kamay ko sa Simon at sinalubong ang suntok na iginawad ni daddy sakanya. Malakas iyon at mabilis na natumba si Simon.
Napatakip ako sa aking bibig at maagap na dinaluhan siya. Lumuhod ako sa tabi niya at tinulungan siyang tumayo.
"Joachim!" Rinig kong pagpipigil ni mommy kay daddy.
"Napaka makasarili mo! You're so selfish Chase! Hindi mo na ako ginalang, pati ang mommy mo ay hindi mo na inisip! Kahit man lang sana ang pamilyang 'to inisip mo bago mo ginawa 'yan! Anong sasabihin mo sa akin?! Mahal mo ang kapatid mo?! Ginagago mo ba talaga ang pamilyang 'to?!"
"Dad!"
Bumigat ang aking paghinga. Kita ko ang paghihirap kay Simon ngayon. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya matuloy.
Maybe he wanted to defend ourselves but we all know that we're at fault.
Kami ang nasa mali, walang tamang rason ang makakapagtama dito. Our hearts will never win this fight kahit ano pang mangyari dahil una palang ay wala ng laban.
Sometimes I wonder.. bakit hindi ko magamit yung prinsipyo ng isang Montgomery..
That when love comes in, there are no inhibitions, no factors. You just love and conquer.
Kahit kailan, hindi ko magagamit dahil ang pagmamahal meron ako ay hindi magiging tama o magiging katanggap-tanggap.
"Simon, umuwi ka ng Argao. Doon ka na muna. Ipapamahala ko sayo ang lahat ng lupain natin sa Cebu. Kung hindi niyo ititigil 'to, ako ang gagawa ng paraan para maitama ang mga pagkakamali niyo." Matigas na saad ni daddy.
"What?! No!" Agad na hindi pag sang-ayon ni Simon.
"Dad.." I breathed.
Lahat sila ay natigilan sa pagsasalita ko.
Natahimik ang lahat.
Sinalubong ko ang mga mata ni daddy. Hinayaan kong tumulo ang aking mga luha habang marahang umiling. Kita ko ang paglambot ng mga tingin niya at ang pagiwas ng mga ito sa akin.
"Tulip, you're the one who completed this family. Alam mo 'yan and I'm vocal about that. I gave everything that you need. Basta kaya ko, ibinigay ko sayo. I showered you not just by material things but also with every bit of my being. Sabi mo, ayaw mong nasasaktan si daddy.. but, right now.. you're hurting me so much. Sa ginagawa mo, pinamumukha mo sa akin na nagkulang ako bilang ama.."
Nabitawan ko si Simon dahil doon. Sabi nila, nakakamatay ang mga salita at sa ngayon, napatunayan ko 'yon. Every word that Dad said went through me. It strucked me and went deep through my soul.
Nasasaktan ko ang lahat..
"Dad, that's not true. Hindi ka nagkulang.."
"Inalagaan kita, inaruga at binihisan-"
"Ivor! Joachim! Stop! Stop this!" Hagulgol ni mommy.
Mabilis akong napahawak sa puso ko. Parang may pumiga doon. Hinawakan ni mommy sa kamay si daddy at tinignan 'yon na para bang nagmamakaawa.
Kita ko ang pagtagis ng panga ni daddy.
He's suppressing his anger.
"My decision is final. Uuwi si Simon sa Argao. Tapos ang usapan."
"I won't go dad, alam mo na matigas ang ulo-"
Pinutol ko ang sasabihin ni Simon. Humakbang ako paharap at humugot mg malalim na hininga.
"I'm at fault. I should be the one to go there. Ako nalang po ang aalis. Mas kailangan si Simon dito. He's needed for the company.."
"You don't need to do this. Walang aalis sa ating dalawa. We won't seperate ways." Banayad niyang wika.
Sandali akong napapikit mula sa narinig sakanya.
"Simon Chase!" Mas lalong umapaw ang galit ni daddy.
Hinawakan niya ako sa balikat at siya ang nag harap sa akin. He held my chin and made me looked at him. I found his eyes and I felt my heart melt into its most liquid form.
Nanikip ito at parang pipigain ng ilang ulit.
"Trust remember?" Aniya.
Sapat ba ang tiwala para malagpasan namin 'to? Sapat ba ang tiwala at pagmamahal na meron kami para lumaban sa labang walang ikakapanalo? Ano pa ba ang saysay ng laban na 'to kung lahat ng taong nasa paligid namin.. nasasaktan na.
Ang gusto ko lang naman..
Mahalin siya na walang iniisip pero tuwing nakikita ko silang lahat, bumabalik sa katotohanan na hindi pwede at kahit kailan ay hindi magiging pwede.
"Anak.."
Natigilan ako nang maramdaman kong may humawak sa aking kamay. Napalingon ako doon at parang hinahati ng paulit-ulit ang kanina ko pang nakahati na puso.
Napaawang ang aking labi.
Dahan-dahan lumuhod sa harapan ko si mommy habang nakahawak sa aking kamay. She was crying with all hear heart.
Gasped filled the air.
"Jade! You don't need to do that!" Pagpipigil ni daddy kay mommy.
Umiling lamang si mommy at mas lalong humigpit ang hawak niya sa aking kamay.
"Ma.."
Napatakip ako ng bibig para mapigilan ang paghikbi.
"Kung kailangan kong mag makaawa sayo, gagawin ko. I know you.. I'm your mother and I raised you well. Alam ko na hindi mo kayang sirain ang pamilyang 'to. Alam kong kahit kailan hindi mo nanaisin na makitang nasasaktan lahat. I know that because I know you.. from your heart to every bit of your being. Please, anak.. my baby, save this family. Minsan lang ako humiling sa'yo, pagbigyan mo na ako.. anak. Please." Aniya gamit ang basag niyang boses.
Para akong pinako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko o kung anong sasabihin ko. Patuloy lamang sa pag agos ang mga luha ko at patuloy lang sa pag aagaw buhay ang puso ko.
Hindi ko alam na ganito kasakit..
I know it would hurt but I never thought that it would be as much as like-- death.
Para akong pinapatay ng paulit-ulit.
"Kung may mali man nagawa si mommy, pasensya na. Kung naramdaman mong nagkulang ako.. I'm so sorry. If you ever felt like, nagkukulang ako.. I'm sorry anak. Just remember, I love you so much."
Naiyukom ko ang mga palad ko. Tinayo ni daddy si mommy at yinakap ito. I can't bear to see the view.
"My decision is final. Sa ayaw o sa gusto niyo, I want Simon in Argao tomorrow." Dad said with finality.
He held mom and helped her walk. Ramdam ko na nanghihina si mommy and it's my fault. Tinulungan niya 'tong umakyat ng hagdan.
"Dos and Alice. Umuwi na tayo. Uno, puntahan mo si Clyde sa party, help him finish it." Ma awtoridad na wika ni Tito Ziel at nauna ng tumalikod at umalis.
"Adrian and Gelo. Drive yourselves home. Make sure, everything is okay.. first." Mahinahong wika ni Tito Teo.
"Yes dad." Magalang na sagot ni Kuya Ad.
Pinanuod ko lang umalis sila Tito. Wala man akong masabi sakanila. I don't deserve to speak..
Narinig ko ang hikbi ni Alice. Lumapit siya sa akin at kita ko ang mugto niyang mga mata. Maagap niya akong yinakap at humagulgol sa akin.
"I'm so sorry, Tul. I'm so sorry.." she breathed.
Umiling ako.
"Wala ka dapat ikahingi ng tawad." Saad ko.
"I won't go." Rinig kong saad ni Simon sa gilid ko.
Mariin akong pumikit. Nagsituluan muli ang bagong batalyon ng luha sa aking mga mata.
"Go." I managed to say.
Lalong nadurog ang wasak na wasak kong puso.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top