Chapter 41

Dos

Sunrise, sunset, each day turned into weeks, months and years.

Hindi ko akalain na tatagal ng ganito. I was waiting for it, I was getting ready for it. Akala ko ay hindi ko kakayanin pero tuwing nakikita ko si Simon, sobrang lumalakas ang kalooban ko. Years passed yet I feel like I need more time.

Yes, I was barely hanging pero ganon talaga eh.. kailangan kumapit ng mabuti para hindi ko mabitawan.

"Are you ready?"

Nag-angat ako ng tingin at napalingon sa hamba ng pintuan. There, I saw Rian and Alice. They are wearing their semi formal dress for the event.

"Yes, marami na bang tao?" Tanong ko.

"Some politicians and businessmen." Sagot ni Rian.

"It is super nakakainis nga 'eh! Ang dami daming tao, one fourth lang ata ang kilala ko." Iritadong wika ni Alice.

Napangiti ako dahil sa pagrereklamo niya.

"Pabayaan mo na, it's an important day after all." Ani Ate Rian.

"Ano pa nga ba.."

She is still iritated, I can see.

It's Tito Theodore's birthday. Sinabay na din sa celebration ang pagiging matatag ng pamilya sa politika. I heard, sa susunod na elections ay hahabol muli si daddy or I'm not sure if it's Tito Teo who'll run but for sure it won't be Tito Ziel. Mas hands-on na sa business si Tito Ziel.

"Sila Jax, nandyan na?" Tanong ko.

Tumayo na ako at hindi ko napigilan na mapahawak sa kwintas ko. Bahagya akong napangiti nang maramdaman 'yon sa leeg ko.

"Yes. Ma a-annoy ba ako ng ganito kung hindi diba?" Ani Alice.

Kumunot ang aking noo.

Napatingin ako kay Rian dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Alice.

"Kim.." Rian traced.

Naitaas ko ang aking kilay at napatango nalamang. Kim is our cousin in our mother's side. Hindi naman sila mag ka-away pero hindi rin sila magkasundo. Nakakatawa nga na isipin, kung sino pa ang kaparehas niya ng ugali ay siya pa ang hindi niya kasundo.

Ironic isn't?

Matamis na ngumiti si Alice.

"Her presence is enough to make me angry. Sana nga bumalik na si Dos dito para naman magantihan ko si Kim. I'm sure her mouth will shut up when Dos is here."

Si Dos ay dalawang taon ng nasa New York. He's working there para mapalago ang kompanya namin. Siya ang in-assign ni Tito Ziel doon.

"If I know, inis ka lang kasi close na sila ni Sky." Natatawang wika ni Rian.

"No way! Of course not! Why would I? As if I care? Mag sama sila! Kung gusto ni Kim, sumama pa siya kay Sky sa probinsya at doon sila mag bahay-bahayan! Bwisit!"

I looked at her bewilderedly.

"Hah? Hindi talaga ah?" Panunukso ko.

"Hindi nga! Nasaan na ba sila Vanessa? Mapuntahan na nga!"

Marahas na tumalikod si Alice at nagmartsa palabas ng kwarto ko. Lumipat ang tingin ko kay Rian at sabay kaming napahalakhak.

I can't believe Alice is an actress. Lagi siyang pumapalya sa pag de-deny ng mga bagay.

"Let's go. Baka magwala doon si Alice!" Natatawang saad ni Rian.

"Mabuti pa nga." Saad ko.

I held her hand and we both walked hand-in-hand while going outside the hotel room. We stayed at Harris Hotel, as usual kasama ko sa kwarto si Rian at Alice. At times like this, nakakamiss din si Agatha.

Tinahak namin ang elevator. Rian clicked the button and we waited for it to open.

"Hey!"

Sabay kaming napalingon sa tumawag sa amin. Wala sa sariling matamis akong napangiti. Hindi dahil sa tumawag sa amin kung hindi sa taong kasama niya.

"Uno, you're so loud!" Pagpapagalitan ni Rian kay Uno.

Lumapit sa amin si Uno at Simon na parehas naka suit. Matikas ang tayo nilang dalawa at tumabi sa amin. Ngiting ngiti si Uno habang si Simon naman ay nakangisi lamang.

"I missed you, Ri! Buti naman at nakapunta kayo. Akala ko, kinulong ka na ni Claveria sa Argao." Rinig kong panunukso ni Uno.

Napailing nalang ako at binalingan muli si Simon.

"I was looking for you.. kanina." Saad ko.

From smirking, he smiled at me genuinely this time. Lalo pa siyang lumapit kaya naamoy ko nanaman ang pabango niyang kinaadikan ko talaga. Bahagya akong napaurong pero hinawakan niya ako sa braso kaya sinamaan ko siya ng tingin.

From the years passed, nasanay na ako sa hawak niya. Hindi na ako masyadong naiilang. It's natural.. actually.

"Really?" Manghang tanong niya.

Inosente akong tumango.

"Oo."

Napabuga siya ng hangin at tumayo ng maayos. Nagpamulsa siya at nakita ko ang matinding pag-iisip sakanya.

I know he's bothered.

"Tara na." Ani Uno.

Doon ko lang napansin na nakabukas na ang pintuan ng elevator. Maagap naman kaming lumakad at sumakay doon. Tumayo ako sa tabi ni Simon at sa kabila ko naman ay si Uno.

Binalingan ko muli si Simon at tinignan siya.

"What's bothering you?" I breathed.

"I took my board exam." Tipid niyang saad.

Napaawang ang aking labi.

"Really? How was it?"

"It's good. It's not my problem actually." Aniya.

Of course! Hindi naman niya dapat problemahin 'yon. I know he'll pass. For sure he will!

Sa kabila ng lahat, alam ko din kung bakit siya nangangamba.

"Si daddy?" Pag huhula ko.

"Yeah."

"Hindi mo pa ba siya kinausap tungkol diyan?" Tanong ko.

Simon graduated already, together with Gelo. Pero after that, lihim siyang nag-aral ulit pero this time, yung course na gusto na niya. Yes he was working in our family's company but he still managed to study architecture.

Alam naming lahat magpipinsan 'yon, mga magulang lang namin ang walang alam. Hindi niya pa daw kayang sabihin kay daddy lalo na at iba ang plano ni daddy para sakanya.

Umiling siya. "Hindi pa."

"You should. Sooner or later, malalaman niya din." Saad ko.

Tumunog ang elevator at nagbukas ang pintuan non.

"Paano mo naman nasabi?" Aniya.

Bago ako makasagot ay linahad niya na ang braso niya sa akin. Tinignan ko muna siya bago muling napatingin aa braso niya. Matamis akong napangiti at lakas loob kong tinanggap 'yon.

His simple gestures will make me so damn weak.

Sabay kaming lumabas at ganon din si Uno at Adrianna. Naririnig ko na ang kwentuhan na nangangaling sa mga tao.

Chattering everywhere.

Sa hall gaganapin ang party kaya dumiretso kami doon.

"As I was saying, nasabi ko 'yon dahil for sure.. your name would be at the newspaper. I know you aced the exam! So you should prepare."

Nilingon niya ako at bahagyang natawa.

"Proud, aren't you?" He said while smiling.

"Oo naman!" Balik ko sakanya.

Sabay kaming mababaw na napahalakhak bago ko linibot ang mga mata ko sa kabuuan ng hall. Punong puno ang hall ng mga tao, halos nag kikintaban ang mga suot nila. Malalaman at mapapansin agad kung sino ang mga magkakasama.

Parang kami, we chose simple dresses. Puro nude colors ang pinili namin. Malayo sa mga nakikita kong nagniningning na mga damit na suot ng mga taong panigurado ko ay matataas ang pwesto.

"There they are!"

Tinuro ni Uno ang isang table sa dulo ng hall. Natanaw ko ang nakaupong Gelo, Clyde, Kuya Adrian at Kuya Carl doon.

"Where are my children?" Rinig kong tanong ni Rian.

"Baka kasama ni Evander." Panghuhula ni Uno.

Kusang naglibot muli ang mga mata ko at hindi ko nga makita sila Evander.

"Hahanapin ko muna sila." Ani Rian.

"Mother duties." Natatawang saad ni Simon.

Mabilis naman siyang sinapok ni Adrianna kaya hindi ko napigilan ang matawa. Taon na ang nakalipas pero walang nagbago.

"Not my hair! Ri, naman 'e!" Inis na saad ni Simon.

"Ewan ko sa'yo." Ani Rian.

Tinalikuran niya kami at iniwan na. Nagkatinginan si Uno at Simon, as usual.. sila lang ang nagkakaintindihan.

"Man, savaged!" Ani Uno.

"It wasn't my intention!" Depensa ni Simon pero halatang nag pipigil pa rin siya ng tawa.

"Someone is sending dagger at me. I need to go. Mauna na ako."

Sinundan ng tingin ko si Uno na nagmadaling umalis at lumapit na sa table namin. Bahagya akong napangiwi nang may humawak sa noo ko at pinasadahan 'yon ng daliri. Nag-angat ako ng tingin at lalong kumunot ang noo ko nang makitang ngiting-ngiti si Simon.

"Stop sending daggers." Natatawa niyang wika.

"Isa ka pa." Saad ko.

Nag-angat ako ng kamay at inabot ko ang buhok niya. Inayos ko ang kaunting gulo nito mula sa pagsapok ni Rian.

"Magulo na?" Tanong niya.

"Hm.."

Inayos ko pa ito ng kaunti at akmang ibaba ko na ang kamay ko nang abutin niya 'yon at siya mismo ang nagbaba. Mahigpit niyang hinawakan ang kanang kamay ko at nilagay 'yon sa kanyang braso.

"I know you're afraid that someone will think wrong about your actions--"

I stopped him.

"No. Actually no. Hindi ko man iniisip 'yon." Saad ko sabay iling.

Kita ko ang pagkalito sakanyang mga mata.

"Wow.. really?" Hindi makapaniwala niyang wika.

Tumango ako. "Oo nga."

"Tara.. gawin natin ulit." Aniya.

Kumawala ang isang halakhak mula sa akin at bahagya ko siyang pinalo dahil doon.

"Simon Chase." Banta ko sakanya.

"Yes Tulip?"

Abo't langit ata ang ngiti niya, habang ako naman ay abo't langit ang nararamdamang kiliti sa puso. Lagi siyang ganito, sa mga lumipas na taon.. lagi niya akong iniisip pero hindi niya alam na tuwing kaharap ko na siya ay nakakalimutan ko na ang lahat.

Nakakalimutan ko na kung sino talaga kami..

"Come.." aniya.

Binaba niya ang braso niya at inabot ang kamay ko. Pinagsiklop niya ang aming mga daliri at mabilis na hinila ako. Nahigit ko ang aking hininga at napatingin sa magkahawak naming kamay.

Pinisil ko ang kamay niya at hinigpitan pa lalo ang magkahawak naming kamay.

"Saan kayo pupunta?!"

Narinig ko ang boses ni Alice na tinatawag kami.

"Oh my gosh! They're running away!"

"Shut it, Al. Wag kang O.A. Gusto mo bang mabaliktad ang buong hotel na 'to?"

Hindi sila pinansin ni Simon at nilagpasan lang namin sila. Dere-deretso kaming lumabas ng hall at dumiretso kami sa labas ng hotel mismo. Tuloy-tuloy lang kami hanggang sa napansin kong papunta kami sa hindi pamilyar na lugar.

"Simon.."

"We're here." He breathed.

Mula sa pagkakatitig sakanya ay napatingin ako sa harap. Bumitaw siya sa akin at pumunta sa likod ko. Hinawakan niya ako sa balikat at hinarap sa buwan.

Napaawang ang labi ko.

"I never thought that there is something like this.. I mean.. the view, Simon. It's so beautiful." I breathed.

"Kahapon ko lang nakita 'to.. and you know what? Ikaw agad ang naisip ko." Aniya.

Parang may mainit na palad ang humaplos sa puso ko. Pinisil ito at parang sasabog dahil sa mga nararamdaman ko. Araw-araw naman ata akong ganito. I'm always overwhelmed whenever he makes me feel like he always think of me.

He makes me feel like I'm the most important thing in his life.

"The moon, it's perfectly reflected." I slightly whispered.

May lake sa harapan namin at kahit kailan ay hindi ko inakalang may ganito dito. Kitang kita ko ang buwan dahil sa sinasalamin ito ng lawa.

"You what, Tul? I am so happy."

"Why?"

"Because.." he teasingly said.

Pinihit niya ako paharap sakanya. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mga tingin niya. I felt a warm feeling inside me while looking at his eyes.

Addiction..

Yes, it's my addiction. Everything about him is very addicting. Tuwing naiisip ko na mawawala rin 'to sa hinaharap, sobra akong natatakot.

I'm so used to it that I feel like being with him is the same as breathing.

"Why are you so beautiful?"

Napangiwi ako at siya naman ay napahalakhak.

"Simon!"

Pinag titripan nanaman niya ako.

"Hold my hand." Aniya sabay lahad sa akin ng kanyang kamay.

Tinignan ko ito at sumilay ang ngiti sa aking labi. Buong loob kong pinatong ang kamay ko doon at pinisil ito. Gustong gusto ko talaga 'yon ginagawa. Mas nararamdaman ko ang presensya niya pag ganon.

Nararamdaman ko sa dugo ko ang init ng palad niya..

"You're my happiness. You should always stay beside me okay? Kung hindi.. it would also mean death for me."

"Simon.."

Wala akong masabi. He always leave me breathless.

"Answer me, Tulip."

Napangiti ako at tumango ng dahan-dahan.

"I will. Hanggang kaya.. gagawin ko." Pigil hininga kong wika.

"I love you."

Lalong lumawak ang ngiti ko. Madalas na niyang sabihin sa akin ang mga salitang 'yon pero minsan lang ako sumasagot.

Pero ngayon.. pakiramdam ko, he deserves to hear it back from me.

"Mahal din--"

"What the hell is happening here?!"

Mabilis akong napahiwalay kay Simon at namilog ang aking mga mata.

Kumalabog ang puso ko..

"Guys! Dos is back, he's on the way-- oh my potato salad! Nandito ka na pala!" Ani Alice na natigilan rin nang makita niya si Dos na nakatayo sa harapan namin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top