Chapter 40
Malapit na
Sobrang hirap pala ng mourning stage. Hindi ko akalain na ganito kabigat. Bawat galaw namin ay sobrang tipid, nagpapakiramdaman muna kung sapat na ba ang paghilom ng sugat para gawin ang mga bagay.
Tita Pin was so devastated habang laging wala sa bahay sila mommy dahil sa pag-aayos ng mga kompanyang naiwan na naka pangalan kay Lola Alina. Mom was helping Tita Pin to cope up with the pain and to help her realize that she has a great role to serve.
"Hey, Tul!"
"Sasama ka ba?"
Natigil ako sa pagiisip at lumingon sa pumasok sa loob ng bahay namin. Agatha and Alice were wearing semi-formal clothes and I suddenly remembered, what day is today.
Heck!
I forgot. Inimbitahan pala kami ni Rian at Evander sa opening nang restaurant niya.
Sa sobrang dami kong iniisip ay nakakalimutan ko na ang mga simpleng bagay. Isa pa, tahimik ang buong bahay at ang buong pamilya namin kaya natatakot akong gumawa ng hakbang na lalo nilang ikasasama ng loob.
"New branch of Evergarden? I almost forgot!" Wika ko.
"Yes! Si Rian nandoon na. Gusto daw niyang tulungan si Claveria sa pag-aayos. May pasok na tayo bukas so they need to make sulit their time." Ani Alice.
Wala sa sariling napangiti ako.
Atleast, Rian is happy. Isang buwan na rin ang nakalipas simula nang permanente naming pananatili dito. Alam kong nahirapan sila ni Evander dahil sa set-up nila pero sabi nga nila, nothing can beat love.
"I will. Ayoko naman mag mukmok dito." Mahina kong wika.
"Haleluah! Good decision! I thought I'll be spending my day with Gath! For sure ako nalang makikita niya palagi!" Natatawang wika ni Alice sabay upo sa tabi ko.
"Shut up, Al. For all I know, gusto mo lang ako maging pre-occupied mamaya para hindi kita bwisitin diyan sa Sky mo." Sarkastikong wika naman ni Agatha.
Umupo din si Agatha at agad na nag tipa sa kanyang cellphone. Si Alice naman ay agad nag re-touch agad.
"Of course not! It's not that.. naman.. kasi!" Puno ng depensang wika ni Alice.
Hindi ko mapigilan ang mapahagikgik. Humilig ako kay Alice at dinama ang balikat niya. Pakiramdam ko sila ang airway ko, nakakahinga ako sa mga problema dahil sakanila.
"I should get dress.." tamad na tamad kong sabi.
"Wag na. Okay na 'yan." Ani Alice.
Napatingin ako sa suot ko. Usual sunday dress lamang ito. Nag simba kasi kami kanina at hindi pa ako nakakapagpalit.
"Talaga?" Bulong ko.
Yeah, right. Sobrang tamad ko talaga ngayong araw na 'to.
"Yup." Ani Alice.
Tumango-tango nalang ako at pinanuod si Agatha na magtipa sakanyang cellphone.
"Kailan ka papasok ng army school?" Tanong ko.
"At the end of this week." Aniya habang nag titipa pa rin.
Four days from now.
"That fast?"
"Ahuh. Excited na nga ako! Nag shopping na kami ni mommy for the things I need!" Aniya.
Isinara niya ang cellphone niya at bumaling sa amin. Bahagya pa siyang napatingin kay Alice na nag me-make up pa rin. Kita ko ang pag ngiwi niya at ang pag-iling nalamang niya.
Binalingan niya ako ng tingin atsaka ngumiti.
"Makikita niya si Sky kaya nag papaganda." Aniya.
My mouth formed an O.
"Really?" Ngisi ko.
"Of course not! Bawal na ba mag make-up ngayon?" Puno ng depensang wika ni Alice.
"Ewan ko sa'yo. Mag make-up ka nalang diyan. Gawin mong coloring book ang mukha mo."
Gusto kong takpan ang bibig ni Agatha pero sadyang hindi rin siya mapipigilan. Hindi ko tuloy alam kung kailangan ko bang i-adopt ang ugali niyang 'yon.
It's amazing how she can say something without ihibitions.
"Shut it, Gath. Ako nanaman ang nakita mo." Ani Alice.
Nagkibit-balikat lamang si Agatha at napalinga-linga sa paligid.
"Wala sila Clyde?"
"Nakikita mo ba sila-- sabi ko mga mananahimik na ako." Ani Alice sabay takip sakanyang bibig.
Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya. Agatha's eyes were looking at her like she's about to kill Alice with it.
"Wala, sinama sila ni daddy pero pauwi na rin daw sila." Sagot ko.
"Good. I don't want to drive." Ani Agatha.
"I heard my name."
Sabay-sabay kaming napabaling sa pintuan ng bahay. There, Clyde and Simon walked their way inside. Tumatawa si Clyde pero ang atensyon ko ay hindi maalis kay Simon. Gusto kong umiwas ng tingin pero sadyang gustong gusto talaga ng mata ko na tignan siya.
"We should get going! Tutal nandito na kayo." Ani Agatha.
"What? To where?" Litong wika ni Simon.
"Evergarden! Hala, nakalimutan." Pailing-iling na wika ni Clyde.
Napangiti ako nang makitang napakamot nalang sa batok si Simon.
"Bagay talaga kayo. Makakalimutin." Bulong ni Agatha sa akin.
"Hindi no!" Depensa ko.
Naramdaman ko ang mabilis na pag-init ng aking pisngi dahil sa narinig. Mas lalo akong nahiya nang makitang napakagat sakanyang labi si Simon para pigilan ang kanyang ngiti habang nakatingin sa akin.
Tuwing masaya kaming ganito, I can't help but feel like it's wrong..
Iniisip ko nalang na kahit minsan lang. Sana pwede, kahit sandali.
"Sus! Chummy chummy pa kayo!"
Tumayo si Agatha at pinagpag ang kanyang black leather jacket na nakapatong sa black dress niya.
"Teka, we'll change clothes!" Ani Clyde at nag madaling hinila si Simon paakyat.
"Tulip."
"Hm?"
Inalis ko ang tingin ko sa hagdan at bumaling kay Agatha. Kita ko ang concern sakanyang ekspresyon.
"Aalis na ako niyan.." she traced.
Tumango ako.
"Natatakot ako." Deretso niyang wika.
"Hah? Bakit? If you're worried about your family then--"
Napaawang ang labi ko nang mabilis niyang hinablot ang kamay ko para mayakap ako. Sobrang higpit ng yakap niya at mas lalo kong naintindihan ang takot niya. Inangat ko ang aking kamay at tinapik ang likuran niya.
"Gath, bakit?" Rinig kong wika ni Alice sa likod.
"I'm afraid that when the time comes na kailanganin niyo ako dito.. wala ako. Especially you, Tulip. The things that will happen won't be that easy and will never be easy. Natatakot ako na baka pagbalik ko, it will be.. too late."
Para akong kikilabutan sa mga sinasabi niya. Kung ang mga tao sa paligid ko ay ganito ang takot para sa amin ni Simon, paano pa kaya kami. Every night.. para akong papatayin ng takot sa puso ko. Afraid to get caught.. afraid to hurt everybody because of what my heart wanted.
Pero ang pinaka-kinatatakutan ko..
It's losing him.
Alam ko na balang araw, darating ang panahon na mawawala rin lahat ng 'to. This fight won't have a good ending. Ngayon palang, alam ko na. Pero.. sadyang matigas talaga ang ulo ko.
"It's okay, Gath. You don't need to feel like that. Problema namin 'to. Laban namin 'to. You, being like this.. it's already enough. Sobra-sobra na 'to, Agatha." I whispered.
"Naiiyak ako.." daing ni Alice.
Naramdaman ko ang pagsali niya sa yakapan namin. Inabot ko ang likuran niya at yinakap din siya.
"I'll be here, Gath. Don't worry. I'm not supporting them but I won't let anything hurt them. Kahit naman ganito ako.. I still love them. Kainis! Maskara ko! Kalalagay lang!"
Kahit sobrang sikip ng dibdib ko ay nagawa ko pang matawa dahil sa sinabi niya. Napapitlag ako nang maramdaman ko na may nakiyakap pa sa aming tatlo. I hear Clyde's laugh but what bothered me was the guy behind me.
Of course I know who it was. Tibok palang ng puso ko, alam ko na..
"You're crying again." Rinig kong wika niya.
I leaned my head on his chest. He circled his arms around us. Ganon din si Clyde. I can hear Clyde's voice, tinutukso niya si Agatha at Alice pero mas naririnig ko ang pintig ng puso ni Simon.
"Ayusin niyo na ang mga sarili niyo.. we need to get moving." Anunsyo ni Clyde.
Humiwalay ako sakanila at pinunasan ang kaunting luha na nakatakas sa aking mga mata. Alice and Agatha did the same.
"Let's go." Ani Simon.
Inakbayan ni Clyde si Agatha at Alice. Somehow, I feel like Clyde knows..
"I heard pinatapon mo daw ang nga toblerone na inuwi ni Gelo kahapon, why is that?" Ani Clyde kay Agatha.
Nawala ang aking atensyon sakanila nang maramdaman ko na may humawak sa kamay ko. Nilingon ko si Simon at bumaba ang aking tingin sa kamay naming magkadikit. Hinawakan niya 'to pero hindi niya tuluyang pinagsiklop.
"Can I?"
Napangiti ako.
Minsan lang..
"Yeah." Mahina kong tugon atsaka tumango.
"Good." Bulong niya.
Nanatili ang aking tingin sa aming mga kamay. With my answer, tuluyan na niyang pinagsiklop ang aming mga daliri at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Lalong lumawak ang ngiti ko at nagpatianod na sakanya.
Sumunod kami kina Clyde na nagbiburuan pa hanggang sa labas. Bahagya akong na-alerto nang makita na napatingin si Clyde sa aming dalawa at bumaba pa ang tingin niya sa magkahawak naming kamay ni Simon. Sinubukan kong hilahin ang kamay ko mula kay Simon pero hindi siya nag patinag.
Mas lalo niya pa akong idinikit sakanya. Parang pinukpok ang puso ko doon. Nababaliw na ba talaga siya?
"Simon.." pagkuha ko sa atensyon niya.
"You know how I love hearing my name from you but.. I need to teach you how to trust me fully." Aniya.
Kumunot ang aking noo.
"And.. what? Ano? This is your way?"
His way will kill us!
"Simon, ano ba-"
"Little sister, don't mind me. Ibawas mo na ako sa mga iniisip mo." Natatawang sabat ni Clyde.
"You.."
Binaling ko ang atensyon ko kay Clyde. Nakangiti ito habang nakatingin sa amin. Nakuha niya pang buksan ang pintuan ng sasakyan ni Agatha.
"You know." Hindi ko mapigilang sabihin.
"Sino bang may hindi alam." Natatawang sagot niya sa akin.
"Dos? Adrianna?" Sabat ni Alice habang pinapasok ang bag niya sa sasakyan ni Agatha.
"Sabay ka sa akin?" Tanong ni Simon.
"Sh." Bawal ko sakanya.
Sinusubukan kong intindihin ang mga pangyayari. Hindi ako mapaniwala. Are they really turning blind eye on this? Hindi naman sa-- hindi ko na din alam ang iisipin ko!
"Well, hindi lang naman alam ni Ate Rian dahil ayaw natin siyang madamay. We all know how she loathes liars and knowing her, susuportahan niya ang dalawa pero hindi niya din kakayanin ang magsinungaling." Ani Agatha.
Napahawak ako sa aking leeg.
They are all doing this for us?
"But Dos, it's a different matter. I'm sorry, Al. I know he's your brother and we are cousins but he won't tolerate this." Ani Clyde.
"Yeah, I know." Tugon ni Alice.
"You see? They're all behind our backs. They're willing to do everything for us. Nothing will happen if you'll let me protect you without inhibitions. You need to trust me. Not thirty, forty, fifty or seventy percent. I need one hundred percent sweetheart."
"I know, Sy. I know.. pero, hindi ko na ata kayang mangdamay pa ng iba."
Tuwing nalalaman ko na unti-unting dumadami ang nakaka-alam, mas lalo akong na gi-guilty. Mas maraming may alam, mas maraming masasaktan.
"Mauna na kami."
Narinig ko ang pagtunog ng sasakyan ni Agatha at sumunod ang pag-andar nito. Hinarap ko si Simon at pinakatitigan siya sa mga mata niya. Hinigpitan ko din ang pagkakahawak ko sa aming mga kamay na nakasiklop.
"Hindi mo naman sila dinadamay." Banayad niyang wika.
Napapikit ako at naramdaman ko ang paglandas ng aking mga luha.
"Hindi ko alam."
Wala na akong masabi. Basta ang alam ko nalang, nararamdaman ko na malapit na. The most dreaded day is coming.
"When I see you crying like this, parang sinasabi mo sa akin na ayaw mo na. It's like telling me that you're not happy to be with me anymore. It's like telling me that what I bring into your life is only sadness and pain. You know how much that hurts, Tul? It hurts like hell. I can't give up on you but I feel like, it will be easy for you to do it."
Damang dama ko ang frustrations sa boses niya. Alam ko rin na nasasaktan siya. Nasasaktan siya at alam kong dahil 'yon sa akin.
"I'm just so afraid. So.. so.. afraid, Simon. Tipong bawat araw kong dinadasal na sana hindi nalang tayo ganito.."
Hinugot ko ang aking hininga at kinuha ang buong lakas ko para magmulat ng mata. Hinanap ko ang kanyang mata at pinagmasdan 'yon. Tuloy-tuloy lang sa paglandas ang mga luha sa mga mata ko.
"If only I'm not Tulip Montgomery.." I whispered.
Lumapit siya sa akin at kusa akong napapikit nang maramdaman ang kanyang labi sa noo ko.
"If only I'm not Simon Montgomery." He whispered.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top