Chapter 39

Addiction

Sinuportahan ko ang aking sarili sa kinauupuan kong duyan na pinakabit ni daddy kahapon. It's placed outside the Mansion, supported by a tree. Ramdam ko rin ang malamig na simoy ng hangin dahil masyado ng malalim ang gabi.

Mula sa aking pwesto ay kitang kita ang buwan. Simula noong interview ko kay Reig ay hindi na naging mapayapa ang kalooban ko. Dumagdag ito sa malaki kong problema kay Simon. It's been weeks after the interview, naayos ko na ito at napasa pero mabigat pa rin ang loob ko.

"Are you okay?"

Walang lakas na tinignan ko ang tumabi sa akin. Umuga ang duyan dahil sa pag-upo ni Alice habang si Agatha ay umupo sa bato na nasa harap namin.

"Kailan ba ako naging okay?"

"Tulip.." Agatha traced.

Alam ng lahat na hindi ako okay. Kuya Carl didn't talk to me after he talked to Simon at hindi ko alam kung anong napagusapan nila. Ayokong tanungin si Simon dahil gusto ko ay siya ang magsabi sa akin.

Kuya Carl is normal and he's still the brother I know but that is the problem. I find it more confusing..

Nakakapagtaka na ganon pa rin siya.

I want to ask them but I'm afraid of answers.

"Everyday I live, sinusubukan kong magising sa lahat. Magising sa katotohanan na hindi kami pwede ni Simon and.. that.. the easiest way out of these is to give up and turn my back from him." Puno ng sakit kong wika.

Napahawak ako sa dibdib ko.

"But I can't.." impit na hikbi ang kumawala sa akin.

Naramdaman ko ang paglapit yakap sa akin ni Alice. She's already crying and I cried even more because of that.

"Because you love him." Ani Alice.

"Hindi mo kaya dahil ganoon talaga ang pagmamahal. Maybe I don't know how it feels to love someone like that pero alam ko na masakit at mahirap 'yang pinagdadaanan mo." Dagdag ni Agatha.

Nanikip lalo ang aking dibdib. Bawat minutong lumilipas mas nararamdaman ko ang takot. Araw-araw ay nararamdaman ko na papalapit na ang araw na masasaktan ko ang lahat.

"Ang bigat-bigat na.." I cried.

"Everything comes with sacrifices." Rinig kong wika ni Agatha.

"Loving Simon means sacrificing the family."

I know, alam na alam ko kung ano ang sinasakripisyo ko sa bawat araw na minamahal ko si Simon. Ang masakit, alam ko sa loob ko na kayang kaya ko isakripisyo ang lahat para sakanya.

Everyday, when I look at him, mas lalong lumalakas ang loob ko.

"If it's like that then so be it. Next month, aalis na ako, I'll enter the army school. Natanggap ako at nabigyan ng scholarship. Being there means sacrificing all of these, especially the luxurious life I have. Doon, walang I'm a Montgomery and I can do everything. Walang ganon pero gagawin ko kasi mahal ko 'to at gustong gusto ko 'to. Take note, ayaw niyong lahat na pumasok ako doon pero gagawin ko kasi gusto ko." Puno ng paninindigang wika ni Agatha.

Napailing ako.

"It's different. What we have is illicit." Giit ko.

"Sh.. sh.. Tulip.."

Yinakap ako lalo ni Alice at humagugol siya lalo. I know she's having a hard time, sinabi niya na hindi niya pagsasabi ang tungkol sa amin ni Simon at alam kong nahihirapan siya dahil doon.

"Alam niyo ba kung anong pinaka mahirap? Ang makita na nahihirapan kayong lahat dahil sa akin. It's making me hate myself! Kaya ko naman tiisin ang lahat pero mas lalo akong nahihirapan tuwing nakikita ko na pinagtatakpan niyo ako! You all seem so okay with this and I don't understand why. Dapat ay pinipigilan niyo kami pero hindi! Alam ko na dapat magpasalamat pa ako pero.. hindi ko mapigilan na magisip ng mga bagay. I can't help but to conclude things.."

Sobrang naghihirap na ang kalooban ko. Ginantihan ko ng yakap si Alice at mas lalo akong napahagulgol sa bisig niya. I can hear her crying too while patting my back.

"Wag mo na kaming isipin.. ang gusto lang naman namin ay wag kaming masali sa problema mo. Things will get heavier and the least that we want to happen is for us to be a burden. I'm begging, Tul.. don't make this so hard for yourself. Love until you can.. love like it's the same as living." Ani Alice.

Lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Naramdaman ko ang pag-uga muli ng duyan at ang pagdagdag ng yumakap sa akin. I can smell Agatha's perfume so I guess the oh-so-strong Agatha is now crying.

"Alam na ba ni Simon ang pinagdadaanan mo?" Tanong ni Agatha.

Umiling ako.

Bumitaw sila sa akin at kinuha ko ang oportunidad na 'yon para punasan ang mga luha ko. Nakita ko rin ang pagpunas ni Alice sakanyang mga luha habang bahagyang tumalikod si Agatha sa amin para magpunas rin siguro ng luha.

Mamula-mula pa ang ilong ni Alice. Hindi ko tuloy maiwasan ang malungkot na mapangiti. Inabot ko ang mukha niya at pinunasan ang ilang luha na tumutulo pa rin. Siya na ata ang pinaka iyakin na kilala ko. Daig niya pa ang pagiging uhugin ko.

"You should tell him."

Humarap na si Agatha sa amin at umupo muli sa malaking bato sa amin harapan. Her face was strong, tila pinipigilan niya ang pag-iyak.

"I don't want to.." I traced.

Umayos ako ng pwesto at humiga sa duyan. Tanaw na tanaw ko na ang mga bituin sa langit.

"Why?" Tanong ni Alice.

Humiga na rin siya sa aking tabi habang si Agatha ay tumayo. Dahan-dahan niyang inuga ang duyan na hinihigaan namin ni Alice.

"Simon is doing everything to make me happy and to make me feel like everything will be okay. He's making me breathe whenever I feel like I'm losing my worth to live."

Huminga ako ng malalim.

"Nakakaya ko 'to dahil nalang sakanya.. ayoko ng makadagdag sa problema niya." Tugon ko.

Napahawak ako sa sentido ko at marahang minasahe 'yon. Kumikirot pa 'yon at parang pipigain sa dami ng iniisip. Nakakatakot nga at baka sumabog nalang ako bigla.

"This is why I don't want to fall in love.." ani Alice.

"Hah?"

Nilingon ko siya.

"Anong tawag mo kay Jacob?" Natatawang tukso ni Agatha.

Hindi ko tuloy mapigilan ang matawa. Ngayong tinitignan ko sila, mas na a-appreciate ko ang presence nila. Ano nalang ang gagawin ko kung wala sila. They're making everything easier for me.

"Duh. Crush ko lang siya before. As in before. Dati pa, in short past na." Mahinahon pero puno ng diin na wika ni Alice.

"Sky?" Hindi ko mapigilan ang sumingit.

Namilog ang mga mata niya.

"We're bestfriends! Bestfriends!" Giit niya.

Lumipat ang tingin ko kay Agatha at sabay kaming tumawa. Yung tawa na parang kagagaling pa sa iyak kaya lalo kaming natawa. Si Alice ay napangiwi nalang at humalukipkip sa inis.

"Friendzoned ang mokong!" Ani Agatha habang tumatawa.

"Don't me, Alice!" Dagdag ni Agatha.

I was about to say something when I heard someone panting. Napatayo ako dahil doon at nakita si Simon na punong-puno ng pag-aalala ang ekspresyon. Lumapit siya ng tuluyan sa amin at mabilis na hinapit ang bewang ko.

Napaawang ang labi ko ng yakapin niya ako ng mahigpit at umiyak sa bisig ko. Dama ko ang mahina niyang pag-iyak kaya wala akong nagawa kung hindi ang itaas ang kamay ko at ilagay 'yon sa likod niya. Marahan ko 'yong tinapik para mapatahan siya.

"Damn, Simon! Can you please not do it in front of us-"

Natigilan si Alice sa pagsasalita.

"Lola Alina is dead.. wala na siya. Damn, Tul.. I don't know what to think. I can't accept it while thinking about our last talk. Yung huli naming pag-uusap ay hindi okay.. I disappointed her."

Bumagsak ang aking mga kamay sa aking magkabilang gilid. Kasabay non ay pagkahulog ng kung ano sa puso ko.

"Wag kang magbiro-- fuck. Totoo?! Shit! Let's go inside!" Parang nagising sa katotohanan si Agatha at mabilis na tumakbo pabalik sa loob ng mansyon.

"Simon, dapat sinabi mo agad!" Inis na wika ni Alice at nauna ng pumasok sa loob.

"Simon.."

Bumitaw siya sa akin at kitang kita ko ang pag-agos ng luha sakanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong tamang mga salita ang pwede kong sabihin para mapatahan siya.

Inabot ko nalamang ang kamay niya at hinawakan 'yon ng mahigpit.

"Let's go.." mahina kong wika.

Hinila ko siya papasok at naramdaman ko agad ang bigat ng sitwasyon. Nasa sala lahat, I can hear mom and Tita Pin crying. Natigilan ako sa paglalakad ng may humila sa kamay ko mula sa pagkakahawak kay Simon.

Napalingon ako at nakita si Kuya Adrian. Napalunok ako sa kaba pero nawala din 'yon nang marahan siyang ngumiti.

"Tul, please call Rian. She's still at her room."

Tumango ako.

"Okay.."

Sandali kong nilingon si Simon bago nagmadaling umakyat sa third floor kung saan mabilis kong tinungo ang pintuan ni Rian at kumatok doon.

Nanginginig ang kamay ko habang kumakatok dahil unti-unti ng pumapasok sa akin ang nangyayari. Nag-iinit na rin ang aking mga mata. Pakiramdam ko, senyales ito ng mga mangyayari sa hinaharap. Alam kong walang koneksyon pero ganito ata pag masyado ng madami ang iniisip, pakiramdam mo lahat nalang ay konektado.

"What?" Nagising ako mula sa pag-iisip nang bumukas ang pintuan.

Bumungad sa akin ang bagong gising na Adrianna.

"Sila lola.."

I bit my lower lip.

Hindi ko alam paano itutuloy kaya hinila ko nalamang siya at tuloy tuloy kaming bumaba ng hagdan. Naramdaman ko ang pagpupumiglas niya pero natigilan siya nang tuluyan na kaming makababa.

"What's happening?" Tanong niya.

I can't..

Hindi ko kayang manggaling sa akin na wala na si Lola. Hindi ako ganon katapang.

Humigpit ang hawak ko sa kamay niya at napahikbi nalamang. Inabot ko ang aking leeg dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Ang bigat-bigat sa dibdib.

"Hey.."

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking likod pero mas lalo lang ata akong napahagulgol dahil doon.

"Anong gagawin natin? Mom needs me.." Boses ni Tita Pin ang narinig ko.

Sinubukan kong patahanin ang sarili ko at sabay kami ni Adrianna na lumapit doon. Our steps are so weak that I can feel like I'm gonna break down any second.

"Tito Trav is still in a critical condition.." ani mommy.

Humiwalay ako kay Rian at patuloy na lumakad palapit kay Mommy. Nakayakap siya kay daddy at lalo akong naiyak nang abutin ni daddy ang kamay ko para mayakap din ako.

Lalong nanikip ang dibdib ko.

Damn consience.

"Don't cry.." bulong ni daddy kay mommy.

"Tulip, go to your brothers." Ani mommy.

Tumango ako at humiwalay kay daddy. Nakita kong lumapit sila kay Tita Pin at Tito Teo.

Lumingon ako kina Kuya at nakitang nag-uusap silang tatlo habang nakamasid sa nangyayari. Ganito naman talaga silang tatlo. Pag may seryosong nangyayari, nasa gilid lang sila at hindi nagsasalita.

"Come here.."

Mahinang wika sa akin ni Simon.

Kahit nag-aalangan na lumapit ay ginawa ko pa rin. Tumayo ako sa tabi niya at pinanuod na mag-usap ang buong pamilya. Kahit na naghuhumumentado ang puso ko sa ginawa niyang pagpatong ng kamay sa aking balikat ay pinigilan kong magsalita.

His warm presence is making my heart calm.

"Simon, mom is crying.." I started.

"Yeah and I hate it." Aniya.

Ang mga mata ko ay pumikit.

Tumulo ang bagong batalyon ng aking mga luha. Napahawak ako sa puso ko at pinagtiim ang labi para hindi makagawa ng kahit anong ingay.

"I can see her crying like that, pag nalaman niya ang nangyayari sa atin." Pigil hininga kong wika.

Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin. Kahit hirap na hirap ay nag-angat ako ng tingin at hinanap ang mga mata niya. Patuloy na umaagos ang mga luha ko at mas lalo ata akong maiiyak habang nakikita siya.

Seeing him is my addiction.

"I hate to see mom cry but hearing that from you.. damn it, Tul. I hate it more." He breathed.

"Simon, kakayanin mo ba na makitang umiyak si mommy ng ganyan pag dumating ang panahon?"

Umiwas siya ng tingin.

"I don't know.. basta ang alam ko, hindi ko kayang bumitaw sa'yo. Kahit bumitaw ka, hinding hindi pa rin ako bibitaw. Never, Tulip. I am more willing to enter this messy road."

Bumilis ang tibok ng aking puso.

"Pero-"

"Babalik tayo ng Manila. Ngayon din. Everybody, pack your things."

Natigil ang balak na pagsasalita ng marinig ang boses ni Tito Teo. Mas lalo akong nilukob ng takot sa hindi malamang dahilan. Mas mahihirapan kami doon. It's Manila, lugar kung saan lahat ng atensyon ay nasa amin.

Mas mapanghusga..

Mas hindi matatanggap ang bagay na ako mismo ay hindi alam paano ipaliwanag.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top