Chapter 38
Interview
"Kuya-"
"Bro, wag dito. It's too open." Ani Uno.
Napaiwas ako ng tingin at napahawak ng mahigpit sa bag ko. I noticed Simon's feet stepped closer to me. Naramdaman ko ang presensya niya sa aking tabi at hindi ko alam kung matutuwa ba ako doon o hindi lalo na at masama ang timpla ni Kuya.
I heard Kuya Carl's deep breath.
"Mag-uusap tayo. Labas. Go straight to the parking lot." Matigas na wika ni Kuya.
Napatingin ako kay Uno at maagap siyang tumango. Bumaba ako sa bleachers at naunang maglakad palayo. Pabigat ng pabigat ang puso ko habang humahakbang. Hindi ako natatakot at hindi ko alam kung tama ba na hindi ako matakot.
The look on Kuya Carl's face is not telling me that what I'm doing is wrong. Oo nga at gusto niya kami makausap pero hindi ko maramdaman doon yung presensya ng galit sa nakita niya. It's something else and it bothers me.
"Don't get scared.." Simon traced.
"I'm not."
It's true.. even though it's weird not to get scared.
Lumabas kami ng school at dumiretso sa parking lot gaya ng utos ni Kuya Carl. I want to talk to Simon habang wala pa si Kuya, for sure in no time ay darating na rin sila. Siguradong nagpaalam lang sila ni Uno sa mga kasama nila.
"Sy.." I started.
Nilingon ko si Simon at napansin kong hindi pa rin siya nagpupunas ng pawis.
"Wipe your sweat.. masamang magpatuyo ng pawis."
"Oh.. yeah."
Bahagya siyang tumagilid at pinunasan ang pawis niya. I can't help but follow his movements kaya sa huli ay napaiwas nalang ako ng tingin. Napabuga pa ako ng hangin dahil naiilang ako.
Oh! Now it's awkward for me?
Yeah, right.
"Simon.. please watch your mouth pag kinausap tayo ni Kuya Carl. Remember he is the eldest."
"There's nothing to watch out." Aniya.
Binaling ko muli ang atensyon ko sakanya.
Ito nanaman ang kalooban ko. Nagsimula nanaman magtanong ang sarili ko sa mga bagay na alam kong hindi niya sasagutin. Ayokong magtanong, ayoko dahil siguradong maniniwala lang ako.
"Tul."
Napaiwas ako ng tingin kay Simon nang marinig ang boses ni Uno. Lumingon ako sakanila at bahagyang ngumiti kahit na nakikita kong seryoso ang ekspresyon ni Kuya Carl. Mula sa marahang pag ngiti ay napangiwi ako nang makitang bahagyang namumula ang mukha ni Uno.
"Your face.." I traced.
"Wag niyo akong pagtatawanan. I was punched for driving the submarine so don't you dare laugh. Nakakainis! Sinapak ako ng kuya niyo, damn." Aniya.
Napaawang ang labi ko. Ilang mura pa ang lumabas sa bibig niya habang ako ay hindi alam ang gagawin. Mas lalo lamang bumigat ang loob ko sa nalaman, masyado ng maraming nadadamay sa amin, marami na rin nasasaktan. Ayokong humantong sa sitwasyon na lahat ay masaktan na.
Kuya Carl is not usually aggressive. He is the calm type, mas kapanipaniwala nga kung si Uno ang nanuntok.
"That's the last time bro.. I won't let you punch me again. Never." Ani Uno sabay iling habang tinapik-tapik ang balikat ni Kuya Carl.
"Don't let me." nakangising wika ni Kuya Carl.
He's really mad.
Bumaling ang tingin niya sa amin. May ilang minuto din siyang nakatitig lang habang tila nag iisip ng tamang gagawin. Huminga muna siya ng malalim bago kami lagpasan. Mabilis naman na sumunod sakanya si Uno.
Binuksan niya ang likuran ng sasakyan at binalibag ang mga gamit niya doon. Si Uno naman ay umupo doon at pinatong ang gamit niya.
"Chase." Tawag ni Kuya Carl kay Simon gamit ang matigas niyang tinig.
It's like.. I can hear dad from him.
Ganyan na ganyan si daddy pag galit at hindi natutuwa sa nangyayari.
"I really want to punch you. Really, Simon.. I really do. Damn. I wanted to do it so much but I'm reminded that I'm older, I need to understand.. I need to take this in a calm manner." Kuya Carl said in gritted teeth.
"Kuya.. you know I'm not doing anything wrong."
Mabilis akong napalingon kay Simon dahil doon. Ako naman ang gustong sumapak sakaniya. Nakipagsukatan siya ng tingin kay Kuya Carl na para bang siguradong sigurado siya sa sinasabi niya.
Sabi ko watch his mouth! Ito ba 'yun? Paanong walang ginagawang masama, when we both know that what's happening is wrong! Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko kahit alam kong mali. Linoloko ko nalang ang sarili ko na mawawala rin 'to.. in due time.
Kuya Carl took a deep breath. I can imagine the patience he's trying to maximize because of us.
"Mag usap tayong dalawa." Ani Kuya.
Bumaling siya sa akin.
"You go ahead, Tul. Tayong dalawa naman ang maguusap mamaya." Ani Kuya.
Akmang makikipag debate pa ako nang mapansin kong sumenyas si Simon kay Uno. Tumayo si Uno at siya mismo ang humawak sa balikat ko para italikod ako at ilakad paalis doon.
"Teka, Uno. We can't leave Simon there! Baka anong gawin ni Kuya Carl sakanya. Ikaw nga nagawa niyang suntukin, si Simon pa kaya?" Pagpigil ko.
"He won't, trust me. He won't touch him. They'll just talk.." ani Uno.
Ako ata ang mawawalan ng pasensya sakanila. Mas lalo akong nalilito. Oo, tama, dapat maging masaya ako dahil ang reaksyon na nakukuha ko mula sakanila ay hindi masakit at masama. Kahit gaano pa kasama para sa akin ang ginagawa ko, I didn't receive and bad reaction from them.
They are still protecting me.. us.
But that's the point! Bakit? How come? Bakit hindi sila nagagalit. They should be against us. I mean, I'm not hoping they would but that is the most normal reaction I should get from them. Bakit kung umakto sila ay parang okay lang? Yes they give opinions and advices but that's it.
"Are you okay?"
I stopped walking.
Nasa gitna kami ng hallway. Inabot ko ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko at marahang inalis 'yon doon. Mapait akong ngumiti at umiling.
"I'm not okay, I'm far from being one." I honestly said.
"Why?"
Napaiwas ako ng tingin.
"Bumalik ka na doon. Help Simon."
"But-"
Tumalikod ako.
"Don't follow me. Please. I need to face this alone. I'm starting to doubt everything, Uno. Kahit sarili ko hindi ko na alam kung totoo. The mere fact that I'm in love with my brother is making me doubt myself even more." Mahinang wika ko.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. Humakbang na ako paalis at hindi sinubukang lumingon. Mabigat ang puso kong lumayo kay Uno. Gusto ko mang balikan si Simon doon ay hindi ko ginawa, kailangan ko makapagisip-isip. Hindi lang para sa nangyayari kung hindi para sa sarili ko.
"Keep the change." Saad ko.
"Thank you." Saad nang kahera.
Bahagya akong ngumiti at tumalikod. Nasa cafeteria ako ngayon, dito ko napag desisyunan na maghintay sa mga pinsan ko. I heard, Alice is still practicing while Adrianna is still at their booth.
"Hey."
Napaigtad ako sa umupo bigla sa harapan ko. Natigilan ako at pinilit na ngumiti. Reig's face welcomed me. His face was emotionless yet it's expressing curiosity and something I can't comprehend.
"Uh.. hello." Bati ko.
"I heard, you're gonna interview me?" Aniya.
I slightly nodded.
"Then shoot."
"Ano?"
Shoot?
"Let's do the interview now." Aniya.
"Now?"
Kumunot ang noo niya atsaka nagpakawala ng halakhak. Bahagya akong napaurong dahil sa katotohanan na na we-weirduhan talaga ako sa lalaking 'to.
"Ayaw mo?"
"No!" Maagap kong wika.
Mabilis kong binaba ang hawak kong juice at kinalkal ang bag ko. I grabbed a pen and a notebook. Linapag ko 'yon sa harapan ko atsaka kinundisyon ang sarili ko sa pamamagitan ng sandaling pagpikit at paghinga ng malalim.
"Let's start." Saad ko.
Minulat ko ang mga mata ko pero mabilis din akong naglipat ng tingin sa ibang lugar dahil hindi ko kinaya ang tindi ng titig na ginagawad niya sa akin.
"Well, I already have your basic information. Can I go straight to the complex information?" Magalang kong tanong.
Doon sa papel na binigay ni Jeremy, may mga basic information niya doon from name to age, gender, year and such.
"You mean personal questions?" Mapanukso niyang tanong.
"Sort of. You can pass or say no if you're not comfortable with the questions though I doubt it, super simple lang naman ng mga tanong ko." Paliwanag ko.
"Sure." Tipid niyang wika.
"Okay.." I traced.
Breathe in, breathe out.
"You're under a business course, what made you join an art competition?"
Naghanda ako na isulat ang mga sasabihin niya.
"I came from a very artistic family. I don't want to boast or what but I'm kind of gifted in that field so I decided to join. Though the fact that there's an incentive to those who joined was also a decision factor for me." Aniya.
Tumango ako.
Very professional huh?
"In arts, we all know that you need an inspiration to really make a masterpiece. What was your inspiration?"
"Inspiration?" Pag-uulit niya.
Tumango ako.
"Do you know what was the theme of our art piece?" Tanong niya.
"Theme? Oh.. wait!"
Nagmadali akong haluglugin ang bag ko ulit para mahanap ang information paper niya. Agad na hinanap ng mga mata ko ang theme ng art piece, ramdam ko ang paninitig niya sa akin at hindi ko alam ang gagawin dahil doon.
Mabilis na nahanap ng mga mata ko ang sagot sa tanong ko. Hinanap ko ang theme at binasa 'yon.
Habang dumadaan sa bawat letra ang mata ko, hindi ko mapigilan ang maantig ang puso dahil doon. It strucked inside me and I can't help but to feel something about the theme.
"Being lost is a way to be found again.." I whispered.
"Do you agree?" Tanong niya sa akin.
Natigilan ako sa tanong niya.
"No. Coz.. what if, tuluyan ka ng mawala? What if it's not possible to be found again. Don't pass the question to me Mr. Reig Cruz."
Siya'y nagpakawala ng halakhak dahil sa narinig mula sa akin. Ako ay nanatiling deretso ang mga mata kahit mahirap, hindi ko mapigilan ang madala na rin sa pinaguusapan namin.
"You're right but remember, walang nawawala na hindi nakikita. Maybe forgotten and unnoticed but as long as you're looking for that missing something, you'll find it for sure." Saad niya.
Wow.
Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng ganitong klaseng pakikipagusap kay Reig. His words were very striking, alam niya kung paano gamitin at laruin ang mga salita niya. He's like telling me those things because he knows that I need those.
"Nineteen years ago. Nangyari ang pinaka malaking trahedya sa pamilya ko." He started.
Mariin kong sinara ang bibig ko dahil doon. I think this is a sensitive topic for him, gusto ko man sabihin na wag na niyang ituloy ay hindi ko pa rin ginawa. Nakita ko sa mga mata niya na gusto niya 'tong ilabas at binigyan ko naman siya ng pagkakataon kanina na mag pass kung hindi siya komportable.
"Ang trahedyang 'yon ang nagdulot sa amin ng matinding paghihirap. Hindi dahil sa pera o pisikal na mga bagay kung hindi dahil sa kalooban. My family mourned so much for that lost to the point that we don't know how to stand up anymore. You see, we're an artist. May bagay na pinaplano ang buong pamilya non at 'yon ang mag pagawa ng museum. Typical, sining devotee.." he traced.
"But because of that tragedy. Everything we planned was turned to a promise that can never be kept again. Natigil lahat ng plano, hindi na ito natuloy at ang ilan sa mga ari-arian namin ay nawala na rin dahil sa paghahanap ng isang nawawala. Isang nawawala kung saan baka sa pagdating niya ay mag karoon ng kaayusan sa buhay namin."
Nawawala?
"Paano mo nasabi na mababalik ang kaayusan pag nakita mo ang bagay na 'yon?" Tanong ko.
"Because you can never move on from the past if you still think that there's something inside you that is lost." Sagot niya.
I continued to write what he was saying and tried to interpret it along the way. Hindi na rin nakaligtas sa akin ang mga bulong-bulungan sa paligid tungol sa pakikipagusap ko ng masinsinan kay Reig.
"Can I ask what was that something? I mean.. ano yung nawawala?" Puno ng kuryosidad kong tanong.
I can't help but to ask that. Para kasing, sobrang lalim ng pinaghuhugutan niya. Alam ko na dapat malalim talaga ang mga artist pero sobra ang kanya. Masyadong sobra sa puso ang pinaghuhugutan niya. Sa sobrang lalim ay parang pati ako ay nahuhugot.
"My cousin.. she was still a baby at that time. She's still months old that time. Everyday, sinisisi namin ang mga sarili namin kung bakit siya nawala. Isa sa pinaka masakit na bagay sa mundo ay ang masaktan na wala kang ibang masisisi kung hindi ang sarili mo."
"I'm sorry.." I can't help but say.
He smiled. He slightly smiled.
"It's okay.." he breathed.
"Is she still alive? Hinahanap niyo siya diba? How sure you are that she's still alive. Don't get me wrong, it's not that I'm making you doubt but I'm just curious." Wika ko.
Tinignan ko siya sa mata. Nanglambot ang puso ko dahil ngayon ko lang narealize na ibang Reig na ang nakikita ko.
"We know.. we just know. Don't worry, we saw her already. We're just waiting for the right time."
Tumango ako.
Kusang inabot ng kamay ko ang aking leeg at napansin ko nanaman ang panginginig 'non. Hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang usapan namin. Hindi maalis sa mga mata ko ang paninitig sakanya. Parang gusto ko pang maiyak dahil sa nakikita ko. I'm really an emotional person.
I can't..
I feel like I'm looking at the mirror.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top