Chapter 36

Lies

"Goodnight, Tulip. See you tomorrow. Happy Birthday."

He slightly gave me a kiss on my forehead.

With my unsteady breathing, mabilis akong tumalikod at pumasok sa loob ng kwarto namin. Sandali akong napasandal sa pintuan bago napagdesisyunang bumalik sa aking kama at ipagpatuloy ang tulog ko.

The best thing that I can do is to sleep.

So I could dream.. dream that everything will be okay.

I hugged my pillow. Hinayaan kong makapagpahinga ang utak at katawan ko. But.. life seems fond of playing tricks on me. Naramdaman kong may humiga sa tabi ko at parang nagka kutob na ako kung sino 'yon.

I immediately felt so nervous.

"Can we talk?" Tanong ni Alice.

Tumalikod ako at humarap sakanya. It's weird to see Alice so concern, ang mga mata niya ay pinapakita sa akin na sobra-sobra ang pag aalala sakanya.

"Okay." I nodded.

"The thing between you and Sy.."

Kita ko ang pag dadalawang isip sakanyang mga mata kung itutuloy niya ba ang sinasabi niya. Alam kong tinitimbang din niya ang mga tamang salita na sasabihin niya. Somehow, I already saw this coming.

Ngayon ko lang din narealize na habang padami ng padami ang mga taong nakaka-alam, mas nababawasan ang kaba at takot sa puso ko. Parang nagiging handa ako sa hindi malamang dahilan.

"Whatever you know.. it's true." Matapang kong wika.

Kita ko ang pagkagulat sakanyang mga mata. Napaiwas siya ng tingin pero mabilis din niya 'yon na binalik sa akin. Nanikip ang aking dibdib nang makitang nagsitakasan ang mga luha sakanyang mga mata.

"I don't want to ruin your birthday, Tul. That's why I'm not going to say anything that can hurt your feelings." Aniya.

"I know.."

"I just want to say that I won't talk. I won't say anything but that doesn't mean that I support the thing between you two. I want to help you as much as I can, Tulip. I promise I do but not in this situation. I'm sorry."

Impit na hikbi ang lumabas sakanyang labi. Parang dinurog ang puso habang naririnig ang kanyang hikbi. It pains me to think that someone is hurt because of me. I never wished to be a pain and a burden.

"I understand. You don't need to explain anything, Al."

The tears that were resting from crying a while ago flowed again. This time, harder and painful. I never expected her to say this things, ang inaasahan ko nga ay magagalit siya at magsasabi ng masasakit na salita pero hindi..

This is beyond what I imagined. Sapat na 'to.

"Bakit pinipili mo ang path na 'to. Mahirap ang pinipili mo. You know it's like killing yourself.. it's not just about destroying the family but can't you see? Ikaw ang dehado dito. Ikaw ang pinaka mahuhurt, Tul."

I nodded.

"I know. Mahirap at talo na wala pa man pero ayokong mag sisi sa hinaharap. Alam mo yung pakiramdam na, kahit anong takas mo hinahabol ka pa din? I tried running away from it. Simon tried too but nothing happened. Aaminin ko, Alice. Wala kaming plano o ano pa man. Hindi nga namin iniisip kung anong gagawin sa hinaharap pero sa ngayon.. masaya kami. Mali pero handa akong pagbayaran ang mga kasalanan ko."

"Tul.." puno ng pag susunamo ang kanyang boses.

"Wala kang kasalanan. Tandaan mo na wala kang kasalanan. The family is at fault.."

Napatakip siya ng bibig at mas napahikbi lalo. Kumunot ang aking noo dahil hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya.

"What?" I breathed.

"Happy Birthday, Tulip. I wish you happiness. Always. I love you."

Parang mainit na kamay ang humaplos sa aking puso sa narinig mula sakanya. Mabilis ko siyang inabot at yinakap. Mas lalo siyang napahagulgol sa aking bisig kaya napahagulgol din ako. I hugged her tight.

"Are you okay? Bakit ganyan ang mga mata mo?" Tanong ni Uno.

Siya ang sumundo sa akin at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi ko na siya tinanong dahil alam ko na breakfast na kaya niya siguro ako sinundo.

"Alice and I talked already. You're right. She knows." Deretso kong wika.

There's no point in hiding.

"What? What did she.. say?"

Napabuga ako ng hangin para maalis ang bigat sa puso ko.

"She won't talk nor support us. I'm not expecting that she'll support or even say that but it's better than saying that she'll blow the truth for everybody to know." Saad ko.

"Wow.. I can't say anything. I'm so proud of my sister. Ginawa niyang squidballs ang mga mata mo, looks like you had a very serious talk." Aniya.

Napailing nalang ako. Hindi mo talaga ma e-expect kung anong lalabas sa bibig ni Uno. Akala ko seryoso na ang usapan tapos 'yun lang ang masasabi niya. Kakaiba talaga siya. Though useful naman siya sa mga ganitong sitwasyon. Pag sobrang bigat na ng lahat.. parang mapapagaan niya 'to.

Like a Superman carrying everything.

"Go straight ahead. Diyan sa restaurant ang breakfast." Saad niya kaya tuluyan na akong pumasok sa pintuang nasa harapan namin.

"Happy Birthday, Tul!"

Kusang tumigil ang mga paa ko sa paghakbang dahil sa narinig. Namilog ang mga mata ko at agad na nag-init ang mga 'to. Pwede ba 'yon, hindi ba dapat mga ilang minuto muna ang lilipas bago pumasok sa sistema ko ang nakikita ko? Pero ngayon.. walang babala ay nag-init agad ang mga mata ko.

Hindi ko akalain na sobra akong masasaktan habang nakikita silang nakangiti para sa akin. Napalibot ang aking mga mata sa buong lugar.

It was well decorated and all I can see is the effort that they poured for this. Natigil ang tingin ko kay Simon na nakangiting nakatingin sa akin. I smiled back and let my emotions flow. Umagos ang mga luhang hindi na ata napapagod na lumabas. Lumambot ang puso ko habang nagpatuloy ang mga paa ko sa paghakbang palapit sakanila.

Tumigil ako sa harap ni Adrianna dahil siya ang may hawak ng cake. I looked at her in the eye and somehow, gusto kong gumana yung sinasabi naming powers niya. She is a very good reader. Alam niya kung ano ang pinakatinatagong damdamin ng isang tao.

As usual, the sisterly expression that I love about her is evident on her face right now.

Huminga siya ng malalim. "Happy Birthday, Tul. We love you so much. We will always be right behind you. We will never let go of your hand. Isa lang naman ang wish namin para sayo.. it's for you to be happy."

Hindi ko na napigilan ang mapahikbi dahil sa sinabi niya. Behind those words, alam kong nakakatunog na siya.

I really need that.. what she said marked inside of me. Kailangan na kailangan ko ang mga sinabi niya at hindi mapigilan ng mga emosyon ko na umagos lalo na at alam kong malapit na. Malapit ng matigil ang kasiyahang nararamdaman ko.

"Make a wish, uhugin." Natatawang wika ni Simon.

Napangiwi ako dahil doon. I felt his hands behind me so I closed my eyes. Dinama ko ang palad niya sa likod ko at ginawa ko ang utos niya. I gathered everything and wished what I want to wish.

Kahit wala akong karapatan humiling..

Lord, I wish that everything will be worth it. I'm not wishing for a happy ending but an ending that will bring smile on each and everyone's faces. Kahit wag na ako.. kahit sila nalang. Sapat na ang kasiyahang pinaranas niyo sa akin. I will forever treasure everything in my heart.

Nagmulat ako at hinipan ang kandila. The last tear fell from my eye. I gasped and laughed with them when they all clapped for me. I'm both happy and in pain pero habang tinitignan ko ang mga ngiti sakanilang mga labi, nawawalan ng saysay ang lungkot sa loob ko.

"Happy Birthay Tulip Montgomery!" Sigaw nila.

Mabilis na binaba ni Rian ang cake at yinakap ako.

"I'm here for you.. I love you."

I smiled.

"Thank you.." I whispered.

Ginantihan ko siya ng yakap. I hugged her tight like I never did before.

"Let's eat!" Masayang sigaw ni Clyde.

Sabay kaming natawa ni Rian at humiwalay siya sa akin. Ngumiti siya at parang nawala ang mga pangamba ko dahil doon.

"Happy Birthday, Tul!"

Tuluyan ng lumayo sa akin si Rian at nalipat na ang atensyon ko sa pagbati ni Agatha. Sunod sunod silang bumati sa akin at puro yakap at tawa nalang ang naisasagot ko. I can't focus especially if Simon's presence is too strong beside me.

Talagang hindi niya ako nilubayan.

"Kain ka na." Alok ko sakanya.

Nagbaba siya ng tingin sa akin.

"Sabay tayo."

Napangiwi ako pero sa huli ay napangiti na rin. He really knows how to make me smile and flutter.

"Okay." Saad ko.

I was about to step away when he stopped me. Hinawakan niya ako sa braso na ikinagulat ko. Na-realize ko ngayon na, I will never feel normal around him. Ang simpleng hawak na nararamdaman ko mula kina Kuya ay iba sakanya.

His touch will always mean different.

"What?" Tanong ko.

Hinanap ko ang mga mata niya at natagpuan 'yon na nakatingin sa kwintas na suot ko. I suddenly felt so conscious around him.

"You're wearing it." He's amused, I can see.

"Of course, it's your gift." Dahilan ko.

He smiled widely.

"I'm happy." Aniya.

"Bakit? I should be the one happy because I'm the one who received the gift." Naguguluhan kong tanong.

He shook his head.

"Just the mere fact that you're wearing it is enough to make me happy." Aniya.

Binitawan niya ako at inabot ang nakatagong bagay sa loob ng damit niya. Inilabas niya 'yon at laking gulat ko ng makita ang pendant na kapareha ng pendant ko. So now I get it, pinagawa niya 'to para sa aming dalawa.

"They're identical.." I traced.

"I told you. What's mine is yours."

I made a face and laughed. Nasosobrahan na ata sa ka-cornihan si Simon. Tumalikod ako at ramdam ko na sumunod na siya sa akin sa pagkuha ng makaka-kain. Sobrang alalay niya sa akin at asikaso. Inuuna niya muna akong bigyan ng pagkain bago ang sarili niya.

"Okay na yan." Inagaw ko sakanya ang pinggan at pinanlakihan siya ng mata ng akmang kukunin niya 'to muli.

"I'm not a princess to be treated like this." Saad ko.

"You're my princess." Maagap niyang wika.

Parang mabubulunan ako sa sinabi niya kahit na wala pa naman akong kinakain. Nilingon ko siya at kita ko na sobrang proud siya sa sinasabi niya.

"Tara na." Anyaya ko.

Umupo ako sa tabi ni Uno na ang katabi naman ay si Gelo. Si Simon naman ay nasa tabi ko habang si Agatha naman ay harap ko. Ang weird talaga na parang ganito lagi ang pwesto namin. Posisyon kung saan hindi mahirap huminga.

Parang protektado nila akong lahat.

"Do you remember when Tul fell from the stairs because she was chasing our dog?" Natatawang kwento ni Clyde.

"So what's your point! Kainis ka, Clyde. Ayoko ng maalala yung mga nakakahiyang moments!" Inis kong wika.

Lahat sila ay humagalpak ng tawa kaya mas lalo akong napangiwi. Great! Ako nanaman ang nakikita nila.

"Yeah. I can still remember when she first came to the house when she was 6 months old, she was crying so much like my eardrums are so in pain!" Ani Kuya Carl habang tumatawa.

I stopped laughing when I heard what he said. Pati sila ay natigilan din, magsasalita pa sana siya pero nang makita na nakatingin kaming lahat sakanya ay pinagdikit niya ang kanyang mga labi.

Dahan-dahan umakyat ang kung ano sa puso ko. Mahina pero malakas ang pag pintig non.

Napatikhim si Simon kaya napabaling ang atensyon ko sakanya. Sinubukan kong kunin ang kanyang atensyon pero hindi ko magawa dahil umiiwas siya ng tingin.

"Kuya Carl hehe. Katawa talaga no! Baka you know, Tulip is not used to your newly built house at that time! Diba babies are really sensitive." Natatawang wika ni Alice.

She was laughing yet something is wrong.

"Oh! Yeah! Tama. Right! You got it Alice! Bago kasing gawa ang bahay then when dad entered the house while carrying Tulip, iyak nalang siya ng iyak. Doon palang alam ko na tama si Simon, uhugin nga ang bunso namin." Bawi ni Kuya Carl.

Lahat sila ay nakatingin sa akin. Except, Rian who was in the buffet table, Agatha was busy talking and fighting with Osiris and Simon who can't even look at me in the eyes.

From Kuya Carl, I looked away and stared on Alice. Kita ko ang halo-halong emosyon sakanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Alam kong may mali pero hindi ko maisip kung ano 'yon.

Sa reaksyon palang nila ay alam ko na. Pero ano 'yon? Why are they acting like this?

Like they're hiding something..

"Alice.. we're born at the same year. How come you knew about our house? Bakit alam mong bagong gawa 'yon kung ako mismo ay hindi alam 'yon." Hindi ko mapigilan matanong.

I know this is nonsense but I won't be in peace if I won't let this out of me.

I can see shock was written all over her face. Luminga linga siya sa mga pinsan namin na para bang naghahanap ng tulong. Mas lalong naninikip ang puso ko habang nakikita ang ekspresyon niya.

She's guilty of something and I don't know what it is.

She's lying but why?

"This topic is getting out of hand. Lahat tayo makakalimutin na. Let's change the topic. Nagiging seryoso na tayo.. we should be having fun." Ani Kuya Adrian.

Natahimik ako sa sinabi niya.

"It's because na-kwento sa akin. I heard about it from Dad. That Tita Jade and Tito Ivor invested for a house and that's because they need a larger one for their four children." Maagap na wika ni Alice.

Binaliwala niya ang komento ni Kuya Adrian. She explained and I don't even know if I will be happy about it.

Sandali akong nakipag sukatan ng mata sakanya. Sa huli ay tumango nalang ako at napaiwas ng tingin. Lalong lumalim ang hiwa at sakit sa puso ko dahil sa sagot niya.

She's lying..

Hindi lang dahil sa mahina ang argument niya pero dahil alam kong kahit kailan hindi kami nag pagawa ng bahay. I asked mom before if what did she inherited from her father, from our Lolo Chand. Ang sagot niya sa akin ang sagot sa tanong ko ngayon.

"This house, he gave me this. Noong kinasal kami ng papa mo, dito kami lumipat. It was my decision kahit na ayaw niya dahil kailangan daw ay sa puder ng lalaki ang babae. I said that this is from my father and I want to use it as our home. I want to build my family here. Kahit kailan ay hindi ko ipagpapalit ang bahay na 'to sa kahit anong bahay. Kaya sobrang saya ko nung makita kong lumalaki kayo ng mga Kuya mo dito mismo sa tahanang 'to.. kung saan ako lumaki."

"Okay.." I whispered and smiled.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top