Chapter 35

Wallpaper

"Ipasok niyo na ang mga gamit."

Gustuhin ko mang kunin ang bag ko ay naunahan na ako ni Simon doon. Kuya Adrian was ordering us what to do and for the first time, hindi namin siya kino-kontra. Maybe it's because we are all tired..

Wala man akong ginawa sa loob ng kotse ay parang napagod ako. Simon and Uno were taking turns on driving, nung nag stop by kami kanina ay pinalitan na ni Simon si Uno sa pagmamaneho. Even when we rode the roro, nagpalit nanaman sila.

"Ako na dito.." Simon traced.

Kinuha niya ang gamit ko at wala na akong nagawa kung hindi ang tumango.

"Are you okay?" Tanong niya.

Naninikip ang dibdib ko. Hindi ko maiwasan ang mapatingin kay Alice. Now that I can see her, parang alam ko na kung bakit pagod na pagod ang utak at pagiisip ko. Maybe because of the topic itself when we are inside the car. What Uno told us makes my world go nervous.. completely nervous.

"How did you know Uno?" Tanong ko.

"He is my brother, of course. Alam ko ang kayang gawin ni Dos. He loves us, yes he does but I know what he can do. There are certain things that he can't tolerate." Sagot niya.

"I'm okay.." I whispered.

I heard him sighed.

"Sh.. tell me the truth."

Sumakit ang aking puso dahil doon. Binalik ko ang tingin ko kay Simon at bahagyang ngumiti sakanya. I tried to give my sweetest smile but I can't, I failed.

I don't want him to worry, masyado na niya akong ina-alala. He was my source of strength this past few days, ayokong mag-alala pa siya dahil lang sa akin. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang protektahan ako at iparamdam sa akin na ayos lang ang lahat.

"Natatakot lang ako pero hindi na gaano. I trust you remember? Alam kong hindi mo ako pababayaan." I honestly said.

His eyes were so soft.

"I'll talk to you later.." aniya.

Tumango ako at pinanuod ko siyang sumunod kina Uno na ipasok ang mga gamit. Though may bellboy naman ay tumulong pa rin sila, it's understandable because we're like how many? Eleven.

"Let's go?"

Lumingon ako kay Alice. Bahagya akong natigilan dahil sa ngiti niya. It's very trustful yet I can't trust it fully because of what Uno's statement a while ago.

"Let's wait for Adrianna." Saad ko.

Atleast I want us to be around people.. ayokong maiwan kasama siya at baka mag tanong siya ng mga bagay na hindi ko alam paano sasagutin.

"Grace.." rinig kong wika ng isang lalaki.

Napalingon kami kay Adrianna at Evander Claveria.

Something is off.

"What is it Evader?" I heard Rian said.

Oh, I know this voice.

She's pissed.

"Mauna na tayo." Ani Alice.

Napaawang ang aking labi sakanyang sinabi. Bumaling sandali ang aking tingin kay Rian bago ako tumango.

"Okay."

I started walking when someone grabbed my hand.

"Okay na ang mga gamit mo?" Tanong ni Kuya Carl sa akin.

"Yes Kuya." Sagot ko.

"Una na kami.." pamamaalam ni Kuya Carl kay Rian tsaka ito tinapik bilang pamamaalam.

"Call me when you need me" bulong ko kay Rian bago sumunod kina Kuya Carl.

Nauna silang naglakad sa akin. Agatha was beside me while Kuya Carl and Alice were in front of us. Huminga ako ng malalim para ayusin ang kalooban ko. This event is for me, ako ang dahilan kung bakit kami nag desisyon umalis. I need to make the most out of it.

Hindi makakabuti na magpa-apekto sa bagay na hindi pa nangyayari.

"Dito ang kwarto niyo. Nasa loob na ang mga gamit niyo, just wait for Rian." Ani Kuya Carl.

Tumigil kami sa harap ng isang pintuan na ayon kay Kuya ay ang kwarto na tutulugan namin.

I nodded.

"Thank you Kuya." I smiled.

He smiled back.

"Anything for you, Tulip."

He stepped closer and kissed my hair. Lalong lumawak ang ngiti ko dahil doon. Narinig ko ang pag kukunyaring nasusuka ni Agatha sa tabi ko. Lagi naman silang ganyan, hindi na nasanay kay Kuya Carl. He shows his love for us in the weird way, more on actions siya.

"Mag-ayos na kayo. I'll see you all tomorrow." Aniya.

"Oh, sure!" Masiglang wika ni Alice bago pumasok sa loob ng kwarto.

"Copy!" Ani Agatha.

Nagmadaling pumasok si Agatha sa loob ng kwarto kaya naiwan ako kasama si Kuya Carl sa labas.

"Sige kuya, pahinga ka na din." Wika ko.

Tumalikod na ako sakanya para sumunod kina Agatha pero kusang tumigil ang mga paa ko nang marinig ko ang sinabi niya.

Something haunted inside me, hindi ako makahinga dahil doon. Pag-lunok nalang ang nagawa ko at mariing napapikit.

"Tul, for your coming of age tomorrow, I want to tell you what I have been telling Clyde and Simon for the past years. It's.. whatever happens.. remember to put first the family's name okay?" Aniya.

I can't answer..

"Do you understand?" Pag kokompirma niya.

Parang may bumubuhol sa lalamunan ko, sa huli ay napalunok nalang ako at napatango.

"Sure, of course kuya." Pigil hiningang wika ko.

Lumingon ako sakanya atsaka ngumiti. Tumalikod na ako at tuluyang pumasok sa loob ng kwarto naming mga babae. Napasandal ako sa pintuan at parang manghihina ako sa kinatatayuan ko.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Agatha.

"Yeah.." mahinang sagot ko.

I can see concern in her eyes. On the other hand, Alice was sitting on the floor while eating. Kita ko ang pagtigil niya sa pagkain at ang paglipat ng tingin niya sa akin.

Mataman niya akong tinignan.

"Seryoso? Ayos ka lang talaga?" Hindi mapakaling tanong ni Agatha.

Tumango ako.

I hate it when it's like this. Parang lahat sila naaabala ko dahil sa pag-aalala nila sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit sila ganito, bakit parang babasaging pinggan ako na takot na takot silang mabasag.

"Yup. Ligo lang ako." Saad ko.

Hindi ko na sila hinayaang sumagot at tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob ng banyo.

"Tul.. your phone.."

Naalimpungatan ako sa pagtulog dahil sa daing ni Agatha. I shifted and tried to reach for my phone while my eyes are still closed.

"Tul.."

"Yeah.. yeah.." sagot ko kay Agatha.

Mabilis kong sinagot ang tawag nang makuha ko ang cellphone ko. Humiga ako ng maayos at hinintay ang nasa kabilang linya bago mag salita.

"Tul?"

"Fuck."

Maagap kong tinakpan ang bibig ko gamit ang aking kamay. Automatic din na inilayo ko sa akin ang cellphone ko at sinilip kung sino ang tumatawag kahit na alam ko na kung sino.

My heart was throbbing fast that's why even though I know that I'm still half awake, napaupo na ako ng kusa.

"Simon!" I silently hissed.

Binalik ko ang cellphone sa aking tenga at narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya. Bawat pakawala niya ng tawa ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.

"Did I wake you up?" He said between his laugh.

"Obviously."

Napahawak ako sa aking buhok at napasuklay. Hindi ko mapigilang tignan ang balkonahe na katabi ni Adrianna. Mula sa pwesto ko ay naaaninag ko ang buwan.

"Sorry.." he traced.

"It's okay." I breathed.

"Can you go out? I want to see you.."

I bit my lower lip.

How can he.. make me feel like this? Gayong wala naman talagang dapat na maramdaman sa sinabi niya. In just nine words, nabaliktad na ata ang mundo ko.

Nakakatawa ka, Tulip! Get a hold of yourself!

"Now?"

Napalunok ako.

"Yeah." He answered.

"Okay."

I ended the call.

Tumayo ako at kinuha ang jacket sa aking tabi. Sandali kong tinignan ang mga pinsan kong natutulog ng mahimbing bago lumabas. Napayakap ako sa aking sarili nang masilayan si Simon na nakatayo sa labas ng kwarto namin.

Prente siyang nakasandal sa harap habang nakatingin sa cellphone niya. Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya.

"Hey."

Napa-ayos siya ng tayo at agad na sumilay ang ngiti sakanyang labi. Hindi ko tuloy mapigilan na mapangiti na rin dahil sa pag ngiti niya.

"Bakit mo ako gusto makita?" Lakas-loob kong tanong.

"Wala lang. Masama ba?" Balik niya.

Napangiwi ako at nag-init ang aking pisngi. Nakita ko na nagustuhan niya ang reaksyon ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Napaiwas ako ng tingin nang mas lalo siyang napangiti.

"I'm just joking.." 

Humakbang siya palapit sa akin at hindi ko alam ang gagawin kaya ang nagawa ko nalang ay manigas sa kinatatayuan ko.

"You know what time is it?"

Napakunot ang aking noo.

"Ha?" Oras? Bakit oras?

"Here.."

Hinawakan niya ako sa balikat at tinalikod niya ako. I tried to stop myself from being affected by his mere touch but I failed. Hindi 'yon ang dapat kong pansinin ngayon pero yun ang napapansin ko!

Ganon ba talaga 'yon? How can I stop myself from going deeper with my emotions if I can't even stop myself?

"Twelve o'clock" aniya atsaka tinapat sa akin ang cellphone niya.

Bahagyang napaawang ang aking labi dahil sa pinakita niya. From his wallpaper, our family picture, kitang kita ang oras at ito ay twelve o'clock.

"Happy Birthday, Tulip. You don't know how happy I am that a girl named Tulip was born. I will never regret entering your life and I hope that I could stay there always. I wanted to give you everything, I want to tell the world how much I love you.. but I can't. Not now. But I promise that if the right time comes, I will not just tell the world how much I love you but I will face you with my everything and say I love you.."

Nag-init ang aking mga mata dahil sa sobra sobrang emosyon kong nararamdaman. I tried to turn around and face him but he stopped me from doing it.

I can feel his hot breath behind my back.

Lumalim ang aking paghinga dahil sa hindi ko alam paano ilabas ang mga luhang nag babadya. Mahigpit ang hawak niya sa aking balikat at naririnig ko ang malalim niyang paghinga sa aking likuran. I wonder.. is he crying too?

"Sa ngayon.. ito muna." Dagdag niya.

Napasinghap ako nang may isuot siyang kwintas sa akin. Kusa akong napahawak sa pendant 'non at nagsitakasan na ang mga luha sa aking mata nang makita ang pendant ng kwintas.

My name's first letter and his name's first letter was seperated by a heart.

"Simon.."

I can't say anything.

Lagi naman. He always leave me breathless.

"Balak kong ibigay sa'yo 'to bukas kaya lang, I thought.. I should give it to you earlier and the right time I came up with is this.. this time. I also want to be the first person to greet you. I'm so corny but.. heck, this is Simon Chase Montgomery being in love." He breathed.

"Simon, I don't know what to say."

Mariin kong pinikit ang mga mata ko habang mariing nakahawak sa kwintas. I can feel every curve of the pendant on my hands. Damang dama ko 'to at nakakainis man pero sobrang saya ko. It's wrong for me to be happy but I do.

I am happy because of him.

Mali pero ganon.

"You don't need to say anything."

"Can I face you?" I asked.

Sinubukan kong humarap sakanya pero hindi niya pa rin ako hinayaan.

"No." Matigas niyang wika.

"Why?"

"Lahat ng sinasabi ko ngayon, hindi ko pa kayang sabihin ng harapan. I don't deserve to say this things while facing you. Wala akong karapatan lalo na at wala pa akong nagagawa para sa'yo. Gusto ko na pag sinabi ko ulit 'to sa'yo, yun yung panahon na alam kong tama na at kaya ka ng sagipin ng pag mamahal ko. I want to say I love you while giving you my everything. Kaya sa ngayon.. ito muna." Paliwanag niya.

Napailing ako.

"This is too much already. Napakasama ko na kung mag hahangad pa ako ng sobra." Saad ko.

"No, Tul. You deserve so much more."

"But.."

"I want to give you my second gift. Do you want to know why I chose to put our family picture as a wallpaper?" Tanong niya.

Sobra akong naguguluhan sa tanong niya. Hindi ko na rin naiintindihan ang mga sinasabi niya. With my eyes crying, heart throbbing and chaotic stomach.. wala na akong maintindihan.

Buhay na buhay ata bawat ugat sa aking katawan. Everything is shouting his name and I know that what I feel right now can never be revoked.

I want to give him something too but I'm to overwhelmed to move from my place.

"Why?"

Pinagtiim ko ang aking mga labi nang pihitin niya na ako paharap sakanya. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang kanyang mamasa-masang mga mata. Walang pag aalinlangan kong inabot ang mukha niya at pinunasan ang luha sakanyang mga mata.

My heart aches so much..

Bakit kailangan kami pa ang makaranas nito? Can't we both be normal human beings who met and fell for each other.

"Because it's a reminder that you're my sister and you're off limits."

"Then why-"

Pinigilan niya akong ituloy ang sasabihin ko gamit ang kanyang mga labi. Mabilis at mababaw lang ang halik na 'yon pero sapat na para mapatahimik ako. Tinignan ko nalamang siya ng mataman sa mga mata.

I can see myself from his eyes.

"But it was also a reminder that I can sacrifice everything for you. It was the reminder of the things that I can sacrifice for you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top