Chapter 33
Hand
"Boring" rinig kong reklamo ni Uno.
Palabas na kami mula sa gym. Kasabay ko mag lakad si Agatha at hindi ko alam kung paano ako makikitungo sakanya. Though she seems normal around me. Pero kanina ko pa napansin na parang may gusto siyang sabihin sa akin.
"Yeah it is." Sagot ng isa sa mga ka team mate nila.
If I am not mistaken, his name was Sky.
"Bukas labas tayo." Saad ng isa sa kanila- Jacob, I think was his name.
Ramdam ko ang paglapit ni Simon sa akin at ang pagsabay niya sa paglakad. Napapagitnaan ako ni Simon at Agatha habang ramdam ko ang presensya ni Uno sa likod ko.
Na we-weirduhan ako sa pwesto naming lahat pero naging panatag ako. Hindi ko mapigilan ang mapatingin kay Simon at kasabay non ay ang pagtingin niya sa akin. Bahagya siyang ngumiti at ganon din ang ginawa ko.
I smiled at him.
"It's good to see you smile." Aniya.
Ngumiwi ako at napailing nalang.
"Bolero." Natatawang wika ko.
"Did you pass?" Tanong niya.
Tumango ako.
"Yes, I did."
"Sabi ko naman sa'yo. You'll pass. They can never say no to you. I know it." Aniya na para bang siguradong sigurado siya.
Kumunot ang aking noo.
"How can you be so sure?" Hindi ko mapigilan ang itanong.
"Because you're special."
Whoa.
That was fast.
Kasing bilis non ang pag lipad ng mga paru-paro sa aking puso at sa aking tyan. Bumilis din ang aking tibok ng puso at parang pipisilin ito gamit ang kanyang mga titig.
"Oo nga. Why don't you just meddle with your own problems?" rinig kong wika ni Agatha.
Napalingon ako sakanya at kita ko ang matatalim niyang tingin doon sa kapatid ni Evander Claveria.
"Shut up. You don't tell me what to do." Sagot ni Osiris Claveria.
Hinila ni Kuya Adrian si Agatha pero mabilis na umalis sa pagkakahawak si Agatha at bumalik sa tabi ko. Bahagya pa niya akong sinulyapan bago binaling ang tingin kay Kuya Adrian.
"Nakakainis siya Kuya! Lagi nalang nanggugulo sa broadcasting room yan." Inis na inis na wika ni Agatha.
"The guy, Osiris Claveria, likes Agatha." Bulong ni Simon sa akin.
Liningon ko siya at tinaasan ng kilay. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Napangiwi ako nang bahagya siyang ngumisi at umiling-iling. Kuminang ang kanyang mga mata at pati ata mga mata niya ay nakangiti. Here we go with his expressive eyes again.
Wala sa sariling napangiti din ako. Tuwing ngumi-ngiti siya, parang napapangiti na rin ako.
"What's your problem?" Hindi ko mapigilan ang itanong dahil sa pag-ngiti niya.
"You're too cute. I just can't.."
Nagpakawala siya ng halakhak at ako rin ay ganon. Bahagya ko siyang tinulak at kinurot sa braso kaya napadaing siya.
Natigilan kami sa paglalakad nang may humarang sa harap namin.
"A-adrianna.." Rinig kong wika nito.
Binaling ko ang atensyon ko doon at may nakita akong grupo ng mga babae. May pakiramdam na ako kung sino ang mga 'to. Sa mukha palang nila na takot na takot kay Evander ay parang alam ko na.
"Sorry!" Saad nilang lahat.
Bahagyang nag-angat ang kilay ko sa sinabi nila. Kung titignan ang ginawa nila kay Adrianna, parang hindi maka-tao pero sino ba naman ako para hindi magpatawad. Ako nga mismo ay makasalanan.
Baka ganon lang talaga, may rason kung bakit nila nagawa 'yon. Hindi ko sila maiintindihan dahil hindi naman ako ang nasa pwesto nila.
"Hindi ko masasabing mapapatawad ko kayo completely.. pero I can't forget everything. Hindi ako ganon kabait para magawa yon. It's okay.. just please stop meddling with my life." Ani Adrianna.
Hindi ko tuloy mapigilan ang titigan si Adrianna. She's the closest to me, she's kind and very understanding. Kung sasabihin ko ba sakanya ang pinagdadaanan ko, maiintindihan niya? Habang tumatagal ay dumadami ang nakaka-alam, nakakatakot.
"Wag para may thrill" bulong ni Simon.
Kahit binulong niya 'yon kay Adrianna ay narinig ko pa rin dahil nasa tabi ko siya.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Thrill? Hindi pa ba sapat ang nararanasan namin para mawalan siya ng thrill? Ibang klase! Sige lang! Manahimik ka lang diyan.
Na ha-highblood ako sakanya.
Pinagtiim niya ang kanyang labi at umayos ng tayo. Umirap ako sakanya at narinig ko ang pagsipol ni Uno sa likod ko.
"I'm sorry." Maagap na wika ni Simon.
"Under!" Uno hissed.
Liningon ko siya at sinamaan ng tingin. He shrugged at me and I raised a brow at him. Sarap basagin ng mukha ni Uno, grabe sa kapal.
"Manahimik ka muna, Uno. Pwede ba?" Inis kong tugon.
"I'll shut my mouth if you answer my question." Aniya.
He looked at me like what he's about to ask if life changing.
Napatingin ako kay Simon pero nagkibit-balikat lang 'to. Binalik ko muli ang tingin kay Uno na parang excited na excited sa sasabihin niya sa akin.
"What?"
"Alam mo ba yung pangalan nung babaeng sinasabi ko sa'yo.. noong isang araw?" Pigil hiningang tanong niya.
Nanliit ang mga mata ko.
"Yeah.." I honestly answered.
His eyes lit up.
"Ano? Anong pangalan niya?"
"I won't tell you." Deretso kong sagot.
Bumagsak ang kanyang balikat sa sagot ko.
"Why don't you tell him?" Singit ni Simon.
"Well, he doesn't deserve to know. He needs to earn it. That girl is special, I know she is because for the first time in my life.. I never felt so comfortable with a stranger except her. Kaya kailangan niyang paghirapan ang pangalan nung babae. Kung gagantihan niya lang 'yon dahil sa petty reason niya, I wish wag na niyang malaman." Paliwanag ko.
Simon's mouth formed an O.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa ka-cutan niya. I wrinkled my nose and laughed. Siya rin ay nagpakawala ng tawa at umiling iling dahil ayaw mabura ng ngiti sa labi niya. His smile is worth a million, I can't even breath whenever I see him smile.
Damn.
Gwapo.
"Well, Uno.. better luck next time." Natatawang saad ni Simon sabay akbay sa akin.
Napaawang ang aking labi sakanyang ginawa. Ilang beses akong nagpikit-bukas ng mata habang pinapakalma rin ang sarili ko. Palinga-linga ako sa paligid pero napangiwi nalang ako nang maalala kong, wala namang masama sa ginawa niya. Siblings can do this..
It's supposed to be normal but for me it isn't.
"Tara! Loft tayo!" Pag-yaya ni Dos.
Ngumiti ako at tumango bilang pag sangayon. Bahagya ko pang nilingon ang naka-akbay na Simon sa akin. He was busy laughing with Uno and I can't help but smile too.
Hindi ko mapigilan ang mapalingon kay Agatha na nahuli kong matamang nakatingin sa akin. Nanlaki ang aking mga mata at napatingin sa brasong naka-akbay sa akin. Akmang aalisin ko na ang pagkaka-akbay sa akin ni Simon nang bigla siyang ngumiti. Bahagyang umawang ang aking labi pero laking gulat ko nang lumawak ang ngiti sakanyang labi.
"Let's go! Bagal niyo!" Natatawang wika ni Agatha.
Hinila niya ako sa kamay ko kaya napasama kami ni Simon sakanya. Si Uno ay lakad-takbo ang ginawang paghabol sa amin. Hindi ko mapigilan ang mataw habang mabilis na lakad ang ginagawa namin.
Kung tutuusin ay hirap akong humabol sakanila dahil ang bilis talaga ni Agatha at Simon pero dahil sa akbay ni Simon at hawal ni Agatha ay natatangay na ako.
"I'll just get my charger from Gelo's car." Ani Agatha at hindi na hinintay ang sagot namin.
Tumalikod siya at hindi ko mapigilan ang sundan ang kanyang tinatahak na lugar. I wanted to ask her about what she's thinking about me.. us.
To think, kanina galit na galit siya na parang hindi niya kami kayang tignan. Kung hindi siya kinausap ni Uno, baka nakatutok na ang baril kay Simon ngayon. What made her act this way? Is it pity?
"Simon, samahan mo ako. I'll transfer the bags from Gelo's car to my car." Ani Uno nang marating namin ang parking.
Liningon ako ni Simon na para bang nagpapaalam. Tinaasan ko siya ng kilay at pigil ang ngiting sumilay sa aking labi. Napakamot siya sa kanyang batok kaya wala na akong nagawa kung hindi ang mapangiti na talaga.
"Fuck, Sy! 'Yan lang, ipapag-paalam mo pa? So under bro! Tara na nga! Ayoko ng ma in-love kung ganyan din!" Inis na wika ni Uno sabay hila kay Simon palayo.
Lumingon ako sa paligid at agad kong nakita si Adrianna na palapit sa akin at lumagpas ang mga mata ko sa likod niya. Evander has his eyes on her.
I looked at her using my teasing eyes.
"Saan ka sasakay?" Tanong niya.
I was in my most blank state for a second. Hindi ko rin kasi alam kung saan ako sasabay. Well, wala naman problema kay Simon kung sabay kami pero gusto ko pa makausap si Agatha. Hindi ata ako mapapanatag nang hindi siya nakaka-usap.
Natigilan ako sa pag-iisip nang may kumuha sa bag ko at maagap akong napalingon dahil doon. Kinuha ni Uno ang bag ko sabay binalibag sa likod ng kotse niya. Nalaglag ang aking panga sakanyang ginawa.
"Bwisit! Bag ko yon!" Inis na inis kong wika.
Ngumisi 'to at tinalikuran ako. Naiyukom ko ang mga palad ko sa pagpipigil na masaktan si Uno. Konting konti nalang talaga at masasapak ko siya. That will be the best day of my life.
"Goodluck to your precious life cousin." Bulong ni Adrianna.
Napabuntong-hininga nalang ako habang pinapanuod si Rian na makalayo. Tinanaw ko ang kotse ni Uno at walang ganang lumapit doon para sumakay na. Wala na akong sinayang na panahon at sumakay na ako. Maybe, Uno's car is the best choice.
For now..
"Hey."
Natigilan ako sa nagsalita.
Binaling ko ang atensyon ko sa tumabi sa akin. Namilog ang aking mga mata nang makitang si Agatha 'yon. Deretso lang ang kanyang tingin sa harap habang ako ay hindi alam kung saan titingin.
I opened my mouth but she spoke first.
"Don't ask me why am I acting like this because I don't know the answer myself. Basta nakapag desisyon na ako, I will protect you Tulip. I will never let anyone hurt you, masaktan na si Simon.. wag lang ikaw. I will save you from all the pain so when the time comes.. the time when you need to face everything, you'll have strength. I'll give everything that I can, just promise me to fight for your happiness. Fight for it because I tell you, it will be worth it. Simon is the best fallback." Aniya.
Aamin ko wala akong naintindihan sa mga sinabi niya. Isa lang ang tumatak sa akin, 'yon ang po-protektahan niya ako. Gusto ko pang magtanong pero alam kong hindi din siya sasagot. Being an artist, sanay na akong makakita ng abstract ideas but right now.. I can't explain it.
"Okay.." I whispered.
"Let's go team! Let's start this!" Hiyaw ni Uno.
Sumakay siya sa driver's seat at sa tabi niya ay si Simon. Sa likod kami ni Agatha at hindi ko mapigilan ang mapahalakhak nang mabilis na paharurotin ni Uno ang kotse. Simon immediately checked on me but I shook my head. He smiled at me while I wrinkled my nose.
He laughed and I did too.
Napalingon ako kay Agatha.
I saw her smile so I smiled too.
"Nasaan na ba sila Adrianna?" Inis na wika ni Kuya Adrian.
Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa cellphone ko sa paghihintay ng reply mula sa text ko kanina kay Rian. Ten minutes na kaming nasa labas ng Loft pero wala pa sila ni Evander Claveria. Nag-aalala ako kahit na alam kong safe na safe siya sa tabi ni Evander.
I can hear frustration from Kuya Ad.
"Mauna na tayong pumasok, I'm sure naman malapit na ang dalawang 'yon. Besides, Adrianna is safe beside Claveria." Ani Kuya Carl.
Tumango ako bilang pag sangayon. Magkadikit na ang kilay ni Kuya Ad sa inis pero napasunod pa rin siya ni Kuya Carl. Padabog siyang nauna sa paglalakad na sinundan naman ng mga pinsan namin. Uno and Agatha were walking in front of us. Kami ang huli ni Simon.
I'm walking awkwardly beside him.
"Keep close, Tulip. I don't want to see you with other guys." I heard him whispered.
"I'm not a party person like you. Baka nga naka-upo nga lang ako mamaya." Reklamo ko sakanya.
I faced him while walking. He faced me too and he smiled.
His smile glowed..
Oh no, not now butterflies. Not now dragonflies. Not now, Tulip. Huminahon ka, ngiti pa lang 'yan.
"That will be good. Umupo ka nalang nga." Aniya.
Napangiwi ako.
"I won't enjoy."
"You will." Maagap niyang wika.
Kita ko ang pagtatampo sakanyang mga mata. Tinaasan ko siya ng kilay bilang tanong kung bakit ganyan ang reaksyon niya.
"Well, isn't enough that you're beside me? Ako kasi, hindi ko na kailangan tumingin sa iba lalo na kung ikaw lang nakikita ko sa loob. I would rather watch your every move than to dance and have fun there. Corny? I don't care." He breathed.
Napaawang ang aking labi.
His words.
They will be the death of me. Mga salitang sobrang corny pero sobra-sobra para sa akin. Tipong hindi ako makahinga at parang liliparin ako dahil sa mga 'to. Kailangan ko na atang masanay sa mga salita niya, masyadong siyang open sa mga nararamdaman niya.. not like me.
He's not afraid unlike me.
"Hands.." aniya.
Inabot niya ang isang kamay niya sa akin. Sandali ko 'yon tinitigan bago dahan-dahang inangat ang kamay ko para ipatong doon. Mabagal at maingat kong pinatong ang kamay ko sakanya pero mabilis at mahigpit niya 'yong hinawakan.
Nag-init ang puso ko dahil doon. Parang pipisilin dahil sa paginit at hindi lang 'yon, pati ata pisngi ko ay mamumula na dahil sa hiya.
His fingers were interwined with mine. My heart fluttered because of it.
"Wag kayong masyadong halata. Baka mapansin ng iba. Delikado."
Napaigtad ako sa umakbay sa akin at ganon din kay Simon. Pinagitnaan kami at ramdam ko ang pag-akyat ng kaba sa aking dibdib nang makita ng malapitan ang taong 'yon. He was smiling while his left arm was placed above my left shoulder and his right to Simon's right shoulder.
Heart throbbing.
Breathing unsteady.
"Gelo.." I can't help but call him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top