Chapter 32

Always

"Agatha! What are you doing here?" Inosenteng tanong ni Uno.

Ang mga mapanuring mata ni Agatha ay nanatiling nakatingin sa akin. It's full of emotion na parang malulunod ako sa lahat ng ibinibigay 'non. Unti-unti akong napahawak sa aking leeg at nag-iinit ang aking mga mata.

I know she knows..

Alam kong may alam siya pero ang sakit na ma-kompirmang alam na niya.

"What's happening?" Mahinang tanong ni Simon sa tabi ko pero umiling lamang ako.

"Agatha Joan." Matalim na tawag sakanya ni Uno nang hindi man lang sumagot si Agatha.

Abo't langit na ang kabang nararamdaman ko.

"Agatha Joan Mont-!"

"Shut the fuck up, Uno. Wala kang karapatan na banggitin man lang ang apilyido natin gayong alam mo ang ginagawa nila!" Puno ng galit na wika ni Agatha.

Napaawang ang aking labi at nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko. Nanikip ang dibdib ko habang parang sinasaksak ito ng napakaraming punyal. Gusto kong magpaliwanag pero hindi ko magawa dahil alam kong lahat ng sinasabi niya ay tama.

Tama dahil mali ako.

Mali ito.

"Ano?" Galit na balik ni Uno sakanya.

"Let's go.." bulong ni Simon at sinubukan akong muli na hilahin.

"No." Matigas kong pigil sakanya.

Nanatili akong nakatayo doon at pinanuod si Agatha na dahan-dahang lumapit sa amin. Haharapin ko 'to at hindi ito tatakasan. Wala akong karapatan na tumalikod lalo na at ako ang nagsimula nito.

I'll accept everything..

Si Agatha ito, pinsan ko siya at isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. I won't drag her into this.

"Agatha, baka nakakalimutan mong nakakatanda pa rin ako!" Uno roared.

Kinilabutan ako sa sigaw ni Uno. Laking pasasalamat ko na walang tao sa hallway ngayon dahil lahat ay nanunuod sa theater o kaya sa court. Hindi ko ata kakayanin na may makakita ng nangyayari sa akin.

Uno is so mad, Agatha is full of-- I can't read her.

"Nakakatanda? When was the last time you acted one? Alam kong childish ka pero fuck lang! Uno! I didn't know that you're too childish to accept this thing! Nagiisip ka ba?!"

Mariin kong pinikit ang mga mata ko sabay yukom sa mga palad ko nang may tumulo na rin na luha mula sa mata ni Agatha. She's too strong yet she's crying because of us..

Naramdaman ko ang mainit na palad ni Simon sa aking mukha. Mas lalo akong napaiyak dahil doon. Marahan niyang pinunasan ang mga luha sa aking mga mata. Inabot ko 'to at ako mismo ang nagtanggal nito sa aking mukha.

"You know.." bulong ni Uno.

"Oo. Alam ko. Hindi ako makapaniwalang alam mo rin, Uno." Matigas na wika ni Agatha.

"Paano mo nalaman na alam ko?" Uno asked.

Gusto kong mapa-facepalm sa tanong niya. Ito pa ba ang iisipin niya habang nasa sitwasyon kaming ganito?

"Hindi ako tanga, Uno. Masyado kayong halata. Hindi ko nga alam kung paanong hindi pa alam ng iba habang sobrang halata niyo naman. From the way Simon stares at her-- damn it. From the way she stares back.."

Minulat ko ang aking mga mata at agad na nagtama ang mga mata namin ni Agatha. Puno ng sakit ang mga mata niya at dama ko ang mga 'yon.

"From the way you look and protect at them, masyado kayong halata. Noong una hindi ko matanggap sa sarili ko na alam ko kung ano ang nangyayari. I can't accept that I know this at parang mas gugustuhin ko nalang na hindi ko alam. Akala ko, sa palabas lang nangyayari ang mga 'to kaya hindi ko matanggap pero habang tumatagal.. nakikita kong totoo at mas nasasaktan ako. I hate everything.." she breathed.

"Agatha.." maagap kong wika.

Umiling ako at impit na hikbi ang lumabas sa aking bibig.

"I'm so sorry. I won't drag you into this. I am so sorry."

Wala akong masabi.. I can't find the right words because in the first place, walang tamang salita na pwedeng masabi sa sitwasyon namin na 'to.

"Tulip, can you hear yourself? Kahit anong takas ko sa satiwasyon niyo, madadamay at madadamay ako! We're cousins! We're family! We should stick together but because of this, masisira ang lahat! Hindi ko nga magawang tignan si mommy sa mata dahil kahit anong pilit ko na mag sumbong dahil yun ang sinasabi ng utak ko, hindi ko magawa! I can't do it because my heart says no! Mas pinipili ko pa rin na protektahan kayo kahit na mali.. at kinamumuhian ko ang sarili ko dahil doon. Ang sakit lang na pinanganak ata ako sa mundong 'to para protektahan ang mga tao sa paligid ko."

She broked down and I can't take to see her like this. Mabilis na tumalikod si Uno para tumingin sa ibang direksyon. I can see his eyes.. nagiging mapula na 'yon at senyales ito mula sa mga luhang nag babadya.

"Alam kong hindi ito ang tamang oras para sabihin 'to pero gusto kong magpasalamat, Agatha. I know it's hard to keep this because I gave up keeping this also but still, you did." Ani Simon.

I want to stop him from talking but I can't dare myself to move. Damang dama ng katawan ko ang sakit at kaba na nasa puso ko. Nanalaytay ito sa bawat ugat ng aking katawan at dumadaloy sa bawat parte ng katawan ko.

"Gago." Balik ni Agatha sakanya.

"Agatha Joan." Banta ni Uno sakanya pero nanatili siyang nakatingin sa ibang direksyon.

"Mas gago ka, wag kang mag-alala." Matigas na wika ni Agatha kay Uno.

I heard Simon sighed.

"I am. Gago ako at hindi ko ikaka-ila 'yon but I know what I'm doing. I won't make a move if I don't have anything on my hands. You know me, Gath. I do things because I know I am allowed to. I'm the type of person who'll use everything I can." Saad ni Simon gamit ang kanyang mahinahon na boses.

I don't know how can he stay compose at a time like this. Pero aaminin ko, may parte sa akin na panatag dahil alam kong nandito siya sa tabi ko. Dahil alam kong nandyan siya.

A part of me is at ease because he's here.

"Allowed to? Saang banda naging pwede 'to? Tanga ka ba? May utak ka ba? Kahit sa mata ng Diyos ay hindi 'to pwede tapos sasabihin mo sa akin na alam mo ang ginagawa mo? Alam mo 'tong kamao ko? Nangangati siyang dumampi sa pisngi mo ngayon Simon. I want to beat you to death so bad because you're full of shit. Let's say it's okay basta walang nakaka-alam.. dahil kami palang nitong hinayupak na Uno ang nakaka-alam pero paano pag alam na ng iba? Kuya Carl will be so disappointed and he might beat you to death, Simon." Agatha's voice was so firm that it made my heart compressed too much.

Naiintindihan ko ang bawat katagang sinasabi niya. Just by hearing my eldest brother's name.. binabasag na ng paulit-ulit ang puso ko. I can somehow see his expression. I know he'll be disappointed.

"He won't. He'll be sad but he won't be disappointed."

Simon stayed calm.

Napalunok ako at pati ako ay naguguluhan tulad ni Agatha. Gusto kong sumabat at tanungin siya pero hindi ito ang tamang oras para gawin 'yon. Alam ko naman na sasabihin niya lang sa akin ay pagkatiwalaan ko siya.

"Fuck you! Nababaliw ka na talaga! Damn! Pati ako na bo-bobo sa'yo!" I can sense frustration from Agatha's voice.

"I'll explain everything to you." Ani Uno at humarap na sa wakas.

"So you believe Simon? Nakakatawa kayo!" Agatha sarcastically said.

Nagtagis ang bagang ni Uno.

"Let's talk privately." Matigas niyang wika at sabay hawak sa braso ni Agatha.

Hinila niya 'to paalis.

"I'm giving you a week to stop this or else, I'm gonna tell the elders!" Habol ni Agatha ngunit nahila na siya palayo ni Uno.

Nanatili akong nakatayo doon dahil hindi ko magawang gumalaw. Para akong na estatwa sa pwesto ko. Habang pinapanuod ang papalayong bulto ni Agatha ay parang gumaan din ang pakiramdam ko. Ang pagkatiwalaan si Simon ay parang pagtitiwala rin kay Uno dahil alam kong pinagkakatiwalaan niya 'to.

"Are you okay? What are you thinking? Tell me, Tulip. I'll get frustrated seeing you like this."

Pumunta siya sa harapan ko at hinawakan ako sa kamay. Parang bumagsak lahat pababa ang kabang nararamdaman ko kanina sa simpleng hawak niya sa mga kamay ko. Mahigpit niya 'yong hinawakan.

Nag-angat ako ng tingin sakanya at mas lalong gumaan ang pakiramdam ko nang makitang hindi siya apektado sa mga nangyayari.

"Paano kung sabihin niya.. I know she won't but I don't feel good dragging her to this." Saad ko.

Agatha won't speak. I know she won't because she's very firm with her principles. One of her principles is prtotecting each and one of us. Hindi siya mag sasalita pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil doon.

I felt Simon's thumb slightly brushed into my palm. Nanuyo ang aking lalamunan habang tinitignan ang kanyang mga mata. Flowers were starting to bloom inside of me.

"She won't. Pag pinaliwanag na ni Uno sakanya ang lahat, hindi siya mag sasalita. Don't worry."

He smiled.

Malungkot din akong napangiti.

"Ano bang-"

"Trust remember? Pagkatiwalaan mo lang ako. Isipin mo nalang na madadagdagan ang po-protekta sayo. Agatha is the strongest protector that we can have. She will protect you." Aniya.

Ngumiwi ako.

"Kahit naman ikaw.. she will protect you." I breathed.

"I don't need protection. Kung ako lang ang masusunod, sasabihin ko sa buong mundo kung anong nararamdaman ko. I badly want to tell everyone how much I like you.. how much my heart beats for you but I can't because I need to protect you. Ikaw lang naman ang gusto naming protektahan. We can take everything but you can't. Maybe you will but it's not that easy. Mahihirapan ka at wala akong magagawa. The least that I can do is to make it less painful."

Kumunot ang aking noo sakanyang sinabi. Mas lalong nadagdagan ang tanong sa aking utak pero hindi pa rin makaka-ila ang sobra-sobrang nararamdamang puso ko dahil sakanya. His words are just so full of emotions that I don't know how to breath with them.

Nakakalunod ang mga 'yon at parang hindi ko kakayanin ang lahat.

"How can you do that?" Hindi ko maiwasang itanong.

I know it will be painful.

Marahil ay wala nga silang takot ni Uno pero ako ay takot na takot kahit wala pa man. It's hunting me from the inside and it is Simon who's stopping me from getting afraid.

"By being by your side." He sweetly said.

Wala sariling napangiti ako.

"Kaya mo bang panindigan 'to?" Tanong ko.

He smirked. "You don't know how much I can sacrifice for this. Just tell me to start and I will. Hanggang dulo ay dadalhin ko 'to. I won't stop, mark my words. I will never stop. Never."

He stepped closer.

He wiped my tears and smiled at me. Napaka gaan ng ngiti niya na nakakawala ng kaba. Madaya siya pero gustong gusto ko 'to. I can still breath because of him.

"I won't leave you." He marked with finality.

"Never?"

"Never." He answered.

I bit my lower lip. Hindi ako makapaniwalang pinagkakatiwalaan ko talaga siya. Hindi ako makapaniwalang pinasok ko ang bagay na 'to. Alam kong hindi na ako makakalabas pero hindi ko alam kung bakit ayaw kong lumabas. I'm willing to walk with him even though I know there's no path to take.

"I'll be with you. No matter what."

"Always?" Hindi ko mapigilan ang itanong muli.

Nakakatakot kasi.. baka sa huli ay bitawan niya ako. Hindi ko alam kung paano ko pa i-aahon ang sarili ko sa pagkalunod na 'to.

Lumawak ang kanyang ngiti kaya mas lalo din akong napangiti.

Mamaya ay mag babasketball sila, maraming makakakitang babae sakanya. Mga babaeng, pwede at kayang kaya siyang ipagmalaki at ipagsigawan. Naninikip ang dibdib ko tuwing naiisip 'yon pero pag nakikita ko siyang ganito at alam kong totoo ang mga sinasabi niya sa akin ay nagiging panatag ako.

Nakaka-inggit sila pero wala naman akong magagawa. Gusto kong makuntento dahil alam kong sa akin lang siya nakatingin. Tiwala.. tiwala ang susi sa lahat.

"Always." He breathed.

He smiled sweetly and hugged me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top