Chapter 30

Just love me.

"Are you crazy?!"

"Hah?"

Mabilis niya akong hinila palapit sakanya at pinayungan. Napasinghap ako sakanyang ginawa at napahawak sakanyang dibdib para hindi ako masubsob.

Napalunok ako at huminga ng malalim para mag angat ng tingin sakanya. The rain was pouring so heavy like how his eyes were heavy while they were looking at me.

"I'm glad you're here.." I whispered.

Malungkot akong napangiti habang tinitignan ang kanyang mga mata. I can see that he was shocked from what he heard from me. Naninikip ang puso at tyan ko, tipong hindi ako makahinga.

"What?" He asked.

Umiling ako. "I am happy you're safe. Akala ko mauulit nanaman yung panahon na makikita kitang nag aagaw buhay. I can't bear to see you like that.. I don't know what to do if I will see you like that.. again."

A tear escaped from my eye.

Parang tataas ang mga balahibo ko sa pwesto namin. We're too close and I can't think properly. His eyes were just so perfect that I can't take to see them this close yet I don't want it to look away.

Ang selfish ko.. sobra sobra.

Pero sakanya lang.

"I'm safe. May pinaayos lang naman si dad sa akin. Natagalan lang ako dahil may nahulog na puno sa kabilang bayan at nahirapan akong makadaan. I am so sorry.." litong litong pagpapaliwanag niya.

Tumango ako.

I bit my lower lip to stop myself from crying. Ayaw kong makita niya akong ganito pero hindi ko mapigilan. Ayaw kong magmukha akong ganito sa harap niya pero ayaw magpapigil ng damdamin ko. Sasabog ata ako pag hindi ko 'to nalabas.

I just want to be true to myself..

But being true means destroying everything.

"Why are you crying? I am so sorry if I made you worry.. damn, Tulip. Gusto kong nag-aalala ka sa akin pero kung iiyak ka lang ng ganito, mas gugustuhin ko pa na wala ka nalang pakielam sa akin.. actually no. Fuck. Hindi ko alam kung anong gusto ko. I want you to care for me but I hate to see you cry."

Mas lalo akong napahagulgol sa sinabi niya. Mabilis ko siyang inabot at yinakap ng mahigpit. Naramdaman ko na natigilan siya sa ginawa ko pero hindi ako bumitaw. I hugged him how I wanted to and I sobbed hard like there will be no tomorrow.

My heart is aching but hugging him like this made me feel like it's okay to feel like this.

Dati.. sabi ko, gusto ko ng pagmamahal na pinaglalaban. Love that is worth figting for but is it this? Is this what I want? Ang alam ko lang naman.. hindi ko kayang bitawan 'to.

Hindi ko alam kung hanggang saan ko kayang dalhin 'to pero hindi ko ata kayang pakawalan 'to. I'm being a sinner yet I can't let it go. I want to kill myself for feeling like this but I wanted to be with him. Especially now..

"Tulip.." he traced.

I felt his arms wrapped around me.

"May nangyari ba? Are you okay?" Puno ng pag-aalala niyang tanong.

"I am not okay." Maagap kong sagot.

Iyon naman ang totoo..

"What-"

"I am not okay, Simon. I was never okay. Since the day I felt different towards you, I was never okay again. Your eyes.. sobra sobra akong naiinis tuwing nakatingin yan sa iba. Your touch.. I hate them for they make me feel different but still, I want it all for myself. I am such a sinner Simon but this is how I feel. I don't know when or what or how but this is what I feel. I'll die feeling this way."

Impit na hikbi ang kumawala sa aking bibig. Siniksik ko ang aking sarili sakanya dahil sa sobrang takot at panginginig na nararamdaman. Hindi ko kayang itago 'to sa napakahabang panahon. Lalong lumalakas at lalong lumalawak ang nararamdaman ko sa ginagawa kong pagtatago.

Sobrang sabog na ng utak ko..

"What?" He breathed.

Mariin akong napapikit at humiwalay sakanya. Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya sabay angat ng tingin para makita ang hanapin ang kanyang mga mata.

"What are you saying, Tulip?" Pag-uulit niya.

"Here.."

Kinuha ko ang kanyang kamay at tinapat 'yon sa puso ko. Kasabay ng malakas na pagbagsak ng ulan ay ang malakas na kalabog ng puso ko. My eyes were on him and his eyes were on mine. Kita ko ang pag awang ng kanyang labi.

I smiled.

"Simon, itong nararamdaman ko.. nakakatakot. Hindi ko alam kung paano mo nakakaya na maramdaman 'to gayong ako, hindi ko alam kung paano aalisin 'to. Paano mo nagagawang maramdaman 'to lalo kung at araw-araw nating nakikita ang mga magulang natin. I can't understand.. I'm so scared."

Kailangan ko siyang maintindihan. Imposibleng wala siyang pakielam sa nararamdaman ng mga magulang namin lalo na ng buong pamilya pero wala rin akong ibang rason na maisip kung paano niya nagagawa 'to.

"Your heart beats for me?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"Simon.. ang layo ng sinabi ko sa sinabi-"

"You like me too? Sagutin ko ako, Tulip. Do you like me?"

Pinutol niya ang balak kong sabihin. Natigilan ako at napabitaw sakanyang kamay. Napahawak ako sa aking leeg at napayuko dahil sa kaba na nararamdaman. Kahit ayaw kong sumagot ay alam kong alam na niya 'yon.

Isang luha lang ang sumagot sakanya at narinig ko ang kanyang pag buga ng hangin.

"You like me.." Manghang wika niya.

It wasn't a question. He's claiming it.

Napa-angat ako muli ng tingin at hindi nakawala sa aking paningin ang pagsilay ng ngiti sakanyang labi. Kumalabog ng malakas at nag hurumentado ang aking puso nang makita ang kanyang ngiti.

"Simon.. sagutin mo ako. Bakit parang wala lang sayo? Hindi mo ba naiisip sila mommy? What we feel will never be accepted. It will never be. Kahit anong gawin natin, hindi 'to pwede at alam kong alam mo 'yon. Isang laban 'to na hindi pa man nagsisimula ay talo na. Pero hindi naman 'yon ang problema.. the problem is, what we feel will hurt everybody."

"Kailan mo pa naramdaman?" Tanong niya.

"What?"

Kumunot ang aking noo.

Ano ba ang sinasabi niya? Wala siyang sinasagot sa mga sinasabi ko. Nababaliw na ako kakaisip dito pero 'yun pa ang mahalaga sakanya. Hindi ako makapaniwala.. ganon ba ka laking bagay sakanya ito?

"Simon-"

"Answer me. Kailan pa?" Pag puputol niya muli sa akin.

He stepped closer, I was about to step backwards but he held my arms to stop me from moving. His mere touch sent undescribable feelings to me. Wala akong magawa kung hindi ang lumunok at huminga ng malalim para lumuwag ng konti ang naninikip kong puso.

"I don't know.."

I felt him traced his fingers on my hands. Para akong makikiliti sakanyang ginawa. Pero ang nakakatawa, hindi lang ang kamay ko ang nakikiliti kung hindi pati na rin ang puso at tyan ko.

"Basta naramdaman ko nalang." Saad ko.

"Damn." He breathed.

Hindi na niya napigilan ang pagkawala ng ngiti sakanyang labi at lumawak na ito. The killer smile he used to show to sweep girls off their feet is showing. His eyes were smiling too.

Wala sa sariling malungkot akong napangiti.

"Sorry. I was just surprised."

Sinubukan niyang alisin ang ngiti sa kanyang labi pero hindi siya nagtagumpay. Napahawak pa siya sa kanyang batok pero sa huli ay bakas pa rin ang ngiti sa kanyang labi.

Nanatili lamang ang mga mata ko sakanya at napansin niya ata 'yon dahil natigilan siya at linibot ng mga mata niya ang tingin niya sa akin.

"Well, not surprised. I'm happy. Beyond happy. Damn it." Puno ng pagka mangha ang kanyang boses at ekspresyon.

Hindi ako kumibo sa kanyang sinabi. Hindi dahil sa ayaw ko o ano pero dahil wala talaga akong maisasagot. Ang sarap-sarap maramdaman ng nararamdaman niya. I myself is silently happy yet I can't show it because it's wrong.

It's wrong to feel like this.

Hinayaan ko lang siya na maging masaya dahil tuwing nakikita ko siyang nakangiti. Parang sumasaya na rin ang puso ko. I can't believe that I'm being corny and such but this is exactly what I feel.

"I can't tell you why. I can't tell my reason for being okay about everything. I just want you to trust me. Trust me that everything will be okay and it's right to feel like this for me." Aniya.

Umiling ako.

Ang kanyang boses at mga titig ay parang ginagawa akong alila. Ang sarap magtiwala sakanyang mga salita pero masyadong mabigat 'to para maramdaman 'yon.

"So.. may hindi ka nga sinasabi sa akin."

Bumuga ako ng hangin.

"Sabihin mo sa akin, nag mamaka-awa ako sayo. Kailangan kong malaman, Simon. Kasi kahit anong gawin at isipin ko mali pa rin. Maling mali. Walang paraan at walang rason para maging tama 'to."

Garalgal na aking boses dahil sa paghihirap na nararamdaman. Kita ko ang paghihirap sakanyang mga mata. Sandali siyang pumikit bago inabot ang kamay ko at hinawakan 'yon ng mahigpit. He held it perfectly.

"I can't Tulip. I'm not doing this because I want you to have hard time, I'm doing this because I'm protecting you. The answer that you want right now will never make you happy. It will destroy you and will break your heart into pieces.. It will make your heart and soul weep with sadness and I don't like that. I hate that. Kahit gaano man kita kagusto na maging akin, damn.. I'll trade everything for that.. but, I can't. I can't tell you yet. Not now. Not until I'm sure that my love for you can save you. I'm gonna make sure that my love for you will be your best fallback. It will catch you." Puno ng emosyon niyang wika.

Parang tinusok ng ilang beses ang aking puso sa mga sinabi niya. Maliliit na karayom ang tumutusok dito habang nanunuyo naman ang aking lalamunan. Binasa ko ng konti ang aking labi dahil nanunuyo ito sa sobrang pagkagulat sakanyang mga sinasabi.

Bumaba ang kanyang tingin doon pero mabilis din itong bumalik sa aking mga mata.

"Simon hindi kita naiintindihan? Wala akong maintindihan." I honestly said.

"You're too innocent for this. Too innocent from all the cruelty of reality. If I can only block them for you and save you. If only I can take them away from you.."

Napaawang ang aking labi nang may isang patak ng luha ang tumakas mula sakanyang mata. Sumakit ang aking puso sa nakita at wala sa sariling hinawakan ko siya sa mukha at pinunasan 'yon. Natigilan ako nang damhin niya ang kamay ko at inabot 'yon para mahawakan ng mabuti.

May kumilit sa aking puso at napakagat ako sa aking labi muli na naging dahilan ng paglipat ng kanyang mga mata pababa doon.

"If only.."

He sighed.

"Do you trust me?" Seryoso niyang tanong.

"Simon.."

Pinisil niya ang aking kamay at parang tumagos 'yon sa aking puso.

"Do you trust me?" Pag uulit niya.

Tumango ako ng marahan.

"Kahit ayaw ko, alam ng puso ko na pinagkakatiwalaan kita. Takot na takot ako Simon. Akala ko kung iiwas ako sayo, magiging madali ang lahat pero hindi. Walang madali. Lahat mahirap. What I realize was.. I need to choose what's bearable. Kailangan kong pumili kung ano ang mas kayang tiisin na pag hihirap. Hindi ko pa alam kung ano pero ang alam ko lang, itong nararamdaman ko sayo ay mahirap ng maalis. Hindi ko alam kung paano aalisin pero kung may pagkakataon akong pumili, I will choose to have this feeling."

Lakas loob kong wika.

Tumango siya. "Good."

"Just trust me. Alam ko ang ginagawa ko. I need to prepare for this. I don't want you to do anything. I just need you to seat back and make your feelings deeper for me. I need you to embrace my love for you and for you to embrace what I am willing to give so when the time comes.. it will be less painful and bearable. There's no fire exit, Tulip. I hate to say this but there is none. But there's a safety fallback and that's me."

Aaminin ko na wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya pero sapat na ang mga 'yon para mawala ako. Para mawala ang mga pangamba sa puso ko at para maramdaman kong kaya ng puso ko. Pinagkakatiwalaan ko siya kahit na parang imposible lahat.

"Ano na ngayon? Ano na ang mangyayari.." hindi ko mapigilan ang maitanong.

Nahigit ko ang aking hininga nang ilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Tinapat niya 'yon sa mismong harapan ko kaya namilog ang aking mga mata.

Bumilis ang pintig ng puso ko at na blangko ang aking utak.

"Sh. Stop thinking. Trust remember? Just love me because I'm getting crazy loving you." He whispered.

He closed our distance and reached for me. Naramdaman ko nalang ang mainit niyang labi sa akin ang unti-unting pag sara ng mga mata ko. I was lost.. from that moment I was lost. Hindi ko man alam ang gagawin ko pero hindi ko na magawang isipin 'yon lalo na sa bawat haplos ng labi niya sa akin ay paulit ulit din na tumatalon ang puso ko.

Binitawan niya ang payong at naramdaman ko ang pagsalubong ng tubig ng ulan sa aming balat. Mabilis na yinakap kami ng ulan at lamig ng simoy ng hangin. Hinapit niya ang aking bewang at mas lalo akong linapit sakanya. He kissed me thoroughly and it is my first kiss. I can feel fireworks inside of me and electricity flowing in every part of my body.

Napahawak ako sakanyang braso para kumuha ng suporta.

"Damn sweetheart. You taste so sweet." He said between his kisses.

Naramdaman ko nalang na bumigay na aking puso at tuluyan ng kinain ng aking puso ang natitirang pagpipigil sa utak ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top