Chapter 3
Galit
"What do you feel? I don't understand.." nalilito kong wika.
Tinaas niya ang kanyang kanang kilay at lumingon muli sa akin. Unti-unting sumilay ang ngisi sakanyang labi at hindi ko alam kung bakit.
May nasabi ba akong mali?
Inangat niya ang kanyang kamay at bahagyang tinulak ang noo ko gamit ang hintuturo niya.
"Nararamdaman ko na nagiging close na tayo." Simpleng wika niya.
Napalunok ako.
Close? Pwede pa ba 'yon? Sa eigtheen years ko sa mundong 'to na hindi kami close. Ngayon pa ba mangyayari 'yon? Isn't too late?
"Are you okay?" Tanong niya sa akin.
Mabilis akong ngumiti at tumango tango. I gave my sweetest smile to my brother and nodded. Tumango ako na para bang mapuputol na ang ulo ko. Siya naman ay nakakunot ang noo sa akin habang pinipigilan ang matawa.
Sarap sakalin.
"What are you two talking about?"
Nakuha ni Kuya Carl ang atensyon ko. Lumipat ang tingin ko sakanya at napakagat ako sa labi ko nang makitang nakatingin siya at si Uno sa akin. Tumikhim ako at inayos ang sarili ko.
"Nothing kuya, Simon is just so annoying." Pag dadahilan ko.
Well, this past few days ay masasabi kong nabawasan na ang pagiging nakakainis niyang nilalang pero hindi ko naman pwedeng sabihin 'yon kay Kuya Carl. Pag tatawanan lang kami nito.
"Ngayon ko lang kayo nakitang ganyan. Sa pagkaka alam ko, Simon is the last person you're close with.. pero ngayon ay sobrang close niyo na ata?" Nakangising wika ni Uno.
Tumaas ang kilay ko dahil doon. Anong pinapatunayan ni Uno? This is why I don't call him Kuya. I don't like the words that comes out from his mouth. Parang lahat ng sinasabi niya ay may point at nakakainis dahil hindi ko nakukuha 'yon. Akala nila, puro non sense lahat ng sinasabi niya pero sa totoo, may mga tagong mensahe lang sa mga sinasabi niya.
They think he's joking? Guess what, no! Pinapaikot lang niya ang mga tao sa paligid niya. Uno is a cunning jerk! Sadly, ako lang ata ang nakaka alam non. Akala nila ay inosenteng mapag biro ang mokong pero hindi.
"Shut up, Uno." Inis kong wika.
"Uno, stop meddling." Ani Simon.
Nanatili ang tingin ko kay Uno at pinanliitan niya ako ng mata. Lalo siyang ngumisi kaya binigyan ko siya ng masamang tingin.
Ano bang problema niya?
Gusto niya ng labanan ng tingin? I will give him that!
Natigilan ako nang maramdaman kong may pumatong sa balikat ko. Naputol ang tingin ko mula kay Uno at bumaling sa kamay na nakapatong sa balikat ko. Automatic na napa-angat ang tingin ko sa taong nag mamay-ari nito.
Namilog ang mga mata ko dahil sumalubong sa akin ang sobrang lapit na mukha ni Simon.
"Simon!" Inis kong wika at pilit na tinatanggal ang kamay niya.
Humalakhak lamang siya at mas linapit ang sarili sa akin para maakbayan ako ng maayos. Pilit ko siyang linalayo sa akin dahil naiinis pa rin ako sakanya sa hindi malamang dahilan.
He's just so annoying.
"What? I like smelling you. Parang naaamoy ko ang sarili ko." Natatawa niyang wika.
Parang umakyat ang dugo sa ulo ko dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko ang pag init ng mukha ko kaya sinamaan ko siya ng tingin at bahagyang siniko sa tyan. Napadaing siya kaya humalakhak ako.
Take that!
One point for me, zero for Simon.
"Sakit non." Daing niya sa akin.
Inirapan ko lang siya sabay halukipkip.
"You deserve that." Masungit kong wika.
Narinig ko ang pag hinga niya ng malalim sa tabi ko pero hindi niya tinanggal ang pag kaka-akbay sa akin. Maybe he's trying his best to act like a real brother now. Maybe I should give him a chance.
I'll give him a chance to be a brother to me and I'll try my best to be a sister for him.
"What happened? I mean, Cebu?" Rinig kong tanong ni Adrianna.
Nakuha non ang atensyon ko kaya doon ko tinuon ang sarili ko. Lahat kami ay naka baling na kay Rian at Kuya Ad. Everybody is waiting for his reply.
Siya lang naman sigurado ang nakaka alam kung bakit.
"What Cebu?" Inosenteng tanong ni Simon sa gilid ko.
Liningon ko siya at tinapat ko ang hintuturo ko sa bibig ko. Senyas 'yon na tumahimik siya. Bago ako ulit bumaling kina Rian ay nakita kong may naglalarong ngisi sakanyang labi pero hindi ko na 'yon pinansin.
Ako nanaman ang nakita niya kaya ako siguro ang pinag titripan niya. Now, I'm having second thought on seating beside him. I'll make sure this is the last time.
"Dad, Uncle Ziel and Uncle Ivor wants to own the whole Visayas. Hindi nila magagawa iyon kung nandito sila but our moms said that we should support them so lahat tayo ay pupunta doon." Ani Kuya Ad.
Nanatiling normal ang ekspresyon ko habang ang iba ay gulat na gulat. Hindi na ako nabigla sa narinig ko dahil narinig ko na ito mula mismo sa bibig ng mga magulang ko.
Though the mere thought of it is making me wary. It will be a whole new world there and a new adjustment. I actually hate changes, mas gusto ko na consistent ang mga bagay. Pakiramdam ko mali ang ginagawa ko pag masyadong malaki ang mga pag babago.
"Paano naman nila gagawin yon?" Dagdag na tanong ni Clyde.
Lumapit ang waiter kay Dos dahil usually siya ang taga sabi ng order namin.
"Maybe they'll try to enter politics?" Rinig kong singit nitong katabi ko.
Liningon ko siya at kita kong nakatingin na siya sa akin kaya pinag salubong ko ang dalawa kong kilay. Nagkibit balikat siya kaya binalingan ko ng tingin muli ang mga pinsan ko.
"Hindi mo ba ako tatanungin kung anong ginawa ko sa office ni daddy?" Bulong niya sa akin para siguro hindi maka istorbo sa pinag uusapan ng mga pinsan namin.
"Why will I ask you that? I know you have a big respect for him so I know you'll endure it even though it's hard for you." Sagot ko nang hindi man lang siya nililingon.
Nakakaramdam na ako ng pagkangawit dahil sa brasong nakapatong sa balikat ko pero hindi na ako nag reklamo. Titiisin ko nalang din tutal maliit lang na bagay 'to. Alam ko naman na nahirapan siya kanina lalo na at ayaw niya talaga doon.
"Well, that's true. I'll endure even if it's hard." Mahinang wika niya.
"Simon.."
Doon ko lang siya tinignan at kita kong nakayuko siya. Nakapikit ito at parang nag iisip ng malalim. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero hindi ko alam ang sasabihin kaya sinara ko nalang 'to muli.
Hinayaan ko na muna siyang mag isip at bumaling nalang muli kina Rian.
Inilapag na ang mga iced tea namin, wine naman para sa mga lalaki. Kinuha ko ang akin at bahagyang uminom dahil parang tutuyuan ako ng lalamunan.
"Sy, your wine." Saad ko.
Bahagya ko pa siyang siniko sa tyan para mag mulat siya ng mata pero hindi niya ginawa. Nanatili siyang nakayuko at bahagyang gumalaw para mapatong ang noo niya sa balikat ko. Bumaba ang kamay niya papunta sa likod ko kaya hindi ko alam kung paano ako gagalaw. Doon siya kumuha ng suporta kaya hindi ko na sininghalan.
Hinayaan ko nalang siya dahil ngayon ko naintindihan na ayaw niya talaga doon pero wala naman siyang magagawa dahil 'yon ang tama para sa pamilya. Siguradong isa siya sa mga mag mamana ng mga business ni daddy sa hinaharap.
"Cebu is ours! We can do everything we want there! Party and booze!" Masayang masayang wika ni Clyde na parang ginagaya pa ang pagkasabi ni Dos.
Bumaling ako doon at hindi ko napigilan ang mapahalakhak dahil sa ginawa ni Clyde. Pati na si Rian na naka hilig kay Kuya Ad ay napa ayos ng tayo dahil sa narinig. Pinigilan kong matawa pero ayaw talaga tumigil.
Look at my brothers! Kawawa talaga ako sakanila! Isang seryoso, isang baliw at isang pinag halong seryoso at baliw.
Kumusta naman ako?
"Toast!" Ani Dos.
Doon ko lang napansin na umalis na si Simon sa pagkakahilig sa akin at nakikitawa na rin. Nakipag toast siya kina Dos at para silang mga baliw na nagtawanan kahit wala namang nakakatawa.
Napaismid ako at napailing nalang.
Boys and their thing.
Naghain na ng pagkain at nagsimula na rin kaming kumain. The dinner went smoothly. Tinigilan na ako ni Simon dahil mukhang nalabas na niya ang sama ng loob niya pero nalipat naman ang tingin ko kay Uno na maya't maya ay sumusulyap sa gawi namin.
Tuwing mahuhuli ko siya ay ngingisi lang na para bang natutuwa pa siya. Nababaliw na rin ata ang isang 'to. Sinasamaan ko nalang siya ng tingin para matigil siya pero sadyang manhid ata ang pinsan ko dahil lalo lamang lalawak ang ngisi niya.
Hinayaan ko nalang siya at nag patuloy sa pagkain. Umiwas nalang ako na mapatingin sa gawi niya kahit na ibig sabihin non ay deretso lamang ang tingin ko sa pinggan. Tinapos ko ang pagkain ko ng ganon.
"Maybe we need to behave? Para kila Dad and try as much as possible to be good lalo na kung papasukin nila ang politics." Saad ko.
The boys are talking about what cars will they bring while me with the girls are talking about what to do there.
Pareparehas kaming natatakot sa politika. Magiging for public na ang mga buhay namin pag nangyari 'yon at hindi ko alam kung kaya ko 'yon. I hate changes and I hate being on public.
Everything is not going well for me.
"Tama si Tul, if politics ang bagong line ng family then bawal magka-scandal" Pag sangayon ni Simon sa akin.
Wala sa sariling napangiti ako dahil doon. He supported me for the first time.
"With the kind of night life we have.. I don't think so" Rinig kong wika ni Gelo.
"Behave? Kayo? Tayo? Kailan pa?" Pananabat ni Uno habang nakangisi.
I rolled my eyes.
Ayaw kong naririnig ang boses niya. Feel ko may hidden meaning lahat. Nakakainis! Kasalanan niya lahat 'to! Bakit hindi nalang siya manahimik sa tabi? Burahin ko ang ngisi sa bibig niya 'e!
"What?"
Napalingon ako dahil biglang tumayo si Kuya Adrian. Kita kong nakatayo na rin si Adrianna habang parang gulat na gulat. Kusa kong sinundan ang tinitignan nila.
"Hindi ba boyfriend yon ni Tul? M-may babae.." Hindi makapaniwalang wika ni Adrianna.
Namilog ang mga mata ko hindi dahil sa sakit ng sinabi niya o ano pa man kung hindi dahil una sa lahat ay hindi ko siya boyfriend, pangalawa ay naiinis ako dahil pinagkalat niya na nililigawan niya ako tapos may kasama siyang iba ngayon? Ano nalang magiging tingin sa akin ng mga 'tao?
Linoko at iniwan sa ere?
Pinagmukhang tanga?
No way! I won't allow that!
Sweet na sweet ang dalawa. Yakapan at yapusan pa ang ginagawa nila. Naramdaman kong nangingilid ang mga luha sa mata ko. I'm so pissed because I felt so used!
"Uno!" Narinig kong sigaw ni Alice kaya nagising ako mula sa pag iisip.
Nakalapit na pala si Uno, Dos at Kuya Adrian doon. Sinuntok ni Uno si Ivan kaya mabilis akong tumayo pero pabagsak na napaupo rin dahil hinila ako ng kung sino. Nilingon ko ang taong humila sa akin paupo at kita ko ang masamang tingin ni Simon na nakapukaw sa gawi nila Ivan.
Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa akin.
He's mad.
They are mad.
I'm scared.
Malaki ang katawan ng mga pinsan ko. They go to gym and they are very well fit and they can bring Ivan to the ICU if I won't stop them. Gusto ko siyang mag reflect sa ginawa niya at humingi ng tawad dahil sa lahat ng tao ay ako pa ang naisipan niyang gaguhin pero ayaw ko naman siyang mabugbog.
Ayaw ko naman na mag ka-record ang mga pinsan ko.
Alam ko naman kung bakit sila ganyan. Pinag sigawan at in-annouce niya sa school na nililigawan niya ako at may rumors na tinetext ko daw siya, nag kakamabutihan na kami, mga ganong bagay kahit hindi naman totoo pero hindi kami nagsalita. Hindi namin siya kinompronta doon dahil wala naman sa akin ang mga 'yon.
But this is absurd..
Hindi ko siya masisikmura.
"Damn! Tul! Stop them! Hindi titigil ang mga 'yan!" Na-alarmang wika ni Alice.
Napakagat ako sa labi ko at sinubukan muli na tumayo pero mahigpit na mahigpit ang hawak sa akin ni Simon na pakiramdam ko mapuputol ang kamay ko.
"Sy.." bulong ko sa pangalan niya.
"Let them kill that asshole. He deserves it." Aniya.
Namilog ang mga mata ko at kahit gusto kong magsalita ay hindi ko magawa lalo na at kitang kita ko ang pag igting ng panga niya sa galit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top