Chapter 25

Hard

"Bakit ba?" Kunyari ay pag tataray ko.

Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin pero sadyang malakas siya at ayaw niya talaga akong bitawan.

"Simon, madami pa akong gagawin. Just let me go." Daing ko habang kumakalas sakanya.

Napasinghap ako nang lalong humigpit ang akbay niya sa akin. Hindi naman ako nasasaktan pero naninikip ang puso ko sa pwesto namin. He's just too close and last time I check, I can't think properly when he's this close.

"Tul.."

I shivered.

I felt him breathing behind my ears. Napalunok ako at nanlaki ang aking mga mata. Kumalabog at tumambol ang aking puso habang nararamdaman ang paghinga niya sa likuran ko.

"If you really want me to be a brother then stop mentioning my name. Let you go? I won't. Never. Linuwagan ko lang ang pagkakahawak ko sa'yo pero kahit kailan ay hindi ako bibitaw. Makipag pangakuan ka man kay Uno, wala akong pakielam. You know me, Tulip." Matigas niyang wika.

"Nahihibang ka na ba?" I hissed.

I breathed deeply and used all my force to push him. Lumayo ako sakanya at humarap sakanya. Lumalim ang aking paghinga at naiyukom ko ang mga palad ko. Hinanap ng mga mata ko ang mga mata niya at matalim na tingin ang pinukaw ko sakanya.

He looks okay..

Atleast he does.

Okay na siya, 'yun ang importante. I can feel how my heart slowly creeps and how it tried to let me feel what it wanted me to feel. Nananakit ito habang tinitignan ko si Simon ngayon.

"Are you on drugs? Nababaliw ka na ba?" Inis na inis kong wika.

Tinaas ko ang aking kamay at tinuro siya. I showed him how frustrated I was. But what pissed me the most was his calm expression. Parang wala lang sakanya ang lahat dahil sa tingin na binibigay niya sa akin.

The kind of look he was giving me was forcing my heart to calm.

To feel good..

To feel happy.

But that's impossible.

"Are you crazy? Naiisip mo ba kung anong kahahantungan ng mga sinasabi mo? How can you say all of this? Hindi mo ba naiisip sila mommy o daddy? Simon, mag isip ka naman. Ang hirap hirap na para sa akin pero bakit parang ang dali-dali sa'yo!"

I bursted.

These are the words that I intend to keep for the rest of my life. Words that I don't want to utter. Words that will torture me till the end.

Ayaw ko mang gumawa ng eksena dito ay hindi ko na napigilan. Looking at him like this, seeing him calm while I am here bursting into frustration is making me a lot more frustrated. I don't want all of this but heck! It happened!

My heart.. feels..

Something.

"Nababaliw?" Matigas niyang wika.

He stepped closer.

"Madali para sa akin 'to?" Pag-uulit niya sa sinabi ko.

I gasped while he's trying to close our distance.

"Tumigil ka na. Aalis na ako, bumalik ka na sa klase mo."

Tumalikod na ako at sinubukang umalis para makatakas sakanya pero walang saysay ang aking pagtakas dahil nasa ugali na ata niya ang pagiging makulit. He held me, hinawakan niya ang kamay ko at nanuyo ang aking lalamunan dahil doon.

Tama si Uno. He is selfish. How can he continue doing this while disregarding our parent's feelings. How can he..

I breathed to stop the pain.

"Walang madali Tulip. Sa bawat paghakbang ko palapit sa'yo, may mga electrical wires akong dinadaanan at nilalampasan. Mahirap pero ginagawa ko dahil ito ang gusto ko. I tried stopping myself for everybody, for you. Six years, Tul. I avoided you for six years to stop myself but nothing happened. Ito pa rin ako at hindi mapigilan ang nararam-"

I gasped.

"Stop.."

Umiling iling ako. "Stop, Simon."

A tear fell.

"Please, Simon. Stop.." pagmamakaawa ko.

I bit my lower lip. Nangangatog ang aking mga binti at parang sasabog ang puso ko sa bilis ng takbo nito. Gustong gustong sumabog nito pero ito ako, iniiyak lang lahat ng sakit.

He faced me in front of him.

"Maybe, this is hard.."

"It is hard. It's deadly." Sabat ko sakanya.

Nag angat ako ng tingin mula sa dibdib niya papunta sakanyang mga mata. Sinalubong ko ang mga 'yon habang unti-unting nahuhulog ang mga luha sa aking mga mata. How can I cry like this everytime I see him.

Hirap na hirap akong makita siya pero gustong gusto ko pa din. I will always love looking at those beautiful eyes. Even though it will hurt me so much.

"Okay fine, this is hard but trust me Tul. I know what I'm doing. I know what I can risk and I know how long can I keep up with this. Do you know how long can I keep up? As long as I am breathing, I will. Isa lang naman ang hindi ko sigurado, and it's what scares me." Mahinahon at puno ng emosyon niyang wika.

Nanglambot ang aking puso sa tingin na ibinibigay niya sa akin.

He looks at you like you're his world.

Uno's voice crept inside my being.

"Ano?" I breathed.

"I'm scared of you being hurt because I don't know how deep it will hurt you. The least that I can do is to stay by your side and make you feel that there will be a good fallback.."

I don't understand..

"Anong ibig mong-"

"Sy! Tul!"

Mabilis akong tumalikod at nag punas ng mga luha nang marinig ko ang boses ni Clyde. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. I breathed slowly to calm my nerves. I faked a smile and turned myself to face them.

"Nasa cafeteria na sila?" Tanong ni Simon sakanya.

"Ahuh, kanina pa namin kayo hinihintay. Ano bang ginawa niyo?" Tanong ni Clyde at umakbay kay Simon.

My eyes were on Simon. How can he be this calm and act like nothing is going on..

"Did you cry my little sister?" Tanong ni Clyde.

"No!" Depensa ko.

Napaiwas ako ng tingin at naiyukom ko ang mga palad ko.

"Ano 'yan? Sore eyes? Ako pa niloko mo. Pero sige, hindi naman ako tsismoso kaya hindi ko na tatanungin kung bakit. I'll leave it to Kuya Carl kaya lagot ka!" Prenteng wika niya atsaka ako inakbayan.

His other arm was on Simon while the other was on mine. Napatingin ako sakanya atsaka kay Simon pero sa huli ay napaiwas din ako ng tingin. Nag simula na kaming maglakad habang ang naka-akbay siya sa amin.

"Pero ano nga yon? Bakit ka umiyak?" Pangungulit niya.

Akala ko ba hindi siya tsismoso?

"Bigat ng kamay mo." Daing ko para maiba ang usapan.

"Grabe siya oh! Pagbigyan mo na-- grabe Simon!" Gulat na gulat na wika niya dahil mabilis siyang hinila ni Simon mula sa akin.

"Nagpapaka-sweet lang ako, bakit ba ganyan kayong dalawa? Ako nalang ba talaga ang matino sa ating magkakapatid?" Wika ni Clyde.

Tinitigan ko lamang siya.

"Sabi ko nga hindi rin ako matino. Bwisit!"

Umakbay siya muli kay Simon at hinila na 'to patalikod para makapaglakad na muli papunta ng cafeteria. Pinanuod ko silang lumakad palayo habang unti-unti ko 'ring hinayaan ang kamay ko na mapahawak sa leeg ko.

While looking at them walking away. Hindi mapigilan ng puso ang manikip. How can I fix this mess? Can it still be fix? Can I still do something?

I need to end my feelings but I find it so hard to do.

"Tara na.."

Napapitlag ako ng may marinig na boses mula sa likuran ko. Maagap akong tumalikod at napaawang ang aking labi nang makita ang seryosong mukha ni Agatha. This is new..

I always see her bubbly and laughing but now, she's so serious.

"Agatha.." pabulong kong tawag sakanya.

"Let's go. Nandoon na silang lahat." Aniya.

"Saan ka galing?" Tanong ko.

"Diyan lang." Tipid niyang sagot.

"Kanina ka pa ba diyan?" Pigil hininga kong tanong.

Kita ko ang bahagyang pagkibot ng mga mata niya. Sandali siyang pumikit at sa huli ay binalik ang ngiti sa kanyang mga labi. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko ng makita ang ngiti sakanya.

"Halika na. Marami pang gagawin ang mga lalaki kaya kailangan na nating humabol sa lunch. Alam mo naman ang mga 'yon, mainipin! Mga patay gutom kasi!" Aniya atsaka tumawa.

Kumunot ang aking noo sa ekspresyon na binigay niya pero hindi na ako nakapagsalita pa dahil hinawakan niya ako sa braso atsaka hinila na papunta ng cafeteria. I am still trying to figure out what's running on her mind.

Parang may iba. Kung tama ang hinala ko.. sana hindi.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko agad ang mga pinsan ko at mga kapatid ko. Simon is sitting beside Clyde and Gelo. Kita ko na ang mga ngiti sa labi niya at nakikitawa na rin siya sakanila. Namumula pa nga ang tenga niya habang tumatawa.

"Ang tagal niyo! Nauna na kami!" Inis na wika ni Dos nang makalapit kami.

"Diba sabi ko sa'yo patay gutom sila." Mabilis na wika ni Agatha sa akin pero rinig ng lahat.

"Agatha Joan!" Banta sakanya ni Kuya Adrian.

Agatha rolled her eyes.

"Whatever." Inis niyang wika atsaka ako hinila para makaupo sa tabi ni Alice.

Pinagitnaan nila ako at napansin kong may naka-order ng pagkain para sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapatingin kay Simon habang inaayos ang pagkain ko. He is still talking to Gelo but I can see him slightly glancing at my side.

"Sorry Tul kung hindi mo gusto ang na-order. It's Simon who picked, alam mo naman si Simon walang paki sa iba kaya nag-aalala ako baka hindi mo gusto. Tama si Agatha, they are so PG! Hindi man lang makapag-hintay!" Alice mockingly said beside me.

Nakatingin siya sa mga lalaki atsaka uminom sa grape juice niya. Kita ko na pinanlakihan siya ng mata ni Dos pero sa huli ay mas nanaig ang pang tataas niya ng kilay sa kapatid niya.

Napatingin ako sa pagkain na na-order at bahagyang napangiti. It's actually my favorite.

Plain Carbonara.

"It's my favorite.." mahinang wika ko.

Kinuha ko ang kubyertos at nagsimula ng kumain. I believe that food can really make you feel good. It can save you too, from the most awkward situations. Pero hindi ata ngayon..

"Favorite?" Pag-uulit ni Dos.

"Yes, it is Tul's favorite." Pagkumpira ni Kuya Carl.

Damn.

What's the big deal?

"I didn't know Simon pays attention to Tulip." Manghang wika ni Dos.

Nag angat ako ng tingin nang mapansin na lahat sila ay nakatingin sa akin. Pinagtiim ko ang aking mga labi at napalunok. Bumagal ang takbo ng puso ko at hindi ko alam kung saan titingin.

Simon was slightly smiling.. I know.

Siya lang naman ata ang nasisiyahan sa mga ganitong bagay. I don't really understand him, maybe I will never understand him.

"Oh? Really? Did the world turned upside-down?" Natatawang wika ni Alice pero mabilis na natigil sa pagtawa nang mapansin na walang natawa kung hindi siya.

"May pinapatunayan ka?" Uno said with cockiness.

"Wala. Bilisan niyo na diyan. May auditon pa ako." Aniya atsaka tumayo.

Nagsitayuan na rin lahat kaya napainom kami ni Agatha ng tubig. Doon ko lang din napansin na kanina pa matamang nakatingin si Agatha sa akin.

"Saan kayo pupunta?" Napa-angat ako ng tingin nang makita si Adrianna na kararating lang.

"Ang bilis mo? Akala ko pumunta kang council?" Tanong ni Kuya Adrian habang nagpapasok ng gamit.

Napatingin ako muli kay Agatha na nakatingin sa akin. She smiled faintly and helped me reach for my bag. Ngumiti ako at inayos ang pagkakasabit ng bag ko sa aking balikat.

"Saan ka niyan?" Tanong niya.

"Library, I need to work on my requirements sa org. I'll make a short story." Sagot ko.

Napatango nalamang si Agatha na hindi naman madalas mangyari. Madalas ay dadaing pa siya at magkokomento. Library na naman? Boring! Ganyan ang initial reaction niya madalas pero ngayon.. hindi ko alam.

"May pasok pa sila Kuya. Ako naman may call back sa Theater. Si Tulip naman ay pupunta ng library dahil pinagpapasa siya ng short story within the day. Si Agatha naman ay may interview for broadcasting." Rinig kong wika ni Alice.

"Paano ako? Hindi pa ako kumakain." Malungkot na wika ni Rian.

Lumapit sakanya si Kuya Adrian at tinapik ito sa braso. Si Clyde ay binigay ang dala niyang gitara kay Gelo. Napatingin naman ako kay Simon Simon na may pinasang notebook kay Uno.

Napaiwas ako ng tingin nang mapansin na mapapatingin siya sa gawi ko.

Hanggang kailan ako iiwas?

"I'm sorry twin. Kain ka na muna mag-isa or kung gusto mo.. try the roof top of your building. Sabi nila maganda daw doon." Ani Kuya Adrian.

Kita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Adrianna lalo na nang lampasan na siya nila Kuya at pinag tatapik na ang kanyang balikat ng mga lalaki.

Lumapit kami sakanya nila Agatha.

"Kung gusto mo hintayin kita.." alok ko pero maagap siyang umiling.

"No! It's okay.. punta ka na ng library. You need all the time you have." Aniya.

Tumango ako at humalik sa pisngi niya.

"See you later" saad ko habang sinasabit ang nahuhulog kong bag sa balikat ko.

"Bye ate!" Masiglang wika ni Agatha.

"Goodluck sainyo!" Paalam niya.

"Ciao!" Ani Alice at hinila na kami.

Nagsimula na kaming maglakad paalis at lumabas na ng cafeteria. Mauna naming madadaanan ang library kaya nauna akong humiwalay sakanila. Nagmadali na rin sila sa pag-alis dahil kailangan pang maghanda ni Alice. Si Agatha rin ay kailangan ng magmadali.

Pumasok na ako ng library at agad naghanap ng bakanteng upuan. Agad akong nakaramdam ng ginhawa sa lugar na 'to. Tahimik, malabong makita si Simon, walang kaguluhan at higit sa lahat, lugar na kung saan pwede akong maging totoo.

I only need my eyes and hands in here.

"Hindi ka pa ba uupo?"

Namilog ang mga mata ko sa narinig kong boses sa likod ko. Bumagsak ang puso ko at nag simula nanaman silang pumunta sa starting line. Ako na ang napapagod para sakanila. Lalo na at nagising ata lahat ng ugat ko sa katawan.

Unti-unti ay tumalikod ako at sumalubong sa akin ang seryosong mukha ni Simon. He's serious yet so handsome.

"Anong ginagawa mo dito?" Mahinang tanong ko.

"Nothing.." he traced.

Tumikhim siya.

"I just want to see you before going to class. Bye." Aniya sabay talikod.

Parang sinuntok ang puso ko sa narinig ko.

Napaawang ang aking labi habang pinapanuod siyang lumabas ng library. Inabot ko ang aking dibdib at huminga ng malalim. Akala ko kakalma ako sa lugar na 'to pero nag kamali ako..

Nothing will really stop him.

But why?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top