Chapter 24

Normal

"Akin na.." aniya.

Kinuha niya sa akin ang tray habang ako ay hindi alam ang gagawin ko. Para akong dinikit sa kinatatayuan ko dahil hindi ko magawang gumalaw doon. I feel like, every place from his room is forbidden.

Linibot ko ang mga mata ko sa kabuo-an ng kwarto niya. Sa lawak nito ay nanliit pa ako. Mas lalong nanikip ang aking kanina pang naninikip na puso. Marahan kong pinikit ang aking mga mata dahil kusang tumaas ang aking mga balahibo habang naaamoy ang kanyang amoy.

Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga mata. I breathed heavily and bit my lower lip.

"What are you doing?"

Nahigit ko ang aking hininga at mabilis na nagmulat ng mga mata sa narinig kong boses. I was welcomed by his broad shoulders. I realized that he's standing really near in front of me.

Bumigat ang aking puso at nag-angat ng tingin. His eyes were instantly glued to mine. Sinubukan kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. My heart is aching already and I want it to stop. Nakakatakot na masanay sa sakit, baka sa susunod ay wala na akong pakielam kung masaktan pa ako.

Ayaw kong mangyari 'yon..

"You're too close." I breathed.

"Why? Bawal ba sa magkakapatid ang tumayo ng ganito kalapit? Ikaw nga, yinayakap mo pa sila Carl at Clyde. Now I wonder, bakit nga ba hindi mo ginagawa sa akin 'yon dati."

Naiyukom ko ang mga palad ko sa tanong niya. I can't think properly if he's too close like this. Mga kumikinang niyang mata lang ang nakikita ko. Hindi rin nakakatulong ang malakas na kabog ng puso ko.

"We were never close.." pag dadahilan ko.

Lies.

That's not a reason.

Sadyang hindi ko lang naramdaman ang nararamdaman ko kina Kuya Carl at Clyde tuwing siya ang kasama ko. I was always guarded and distracted when he's near. Tipong alerto ako at buhay na buhay ang mga dugo ko sa katawan. Ang akala ko noon ay dahil sa takot sakanya 'yon dahil hindi kami masyadong nag-uusap pero ngayon alam ko na..

This feeling I have for him was just well kept before.

Even before.

"Well, this is perfectly normal. It's normal unless you'll think it is not." Aniya.

"Simon." Banta ko sakanya.

He smiled.

Nahulog ang aking puso.

"How can I stop my feelings for you if.. whenever you say my name it's different? How can I stop if you make my heart alive? Tell me, Tul.." he painfully asked.

Napaawang ang aking labi. Kasabay non ay ang pagtulo ng aking mga luha. Nag unahan ang mga luha ko sa pagtakas, hindi man lang ako nabigyan ng babala. Basta ang alam ko lang ay masakit ang puso ko ngayon.

It's so hard to hear him say this things. It's hard to hear his voice. It's hard to stand in front of him this close. It's hard to breath when we're this close. It's hard yet I can't do anything. I'm just standing here with an aching heart.

"May usapan tayo.."

I stopped myself from saying his name. I saw how his eyes flashed the pain I'm sure I was causing him. Kitang kita ko kung papaano ko siya nasasaktan sa mga nangyayari. Hindi ko nga alam kung paano humantong sa ganito.

Sumabog nalang lahat.

Everything was out of hand.

"Wala tayong usapan. Kayo ni Uno ang mayroong usapan. I'm out of it. But.. I'm gonna do everything to deal with it. Pero hindi ako nangangako, once you gave me an idea that what I'm doing is not helping then I'll quit. I'll quit being your brother."

"You can't just quit. Hindi ganon kadali 'yon." I weakly said.

"For me that's easy. Seeing you crying is harder." He breathed.

Nanglambot ang puso ko sa sinabi niya. Napapikit ako para mapigilan ang mga sunod-sunod na pagpatak ng mga luha mula sa aking mga mata. Mas lalo lamang akong naiyak nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking mukha para punasan ang mga luha ko.

His touch sent me thousands of scary feelings.

"Ako ng bahala sa sarili ko. Kaya ko ang sarili ko. Stop crying and go to sleep. Goodnight."

"But-"

I stopped what I was about to say when I felt his lips on my forehead. With that, I felt my heart got shattered from its already shattered form.

"You need to get out or else you might never will." Aniya.

Napatakip ako sa aking bibig at mabilis na tumalikod para makaalis. Tinungo ko ang pintuan niya at pinihit 'yon para makalabas. Mabilis ko 'yong sinara at napasandal ako sa pintuan. I rested my head and breathed slowly to calm my nerves.

"Breathe Tulip.. breathe." Bulong ko.

Stay firm.

"Okay ka lang ba?" Bulong sa akin ni Agatha.

"Huh?" Tanong ko atsaka lumingon sakanya.

"Lutang ka na naman." Nakangiwi niyang wika.

I faintly smiled at her and looked straight again. Kanina pa kami nag iikot-ikot sa buong university nila Adrianna. Right now, nasa sariling course building namin kami para magtingin tingin ng mga bulletin boards sa hallway.

Pino-problema nila ang sasalihan nilang orgs, well ako.. hindi ko naman masyadong iniisip ang mga 'yon. Bahala nalang kung anong maisip ko.

"Anong org ang sasalihan natin?" Tanong ni Alice.

"Sila Clyde ba?" Tanong ni Adrianna.

Napatingin ako sa isang bulletin board. It clearly states Looking for potential writers. Hindi naman ako ganon kagaling mag sulat pero mas okay na ang meron masalihan kay'sa wala. Besides, writing is my savior when it comes to org activities.

Hindi ko kailangan makihalubilo sa napakaraming tao, kailangan ko lang magsulat. It's easy to say that I hide behind my pen and the words I write.

"I don't know if they'll join but they do have basketball." Ani Agatha.

"Ikaw naman kasi, Ate. Pwede kang mag council." Saad ni Agatha.

Agatha's right. May fall back agad si Adrianna. She's a consistent council member and she's good at it. This made me think hard. Isa ito sa mga adjustment na kailangan naming pagdaanan dahil sa paglipat.

Changes that are inevitable..

"Yeah! You're right! I'll just join the council! Kahit rep lang." Ani Adrianna.

I smiled at her while Agatha and Alice sulked. Parang luging lugi sila dahil may napili na si Adrianna.

"Madaya! I'll just join the theater." Saad ni Alice habang nakahalukipkip.

Napailing nalang ako habang pinapanuod sila. Kayang kaya naman ni Alice 'yon. Sabi nga namin, she's born for it. She's born for the stage. Like the stage will regret not having Alice stand on top of it.

Kahit ako ay na a-amaze tuwing pinapanuod ko siya. She's amazing.

"Sa writing nalang siguro ako." Saad ko atsaka kumuha ng available form na nakasakit sa gilid ng bulletin board.

I roamed my eyes through it. Simple lang naman ang hinihingi ng form like name, student code and some not-so personal questions. Sa dulo, nakalagay na dapat mag sumite ng kahit anong sariling akda. Can be poem, short story, novel or anything that I can claim mine.

Something I made.

"Broadcasting nalang ako." Ani Agatha.

Tumango ako.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa form at pinanuod na maglakad paatras si Adrianna. Natawa ako habang pinapanuod siya. I suddenly felt the light thing in my heart. Atleast kahit sandali, nakakahinga ako.

Buong gabi akong hirap matulog. With his words, touch and what he placed on my forehead made me sleepless.

"See you at lunch!" Sigaw niya habang palayo sa amin at kumaway.

"Saan ka niyan, Tul?" Tanong ni Alice.

Inangat ko ang form na hawak ko at winagayway sa harap ni Agatha 'yon. Kusang sumunod naman ang mga mata nila sa pag galaw ko ng form na 'yon.

"I'm gonna fill this up and I'll try to work on my own piece to write." Saad ko.

"Library?" Tanong ni Agatha.

Napangiti ako at tumango.

"I hate libraries. Hindi kita masasamahan." Dismayadong wika ni Agatha.

Mahina akong napahalakhak dahil sa sinabi niya.

"Kaya ko naman!" Depensa ko.

I was pampered by them. Lagi silang naka-agapay sa akin tuwing may kailangan ako o kaya kahit wala. They were always there for me that it was very uncomfortable in the sense na nakakahiya na dahil parang naaabala ko na sila.

I never wished to bother someone, mas gusto ko pang sarilinin lahat kaysa ma-abala pa ang mga tao sa paligid ko.

"Fine! See you at lunch okay?" Ani Agatha at tumakbo na palayo.

"I need to get going, Tul. See you!" Pamamaalam ni Alice.

"Sure! See you!" Pagtatango kong wika.

Pinanuod ko siyang tumalikod at lumakad palayo. They made their way and I started walking too. I walked straight to where I should head to, I walked directing to the place I think I belong to.

I stood in front of the door. Nasa harap ako ngayon ng office ng Journalism Club. Kitang kita ko ang signage na nasa harap ng pintuan. It states Your hand is the key.

Napangiti ako habang tinitign 'yon. The power of hand and the power of words. Those kind of powers are the scariest. Nakakatakot sa sense na, hindi mo alam na masasaktan ka na pala. They're simple and light but scary because some are so deep that they'll pull you down with them.

"Miss?"

Napalingon ako sa nagsalita at maagap na napangiti nang makita ang isang matangkad na babae. I slightly tilted my head because I felt like I saw he before.

Those artistic eyes..

I saw those before.

"May kailangan ka ba? Mag papass ka ba ng form?" Tanong niya sabay turo sa hawak kong form.

Mabagal akong umiling dahil patuloy ko pang iniisip kung saan ko siya nakita dati. Siya rin ay sinabayan ang pagtitig ko sakanya. She returned my stares by staring at me too. It was deep and straight look.

Sort of, she's conveying something I never understand.

"I'm just checking the office. Balak ko kasing sumali. I am Tulip Montgomery by the way." Pagpapakilala ko.

I didn't notice that I was being rude by staring without even introducing myself. Gusto ko mang hawakan ang aking leeg sa kaba ay hindi ko magawa dahil pakiramdam mo kailangan ko ng tanggalin ang habit kong 'yon.

"I know."

"You know?" Pag uulit ko.

Tumango siya at napatango din ako.

I forgot! Sikat nga pala ang pamilya namin, malamang ay kilala niya ako dahil sa apilyido ko. Besides kung babae siya ay siguradong narinig na niya ang tungkol sa mga pinsan at kapatid kong mga lalaki.

I suddenly thought of him for a second.

Just a second but my heart reacted fast and deep. I really need to fix this, baka ikamatay ko nalang 'to bigla.

"I am Jeremy Anne Cruz by the way. I write for the school newspaper." Pagpapakilala niya sa sarili niya.

Kumunot ang aking noo. Sa lahat ng sinabi niya ay sa pangalan niya lang ata ako nadala at natigilan. It slightly made my heart jump. Maybe because I remembered where I saw here.

"Reig Cruz." Bulong ko.

"You know my brother?" Manghang wika niya.

"Huh? Ah.. well.. I met him once. Twice. Yes. Yes, twice." Litong litong wika ko habang pinapanuod ang bawat galaw niya.

Cruz.

What's with it?

"Oh! I feel like were destined to meet! Hope to bond with you after you pass." Puno ng kagalakan niyang wika.

Napangiwi ako. "Baka nga hindi ako matanggap."

Maagap siyang umiling at natawa kaming sabay. Hindi ko alam kung bakit siya natawa pero natawa ako dahil parang kung mag usap kami, ang tagal tagal na naming magkakilala. I am never like this, kung normal na pagkakataon lang to ay baka nahimatay na ako.

She's new to me yet I felt okay. I am actually comfortable.

"Matatanggap ka."

She smiled.

Napaismid ako. "Paano mo naman nasabi?"

She smiled wider and shooked her head. Her eyes still lingers on me so I was forced to smile.

"Basta alam ko lang. You're great I know you'll pass." Aniya sabay kibit-balikat.

"Oh.. hindi naman pero maraming salamat." Nahihiya kong wika.

"I need to get going. I hope to see you again. Scratch that, I'll see you soon." Aniya.

Napangiti ako at tumango.

Hindi mapigilan ng mga mata kong sumunod sakanya habang papasok siya ng office. Napabuga ako ng hangin at hinayaan na ang sarili kong hawakan ang leeg ko. I felt the unfamiliar knock on my heart.

This past few days, too many unusual thing happened.

Ang bigat na.

"Hey sweetheart."

"What the-" napasapo ako sa aking dibdib sa umakbay sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang mag sink-in sa akin ang tawag sa akin ng taong 'yon at ang amoy na nanunuot sakanya. His hot body was pressed to mine and I already forgot how to breath.

My heart was running like it never did before.

"Simon?"

Liningon ko siya ay nagtama ang namin. Nahigit ko ang aking hininga habang iniintindi ang pananaw niya sa ginagawa niya ngayon. I am so nervous and I feel like my heart will destroy everything.

Well it already did.

"Don't tell me bawal din akbayan ka? This is normal and I have many normal things that I have in my mind right now." Nakangising wika niya.

"Don't think about this, normal lang 'to. Let me do the thinking." Dagdag niya.

Mamatay ako.

I'll die because of him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top