Chapter 23

Breath

"Let's go. Stop crying." Ani Uno.

"I can't believe this is happening." I breathed.

Napa hawak ako sa aking noo dahil sa pagsusubok na intindihin lahat ng 'to. Gusto ko mang isipin na hindi totoo ang mga 'to ay hindi ko magawa dahil ang simpleng paninikip lang ng dibdib ko ay patunay na totoo nga 'to.

"Accept it. Nandito na 'to. You did what you think was right. He's feeling something for you and you feel the same pero hanggang doon lang 'yon. We need to end this. The submarine I was driving needs to stop and I'll stop it because that is what I should do." Aniya.

Pumunta siya sa harap ko at mabilis na hinawakan ako sa balikat. He made me face him face to face. My tears were still flowing and I don't know how is that even possible.

His expression says it all. Seryoso siya sa lahat ng sinasabi niya at alam kong nahihirapan din siya. The all smile Uno is gone. Isang kuya ang nakikita ko ngayon habang tinitignan niya ako ng masinsinan.

He sighed. "Can you understand me, Tulip? I need you on this one. Hindi ko mapapakiusapan si Simon. Ikaw lang ang makakapagpatigil nito. Kilala mo siya, he's selfish.. like me."

Kahit mahirap ay tumango ako. Napayuko ako at hinayaang tumulo ang mga luha ko.

Bakit kailangan mangyari sa akin 'to?

"Uno, naiintindihan ko. I understand everything but damn. It hurts.. nasasaktan ako, Uno." Impit na hikbi kong wika.

Napahagulgol ako at napahawak sa puso ko.

I held it.. hinawakan ko ang sobra-sobra kong nanakit na puso. It hurts so much that I can't breath. Parang sumabog nalang ako bigla. The feelings that I was hiding for I don't know how long was revealed. Lumabas lahat, wala man lang natira para maayos pa 'to.

Alam kong hindi na 'to maaayos pa. The thing we have for each other can't be normal again because in the first place, it was never normal. Kahit kailan ay hindi ko naramdaman na magkapatid kami. Mahirap lang aminin pero 'yun ang totoo, I never felt it. I don't know what we have before but it's definitely not something for a siblings to have.

"I'm sorry, Tulip. Kuya is sorry.. I am so sorry. Hindi kita naprotektahan, but I promise that I'll do everything to stop this and make everything okay again. I'll help you fix this.."

Naramdaman ko ang paghila niya sa akin at ang marahan niyang pagyakap sa akin. Naisandal ko ang noo ko sa dibdib niya at doon humagulgol. He tapped my shoulder to comfort me but it made everything worst.

Natatakot ako, paano nalang kung malaman ni mommy at daddy 'to. I know mom will cry so much and I'll disappoint dad. I don't even want to think about it. It will be a torture for everybody.

"I always wanted you, Adrianna, Alice and Agatha to feel the extra ordinary kind of love but not like this.." bulong niya.

"Is that really you, Uno?" Hindi ko mapigilang tanong.

Lumayo ako sakanya at tinignan siya. Inabot niya ang aking mukha at pinunasan ang luha na dumadaloy sa aking pisngi. Kahit madilim ay naaaninag ko siya dahil sa malilikot na ilaw.

Banayad siyang ngumiti.

"I may joke a lot but I am always behind your backs. Ano pa nga ba ang magagawa ko? I'm Superman. I'm bound to protect everyone of you. Hindi ko lang kasing gwapo si Superman pero literal na ako siya kaya wala akong choice. I'll protect this family." Aniya.

Napangiwi ako sa sinabi niya. Nagpakawala siya ng halakhak kaya malungkot akong ngumiti. I smiled a bit and breathed slowly.

He's Superman..

Wala akong kontra ngayon doon dahil alam ko na kung hindi siya dumating kanina, I'll be doomed and Simon too. When I'm with him, nawawala ako at si Uno ang nagsilbing alarm clock ko na gumising sa katotohanan.

Tulip, this is Illicit!

Forbidden!

Kahit sa panaginip bawal mangyari. Tipong ikakahiya ng lahat, ikasisira ng lahat. The mere fact of feeling this is bad enough but sharing the feeling with Simon is morbid.

"Thank you Superman." Bulong ko.


"Tulip Montgomery. Tulip Montgomery. You're a Montgomery."

Bumuga ako ng hangin.

"Montgomery." I breathed.

I blinked a few times.

Kanina pa ako pikit ng pikit ng mata pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok. What happened a while ago is still very fresh and very painful in my heart. Tipong parang ngayon lang nangyari.

I can't believe it actually happened.

Wala sa sariling napahawak ako sa leeg ko. I suddenly felt thirsty, baka kailangan ko nga na uminom ng tubig o gatas para makatulog. Simula nang umuwi kami kanina, hindi pa ako lumabas ulit mula sa kwarto ko. I can't take to face him right now nor face my family after what happened.

Kahit sabihin pa na si Uno at Simon lang ang nakaka-alam, hindi pa rin kaya ng loob ko.

Tumayo ako mula sa higaan ko at nagsuot ng tsinelas. Tinungo ko ang pintuan ko at dire-deretsong lumabas doon. Bumaba ako sa hagdan at tinungo ang kusina namin. Kahit hindi pa ako tuluyang nakakapasok ng kusina ay narinig ko na ang kaluskos.

"Lola?"

Lumapit ako sakanya at tinignan ang ginagawa niya. Naabutan ko siyang nakatayo sa may likod ng high table sa kusina.

Tinukod ko ang siko ko doon at pinanuod siyang gumalaw sa kusina. Kahit na matanda na si lola, bilib ako na kaya niya pa rin gumalaw ng maayos at malakas pa siya. She serves as the bind of the family, hindi ko alam paano namin kakayanin na mawala siya. It will be a great loss..

Pakiramdam ko mababago lahat.

"Pinanghahanda ko ng lugaw si Chase." Aniya habang nilalagyan ng gatas ang baso.

Nilagay niya ang baso sa tray na nakahanda. May lugaw nga doon at agad namang bumaliktad ang sikmura ko. Kahit ayaw ko ng makielam lalo na at tungkol kay Simon 'to ay hindi mapigilan ng loob ko na tumambling.

Kung may isang hakbang man na dapat kong gawin para makalimutan lahat 'to, 'yun na ata ang wag siyang pakielaman pero doon palang bagsak na ako.

"Bakit lola?"

"Linalagnat ang batang 'yon. Ang kulit nga at ayaw talagang lumabas ng kwarto niya. Ayaw man lang bumaba para kumain. Manang mana sa tatay niya, makulit." Natatawang wika ni Lola.

Wala sa sariling napangiti ako.

Tama.. sobrang kulit.

Umalis ako sa pagkakahilig at inayos ang pajama ko. Lumapit ako kay lola at ako mismo ang kumuha ng tray. Kita ko naman ang pagkagulat kay lola. Ngayong tinitignan ko siya ng malapitan, masasabi kong nagmana sakanya si Alice.

"Ako na lola, you should rest now. Late na po at hindi kayo pwedeng napupuyat."

"Ito talagang batang 'to. Oh, eh, sige.. ikaw ng bahala sa kapatid mo. Pakainin mo tapos painumin mo ng gamot. Magpahinga ka na rin pagkatapos dahil may pasok pa kayo bukas." Aniya.

Ngumiti ako at tumango.

"Goodnight lola, mauna na ako para makaka-kain na si Simon." Saad ko at tumalikod na.

"Tulip.."

Tumigil ako sa akmang paghakbang ko.

"Ano po?" Magalang kong wika.

Tumalikod ako muli para makaharap siya. She was holding the edge of the table to support her. She was sadly smiling at me and I can't help but feel bad.

I stared at her eyes. Her eyes were glowing like a typical Montgomery eyes would. She's not a Montgomery by blood but by surname.. she is. I guess she's already considered a Montgomery because the surname is binded to her.

"Okay lang po ba kayo, la?" Tanong ko.

"Naibibigay naman namin lahat sa'yo hindi ba?"

"Ano po?" Maagap kong tanong.

"I'm just wondering.." she traced.

Napaawang ang aking labi para magsalita pero sinara ko ito muli.

Lumalim ang aking paghinga at nanikip ang aking dibdib. Sandali akong mariin na pumikit atsaka tumango.

"Of course, lola." Sagot ko.

Kita ko ang pagsilay ng ngiti sakanyang labi.

"Tell me if you feel deprived of anything. Lahat ng pwedeng maibigay sa'yo, gagawan ko ng paraan para mapasayo."

"Lola.. I'm okay. Alam ko naman po na hindi lahat pwedeng makuha. I understand that." Wika ko.

Not every wants can be attained. May mga bagay na dapat pakawalan para maging balanse at maayos ang lahat.

"I'm good.." pagkukumbinsi ko pa.

Hindi ko alam kung para saan ang pagkumbinsi ko. Para saakin ba o para sakanya? Basta ang alam ko lang ay gusto kong mapagaan ang loob ni lola.

Humakbang siya palapit sa akin at tumigil sa harap ko. She smiled at me warmly.

"Bago ako mawala sa mundong 'to, I want to do something for you. I don't want to die not doing anything. Pagisipan mo, basta tandaan mo na pag kailangan mo ng kahit ano.. tell me." Aniya.

Tumango-tango ako at pinanuod siyang haplusin ang mukha ko at titigan ako. Nang makuntento na siguro siya ay tsaka niya lang ako binitawan at tumalikod sa akin. Nauna na siyang umalis at doon lang ata ako nakahinga. Mas lalo lang bumigat ang damdamin ko.

She's willing to give everything for me but here I am, almost destroyed the whole family.

"Damn." Bulong ko.

Tumalikod na rin ako at lumabas ng kusina. Tumuloy na ako sa hagdan at umakyat doon. Dahan-dahan ang aking paglalakad dahil sa hawak-hawak kong tray. Nanginginig din ang aking kamay at lihim kong pinapakalma ang sarili ko.

Act like siblings..

This is perfectly normal.

"Act like siblings." Bulong ko muli nang marating ko ang ika-apat na palapag kung nasaan ang kwarto nila Simon.

Tinungo ko ang harap ng kwarto niya at huminga muna ng malalim. Ang puso ko ay tila pumunta na sa starting line ng karera para makapaghanda sa pagtakbo.

Marahan kong inabot ang pinto at kumatok doon. Napakagat ako sa aking labi habang hinihintay siyang buksan ang pintuan. Ilang beses din akong lumunok habang nakikipag titigan sa pintuan niya.

I flinched when the door opened.

"What? Sabi na ayaw kong-"

Natigilan siya sa pagsasalita nang magtama ang mga mata namin. Nahigit ko naman ang aking hininga at pinakiramdaman ang puso kong mabagal pero malakas ang pagtambol. I stared at him and watched how his eyes were so drowsy. He's also too pale to be considered okay.

Marahan siyang ngumiti. Tipid na tipid 'yon na kung hindi mo siya kilala ay hindi mo man mapapansin na ngumiti siya. Nanglambot ang aking puso habang nakikita ang tipid na ngiting 'yon. My heart is in ruckus right now.

"Tulip." He breathed.

"May sakit ka daw.." I traced.

Pinasadahan ko siya ng tingin. Mula sa buhok niyang parang kinalkal ng manok pero kahit ganon ay parang sobrang lambot pa rin tignan hanggang sa walang tsinelas niyang paa. Bumalik agad ang tingin ko sakanyang mukha at hindi naka takas sa akin ang amoy niya. He still smells so good na hindi na kapani-paniwala.

"Kumain ka muna daw sabi ni lola. Nagluto siya ng lugaw para sa'yo atsaka uminom ka daw ng gamot.. sabi ni lola." Saad ko sabay abot ng tray sakanya pero tinitigan niya lang 'yon.

"Oh.." he traced.

Napaiwas ako ng tingin at sinubukan na patigilin ang puso ko at ang kung ano-anong mga bagay na naglalaro sa tyan ko. Unti-unti na ring naglalaro ang mga tutubi sa aking tyan at para akong hihimatayin dahil sa mga 'to.

"Come in." Aniya.

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya at maagap akong napailing.

"No need.. hatid ko lang 'to." Pagpipigil ko sakanya.

"Why?" Deretso niyang tanong.

"Just because." Balik ko sakanya.

"Siblings take good care of each other. It's perfectly normal. You don't need to worry." Aniya.

"Wala naman akong sinabing hindi normal 'to." Depensa ko.

I bit my lower lip.

Why am I even having this kind of conversation with him? Kung makapagsalita siya parang napaka normal lang ng lahat pero hindi naman. Nag huhurimentado na ang kalooban ko pero siya ay parang wala lang.

I watched how his eyes roamed from the top of my head down to my feet. I felt how my heart compressed and kills me whenever I see his faint smile.

"Wala ka ngang sinabi.." panimula niya.

"But I think, you need to breath." Aniya.

Doon ko lang naintindihan ang sinasabi niya. Maagap akong nagpakawala ng hangin at huminga muli ng malalim para makalma ang paghinga ko. Mariin akong napapikit at sinubukang huminga ng normal ulit bago dumilat.

Sa pagdilat ko ay kita ko rin ang mabilis na pagpalit ni Simon ng ekspresyon. Mula sa malawak na ngiti niya papunta sa simangot. Nakuha niya pang tumikhim at habang pulang pula naman ang tenga niya.

"Now, come in." Aniya.

Binuksan niya ng mas malawak ang pintuan. Napatingin ako sa sahig kung saan makikita ang hati ng kwarto niya at ng hallway na kinatatayuan ko ngayon. Inangat ko ang paa ko at nagdalawang isip pa kung papasok ako.

Alam ko sa sarili ko na pag pumasok ako sa kwarto niya ay parang tinulak ko na rin ang sarili ko para mahulog sa bangin.

"Ayaw mong pumasok? Ako mag papasok sa'yo." Aniya at mabilis na hinablot ang braso ko papasok ng kwarto niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top