Chapter 21
Kahit mali
"Let me-"
"Don't fucking touch her."
Napakagat ako sa aking labi nang marinig ang matigas at buong boses na 'yon. I can feel him behind me that's why I told my eyes to stop crying, if that is even possible.
Umayos ako ng tayo at pasimpleng pinunasan ang mga luha ko. I saw how Reig stood proudly in front of us. He doesn't look intimidated at all, humakbang lamang sa patalikod dahil balak niya akong hawakan kanina.
"So protective, huh?"
Cockiness was evident on Reig's voice.
"Who are you?" Balik na tanong ni Simon.
"I don't think I need to answer that." Ani Reig.
I can sense anger from Simon.
Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko muli bago siya nilingon. Matalim ang mga tingin na ibinigay ko sakanya. He stopped staring at Reig, binaling niya ang tingin niya sa akin. From dark angry eyes, nanglambot agad ang mga tingin niya nang magtama ang mga mata namin.
"Babalik na ako, do whatever you have to do." I said with my most normal voice.
Mabilis ko siyang tinalikuran pero mabilis din niyang hinila ang kamay ko. My heartbeat stopped and I felt like the whole place stopped too. Ang kalabog ng puso ko dahil sa munting hawak niya ay nakakamatay.
Masarap pero bawal.
"Did you follow me? Bakit ka babalik kung lumabas ka para sa akin?" Dere-deretso niyang tanong.
"Because you don't need me anymore."
Hinablot ko ang kamay ko mula sakanya at nagmadaling pumasok muli ng cafeteria. I can see Agatha's getting excited from what she's telling my cousins. Ngumiti ako ng bahagya para kahit papaano ay wag silang mag-alala sa siguradong namumula kong mga mata.
"Yeah! I think Evander likes her!" Ani Alice habang humahagikgik.
"I bet a million!" Dagdag ni Alice.
Umupo ako sa tabi muli ni Uno. Hindi ko na siya nilingon dahil alam ko naman kung gaano ka tsismoso ang lalaking 'to. Pero kahit ganon, dama ko ang init ng titig niya sa akin.
"So cool diba?" Humahagikgik na saad ni Agatha.
Lahat kami ay napalingon sa palapit na Adrianna at Kuya Adrian. Mabilis na nakuha ang atensyon ko nang palapit na si Simon. He was intently looking at me that's why I tried looking at other things. Nagiwas ako ng tingin pero bahagya kong nakita ang pag upo niya sa harap ko.
"What happened?" Bulong ni Uno sa tabi ko.
"Wag tsismoso please." Inis kong wika.
"Oh! Away kayo? Damn, baka mapa-aga ang world war three. Hindi pa ako prepared, i-delay mo muna." Aniya.
Napabuga ako ng hangin at sinamaan siya ng tingin. Natigilan ako dahil sa nakita kong seryosong mukha niya.
Is he serious about world war three?
"Shut it." Diin ko.
Ngumiwi siya at binalingan nalang si Adrianna.
"So Evander Caden Claveria is hitting on you?" Nakangising wika ni Uno.
He and Kuya Dos did a high-five na lalong kina-inis ni Adrianna.
Inabot ko ang iced-tea ko at uminom doon. Saglit ko ring nahuli ang paninitig sa akin ni Simon. I rolled my eyes at him.
Bahala siya diyaan! Naiinis ako, hindi ko alam pero naiinis talaga ako sakanya. Ang sarap niyang batuhin ng mga babae, tutal diyan naman siya magaling!
"He is not! Ang kulit niyo!" Daing ni Adrianna.
Napatingin ako sakanya at natawa dahil sa sobranh inis na niya. I was laughing so hard too because Kuya Adrian was frustrated, magkamukhang magkamukha talaga sila. Adrianna was asking for her help but I can't contain my laugh.
"So ang dalawang Claveria ay pinag-aagawan ka?" Natatawang dagdag ni Dos.
Haba ng hair ni Rian!
"Paano yon? Yung isa yung nirereto sayo." Ani Clyde.
Oh..
"Kanino pusta mo?" Nakangising tanong ni Simon kay Clyde.
Napabuga ako ng hangin at sinamaan ng tingin si Simon. Looks like magaling na siya, ang bilis diba? Dahil siguro doon sa babae. Masayang masaya siya ngayon dahil sa binigyan siya ng admirer's gift.
"Kay Mr. Captain ako. Malakas yon!" Natatawang saad ni Clyde.
"Kay Osiris ako sige. Para thrilling pero actually kay Mr. Captain din ako." Natatawang wika ni Simon at napabaling ng tingin sa akin.
Mabilis siyang tumahimik nang makita ang masama kong tingin. Napamula ang kanyang tenga at sumimangot nalang.
Akala mo ah!
Mag tigil ka diyan!
"Saan ang salon mo?" Natatawang wika ni Agatha.
Alam ko na 'to.
"Same lang tayo!" Daing ni Rian.
"Bakit ang haba ng hair mo?"
Hindi ko napigilan ang matawa sa sinabi ni Alice.
"Good job, Alice" natatawang saad ni Dos sa kapatid niya.
Nakakaawa si Rian pero hindi ko rin mapigilan ang mag-react ng ganito. It's just too funny, madalang lang naman magkaganito si Adrianna dahil siya ang isa sa mga panganay. She was the most responsible one, council member and a good daughter.
"Dahil diyan mag-Alchology tayo mamaya!" Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Clyde.
Is he really my brother?
Kita ko ang pagpigil ni Simon sakanya habang nakatingin sa akin. He looks like a lost puppy that is making a crazy person stop from doing crazy things.
"Hey! No night life diba!" Giit ni Rian pero sinubuan lang siya ni Clyde ng Fries.
"Hindi naman tayo gagawa ng eskandalo don. We will just enjoy.. ka-miss ang Manila, e" Ani Kuya Ad.
Siniko siya ni Rian kaya napadaing ito. Ako mismo ay mapangiwi nang makita ang pagsiko sakanya ni Rian. Sakanya ko ata namana ang pagiging sadista ko sa mga kapatid ko.
"Sadista ang kambal ko" natatawa niyang wika habang humahalakhak.
"Balita ko.. marami rin pumupunta doon mula sa school natin." Ani Simon.
Nag-taas ako ng kilay.
"So?" Tanong ko.
"That's a chance to show them who owns Cebu!" Ani Simon.
Fuck!
Really? 'Yan ang nasa isip niya? Baka naman gusto niyang mag hanap pa ng maraming babae doon. Lakas talaga ng apog ng lalaking 'to. Sarap niyang sakalin!
"Chill.." bulong ni Uno sa akin.
"Chill mo mukha mo." Mataray kong wika.
"Grabe! Bakit sa akin ka nagagalit? Hindi naman ako ang may kasalanan sa'yo!" Depensa niya.
"Kasi, sayo ata nakuha ni Simon ang mga ugali niya." Mataray kong sagot.
"Kung sa akin niya nakuha ang ugali niya, 'di sana nag kagusto ka din sa akin."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Nanikip ang dibdib ko at wala akong masabi. I tried opening my mouth but I closed it too.
Alam ko na may mga hidden messages sa mga sinasabi ni Uno. Alam ko rin ang nararamdaman ko kahit na hindi ko sinasabi. This is the first time that he said something so straight forward. Hindi ko alam na ganito kasakit marinig ang katotohanan.
I tried my best not to name my feelings because it's so scary pero ngayon ko lang narealize na baliktarin ko man ang mundo, 'yun pa rin ang totoo.
"At bawal makasira ng sasakyan, Uno." Pagdadagdag ni Agatha.
Tumango-tango si Uno at inakbayan ako. As if it will make me feel better.
"Sure. I won't." Saad niya at kumagat ng club house.
"Yung pustahan ah. Tsaka na yung premyo." Pang-aasar ulit ni Clyde.
Napa-angat ako ng tingin kay Simon. My heart is still throbbing and I know he can feel it. Malungkot ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Para akong tinotorture. Alam ko naman na hindi intensyon ni Uno 'yon pero ang hirap i-digest ng totoo.
The way he said that, it's like the most normal thing in the world which is not.
"Hey! Bakit ang tagal niyo?" Bati ni Clyde habang sinasara ang likod ng kotse ni Uno.
Napatingin ako Adrianna dahil sa nangyari. Ang usapan kanina ay magkikita-kita nalang sa parking pero na-late kami ni Uno, Rian at Kuya Ad dahil may hindi kapani-paniwalang nangyari.
I never thought I'm gonna see something like that in my life. Sigurado na akong may gusto nga si dimple guy kay Rian. He is just wow, I can't even describe him. Nakakatakot siya but I root him for Rian. I saw he looks at her and that is something.
"Naiintindihan mo ba? Hindi ka na makikipagusap o kahit lumapit lang sa lalaking 'yon. Kakausapin ko din si dad tungkol sa rinereto sayo." Galit na wika ni Kuya Ad.
Oh, but everything won't be easy for Mr. Dimple Guy.
"Sasabay ka ba sa akin?"
I flinched when I felt someone touched my arms. I know who it is, kahit hindi ko siya lingunin. From his addicting smell to how my heart and body reacts to him, alam ko kung sino 'to.
"No I won't." I want to..
"Kanino ka sasabay?"
Nilingon ko siya at agad na nagtama ang mga mata namin. Nanglambot ang puso ko sa titig na binigay niya sa akin. He is still holding my arm and I don't even want to remove it.
I want to go with him but I can't. Everytime I get close to him is like making a step closer to danger, to the cliff, to a more deeper feelings for him which shouldn't happen. I want to try my best and stop this for everybody.
"Kay Uno." Sagot ko.
He is the best choice. Siya lang naman ang mapapagkatiwalaan ko sa ngayon. I can act normal around him without pretending I am okay.
"Uno.." he repeated.
Nagtagis ang kanyang bagang at bumaling ang tingin kay Uno na sinasakay si Kuya Adrian sa kotse nito. I saw pain in his eyes.
I bit my lower lip.
Binaba ko ang pagkakahawak niya sa akin at ako mismo ang humawak sa kamay niya. I wasn't bothered by the fact that my cousins are around, sa ngayon ay may rason pa naman ako. I can say that I am only concern about Simon's pale face.
Sa ngayon may rason pa..
"Kanina, lumabas ako dahil nag-aalala ako sa'yo. I was about to help you but something happened that's why I decided to go back." Wika ko.
"Really?" Banayad niyang tanong.
I smiled at him and nodded.
His pale lips didn't even make him less handsome. Ang kanyang mga mata ay hindi man lang nabawasan ang kamanghang-manghang kinang nito. I badly want to touch his face but that would be the time that I'll surely fall on the cliff.
"Pag hindi mo na kaya, pauwi ka nalang. Let's just see each other later." Wika ko at ngumiti muli.
"But.." he breathed.
Humigpit ang hawak niya sa akin at ganon din ang ginawa ko. I held his hands like I wanted to do before.
"Okay." Malungkot niyang wika.
If only I am allowed to have this feelings then I would be glad to have it but I am not.
"Isasabay ko nalang si Clyde." Dagdag niya.
"Mag dahan-dahan kayo.." paalala ko sakanya.
Bahagya siyang natigilan sa sinabi ko pero agad din na sumilay ang mga ngiti sakanyang labi. Namula ang kanyang tenga kaya napangiti din ako. Lalonh lumawak ang ngiti ko nang kuminang lalo ang mga mata niya.
Parang hahaplusin ang puso ko sa nakikita ko ngayon. My eyes are only on him and his eyes on mine. Ang sarap na ganito nalang.
"Kainis. Napano ba siya?" Rinig kong wika ni Agatha.
Bumitaw na ako kay Simon at lumapit kina Rian. Bahagya ko pa siyang nilingon ulit at nakitang kausap na niya si Gelo.
"I'll tell you later." Saad ko at sumakay na sa shot-gun.
"Hihintayin na namin sila Carl. Mauna na kayo." Rinig kong wika ni Simon.
Kahit balak ko ng isara ang bintana ay hindi ko ginagawa. I looked at him and he looked back. Mga tingin na ako lang ang makakaintindi ang ginawad ko sakanya but I was shocked when he smiled at me like he understands it.
Mabilis kong sinara ang bintana at sumandal sa upuan. I breathed heavily and touched my collar bones.
"Si Gelo?" Rinig kong tanong ni Rian.
"Sasabay daw kay Adrian." Sagot ni Clyde.
"Paunahin niyo si Adrian. Wild beast siya ngayon. Baka magwala sa daan 'yon!" Natatawang saad ni Simon.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang marinig ko ang boses niya.
"Kaw naman kasi eh" natatawang dagdag ni Clyde.
Mabilis na sinara ni Rian ang bintana kaya natawa na din talaga ako. Lumingon pa ako sa bintana ulit at nakitang nakaupo si Simon sa likod ng kotse niya. Hindi ko mapigilan ang mag-alala. He looks tired and sick.
Tumatawa siya habang kausap si Clyde pero hindi makaka-ila ang matamlay niyang mga mata.
"Let's go" ani Uno nang makapasok na siya sa sasakyan.
Tumango ako at inalis na ang tingin kay Simon.
"Ano ba talagang nangyari?" Tanong ni Agatha.
"Gath, don't ask me what happened. Ako mismo.. hindi ko alam." Ani Rian.
Napatingin ako sa nag mamanehong si Uno. Nakangisi ito habang nag mamaneho at hindi ko alam kung bakit pero nang lingunin niya ako ay lalo siyang ngumisi.
What is his problem this time?
"Evander Claveria punished the guy who tried to overtake you kanina. He made him run for I don't know how many laps. Take note.. sa napakalaking field ng university." I tried explaining to Agatha while looking ate Uno.
Nakakapagtaka pero ang bagal niya mag maneho ngayon..
Himala ito.
"Really? That's cool! Sana pala nakita ko!"
Agatha is really amazed. Sabagay, kahit ako nung nakita ko ay namangha din ako.
"Arte ni Kuya. Inis lang yon kasi mas cool sakanya si Evander" natatawang saad ni Agatha.
Humalakhak si Uno kaya pinalo ko siya. Pinag titripan nila si Kuya Ad pero ako, naiintindihan ko siya. He's only protective because Rian is his twin.
"What? It's funny. Gath's right. It's cool." Ani Uno sabay kibit-balikat.
"Don't think about it too much. Enjoy the boys! Bayaan mo si Kuya! Maarte lang talaga 'yon!" Dagdag ni Agatha.
Napailing nalang ako at sumandal sa upuan. I looked outside, pinanuod ko ang mga lugar na nadadaanan namin. I can't help but remember how Simon looked at me with his eyes. My being was so alive because of him, he makes me feel things that I never thought I would feel.
Things that are illicit but by heart were acceptable.
"Let's go!" Masayang wika ni Rian at mabilis na bumaba ng kotse nang mapark ang sasakyan.
I immediately went beside Rian and held his arms. Sinabit ko ang braso ko doon at sabay kaming naglakad tatlo.
"Uno, good job sa driving mo" nakangising wika ni Rian habang papasok kami ng Alchology.
Napaismid ako nang marinig ko ang music. It's so loud.. I mean, sanay ako sa Manila na ganito kami palagi pero I never liked the thought of it. Sumasama lang ako dahil sakanila atsaka nakaupo lang naman ako buong magdamag.
"It's Tulip. Sabi niya mag dahan-dahan daw ako." Ani Uno.
Napalingon ako sakanya at kunot-noo ko siyang tinignan. Kinindatan niya ako at parang automatic na bumalik sa akin ang sinabi ko kay Simon kanina.
What the heck?
He heard that?
"Is it too late to say sorry now!" Sigaw ni Rian at Agatha kaya napabaling ako sakanila.
"Uno! Stay there! Sasayaw lang kami sa gitna. Tell the others to find a table, 'kay?" Ani Rian at hinila kaming dalawa ni Agatha sa gitna ng mga nag sasayawang mga tao.
I fliched everytime someone will get near me. Masikip kaya wala akong choice, amoy alak din kaya parang gusto kong masuka. I bit my lower lip while watching Agatha get crazy.
"Sorry!" Nakisabay ako sa pagkanta.
Buti nalang at gusto ko ang kanta. I decided to stick with cousins and enjoy this night. Kahit hindi ako komportable sa mga nakapaligid sa akin ay titiisin ko nalang.
I need distraction!
Ngayon palang ay gusto ko na siyang makita..
"Can we both.. say the word.."
Nagpakawala ako ng tawa nang makita ko ang pagtaas ng kamay ni Adrianna ng kamay at sumunod sa beat ng music.
"Agatha-"
I stopped talking when someone pulled me away from the center. Para akong kakaladkarin ng taong 'to. Dapat ay pipigilan ko siya pero sadyang mahigpit ang hawak sa akin ng taong 'to at isa pa, mabilis na tumakbo ang puso ko dahil sa munting paghawak niya sa akin.
"Simon.." I breathed.
Dinala niya ako sa hindi mataong lugar. Hinarap niya ako..
His eyes were blazing with fire. Mas nakipag karera pa ang puso ko dahil doon. Napalunok ako at sinubukang pakalmahin siya gamit ang mga mata ko pero walang epekto. His eyes shows that he's angry.
He's mad.
"Alam kong may kasalanan ako sa'yo. You went out but decided to go back to the cafeteria so I am sure I did something wrong. Dahil doon tiniis kong 'wag kang isabay sa akin, kahit na selos na selos akong pinili mong sumabay kay Uno, tiniis ko pa rin but fuck this shit! Ano ang ginagawa mo sa gitna! Why are you there with those men aroud you! Gusto mo ba akong mabaliw?!" He roared.
Lumalim ang paghinga ko dahil sa bigat ng puso ko. Nanghina ako sa boses at tingin niya. I tried holding his arms but he stopped me. Nag iwas siya ng tingin at nag tagis ang kanyang bagang. Pulang pula din ang tenga niya.
His breathing is heavy too.
"This is insane.." I breathed.
Binalik niya ang tingin niya sa akin at mas lumapit pa sa akin. Hinapit niya ako sa bewang at napasinghap ako dahil doon. His arms encircled not just my body but also my being. His hot body was pressed into mine.
My heart beat to his..
I never thought I'll get this close to him. I can feel his hot breath on my ears. Nakakakiliti ito at nakakapanikip ng puso.
Lumakas ang pintig ng puso ko at parang hindi ko na naririnig ang paligid. Parang nakalimutan ko na kung nasaan kami. Tanging siya nalang ang nakikita at nararamdaman ko.
"I am so damn insane because of you. Kahit mali.." aniya.
He whispered something.
Something that only I can hear. Something that will change everything. Something that will move the level one to two.
Game over.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top