Chapter 20
Cry
"The people here are creepy." Komento ni Alice.
Oo! Totally creepy!
Gusto kong sabihin sakanila kung gaano ako sumasangayon sa sinabi ni Alice pero hindi ko na ginawa. Hinayaan ko nalang dumaing si Alice at napapailing nalang habang ginagaya siya ni Agatha maya't maya.
I am talking about how creepy Reig Cruz was. I mean, hindi naman siya mukhang kriminal o ano pero buong oras ata na naka-sub siya sa klase namin ay tinitigan niya lang ako. It's not a lustful look but still, ayaw kong tinitigan ako ng kung sino lang.
Bumuntong hininga ako at luminga-linga sa buong lugar. Nandito kami ngayon sa cafeteria ng building namin. We are having lunch at sumabay na sila Simon sa amin.
"Huh? Why?" Tanong ni Clyde habang umuupo sa tabi ko.
Napangiti ako nang bigyan niya ako ng sandwich na binili niya pero bago pa ako makapagpasalamat ay napangiwi ako dahil sa ginawang pagtulak sa akin bahagya ni Uno para umupo sa gitna namin ni Clyde.
Umupo siya sa tabi ko nang hindi man lang nag papaalam. Ayaw niya ba talagang makakain ako ng maayos?
"Binubully kayo?"
Concern is evident on Kuya Ad's voice. Umiling ako pero sa pagiling ko na 'yon, nahagip ng mata ko ang taong nasa harap ko.
Si Simon.
Hindi niya pa ginagalaw ang pagkain niya. Tapos na ako pero siya ay hindi pa rin kumakain. Bumili siya ng lunch niya pero nakahain lang ito sa kanyang harapan.
Anong problema niya?
"Hindi ka ba kakain?" Lakas loob kong tanong sakanya.
Napalunok ako nang nag-angat siya ng tingin sa akin. Ang kaninang malalim niyang mga mata ay bahagyang lumiwanag nang magtama ang mga mata namin.
Ang kalmado kong puso ay bahagyang tumalon. The way he looks at people will make them feel special. Pag tinignan ka niya, akala mo ikaw nalang ang nakikita niya.
Umiling siya.
"I'm not hungry." Aniya.
"You should still eat." Giit ko.
Kumunot ang noo ko nang mapansin ang namumutla niyang labi. Ngayon ko lang napansin na medyo maputla-putla siya. My eyes were glued at his face, sinusuri ko 'to dahil parang kakaiba siya ngayon.
Kanina lang ay okay siya, pero kung iisipin ay hindi rin siya nag breakfast kanina.
"Kumain ka na, Sy. Baka may magalit-" hindi ko pinatapos si Uno dahil mabilis ko siyang kinurot sa tagiliran.
Napadaing siya at masamang tingin ang ginawad ko sakanya bago pa siya makapagsalita ulit. Somehow, feel ko, lahat ng lumalabas sa bibig ni Uno ay masama o nakakasama. May konklusyon na ako kung ano ang sasabihin niya at gusto ko siyang sakalin dahil doon.
"Ang sakit non 'ah!" Daing niya sa akin.
"Shut up ka nalang kasi." Inis kong wika.
Ngumiwi siya at napakamot nalang sa batok. Inirapan ko siya at tinuon muli ang atensyon kay Simon. Inabot ko sakanya ang burger at nagulat ako nang kunin niya 'yon. Akala ko ay makikipagtalo pa siya sa akin tungkol sa pagkain ng burger.
"Ts. Gusto lang pala galing kay Tulip." Bulong bulong ni Uno sa tabi ko.
Binalingan ko siya at tinaasan ng kilay. Napakagat siya sa labi niya at ngumiti ng inosente sa akin.
"Wipe that smile, hindi mo bagay." Mataray kong sabi.
"Grabe! Ang sama mo. Girls will kill to see me smile." Depensa niya.
I raised my eyebrow.
"Rip to the victims and goodluck to the girls who'll go to jail." I sarcastically said.
Inirapan ko siya at tumingin muli kay Simon. Napakagat ako sa labi ko habang nakikita siyang namumutla. Ang tamlay talaga ng itsura niya at bawat lunok niya yata ay nabibilang ko.
He looks so sick.
"Kuya! Hindi naman si Osiris ang tinutukoy na Claveria." Kuha kong wika ni Alice.
Hindi ko na nasundan ang pinaguusapan nila dahil na kay Simon lang ang atensyon ko. Naninikip ang dibdib ko habang nakikita siyang nahihirapan ngayon. Hindi ako sanay na makita ang walang gana, namumutla at nanghihinang Simon.
I'm not even use in seeing him without his smirk, without his playful smile or even his playful stares.
"He looks bad, sana early dismissal." Concern na wika ni Agatha.
"Yeah.." I breathed.
"Yung Evander daw" Rinig kong wika ni Alice ulit.
"The captain? Hindi ba ay ayaw sa atin non?" Sabat ni Uno sa usapan nila.
"I don't know. Basta yon ang sabi kanina." Ani Alice at nagkibit-balikat.
"Why is he protecting someone from our plot?" Tanong ni Uno.
Bakit ang pakielamero mo?
I was about to say that but I shut my mouth. Hindi ako kasali sa usapan at wala akong plano makidagdag sa mukhang problemadong Adrianna.
Nag-angat ng tingin sa akin si Simon at mapungay na mga mata niya ang sumalubong sa akin. I slightly smiled at him and he smiled too. Binaba na niya ang burger at uminom din ng tubig.
I was just watching his every move.
"May gusto ka pa bang kainin?" Lakas-loob kong tanong muli kay Simon.
Umiling ito at ngumiti nalang. Napahawak siya sa kanyang noo at hinilot ng bahagya 'yon, I want to help him ease the pain but I don't know how.
"No. Believe me or not. Osiris is a manipulative jerk person. He made a deal with me to act like we are getting to know each other sa harap ng dad niya but I think he won't go that far like protecting me." Rinig kong wika ni Adrianna.
Kumunot ang noo ko.
Nakuha 'non ang atensyon ko at saglit akong lumingon sa gawi ni Adrianna.
"As in act like lovey dovey?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Hindi ko napigilan ang makisali na rin sa usapan lalo na kung ganon ang topic. That guy is a jerk! Ang kapal ng mukha niyang hilingin kay Adrianna 'yon.
Just wow.
"No.. it's like, act like we're trying." Paliwanag niya.
"Damn that guy." Tatayo na sana si Kuya Adrian pero pinigilan siya ni Rian.
"Stop it, Ad. Hayaan nalang natin. Dad's reputation remember."
Reputation..
I completely forgot about that. We have a reputation to manage so we need to be cautious in our every move. Masisira ang reputasyon ng pamilya namin kung sakali, I don't want to be a reason and I hope I won't be.
"Okay.. basta pag may ginawa siya sayo. Tell us, we're gonna beat the shit out of him." Ani Uno.
Lumingon ako sakanya at kita ko ang mataman niyang mga matang nakatingin sa akin. Lumipat ang tingin ko kay Simon na nakikipag-usap kay Gelo.
I guess, I can say that I saw Uno in a different light. Oo nga at madalas puro biro siya pero sa totoo lang, wala siyang gusto kung hindi ang maging masaya kaming lahat. He only wants to protect the whole family, it's just that he does it in a different way.
"Paano pala yung birthday mo?" Tanong ni Kuya Carl sa akin.
Huminga ako ng malalim at marahang binasa ang aking labi.
Bakit nasa akin na naman ang topic?
"Gusto ni dad ng party.." I traced.
Alam ko naman na 'yon ang gusto ni daddy, hindi niya man sabihin sa akin ng deretso ay hindi niya makakaila 'yon. Besides, alam ko na magandang move ito para sa campaign nila, iimbitahin nila sigurado ang mga politicians dito sa Cebu pero paano naman ako?
It's my birthday, it should be my comfort day where in I should be unguarded pero sa dami ng i-imbitahin doon at mga taong wala pang kinalaman sa akin, hindi ko mapigilang hindi sumang-ayon.
"I heard 'bout the Plan A and Plan C" ani Dos.
"Oh! The brilliant plan of Adrianna Grace Montgomery" natatawang dagdag ni Uno.
Maagap ko siyang kinurot sa tagiliran niya kaya napadaing siya.
"Nakaka-ilan ka na." He hissed.
"Madami pa." Balik ko sakanya.
Umirap ako at natawa nang marinig na si Agatha naman ang nang away kay Uno.
"The plan is.." Simon traced.
Bahagya akong napangiti nang marinig siyang magsalita. Atleast kahit papaano ay may sigla pa rin siya, sa likod ng maputla niyang labi ay bakas pa rin ang napaka-perpekto niyang ngiti.
Damn.
Tulip, no!
What the heck are you thinking? Pull your sanity together!
"What? May naisip ba kayo?" Inis na wika ni Rian.
"Chill, Ri. I agree with your suggestion." Nakangising wika ni Dos.
"Yeah! Escape? I like those stuff!" Excited na wika ni Gelo.
Napangiwi ako kay Gelo. Mukhang nabahiran na ang kanyang inosenteng pagkatao.
"Yeah! Good! Pero.. escape? Saan tayo after?" Tanong ni Simon.
Kumunot ang noo ko sa gawi niya. Tumingin siya sa akin at inosente niya lang akong tinignan. Pinanglakihan ko siya ng mata pero namula lang ang kanyang tenga.
Napahawak siya sa batok niya at hinimas 'yon.
Good daw! Ayusin niya muna ang sarili niya baka hindi pa siya makasama sa lagay niyang 'yan.
Pag kalokahan talaga..
"I have no idea" ani Rian atsaka humilig kay Kuya Ad.
"Why don't we execute Plan C then proceed to Plan A?" Dagdag na suhestyon ni Kuya Ad.
"So you mean.. we will escape then go to Tagaytay?" Dagdag na tanong ni Alice.
Ayaw ko mang sumusuway sa mga magulang namin ay hindi ko makakaila na na-excite ako sa sinabi ni Alice. I like it, no.. actually I love it. Mag e-enjoy na ako, hindi ko pa iisipin ang mga tao sa paligid ko.
"Yeah but are you sure 'bout tagaytay? That place is so damn far!" Reaksyon ni Kuya Ad.
Kung titignan ay sobrang malayo nga ito, pero mas gusto ko 'yon. Malayo sa lahat, mula dito sa Cebu kung saan nagsimula ang virus na nararamdaman ko.
"It's better. Malayo siya pero hindi masasayang ang escape natin. If nasa vicinity tayo ng Cebu, mabilis tayong mahahanap nila Dad." Paliwanag ni Kuya Adrian.
"Tama.. tsaka matagal tagal na tayo hindi nakakapunta sa Tagaytay" Dagdag ni Adrianna.
Napangiti ako ng matamis at tumango-tango lang sa mga sinasabi nila.
"And it's Tulip's favorite place" Ani Uno.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Liningon at tinignan ko si Uno. How come he knows that? Walang nakaka-alam non maliban kay Simon. Noong seventeenth birthday ko ay dinala ako ng parents ko doon, sabi nila ay doon daw ako nagawa.
Tinawanan pa namin 'yon dahil hindi kami makapaniwala sa term ni daddy. Everything went smoothly that day until we slept. I was having a really sad and bad dream. I can't stop them and I can't stop my compressing heart. Nagising nalang ako nang may maramdaman akong mainit na brasong pumulupot sa akin at yinakap ako ng mahigpit. I cried and cried in his arms.
It was Simon..
Hindi kami close noon, those are the days na inisip kong galit siya sa akin pero nung gabing 'yon I was happy. Doon ko napatunayan na hindi siya galit sa akin, maybe distant but not angry. I can still remember what he told me that night.
"Stop.. I am here. No one can hurt you. I will never let you go, I promise. I'll die before letting your hand go."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tumahan na ako at yinakap siya ng mahigpit. I slept peacefully after that.
"Uno? One and a half day of traveling? More like less than a day."
Natigil ako sa pag-iisip sa sinabi ni Dos.
"Oh damn! This is exciting!" Saad ni Uno.
Tinignan ko si Uno at sinamaan siya ng tingin pero maagap akong napalingon kay Simon na nakatawa na ng bahagya kahit parang nanghihina pa rin.
I slightly felt his shoes near mine. Dumikit ito sa paa ko at kita ko ang pag ngiti niya sa akin. Napaismid ako sa ginawa niya at bahagyang sinipa ang paa niya sa baba. Kita ko ang pagkagat niya sakanyang labi para matiis ang sakit pero. Napangisi ako dahil sa reaksyon niya.
"Don't worry, we will plan everything from kung anong sasakyan ang dadalhin.. hanggang sa kung saan tayo tutuloy." Ani Kuya Carl.
Binalingan ko siya at malungkot na ngumiti. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang nagiisip ng sasabihin.
I don't feel good thinking that they'll get into trouble just because of me.
"Isn't too much? I can spend my birthday here.. with the politicians." Nahihiyang wika ko pero tinawanan lang ako ni Adrianna.
Ngumuso ako at napangiti na din.
"No way. Tsaka gusto rin namin mag-enjoy. I miss our escapades"
Napatango nalang ako sa sinabi ni Clyde.
Narinig namin ang mga bulong-bulungan ng mga tao kaya tumigil kami sa pag-uusap. Napalingon kaming lahat sa pumasok sa cafeteria, it was the dimples guy who I think is interested on my cousin.
He was so proud while walking. Like he owns this place..
"Pasikat" narinig kong bulong ni Uno kaya tinapik ko siya sa balikat.
"Gusto ko pa ng fries." Ani Agatha.
"Me.. club house" ani Alice.
"I'll get some" saad ni Adrianna atsaka tumayo pero bago pa siya tuluyang tumayo ay hinawakan na siya ni Kuya Ad sa kamay.
"Andyan si Claveria. Not just one.. but two Claveria" Ani Kuya Ad.
"I'll go to the bathroom." Rinig kong wika ni Simon kaya naalis ang atensyon ko kay Kuya Ad.
He was talking to Gelo.
"Okay, you need me to accompany you?" Tanong ni Gelo pero umiling si Simon.
Nahihibang na ba siya?! Kailangan niya ng kasama! Paano kung matumba siya doon, hindi namin malalaman at baka may mangyari pang masama sakanya.
He is really crazy!
"Gelo, samahan mo siya." Utos ko.
"No need." Balik ni Simon.
Gelo was just looking at me then back at Simom again. Hindi niya alam kung kanino siya makikinig kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"I can manage. Tapos ang usapan." Matigas na wika ni Simon at tumayo na para makaalis.
"Samahan mo!" Giit ko kay Gelo.
"Sabi niya 'wag daw and trust me Tul, hindi mo gugustuhing galitin ang isang Simon Chase. Just let him be, alam naman niya ang ginagawa niya." Ani Gelo.
Napasandal ako sa upuan ko at napahalukipkip nalang. Inirapan ko si Gelo at sinubukang pakalmahin ang inis na inis kong puso. Why is he so hard headed?!
Alam niya ang ginagawa niya?
Alam niya nga ba?
"Follow him." Bulong ni Uno sa akin.
"You don't need to tell me." Inis kong wika at tumayo na para sundan si Simon.
Deretsong tingin lang ang ginawa ko habang palabas ng cafeteria. I am thinking about how am I gonna shout at him and tell him that he is really making me angry and really really pissed. Madalas ay kalmado lang ako at walang pakielam sa mga bagay pero talagang nailalabas ni Simon ang tigre sa loob ko.
Well naiinis ako kay Uno pero hindi sa puntong ganito. Kay Simon, gusto ko siyang sigawan magdamag at sakalin na rin para mailabas ang inis ko.
"Simon, can you please accept this? Pinaghirapan ko 'to."
I stopped on my tracks.
Wala sa sariling naiyukom ko ang mga palad ko habang naipapasok sa utak ko kung ano ang nakikita ko. I didn't know that it will feel this way, naramdaman ko kung paano unti-unting pinupunit ang puso ko.
Damn.
I'm in deep shit.
Sigurado na ako. Sigurado na ako sa nararamdaman ko. Masama ito, masakit sa puso at kahit kailan hindi maaari. Ayoko nito..
"Sorry, I can't. Just give it to someone else." Ani Simon.
Instead of feeling good about what I heard he answered. Mas nasaktan lang ako. While I'm seeing him right now with a girl, nasasaktan ako. The girl can freely say what she feels without thinking about anything but me?
A simple look can change everything. Sa arts, we believe that eyes can't lie. Makikita lahat dito at kasama dito ang nararamdaman ng isang tao.
"Tulip?" Tawag ni Simon sa akin.
Ngayon ko lang napansin na nakatingin na sila sa akin nung babae. The girl is holding something like a small box, looks like she's an admirer. Napalunok ako at hindi napigilan ang sarili na hawakan na ang leeg ko.
"Simon, wait.. please accept my gift. Just accept it and I'm good to go, I promise." Rinig kong wika nung babae.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko. Huminga ako ng malalim at mabilis na tumalikod, kasabay non ay ang mabilis na pagtakas ng mga luha sa mata ko. I was breathing so slow to stop the pain but it didn't even help.
"Why are you crying?"
Nag angat ako ng tingin sa taong nagsalita. Sa munting pagtatama ng mga mata namin ay lalo akong naiyak. Nanglambot ang puso ko at may naramdaman ako doon. I felt comfortable..
It was Reig Cruz.
I never thought that I can cry like this in front of him. Hindi man ako nakaramdaman ng hiya.
"Nothing.." mahinang tugon ko.
Yumuko ako at nakita ko ang pagkalaglag ng mga luha ko sa sahig. Napatakip ako ng bibig para mapigilan ang paghikbi.
This is just the start but it's also the end.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top