Chapter 19
Reig
"Really?" Hindi makapaniwala niyang wika.
Huminga ako ng malalim at tumango bilang tugon.
I may not have a stand on this but I don't want to see him in pain. If he, knowing that I won't hate him will make him feel better. I am more willing to give it to him.
"You're blushing.." he traced.
Sinamaan ko siya ng tingin kaya napahalakhak siya. Can he really joke in a time like this? How can he smile and joke around while everything in this world seems not right.
Mali sa puntong tinitignan ko siya ngayon.
"Okay, I'm sorry if I made you uncomfortable." Aniya.
Tumango nalang ako at napaiwas ng tingin.
"Let me help you with this.."
Napapitlag ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko. Napatingin ako doon at nahigit ko ang aking hininga nang makitang sinusuot niya sa akin ang seatbelt.
"Ako na.."
"Let me." Diin niya.
Inabot niya ang lock non at pinasok 'yon doon. He's too close that I can't help but lose my sanity. I can really smell him and it's making my world go grazy. I can see him so close, from his eyes to his proud nose and down to his gentle perfect lips.
Parang manunuyo ang aking lalamunan at labi sa paninitig ko sakanya.
Wala sa sariling binasa ko ang aking labi.
"Gusto ko mang tinititigan mo ako, wag muna ngayon. Nakakabading pero kinikilig ako."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Kita ko ang pagsilay ng ngiti sakanyang labi at namula na rin ang kanyang tenga.
"Simon, ano bang-"
I didn't finish what I was about to say, humarap siya sa akin at mas namilog ang aking mga mata kung may ibibilog pa ba 'to. He is really close, nasa isang closed space kami at ang kitid lang ng distansya namin. Talagang literal na tingin sa mata ang ginawa ko, hindi ko kayang tumingin sa ibang lugar.
Especially his lips..
I'll lose the guard I built for myself if I looked down to his sinful lips. Mas mabuti pang sarilihin 'to. Atleast no one will know about what I'm thinking right now.
God will know and I will tell God everyday that.. God, please forgive me.
"You're too close." I breathed.
"How I wish we can get closer." He breathed.
His eyes roamed down to my lips. Nanatili ito doon kaya halos hindi ako huminga para matigil ang pagwawala ng puso ko. Literal na nagwawala ito, parang nasa loob ko si Kingkong at siya mismo ang bumabayo sa dibdib ko.
Damn Tulip!
Huminahon ka please!
"Magkapatid tayo." Puno ng diin kong wika.
I said it with the most natural strong voice I can give but at the end, pinagsisihan ko 'yon dahil kahit mabilis ang emosyon na dumaan sa mga mata niya.. alam ko kung ano 'yon.
It was pain..
"Magkapatid?" Pag uulit niya.
"Simon.."
Kumunot ang noo ko dahil sa pag-ngisi niya. Nag angat siya ng tingin at pinagtuunan ng pansin ang aking mga mata. Mataman siyang tumitig sa akin, tipong nakalimutan ko na kung nasaan kami at ano ang dapat namin gawin. Mga mata nalang niya ang nakikita ko.
I can hear voices singing inside my heart, the sound is flowing through my veins, blood and capillaries. It's directed to my hypothalamus.
"Wag mong lagyan ng linya ang pagitan natin baka talunin ko 'yan. You know how high I can jump, right Tul?" He confidently said.
Bahagya pang humaplos ang kanyang balat sa aking braso kaya parang naramdaman ko ang magnitude seven na earthquake sa buong sistema ko. Napatikhim ako at napaiwas ng tingin.
"Let's go. Male-late na tayo." Pag-iiba ko ng usapan.
"Don't blush too much."
Napabuga ako ng hangin sa narinig ko mula sakanya at bago pa ako makapagsalita ay sinara na niya ang pintuan at lumipat sa tabi ko. Hindi ko na rin pinigilan ang sarili kong mapahawak sa leeg ko para kumalma.
I breathed slowly while I trying my best to relax. Sumandal na ako sa upuan at tumingin nalang sa labas. Tanaw na tanaw ang mansyon habang paalis kami.
I felt something scratched my heart.
If I won't stop this, I might destroy everything and includes the family that I outh to preserve.
Tipid akong ngumiti nang tanguan ako ni Adrianna nang makababa ako sa kotse. Lumingon ako kay Simon saglit pero mabilis akong umiwas ng tingin nang akmang titingin din siya sa akin. Nagmadali akong lumapit kay Rian at sinabit ang kamay ko sa braso niya.
Naramdaman ko ang paghihip ng hangin kaya kusang nahipan ang aking buhok. Bahagya pa kaming natawa ni Rian dahil doon.
Nauna na kaming maglakad at sumabay na rin sila sa amin.
Everybody stopped and took a glimpse of us. Bahagya akong dumikit lalo kay Rian dahil sa hiya. Ayaw ko talaga ang klase ng tingin na binibigay ng mga tao sa amin, kahit na puno ng pagkamangha ang mga 'yon ay hindi ko pa rin gusto.
It's rude to stare.. sana alam nila 'yon.
"Montgomery" narinig kong bulong ng isa.
Nangilabot ako sa pagtawag sa apilyido namin. Is it really such a big deal?
Pare-parehas naman kaming mga estudyante, same tuition and same benefits. Hindi nila kailangan titigan kami ng ganito ng dahil lang nasa politika ang pamilya namin.
"Guys.. dito na kami. Sa kabilang building pa kami" ani Kuya Ad.
Tumigil kami ni Rian sa paglalakad para mapalingon doon. Agad bumungad sa akin si Simon na nasa likuran ko lang pala at si Uno na nasa likuran naman niya.
Uno was smirking at me but when he noticed that I was looking at Simon, sumeryoso ang kanyang ekspresyon.
I faintly smiled at Simon and my heart made thousands of flowers when he smiled back. There is really something in his smile, hindi sa kamukha niya si Luke Hemmings o ano dahil si Agatha lang naman ata ang naniniwala doon pero.. tipong one in a million smile ang kanyang ngiti.
I wonder, ano kayang magiging tingin sakanya ng mga babae niyang kaklase? Dati, sa Ateneo, sikat siya lalo na sa mga ka-batch niya kaya I'm sure ganon din dito..
Something stirred inside me but I shook it off.
Pinilig ko ang ulo ko.
"Magkita kita nalang tayo mamayang lunch. Sila Gelo rin ay sa kabilang building pa." Ani Rian.
Kusa akong napatango sa sinabi niya. Umiwas na ako ng tingin mula kay Simon at inabala nalang ang sarili ko sa pag aayos ng schedule sa aking cellphone.
Kaming mga babae ay sa i'isang building lang naman kaya hindi naman ako mahihirapan na mag-isa at kaklase ko rin si Agatha kaya walang problema ang pagiging introvert ko.
Nauna ng umalis ang mga lalaki sa amin kaya pinanuod ko ang papalayong bulto ni Simon.
"Let's go" pagyaya ni Rian.
"Sa second floor kami ni Agatha" saad ko habang nakatingin sa schedule ko.
"Third floor kami ni Alice" ani Rian.
Tinungo namin ang ikalawang palapag.
"Sige dito nalang kami.. see you later at lunch." Ani Agatha nang makita na namin ang silid-aralan namin sa hindi kalayuan.
"See ya!" Ani Alice at yumakap pa sa akin.
Napahagikgik ako at sumama na kay Agatha papasok ng klase namin. Laking pasasalamat ko nang wala pang masyadong mga estudyante.
Agad na tumingin sa akin si Agatha.
"Saan mo gusto umupo?"
"Ikaw?" Agad kong balik.
Agatha is one of my protectors. Tuwing sobrang nahihiya ako, lagi siyang nandyan lalo na at kaklase ko siya since we were Kinder pero sa ngayon, gusto ko ay hindi na ako ang laging masusunod.
She always consider me na tipong nahihiya na ako dahil unfair ito para sakanya.
"I can manage everywhere. Ikaw?" Balik niya muli.
Napanguso ako at napalibot ng tingin sa buong lugar. My eyes were caught and glued to the place where I mostly want to seat. Sa likod at dulo 'to, mukha namang nakuha ni Agatha ang gusto ko dahil hinila niya ako papunta doon.
"Dito nalang tayo." Aniya at inupo ako sa upuan ko.
Umupo naman siya sa tabi ko at sinabit na ang bag niya sa bag holder ng desk. Ako din ay ganon ang ginawa habang nasakanya pa rin ang tingin.
"Sigurado ka bang gusto mo dito? Ayaw mo sa harap?" Tanong ko.
"Oo naman no! Okay ako dito, tsaka aantukin ako sigurado! Agad akong makikita sa harap!" Aniya habang natatawa pa.
Hindi ko tuloy mapigilan ang matawa na rin. Tama naman 'yon, kadalasan ay tinutulugan lang ni Agatha ang mga klase namin lalo na at sigurado na siya sa gusto niyang maging isang sundalo. Pampalipas oras nalang daw niya 'to habang nag hihintay ng approval.
Besides, she's smart enough to learn about this things. Tuwing pumupunta kami sa kompanya ng pamilya namin sa mother side, we can see actual application of what we're learning kaya hindi na kami nahihirapan.
"Alam mo, Gelo was really funny kahapon. He went to my room and asked me to sleep beside him. Natatakot daw siya dahil nanuod siyang Conjuring two." Kwento ni Agatha sa akin.
"Si Gelo?" Hindi makapaniwala kong wika.
Memories of Simon sleeping in my room flashed through me. Kung si Agatha, nagagawa 'yon ng walang kahirap-hirap bakit ako hirap na hirap. Everything seems so normal for her and Gelo while me and Simon seems so complicated.
Siblings are outh to love each other but.. what kind of love?
Noong highschool kami, tinuro sa amin ang different kinds of love and I'm sure, what I'm feeling for Simon is not that typical sibling bond. Ang mga pag iisip na ganito, kailangan kinukulong sa utak, hindi na nilalabas at dapat sinusunog at binabaon sa limot.
Mababaw palang naman ito, hindi naman siguro ako mahihirapan alisin sa isip ko 'to. If ever na lumayo si Simon sa akin at bumalik kami sa dati kung saan hindi kami nag uusap madalas, baka maging okay na din ako.
"Tul?"
Kailangan ko rin ng ibang pagkaka-abalahan para ma-divert sa iba ang attention ko. Maybe at that time, maiba na rin ang tinatakbo nitong puso ko.
I need a major divertion.
"Tulip Montomery!"
"What?"
"Anong problema mo?"
"Si Simon."
"Ano?!"
Maagap akong napalingon kay Agatha sa pagtaas ng boses niya. Para siyang na heart-attack sa narinig niya at doon ko lang narealize ang sinabi ko. Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng bibig.
Tanga!
Ang tanga tanga mo Tulip! Hindi ka talaga nag iisip! How in the world can you say that in front of Agatha.
"Nag away na naman ba kayo?" Tanong niya.
"Hah?"
Inalis ko ang pagkakatakip ko sa aking bibig dahil parang nawalan din ako ng tinik sa puso nang marinig ko ang sinabi niya. Napangiti ako at napailing, hindi naman talaga kami nag away.
Gusto ko na ngang untugin ang sarili ko sa pader, ako lang ata ang weird dito. For everyone, everything seems normal pero dahil sa ginagawa ko parang nasa akin lang ang mali.
"Hindi naman, small misunderstanding lang." Paliwanag ko.
Napangiwi siya. "Kung ako sa'yo, bayaan mo nalang siya. Alam mo naman si Simon, magkaka-utak sila ni Uno, Dos at Clyde. Isama mo na si Kuya Ad pati si Gelo. Si Kuya Carl lang naman ang normal sakanila. Mga utak grade-school pa ang mga 'yon!" Natatawa niyang wika.
Parang hihimatayin siya sa pagtawa kaya natawa nalang ako. Natawa ako dahil sa tawa niya at hindi dahil sa sinabi niya. Kung alam lang niya, hindi lang ito simpleng problema.
I badly want to tell her but I just can't. Natatakot ako sa magiging sagot sa akin at sa magiging resulta nito. Ang pinaka magandang gawin ngayon ay gawin lahat ng makakaya ko para kalimutan ang virus na 'to. I need to to do something first, kung kaya naman mas maganda kung tapusin ko na ngayon.
Naniniwala ako na mawawala din 'to. God wouldn't put Simon in my life to be my brother if He intends this to happen. May rason kung bakit nangyayari 'to sa akin..
"Excuse me?"
Lahat kami ay napalingon sa harap. May mga ilan pang kulang na estudyante pero mukhang mag sisimula na kami sa klase. Ang nakakapagtaka lang, lalaking estudyante din ang nasa harap namin ngayon.
"Gwapo!" Hagikgik ni Agatha sa tabi ko.
"You sound like Alice." Tudyo ko sakanya
"Really? He is so gwapo kaya! Like duh!" Natatawang pang-gagaya ni Agatha kay Alice.
Napailing nalang ako habang natatawa. Binalik ko muli ang atensyon ko sa lalaking nasa harap ngayon. He was very confident, his hair can be defined as a clean cut while he has an artistic eyes that caught me off-guard.
Parang nakita ko na ang mga mata niya..
"Good morning everyone. Mrs. Regala is not around so I was asked to deliver a message for her." Aniya.
His eyes roamed around and it stopped right in front of me. Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin. I felt off with the way he looks, something is wrong.
The way he looks at me is like telling me something but I can't comprehend what it is.
My heart beat boost not like when I'm around Simon but because I feel so uneasy. Kita ko ang pag hinga niya ng malalim habang tinititigan pa din ako. Unti-unti ay tumaas ang isang sulok ng labi niya para ngumisi.
He is smirking while looking at me.
"By the way, I am Reig, Reig Cruz." Puno ng kabuluhan niyang wika.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top