Chapter 18
Stick
Malalim ang aking ginawang paghinga. Mabigat ito at ang hirap gawin. I never imagined that breathing can be this hard.
We were just looking at each other. Nakatayo siya sa hindi kalayuan habang ako ay lumuluha sa harap niya. I saw that he was about to talk kaya ako na ang gumawa ng paraan para matapos na ang pag hihirap sa aking puso.
I did what I had to.
"Please Simon, stop this." Puno ng pagmamakaawa kong wika.
"Tul-"
Bago niya pa matuloy ang sasabihin niya ay pinatay ko na ang tawag at mabilis na tumalikod. Nag madali akong maglakad para masiguradong hindi siya makakahabol. Para akong hinahabol sa ginawa kong paglakad.
Kaliwa't kanan ang ginawa kong pag punas sa aking mga luha.
While making my way outside, pilit na pumapasok sa utak ko ang ekspresyon niya bago ako tumalikod. It breaks my heart into small little pieces.
Pain was so evident in his eyes.
"Hey.. what happened?"
Hindi ko pinansin si Kuya Carl at dere-deretsong pumasok nalang sa kotse niya. Umupo ako sa dulo, malapit sa bintana para makakuha ng sapat na hangin.
Siguradong sasakay na rin si Simon in no time and I don't know how to act okay when I am not actually okay. Pakiramdam ko ay nasasakal ang puso ko at unti-unti itong nawawalan ng dugo. It's like I'm draining from within.
Everything makes sense now..
Juliet, Uno's words, Simon's words and actions, I understand everything now. I can't transform everything into words but within me, I know what it is. Pero yun ba talaga ang problema?
Hindi lang 'yon.. it's just a part of it.
The problem is, I feel the same.
The illicit feeling I have for him will make it worst.
"Nag away nanaman ba kayo?" Rinig kong usapan sa labas.
"No." Malamig na tugon ni Simon.
Naiyukom ko ang mga palad ko nang maramdaman ko ang taong pumasok sa kotse at walang pag aalinlangang umupo sa tabi ko. I don't need to confirm who's beside me, amoy palang niya alam ko na.
Reaksyon palang ng puso ko, alam ko na.
"Tul, please talk to me." Puno ng pagsusumamo niyang wika.
Nanatili akong nakatingin sa labas. Nagwawala na naman ang kalooban ko, I can feel his hot stare beside me. Matutunaw ako sa ginagawa niya.
"Tulip.."
Rinig ko ang paghinga niya ng malalim. Alam ko naman na nahihirapan siya pero hindi ko talaga siya kayang harapin. Lalo na sa mga narinig ko kanina.
Ano namang sasabihin ko?
Great! I feel the same. Let's live happily ever after.
What the heck? Nasisira ang pagtingin ko sa mga fairytales dahil dito. Things like this are not butterflies, unicorns, rainbow and flying hearts.
It's pain, thorns, dark and storm..
"Oo, nasa bahay daw sila dad. Pero ayaw nilang magpa-istorbo lalo na at nasa study daw sila. He told me not to worry because food is ready." Rinig kong wika ni Clyde pagkapasok niya ng kotse.
Kuya Carl followed and he's the one sitting on the driver's seat.
"Okay, good." Ani Kuya.
Namayani ang katahimikan pagkatapos non. Nakatingin lamang ako sa labas habang hinahayaang hipan ng hangin ang aking buhok. Unti-unti ay kumalma na ang aking puso kaya sumandal na ako sa upuan.
Kung maaari lamang tangayin ng hangin lahat ng nararamdaman ko..
Sinara ko na ang bintana nang buksan ni Kuya Carl ang aircon. Naramdaman ko ang pagdikit ng balikat sa akin ni Simon kaya parang nanigas ang aking katawan. Binasa ko ang aking labi para matigil ang namumuong bagay sa loob ko.
The cold air from the aircon is nothing because of what I am feeling right now. Ang balikat niya ay sadyang hindi nakakatulong sa lahat ng nararamdaman ko.
"Nag away nanaman ba kayo?" Pagbabasag ni Kuya Carl sa katahimikan.
"No." Sagot ni Simon.
"Ayoko ng nagsisinungaling. Magsabi kayo ng totoo sa akin." Matigas na wika ni Kuya.
Mariin akong napapikit sandali dahil doon.
"Chill, Kuya.." ani Clyde.
Tumawa pa siya na parang pinapagaan niya ang usapan pero natahimik siya nang hindi kumibo si Kuya Carl. Bahagya pa siyang tumingin sa amin pero napaiwas nalang ako ng tingin.
Kuya Carl is serious, pag seryoso siya ay wala talagang makakagiba ng pader sakanya.
"Just a little fight, Kuya. Pinag ti-tripan lang ako ni Uno at Simon." Paliwanag ko.
Ramdam ko ang pagbaling ni Simon sa akin ng tingin pero hindi ko ito pinansin. Kuya Carl has a soft spot for me, lagi niya akong pinagbibigyan at kinakampihan kaya alam kong tatanggapin niya lahat ng paliwanag ko.
"Yun naman pala, Kuya. Small fight lang." Masayang wika ni Clyde.
Gusto kong mapa-facepalm nalang sa ginagawa niya. I can't imagine that there's a comedy in this very serious situation.
Narinig ko ang pag buntong-hininga mula kay Kuya Carl.
"Shut up, Clyde." Aniya.
"Oo nga.. sabi ko nga, Shut up nalang ako." Nakangiwing wika ni Clyde at nanahimik nalang ulit.
"Ikaw, Chase? Wala ka bang sasabihin?" Tanong ni Kuya.
"You sound like dad right now."
Napalingon ako kay Simon dahil sa sagot niya. I bit my lower lip while looking at his slightly curved lips. Nakangisi ito habang nakatingin sa gawi ni Kuya.
"I'm in charge. Wala si dad kaya ako ang may responsibilidad sa inyo."
Mas mahinahon na ang kanyang boses ngayon kaya alam kong okay na siya. Pabalik-balik lamang ang tingin ko sakanilang dalawa ni Simon dahil natatakot akong may sabihin si Simon na hindi tama.
I know him, he's not even a little bit afraid.
"What Tul said was true. It's just a little fight but I'm gonna fix it. Ayaw ko na kasing nagagalit si Tulip sa akin. I hate it.."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. My heart almost leaped out from my chest. Parang nagkaroon ng fire alarm sa buong sistema ko. Nakatingin lang ako sakanya dahil pinoproseso pa ng utak ko ang mga salitang lumabas sakanyang bibig.
Nag iisip ba siya?
How can he say that? Sa harap pa ng mga kapatid namin? I can't believe this!
Mababaliw ako!
"Tama yan, you're older so you need to fix this. Be a man enough. Be true to your words and stick with them. We promised mom and dad to protect Tulip and that includes making her happy."
Nakuha ni Kuya Carl ang atensyon ko dahil sa sinabi niya. Hinaplos ng kung anong mainit na bagay ang aking puso. Napangiti ako nang makipag-apir si Clyde kay Kuya at hindi ko napigilang mapahalakhak nang guluhin ni Kuya ang buhok ni Clyde.
Parang noong mga bata lang kami. I can still remember our good days, pati na rin ang promise na 'yon.
"Of course Kuya, I'm true to my words. I stick with them." Puno ng kabuluhang wika ni Simon.
Napasandal nalang ako ulit sa upuan at mariing pumikit. I let my heart race and trip for a couple of times. Dinama ko 'to at pinakiramdaman ng mabuti. Images of what happened a while ago, flashed in me.
The open book Simon is slowly turning into a thick, closed and blurry one.
"Stop following me, guys." Daing ko habang palabas ng kwarto ko.
Pagkarating ng bahay kanina ay nag lunch na kami. Binilisan ko ang pagkain dahil nakatabi sa akin si Simon at ang nasa kabilang side ko naman ay si Uno. Hirap na hirap akong ngumuya kaya halos lamunin ko ang pinanggan para matapos na ako sa pagkain.
It's hard to eat when Simon would call my name once in a while just to ask a favor like get the bowl of rice for him and stuff. Si Uno naman ay hindi na Tulip ang tawag sa akin, Juliet na. Sarap nilang pag untugin! Hindi ako nakakakain ng maayos dahil sakanila.
I sneaked away from them and locked myself in my room pero talagang ayaw akong patahimikin ng mga tao dahil ginugulo ako ni Alice at Agatha. Wala ata silang magawa at ako ang napagtripan.
What's wrong with everybody? Uso ba na pahirapan ako ngayong araw? I suddenly felt so tired.
"Eh kung.. mag out of town nalang tayo?" Suhestyon ni Alice.
Napailing nalang ako at pumasok sa kwarto ni Adrianna. I didn't even bothered knocking, basta ang nasa isip ko ay kailangan ko ng kausap.. yung matinong kausap.
Sa tahanang 'to, si Adrianna lang ang may sense.
We found her lying in her bed while facing the ceiling. Mabilis siyang bumalikwas ng upo nang makita kami doon. Mukhang malalim ang iniisip niya base sa reaksyon niya.
"Hindi ba kayo marunong kumatok?" Bungad niya sa amin.
Umupo ako sa kama niya at sumunod ang dalawa. Si Adrianna naman ay bumalik ulit sa pagkakahiga.
"Ate naman.. para namang kailangan pa kumatok." Wika ni Agatha.
"Ano bang problema niyo? Wala na ba kayong mapuntahan at dito sa kwarto ko kayo nanggugulo?" Tanong niya.
Pinanuod ko silang hilahin si Rian pa-upo. I want to talk to her about everything. Deep inside me, gusto kong ilabas 'to. This is too much for me to keep and I want to tell someone about it.
Kahit nakakatakot ang magiging reaksyon niya at baka kamuhian niya ako ay may maliit na pag-asa pa rin sa akin na baka maintindihan niya ako.
A little bit of hope that she'll help me get through this.
"Rian, pinoproblema ni Tulip ang birthday niya." Ani Alice.
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Kaya nga ayaw kong ikwento sakanila ang naging usapan namin ni daddy tungkol sa birthday ko, it will turn into a big thing. Though wala pa namang plano, I know dad and he'll do everything to make my birthday celebration a topic to talk to.
"Akala ko ba ayaw mo mag party?" Tanong ni Rian.
Humiga ako sa tabi niya at tumingin din sa kisame.
This is nice.. I should do this once in a while. Nakaka-relax ang pagtitig sa kisame. Parang nakatingin sa kawalan at nakakalutang ng pagiisip.
"Mapilit si daddy. You know them.. tsaka feeling ko gagamitin nila tong party to invite important people." Paliwanag ko.
I understand dad if he'll do that. Una palang na pagpasok niya sa politika ay alam ko na mag iiba ang buhay namin. We'll be public figures even though we don't want to. I want to help him but not with this.
Ayaw ko ng mga enggrandeng celebration. Instead if enjoying, baka mag mukmok lang ako sa gilid.
"Tell him na mag dinner nalang. Atleast they can invite people over.." suhestyon ni Rian.
This is what I'm talking about. She has the sense that I badly need right now but I can't talk to her if Alice and Agatha won't leave.
Hindi sa hindi ko sila pinagkakatiwalaan pero hindi ordinaryo ang problemang 'to. Just the mere fact of thinking about it makes me so scared and shiver in fear. Rian is the safest person I can talk to.
"Parang hindi ko naman party non, wala akong bisita.. siguradong puro mga taga-politika ang dadating." Pilit kong pag sagot.
"Tul's right. Wala pa tayong mga kilala rito. Who will she invite?" Pagdadagdag ni Agatha.
Wala naman ako maiimbitahan. I can't invite our cousins from the mother side, hindi ko kayang abalahin sila para bumyahe from Manila to Cebu just for my birthday.
Hassle na 'yon para sakanila at kahit kailan ayaw kong maging sagabal at pabigat kahit kanino.
"Ganito.. let's make plan A and plan B." Ani Rian.
Halos mapakanta ako ng Salamat sa liwanag mo..
Napaupo ako ng maayos para makinig sa sasabihin ni Rian. I trust her, alam kong kung ano man ang iniisip niya ay siguradong makakabuti para sa akin at para sa lahat.
"What's the plan?" Excited na tanong ni Alice.
Napangiti ako dahil doon.
"Plan A, tell Tito Ivor to let us have an out of town. Like Tagaytay.. pero if hindi pwede, no choice.. Plan B."
Kumunot ang noo ko.
Plan B?
"What's plan B?"
Ngumisi siya at bumagsak muli sa pagkakahiga. Si Agatha naman ay humilig sa likod ko kaya sumandal din ako sakanya. Bahagya pa akong napahagikgik nang mauntog ang ulo ko sa ulo niya.
"Celebrate your birthday with the politicians.."
Namilog ang mga mata ko at natawa dahil sa suhestyon niya. Pinalo siya ng marahan ni Agatha kaya nakisama na ako sa pagpalo sakanya. Tawa lang kami ng tawa lalo na at sigurado akong pare-parehas lang kami ng mga iniisip.
"Rian naman! Wala bang plan C?"
"Meron naman.." mahina niyang wika.
"What?" Tanong ko.
"Let's escape" matipid niyang sagot.
Napaawang ang labi ko at natameme sa harap niya. Nagkibit balikat siya at tumawa. Napanguso ako at natawa na rin. I can't imagine we think like this, naiisip ko palang 'to ay parang nakikita ko na ang galit na mukha ni daddy.
Pero kahit ganon ay gusto ko pa rin. Tama si Rian. A get-away trip will be the best choice. I need to breath too and maybe.. I can comprehend everything there. Baka doon ko maayos ang sarili ko at makumpirma ko mismo sa sarili ko ang mga nararamdaman ko.
"Gosh! I like Plan A" saad ni Alice.
"I like Plan C" Ngising wika ni Agatha.
Napatingin sila lahat sa akin para sa huling desisyon. Bumuga ako ng hangin at napaisip. I hate making decisions. Lalo na kung sa akin nakasalalay ang lahat.
I hate it when the last choice will come from me. It's like being responsible for everything.
"Well.. Plan C sounds better" saad ko at ngumisi.
I still need vacation. Bahala na ang mga problema. It's my birthday so I should get to choose what I want to. For my happiness and for me..
Humiga kami ng sabay-sabay at tumitig sa kisame. Rian reached for my hand and held it tightly.
"Plan C then.." napatawa kami muli dahil sa pagsang-ayon na ni Alice.
"Okay na ba ang gamit mo?" Tanong ni Kuya Carl sa akin.
Tumango ako at bahagyang pinakita pa ito sakanya. First day of class ngayon at abo't langit na ata ang aking kaba. Maraming tao nanaman at siguradong kami nanaman ang magiging usapan. Parang kagabi lang, nasa local news ang apiliyido namin.
Can't we have a normal school life?
"Papasok na kayo?"
Napalingon ako kay mommy na palapit sa amin. Mabilis niya akong yinakap kaya napangiti ako. Humiwalay siya sa akin at inayos ang buhok ko.
"Ganda ng baby ko. Stick with your brother, okay?"
Napangiwi ako. "Mom! I'm old enough!" Depensa ko.
"You're still my baby!" Natatawa niyang wika.
"Mom! We need to go." Ani Clyde at humalik na kay mommy.
"I know. Take care." Aniya at yumakap din kay Simon at Kuya Carl.
Nahagip ko pa ang pagsulyap ni Simon sa akin. Hindi pa kami nag-uusap kaya hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya ngayon pero mas maganda na siguro 'to. Tahimik ako, tahimik din siya.
Hhihintayin ko nalang na maging maayos ang lahat at bumalik sa normal.
Lumabas na kami at nagbigay ng huling paalam kay mommy. I waved my goodbye and smiled at her. Tuwing nakikita ko si mommy, namumulaklak talaga ang puso ko. I feel like she's somehow my angel.
Maybe because she's my mom.
"Sino ang sasabay kay Uno?" Tanong ni Dos.
Ito nanaman tayo sa horror car.
"Dos, sayo ako sasabay" ani Alice at mabilis na sumakay sa loob ng sasakyan ni Dos.
Natatawa akong pasimpleng nagtago sa likod ni Kuya Carl.
"Walang sasabay sa akin?" Gulat na tanong ni Uno.
Nagtanong pa talaga siya?
"Okay.. we'll let you decide. Sino ba ang gusto mong isakay?" Tanong ni Clyde.
Ang kapal naman niya kung meron. Gusto niya ba maging mamamatay tao?
"What the heck? Anong klaseng tanong yan, Clyde? It's like you're asking Uno, who does he want to kill?"
Napahalakhak na talaga ako sa sinabi ni Kuya Adrian pero natigil ako sa pagtawa nang makita ko ang seryoso niyang mga mata na nakatuon sa akin.
"Well.. I prefer Tulip"
Napaawang ang aking labi.
Ako?
"H-huh? A-ayoko nga! Mag bibirthday pa ako! Ayoko pang mamatay" Pagdepensa ko.
I don't want to wreck my brain by transalating his out of this world messages. Out of context ito at siguradong pati alien ay mahihirapan intintindihin 'to.
Napatingin ako kay Rian na nakatingin din sa akin pero napaiwas ako ng tingin.
She's trying to read me..
"Sa akin sasabay si Tulip" ani Simon at hinila nalang ako bigla.
"Simon!" Daing ko nang mabilis niya akong naipasok sa sasakyan niya.
"Stay still!"
Naitikom ko ang bibig ko sa paglakas ng boses niya. Kita ko ang galit sa mga mata niya kaya kusa nalang akong natahimik. His eyes were blazing with fire and I suddenly had the urge to touch his face but I didn't.
I don't have the courage..
"Tul, please.. kahit ngayon lang. I'm begging, let me stay beside you. I'll go crazy thinking that everyone can talk to you.. lahat sila pwede pero ako? Pati ata pagtitig sa'yo bawal. It's forbidden because everytime I look at you, my feelings go deeper and I know you'll hate it. You'll hate me."
Namilog ang aking mga mata sa sinabi niya. Napahawak ako sa aking leeg dahik sa panginginig ng kamay ko habang nakatitig sakanyang mga mata. Puno ito ng emosyon at malulunod na ako sa mga 'to.
His eyes will make every girl go crazy.
Though beyond his expressive eyes, I can feel his pain.
Pero anong gagawin ko? I don't have a stand on this. I don't even deserve one.
"I won't hate you.." bulong ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top