Chapter 16
War
"Panaginip lang 'to." Bulong ko.
It's more of convincing myself that this is just a dream. Maari naman mangyari 'yon, maaring panaginip lang 'to dahil siya ang taong bumabagabag sa akin ngayon. He's the last person I thought before sleeping kaya siguro pati sa panaginip ay hinahabol niya ako.
I need to come up with reasons.
Narinig ko ang paghalakhak niya dahil sa sinabi ko. He pulled me closer to him, kung may ilalapit pa ba ako. I can really smell him and it's intoxicating.
Ikamamatay ko talaga ang kabaliwang ito.
"Wag kang tumawa! They might hear you!" I hissed.
Lalo lamang siyang humalakhak. Napangiwi ako at lalo lamang siyang natawa nang makita ang reaksyon ko. Gusto ko man siyang kurutin sa tagiliran niya ay hindi ko ginawa. Baka lalo lamang siyang mag-ingay at God knows how scared I am, right now.
"Then let them hear!" Natatawa niyang wika.
"What?" I hissed.
I tried looking at the back to see my cousins pero hindi ako hinayaan ng braso niya. Parang kadena itong nakapulupot sa akin. Lahat ng dugo ko sa katawan ay buhay na buhay dahil sa damang dama ko ang balat niyang nakadikit sa akin.
It's like, my blood is reacting to his blood. The funny thing was it shouldn't react this way, we have the same blood so we should repel but here I am feeling everything.
Mali 'to pero.. kahit ata umiyak ako ng dugo ngayon ay hindi naman mawawala agad 'to. Kung ano man ang bagay na 'to, kailangan kong maghintay. Darating din ang panahon na mapapansin ko nalang na hindi ko na 'to nararamdaman. Sigurado akong nalilito lang ako o baka naninibago lang sa closeness namin ang pagkatao ko.
"Baliw ka ba? Gusto mong marinig ka nila? Walang problema kung marinig nila tayong nag uusap pero paano kung.."
Napakagat ako sa aking labi. Hindi ko matuloy-tuloy ang gusto kong sabihin. I was too afraid.. I don't even want to say it. I don't want to name it because that will be the end of everything.
Napalunok ako at tinitigan ko nalang ang mga mata niya. I tried conveying my feelings through my eyes..
Paano kung, makita nila tayo? Your arms are wrapped around me and I'm not even pushing you away. My heart and body is accepting this and it is so damn wrong. Paano kung makita nila ang mga mata kong nakatingin sa'yo? Kahit anong mangyari, hindi ko matatanggap 'to.
I won't even accept this, myself.
I need a break. Hindi ko kayang isipin ang mga 'to. Hindi ko kakayanin..
"Sorry." Bulong niya.
He said it like he knows what's running in my head right now. Walang pinagbago ang mga mata niya, still as expressive as before. Still amazing..
"For what?" Tanong ko.
I should be the one saying sorry.. I'm feeling things that I shouldn't even feel. Oo nga at may mga ginagawa siyang mga bagay na hindi dapat ginagawa pero ngayon ko lang naisip na baka na mis-interpret ko lang ang mga 'to. It was all brotherly love but because I'm not used to it, naging big deal sa akin 'to.
While me? My feelings are.. more complicated.
I can't believe I'm saying this.
"Just, I'm sorry.." bulong niya muli.
Marahan akong pumikit dahil inangat niya ang kamay niya at marahang hinaplos ang aking pisngi. He's just acting like dad, ganito si daddy sa akin kaya hindi ko dapat dibdibin.
This is not a big deal.
"Do you know the Sun and Moon Story?" Tanong niya.
Nagmulat ako ng mga mata at kita kong pinapanuod niya ako. Umiling naman ako bilang tugon. Marahan siyang ngumiti na nakapagpalambot naman ng puso ko.
"He died every night just to let her breathe. The Sun loved the Moon so much to die for her." Aniya.
It was short but it conveyed thousands of meanings.
At the back of my mind, bahagya kong naintindihan ang sinasabi niya. It made me feel something but I shook it off. Sapat na ang lahat ng 'to.. dapat ay hindi na lumala. Kung ihahambing 'to sa cancer, dapat ay mapigilan bago kumalat.
Kung hindi, ikamamatay ko.
"It's beautiful.." I breathed.
"Yes it is. Now sleep, wag mo akong isipin. Aalis din ako pag nakatulog ka na, just think that everything is just a dream. I am only a dream, touching you is just a dream and looking at you like this is just a dream. Even if it hurts.. think like that."
Sa lahat ng mga sinabi niya ay ako yata ang nasaktan. Thorns enveloped my being and it just fucking hurts. His words are the thorns and it was both sweet and painful.
Kung kaya ko lang isipin 'yon.. kung kaya ko lang lokohin ang sarili ko na panaginip lang lahat 'to.
"Goodnight, Simon." Mahina kong wika habang unti-unting pumipikit dahil sa pagod.
With that, I slept in his arms. It was our first night and it felt so right but wrong at the same time. My heart was beating so slow and it was silently dancing in his every touch.
Lord, save me.
Ngumiwi ako at kahit hirap ay pinilit kong ibalik sa ngiti ang labi ko. Luminga linga ako sa paligid at nag kunwaring tumitingin sa mga school supplies.
Ramdam ko sa loob ko ang pagkakulo ng dugo ko at talagang sasabog ako pag hindi tumino ang lalaking gumugulo sa utak ko.
"Anong plano for your nineteenth birthday?" Tanong ni Alice.
Lumingon ako sakanya at bahagyang natigilan pa. Hindi kasi ako nakikinig sa pinaguusapan nila kaya hindi ko alam na ako na pala ang topic. One week from now ay birthday ko na pero halos makalimutan ko na ito dahil sa maling bagay na nangyayari sa akin ngayon.
Still, I can't name it.
I shrugged. "Hm.."
Hindi pa kasi namin napagusapan ni daddy ang tungkol sa bagay na 'to. Si mommy naman kasi ay siguradong suportado lang si daddy kaya hindi ko siya pwedeng kausapin sa bagay na 'to. Tuwing tatanungin ko siya, siguradong 'Tanong mo sa daddy mo' ang isasagot niya.
"Ewan.. ayoko na sana maghanda kasi bongga na ang handa ko nung debut ko." Sagot ko.
Lumingon ako sa ballpen rack na nasa likuran ko para kumuha ng ballpens para sa aming lahat. Nasa bookstore kami ngayon dahil pasukan na two days from now pero wala pa kaming kagamit-gamit.
Nakapasa kami at sobrang saya namin dahil doon. Though Uno just laughed at the results dahil concluded na daw ito, aniya. Halos batukan ko siya nang marinig ko 'yon mula sakanya.
"Debut yon syempre. Kailangan bongga talaga. Ngayon.. 19th birthday mo. Sigurado ako na ipaghahanda ka ni Tito Ivor." Balik ni Agatha sa akin.
Napanguso nalang ako dahil doon. Inilagay ko ang mga ballpen sa cart namin at sinabayan si Gelo sa paglalakad para mag hanap pa ng ibang gamit.
I am never fond of parties, kahit nga noong debut ko ay halos pilitin ako ni mommy para gawin 'yon. Kung ako ang papipiliin ay dinner with the whole family ay okay na sa akin o kaya kahit wala na, tutal lagi naman kaming nag ce-celebrate kahit walang okasyon.
"Where are they?" Tanong ni Rian.
I know who is she talking about. Ito ang dahilan kung bakit naninikip ang dibdib ko. Kanina ko pa ito pinipigilan pero sumuko nalang ang sarili ko. Gusto ko ng mag mura dahil sa frustrations ko sakanya! Pinapahirapan niya ako ng ganito, I can't believe this.
Tinuro ni Alice at Agatha ang labasan ng bookstore kaya hindi ko napigilan na mapalingon doon. There I saw the person in my dream last night or so I thought. Basta pag gising ko ay wala na siya sa tabi ko at nakaharap na ako kay Rian.
Pag gising ko ay agad na bumagsak ang aking umaasang puso pero pinilig ko nalang ang ulo ko at tinanggap na baka nga panaginip lang 'yon. Bakit naman siya tatabi sa akin at yayakapin pa ako? Naka drugs ba ako?
Malamang naka drugs nga.
"Buti hindi kayo sumama doon?" ani Agatha.
Tinutukoy niya ang hindi pagsama ni Clyde at Gelo sa pag 'hunt' daw kuno ng mga babae nila Uno. And yes, kasama doon ang lalaki sa aking panaginip. Wala naman akong pakielam, hindi ko nga alam kung bakit umaapaw ang inis ko ngayon.
Maybe I woke up in the wrong side of the bed?
"Hindi naman kami ganyan Ate. I don't want to be like them." Ani Gelo.
Tama! Dapat ay 'wag siyang gumaya sa mga 'yon. Lalandi 'e! Pumunta kami dito para mag shop for School Supplies. Aba! Hindi ko alam na school supplies na pala ang mga babae ngayon? Ano sila, panulat? Pangkulay?
Just what the heck!
"Look at Uno and Adrian. They are being ravished by everyone" saad ni Alice.
Napaismid ako at napailing-iling nalang. Kuya Carl is being ravished too and even Simon! Kitang kita ko ang pagdikit at pagtulak ng babae sakanya. Anong akala nila? Nasa movie sila? Nakakadiri!
Breathe in, breathe out. This is just me being a protective sister.
Yes, Tulip. Fool yourself once more.
Konti pa.
"They're too famous." Agatha hissed.
Pinakasikat talaga sa mga babae ay si Uno at Kuya Adrian. Sa Ateneo before, Kuya Carl was popular to the seniors. Si Simon, Gelo, Clyde at Dos naman ay sa mga ka-age namin. Actually, lahat naman sila at gustong gusto nila 'to. Minsan si Gelo, ayaw ng atensyon pero nasa dugo ata namin talaga ang makakuha ng atensyon.
Though I am different, I don't like attention.
"Hayaan niyo nalang sila. Let's go." Saad ko at nauna ng tumalikod para maalis sa paningin ko ang hindi ka aya-ayang view.
"Ako ng kukuha sa pad papers." Ani Adrianna.
"Sure, doon muna kami sa mga envelopes." Wika ni Alice.
Umalis na si Adrianna at kami naman ay dumiretso nalang sa mga envelopes. Bahagya akong natigilan nang mahagip ng mga mata ko ang art section.
The art thing inside me woke up.
"Mauna na kayo, susunod ako. Punta lang ako sa art section." Pag papaalam ko.
"Sige, sunod ka agad." Ani Clyde.
I rolled my eyes at him and nodded.
Kakaiba na talaga si Clyde ngayon. Kuya na kuya na siya at hindi niya 'yon bagay. Being serious is not his forte, I would rather see him joke than see him like this.
"Nasaan na ba sila Uno?" Rinig kong reklamo ni Agatha.
Hinintay ko silang makalakad paalis bago ako tumalikod at pumunta sa art section. Para akong bata na ngayon lang nakakita ng mga paint brush. Agad kong inisa-isa ang mga 'yon para makapili ng bibilhin.
I really have a fetish for this.
"Hey moon."
Napapitlag ako sa narinig ko at mabilis na lumingon para makita ang nagsalita. Though inside me, I know who it is.
Kumunot ang noo ko at sinamaan ko siya ng tingin. Luminga linga ako sa paligid at tinignan kung may mga pinsan ba kaming naka-aligid. Nakahinga ako ng maluwag nang makita na wala naman.
This is so frustrating! Bakit ba ako nagiging conscious! Wala naman akong dapat ikabahala pero hindi ko mapigilan ang kabahan tuwing nasa malapit siya. My whole being is reacting towards him and I'm worried that I might do something impulsive.
I might do something that will make me regret for my while life.
"Moon mo mukha mo!" Mataray kong wika.
Binalikan ko nalang ang mga paintbrush at namili nalang doon. Ramdam na ramdam ko ang presensya niya sa tabi ko pero ginawa ko ang lahat para maging abala, para hindi siya pansinin.
Nag-uumapaw ako sa emosyon ngayon. Mula sa panaginip ko hanggang sa nakita ko sa labas ng bookstore ay ulit-ulit na nag lalaro sa isipan ko. Baka pag pinansin ko siya ay mabaliw nalang ako dito o kaya naman makapagsalita ako ng bagay na hinding hindi ko na maibabalik pa.
Words are powerful, we don't know how it can change something to everything.
"Sungit mo naman." Reklamo niya.
"Wala kang pakielam doon." Balik ko sakanya.
Kumuha ako ng tatlong brush at binalingan naman ng atensyon ang mga poster paint doon. Kahit alam ko na kung ano ang mga gusto kong kulay ay nagkunyari pa rin ako na hirap na hirap sa pagpili.
"Of course may pakielam ako."
Nangilabot ako sa lambing ng kanyang tono. Napaayos ako ng tayo at huminga ng malalim para makahinga. I'm losing ny breath because of him. Umaatake nanaman ang kaba sa aking puso kaya napahawak ako sa leeg ko.
"Lubayan mo ako, Simon. Stop messing with me. Doon ka nalang kina Uno. Mag hunt kayo ng mag hunt hanggang maubos niyo ang mga babae sa buong mall. Go and don't bother me." Mahinahon pero puno ng diin kong wika.
Dammit, Tulip! Your mouth!
Preno please!
Lumalim na ang paghinga ko at pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Inalis ko ang hawak ko sa aking leeg at kinuha nalang ang mga gusto kong kunin. I didn't even bother to look at him and his reaction.
"Mauna na ako." Paalam ko at humakbang na paalis.
"Are you jealous?"
I stopped on my tracks and felt my heart stopped for two seconds. Parang malalaglag ito sa bangin dahil sa tanong ni Simon. I know what to answer and it's a No but heck! I can't even open my mouth to say something.
Naramdaman ko ang presensya niya palapit sa akin kaya mas nawala ako sa hwisyo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I am in panic!
Mas hindi ko alam ang gagawin ko nang pumunta siya sa harapan ko at pilit na hinuli ang mga tingin ko. I don't want to look at him but he really tried his best to make me look at him. Hinawakan niya ako sa aking mukha at hinarap sakanya.
Eyes on eyes.
Nahigit ko ang aking hiniga at pilit na inalis ang pagkakahawak niya sa akin.
"Are you jealous? Answer me, Tulip. Make sure to answer properly. Piliin mo ang mga tamang salita kung hindi, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin kaya pagisipan mong mabuti ang isasagot mo." Seryoso niyang wika.
Huminga siya ng malalim at malambot ang tingin na iginawad sa akin. Nakakapanglambot ito at nakakawala ng hininga. Sa likod ng isipan ko, alam kong nawala na ako at kusang bumigay na sakanya.
"Choose the right words, sweetheart. Just one mistake, I'll cross every damn line in front of us."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top