Chapter 14

Moth

"Si Rian!"

Tinuro ko si Adrianna na nasa harap ng isang restaurant. He's with the dimple guy, if I'm not mistaken.

Mabilis na pinarada ni Uno sa harap nila ang kotse niya at binaba ang bintana niya. Sumilip ako sa bintana para makita si Rian. Nakita kong hinawakan siya sa braso ni dimple guy.

What is this?

"Rian!" Sigaw ni Uno.

Mabilis na napalingon si Rian sa amin at kita ang pagkagulat sakanyang mukha.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya.

"I heard you've been kidnapped. We're here to save you" Pag bibiro pa ni Uno.

Liningon ni Rian ang lalaking may dimples at may sinabi siya dito. Inayos ko ang sarili ko nang makitang tinalikuran niya na 'to at naglakad palapit sa kotse. Sumakay siya sa likod at ramdam ko ang bigat ng presensya niya.

Hindi pa naman niya nasasarado ang pintuan ay mabilis ng pinaandar ni Uno ang kotse na naging dahilan ng pagkahawak ko ng mahigpit sa seatbelt.

Akala ko ba dahan-dahan? Ano 'to?

"Fuck!" Napasigaw ako nang muntik na kaming makabangga ng kotse sa harapan.

Literal na liliparin ang puso ko dahil sa bilis niyang magpatakbo. I was silently praying for God to save us.

Damn you, Uno.

"Don't say badwords, sweetheart." Ani Uno habang humahalakhak.

Sweetheart..

I remembered something. The day I started feeling the unrecognizable thing inside me. It's a virus.. a deadly one. Ayaw ko itong pangalanan dahil sa oras na gawin ko 'yon, masisira ang lahat.

"Sweetheart your face! Kainis ka Uno. I'll die early because of you!" Inis kong wika.

Hindi ako pwedeng magpa-apekto. I need to act like there is nothing going on inside me. I need to act like the virus inside of me is not killing me. Kaya ko 'to, mapapatay ko ang virus na 'to.

I can escape.. I will.

"I'm not gonna do anything to hurt you. You know that." Madiin na saad ni Uno at mas lalo pang pinaharurot ang sasakyan.

Parang nalaglag ang puso ko sa sinabi niya. Of course, alam ko na ang katuloy ng sasabihin niya! He won't hurt me because Romeo will turn into a wild beast and I don't even know why.

Mabilis naming narating ang Mansyon at mabilis rin akong lumabas. Patakbo akong pumasok dahil hindi ko na kakayanin ang lahat. Mula sa bilis ng pagpapatakbo niya hanggang sa mga napag-usapan namin.

It's too much for a day, knowing na mahaba pa ang araw.

"Tul? Saan kayo galing?"

Natigil ako sa paghakbang nang marinig ko ang pagtawag sa akin. Sa sobrang pagod at kaguluhan sa puso ko ay hindi ko napapansin ang nasa paligid ko. Tuloy tuloy lamang ako sa paglalakad na hindi ko namalayan na nasa sala pala sila Kuya Carl.

"Sinundo namin si Rian." Saad ko at padabog na umupo sa tabi ni Kuya.

"With Uno?"

Tumalon ang puso ko nang marinig ko ang boses ni Simon. Nag-angat ako ng tingin at hinanap ang mga mata niya. Nagka-salubong ang mga mata namin at para akong malulusaw sa tingin na iginagawad niya sa akin.

Matalim ang mga tingin niya pero may iba pa akong emosyon na nakikita doon.

"Yes.." mahina kong sagot.

Looking at him right now, nag palit na siya ng damit niya. He's wearing a white sando and a jersey shorts.

"Adrian, bakit hindi ikaw ang sumundo sa akin? You're my twin!" Nakuha ni Adrianna ang atensyon ko dahil sa pag singhal niya kay Kuya Ad.

Pinanuod ko siyang umupo sa tabi ni Kuya Ad at humilig dito.

Napabuga ako ng hangin at bumalik ang tingin ko kay Simon. He was still looking at me and it's making me weak already. Kung tignan niya ako ay parang may ginawa akong kasalanan.

"I tried! Nung sinabi ni Agatha na sinama ka nung Osiris ay kinuha ko na ang susi ng kotse ko. Tulip said she'll come with me pero nagulat ako dahil mabilis si Uno."

What the heck!

That is so not true! I never said that! Tumatakas lang siya sa kasalanan niya at kung may tao man na kayang umiwas sa mapanuring mga mata ni Adrianna. It's none other than Kuya Ad.

"Binubusit lang ni Uno si Tulip. Alam niyo naman ang dalawang yan laging nag a-away. Natigil lang nung nakipagdate na si Tul pero ngayong wala na sila nung Ivan. Siguradong balik sa dati."

Napangiwi ako sa sinabi ni Kuya Carl. Si Ivan nanaman? Kailan ba mawawala si Ivan sa usapan? Sigurado akong pudpod na ang dila niya sa kakabanggit namin sakanya.

Tumingin nalang ako kay Kuya Carl dahil hindi ko na kaya ang mga tingin ni Simon. Sabi ni mommy, dad has the most expressive eyes but for me, it's Simon. Damang dama mo ang bawat emosyon sakanyang mga mata. Parang ngayon lang, liliparin ata ako dahil doon.

"Stop talking about us." Inis kong wika.

Napaawang ang labi ko nang itulak ni Uno ang mga tao sa tabi ko kaya napilitan akong mapatayo sa pagkakaupo. Ngumisi ito at sinamaan ko naman siya ng tingin. Luminga linga ako at dalawa lang ang bakanteng pwesto.

Sa tabi ni Uno at sa tabi ni Simon. Kung tatabi ako kay Uno, magugulo ang utak ko. Kung tatabi naman ako kay Simon, magugulo ang utak, puso at kaluluwa ko.

Nahuli ng mga mata ko ang mukha ni Simon. Masama ang tingin nito habang nakasandal sa sofa. Napakagat nalang ako sa labi ko at umupo sa tabi niya. Pumagitna ako sakanilang dalawa ni Gelo. Masyadong masikip kaya kahit mahirap ay damang dama ko ang mainit na katawan niya sa likod ko.

"Yeah.. Uno's just possessive because you're the youngest." Madilim na wika ni Simon.

Mariin akong napakagat sa labi ko at hindi nalang umimik. I can feel his hands on my back. It's making tiny circles and it's making my blood go crazy.

Bumagal ang takbo ng puso ko at lumakas ang pintig nito.

"Remember Luke, nakipagsuntukan pa yon para kay Kim." Ani Dos.

Tinutukoy niya ay ang mga pinsan namin sa mother's side. Anak ni Tita Jasmine si Kim habang si Luke ay anak ni Tito Joshua.

Hindi ko nalang sila pinansin at sumandal nalang din sa sofa. Nonsense naman sa buhay ko ang pinag uusapan nila. They're just bored kaya buhay ko ang pinag aaksayahan nila ng panahon.

Huminga ako ng malalim.

Lapat na lapat ang balikat ko sa balikat ni Simon. Parang gusto ko tuloy pag sisihan ang pagsandal ko pero kung aalis ako, baka kung ano pang isipin niya.

"Did something happen?" Mahina niyang wika pero sapat na para marinig ko.

"What do you mean?"

"Did Uno said something?" Deretso niyang tanong.

Bumalik sa akin ang mga napag-usapan namin ni Uno kanina. Mga salitang hindi ko naintindihan at mga mensaheng hindi ko naipasok sa isip ko. Communication is a two way process, I guess what we had a while ago is not even a communtication because I didn't receive the message he wanted me to receive.

Umiling ako bilang tugon.

"Wala naman. Kinwento lang niya yung mga bagay na nasabi ko na sa akin kagabi." Saad ko.

Lumingon ako paharap sakanya at napalunok nang magtama na ang mga mata namin. Kailan kaya ako masasanay na makita siya ng ganito kalapit? Tipong hindi na ako maiilang, babagal ang pintig ng puso at kakabahan ng todo-todo.

Looking at him is like being a moth that keeps on looking at the flame. A moth that is going towards the flame.

It shouldn't happen but it did.

"Okay.." he traced.

Kumunot ang noo ko. Mula sa nakabusangot niyang ekspresyon kanina ay napalitan ito ng pagpipigil ng ngiti. Alam na alam kong pinipigilan niya 'to dahil sa pamumula ng kanyang tenga.

Umiwas siya ng tingin at pinakawalan na nga ngiting pinipigilan niya.

"Anong problema mo?"

"Nothing, may naalala lang ako." Aniya habang nakangiti pa rin.

"Ano?"

Lumingon siya sa akin muli kaya nahigit ko ang aking hininga. Pinikit pikit ko ang mga mata ko dahil parang maduduling ako sa lapit niya. His eyes is shimmering right now.

It's amazing. It's heart pounding. It's magical.

"Naalala ko lang kung saan ako nagising ngayong araw." Aniya.

Namilog ang mga mata ko at mabilis siyang kinurot sa tagiliran kaya napadaing siya. Mabilis akong napatingin sa paligid dahil baka anong isipin nila pero laking pasasalamat ko nang makitang nag-uusap sila tungkol sa plano mamayang gabi.

"Dito nalang tayo matulog mamayang gabi. We can prepare the big comforter, kasya naman tayo lahat doon." Rinig kong wika ni Alice.

So tabi-tabi kaming lahat mamaya?

Dito? Sa living room?

Dahan-dahan akong humilig muli sa sofa at binaling muli ang atensyon kay Simon. Hinayaan ko na silang mag-usap tungkol doon. Wala sa sariling napahawak ako sa leeg habang nakikipag sukatan ng tingin kay Simon. Hirap na hirap ako pero siya, nag e-enjoy pa ata.

Pinanuod kong kagatin niya ang kanyang pang-ibabang labi kaya mabilis kong binalik ang mga mata ko sa mga mata niya. My heart is literally so slow that I can feel every movement inside of me.

"You're crazy.." bulong ko.

Lumawak ang ngiti niya at naging isang ngisi 'yon. Kailangan ko pa atang pulutin ang puso ko dahil ilang beses itong nalaglag sa bawat ngiti at tingin niya.

What is happening to me?

"You bet I am, sweetheart." Nakangisi niyang wika.

"Simon.. I don't understand you." Seryoso kong saad.

Nawala ang ngisi sa kanyang labi. Tipid siyang ngumiti sa akin at nanglambot ang mga mata niya.

"You shouldn't wish to understand me because I'm telling you, I don't even want to understand myself." Aniya.

Kumalabog ng malakas ang puso ko dahil doon. Magsasalita pa sana ako pero umalis siya sa pagkakahilig at umakbay kay Dos na katabi niya. Nakisama siya sa usapan tungkol sa gagawin mamayang gabi. Nagawa niyang makipag-usap habang ako ay hirap na hirap dito.

My heart is torturing me. It's eating me alive. I need to fight this or else, I'll die.

This is just an appreciation of his brotherly love. Yes, that's it.


"Wait, I'll just get us some dessert." Ani Dos at pumasok muli sa mansyon.

"Ice cream please!" Sigaw ni Agatha.

"Marunong ka palang mag please?" Rinig kong manunukso ni Uno kay Agatha.

Impit akong natawa dahil doon. Nilingon ko si Agatha at kita ko ang galit na galit na ekspresyon niya.

"Shut up, dickhead." Inis niyang wika.

Agatha! You got it!

Natawa ako dahil doon at nakisabay lahat. Uno's face was priceless! Para siyang nasaktan at nabuhusan ng malamig na tubig. Only Agatha can do this, only her.

Nasa garden kami ngayon, dito kami nag dinner dahil lumabas sila mommy para mag-attend sa isang political dinner. Nakapaikot kami ngayong lahat sa malaking pabilog na table.  Across me is Simon and Uno is seating beside him. Thinking about it, iwas lang ako ng iwas ng tingin.

"I'll make some music for us." Rinig kong wika ni Simon.

Nilingon ko siya dahil sa sinabi niya. Nakita kong hawak-hawak na niya ang kanyang gitara. Napasandal ako at hinayaang pakinggan ang pinapatugtog niya. Hindi siya kumakanta pero damang dama ko ang bawat nota na lumalabas sa gitara niya.

Bahagyang umawang ang labi ko sa narinig kong pinapatugtog niya. I never expected that he'll choose this song. I mean, I didn't even know that he listens to OPMs.

Ang tahimik kong puso ay nagulo muli. Parang hahaplusin ang puso ko sa bawat hagod ng nota sa aking tenga. It's very heart warming.

"Tulip sing it for us! Alam namin na alam mo 'yan!" Excited na excited na wika ni Alice.

Maagap akong umiling at umiwas ng tingin.

"Dali na!" Ani Agatha.

Binalingan ko si Simon na matamang nakatingin sa akin habang ang mga daliri niya ay abala sa pag gigitara. Wala namang masama sa hinihiling nila pero bakit parang bumaliktad lahat ng organs ko sa katawan.

Kung kakanta ako ngayon, alam ko na kahit kailan ay hindi na maaayos ang puso ko. This song speaks everything about what's running in me right now. Parang sinatinig ko na rin ang kaguluhan sa aking puso.

It will be a disaster on my part.

Distater for my heart.

"Tulip, go!" Pag-suporta ni Rian sa akin.

"Kung ayaw niya, wag niyong pilitin ang kapatid ko." Ani Clyde.

Tumigil si Simon sa pagtugtog at mas lalo akong tinitigan. Napalunok ako at pinigilan ang kamay kong humawak sa aking leeg. I'm so nervous right now. Hindi naiwasan ng mga mata kong lumipat kay Uno at kita ko ang nakakunot niyang noo sa akin.

Bumalik ang tingin ko kay Simon na malambot ang mga matang nakatitig sa akin. With his eyes, kumalma ng konti ang aking puso. Hindi napanatag pero kumalma..

"Okay." Bulong kong wika.

Nag hiyawan sila at bahagya pa akong inalog ni Rian dahil sa saya niya. Katabi ko kasi siya at gustong gusto daw niya naririnig ang boses ko. Siya lang ata ang may gusto sa boses ko, hindi ko nga alam kung pinupuri niya ako dahil sa mag pinsan kami o sadyang nagagandahan talaga siya dito.

For me, everything is beautiful. Especially voices, you don't know what can your voice do.

"Presenting! Simon and Tulip of the Montgomerys!" Hiyaw ni Kuya Adrian.

Parang pinunit ang puso ko dahil doon. Mas lalo akong nagkagulo. Dammit! Anong nangyayari sa akin? I'll die because of this. I need to stop everything. I need to stop being a moth. I need to stop going near the flame.

Mariin akong pumikit ng marinig ang pagsisimula ni Simon. He started it and in an instant, pati ang puso ko ay sumasayaw na dahil sa tugtog.

Sadya nga ba o tadhana na
Mula ng ikaw ay nakita sinta
Kislap ng 'yong mata ay nadarama
Na ikaw na nga
Na ikaw na nga

I started singing. Minulat ko ang mga mata ko at sinalubong 'yon ng mga mata ni Simon. His eyes were sending emotions and I don't know what to do. Gusto kong umiwas ng tingin pero parang may nagnetic force sa mga mata niya at hinihila ako.

At sa paningin pag ikaw ay wala
Sa isip ay laging nag aalala
Labis ang tuwa pag narito ka
Ikaw na ba?
Ikaw na ba?

I sang, I sang what my heart wants to say. Kinanta ko ang mga bagay na kahit kailan ay ayaw kong sabihin o isipin man lang. Linibot ko ang mga mata ko sakanilang lahat. From Kuya Carl's proud expression for me to Uno's detective eyes and lastly, Simon's expressive eyes.

It conveys too much emotions that I can't pin-point what are they.

Sa 'yong tabi ang puso'y 'di mapakali
Ngunit 'di mapaliwanag
'Di mapaliwanag
Pag-ibig sa iyo'y tumitindi
Ngunit 'di mapaliwanag
'Di mapaliwanag

Sa pagkanta ko ng chorus ay parang bumagal ang takbo ng puso ko. Everything stopped while I was singing. I can't even see anything except him. Kinilabutan ako sa mga katagang lumabas sa aking bibig.

It conveyed everything inside of me.

Singing this right now and looking at him like this made me realize one thing.

The moth finally got near the flame and it died.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top