Chapter 13

Doomed

"Kuya, nalasing siya kagabi. It's Uno's fault. It's just, I can't carry him to his room because he's too heavy." Pagdadahilan ko.

Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. This is killing me! Kuya Carl's eyes were looking at me intently. Pakiramdam ko tuloy, he didn't buy my excuse.

But I can't think of any excuse, that's the most logical one.

"Bakit hindi mo kami tinawag?" Masinsinan niyang tanong.

I need to answer faster, dammit!

"Well, tingin mo ba kuya maiisip ko 'yon? Syempre ang nasa isip ko nalang, makapag-pahinga si Simon atsaka makapag-pahinga na din ako. Isa pa, alam mo naman na ayaw kong nakaka gulo ng ibang tao. I don't want to make this huge gayong pwede naman siyang matulog sa kwarto ko." Depensa ko.

I badly wanted to touch my neck! I'm so tensed! Feeling ko, mali lahat ng sinasabi ko! Parang ang concern ko naman kay Simon. Pero, kapatid ko siya.. pwede naman 'yon.

Napalunok ako at hindi umurong sa titigan namin ni Kuya. Pag umiwas ako, ibig sabihin guilty ako. Wala naman akong ginawang masama, this is all just because I am concern for my brother.

Really, Tulip?

"Okay.." he traced.

Bumaba ang tingin niya sa hawak ko at tinaas niya ang isa niyang kilay.

"Para sakanya ba 'yan?" He asked the obvious.

Tumango ako.

Binigyan niya ako ng isang ngisi. Lumapit siya sa akin kaya mas lalong nag umapaw ang kaba sa puso ko. Tumigil siya sa harap ko at tinapik ang ulo ko.

"I never thought that I would see the two of you this close. This is such a surprise. Anyway, pagkatapos mong ayusin si Simon, bumaba ka na." Aniya.

Tango nalang ang naging sagot ko. Hinintay ko siyang makalabas ng kwarto ko atsaka mabilis na lumapit kay Simon. Binaba ko ang pinggan sa bedside table at napahawak sa leeg ko. Huminga ako ng malalim para kumalma.

My heart is pounding so fast. I need to calm down..

Nilingon ko si Simon at napabuntong hininga ako. Bwisit ang lakaking 'to! Nahirap-hirapan na ako kay Kuya Carl tapos siya masarap pa rin ang tulog?

Kakaiba!

"Simon.."

Tinusok tusok ko siya para magising siya. Kailangan na niyang gumising para makainom ng kape. Paglumamig 'to, wala ng saysay.

"Simon Chase, wake up." Pag uulit ko.

Bahagya ko pa siyang ginalaw para mas magising ko siya. Sobrang payapa ng mukha niya, parang ngayon lang siya nakatulog ng maayos. Gustong manikip ng puso ko habang tinititigan ko siya.

Bumaba ang hawak ko sa dibdib ko at wala sa sariling napakagat ng labi. My heart was beating slowly. Parang sumasayaw ito dahil kahit mabagal 'to, sobrang lakas naman nito. Masuyo ang pag pintig ng puso ko. Napakasarap..

"Simon kailangan- What the heck!"

Napatili ako dahil sa ginawa niyang pag higit sa kamay ko at mabilis na hinila ako pahiga. Half of my body is lying on the bed, dapat ay mahirapan ako pero sa ginawang pag-sapo sa akin ni Simon ay hindi ko naramdaman ang pagkahirap ng sitwasyon ko.

He made it comfortable for me.

"I'm dreaming.." bulong niya.

Kumunot ang noo ko at bahagyang gumawa ng distansya sa pagitan namin. Itinulak ko ng konti ang dibdib niya para makakuha ng suporta. Electric volts crawled in me. Dahil ba sa static electricity?

Nag angat ako ng tingin sakanya at halos mahigit ko ang hininga ko sa sobrang lapit ng mukha niya. His eyes were groggy while looking at me. His breathing was slow.. mabagal ito na para bang sumusunod sa bawat pintig ng puso ko.

"Dreaming?" Mahina kong tanong.

Tumango siya na parang bata. Hinigpitan niya lalo ang pagkakayakap sa akin at dinama ang unan ko sa ulo niya. Sumilay ang ngiti sakanyang labi habang ginagawa niya 'yon. I never saw this side of him.

"Seeing you in the morning like this can only happen in my dream. Hugging you like this is close to impossible. Having you in my arms will never happen in reality." Punong puno ng emosyon niyang sabi.

Parang may punyal na tumusok sa aking puso habang naririnig ang bawat katagang lumalabas sa bibig niya. It was magical.. kung sino man ang babaeng mamahalin ni Simon, siguradong napaka swerte. He has it all and he will give everything for that girl. I am sure of it.

Siguro.. akala niya ako si Juliet. He will never say this things to me. Syempre, we're siblings. Nakakatawa namang isipin na sasabihin niya 'to sa akin.

I am Tulip Montgomery, he is Simon Chase Montgomery. I don't need to elaborate. Our surnames will explain everything.

"You're not dreaming. Ako 'to, si Tulip. Bitawan mo ako at tumayo ka na diyan. Pinangkuha na kita ng breakfast. I'm sure hangover lang 'yan kaya para ka ng baliw." Saad ko.

Natigilan siya sa sinabi ko. Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin at parang bumagsak ang puso ko dahil doon. His eyes were still on mine and I felt the tingling sensation inside of me. Parang haplos ang bawat tingin niya.

Parang hindi siya makapaniwala..

"This is true.." he breathed.

Bagong gising siya pero mabango pa rin ang hininga niya. Pwede ba 'yon? Nababaliw na rin ata ako. I need to see a doctor, a good doctor.

"Oo kaya bumangon ka na diyan." Wika ko at kusang tumayo.

Inayos ko ang sarili ko at napasuklay ng buhok gamit ang kamay ko. Pinanuod ko siyang umupo at bahagyang napadaing dahil sa sakit ng ulo. Napangiwi ako at umupo sa tabi niya.

Inabot ko ang kape at binigay sakanya 'yon.

"Drink." Tipid kong wika.

His eyes wondered through my room. Ibinalik niya ang tingin niya sa akin at parang ibabaon niya ako dahil doon. Gusto kong mag reklamo sakanya at sabihing tigilan niya ang paninitig sa akin ng ganon pero syempre, hindi ko kayang sabihin 'yon.

Hinimas niya ang batok niya atsaka kinuha sa akin ang kape.

"What happened?" Inosente niyang tanong.

He doesn't remember?

Sabagay, I should be happy kasi hindi niya na-aalala. Ibig sabihin ay hindi ko kailangan problemahin kung paano ako makikutungo sakanya. This will make everything easy for me but I admit, a small part of me wanted him to remember. Kahit konti lang..

"Wala kang maalala kahit konti lang?" Tanong ko.

Uminom siya ng kape at parang nag-isip pa. Nanliit ang mga mata niya at mabilis na napasapo ng noo. Looks like he remembered something. I wonder.. what is it? Sa dami ng nangyari kagabi, ano doon ang na-aalala niya?

"Damn it." Mahina niyang mura.

Nag angat siya ng tingin sa akin at mabilis na namula ang tenga niya.

"Uno and I talked. He knows.. fuck."

"Wag mo akong murahin." Pag babawal ko sakanya.

"Sorry." Maagap niyang wika.

"Hindi na kita tatanungin kung anong pinagusapan niyo. I know it's a boy's thing. Tapusin mo nalang 'yan tapos bumalik ka na sa kwarto mo para makapag ayos."

Ayoko ng paghimasukan ang away nila. I know they can handle it already. Besides, I can see it through him.. na ayaw niyang may maka-alam non. Ayaw ko ng dagdagan ang mga bagay na makakagulo sa isipan ko.

Ayaw ko ng dagdagan ang mga bagay na makakabagabag sa akin. This whole Simon Chase thing is making my mind go in a roller coaster ride.

"Did I really slept here?" Puno ng kuryosidad niyang tanong.

"Ano sa tingin mo?"

"Oh.."

Pinanliitan ko siya ng mata dahil sa reaksyon niya. Kita ko ang pagpipigil ng ngiti niya habang namumula pa ang tenga niya. Para siyang nanalo ng lotto habang umiinom ng kape.

Ano kayang tumatakbo sa isip ng lalaking 'to?

"Labas lang ako, kakain na ako." Saad ko.

Tumango tango siya habang nakangiti. Hindi mabura-bura sa labi niya ang nakakaloko niyang ngiti. I suddenly had the urge to ask why but I didn't.

I'm afraid of his answers.

Nakakatakot ang isasagot niya. Minsan kasi, weird na ang lumalabas sa bibig niya. He says the most scariest things.

Tumayo na ako at tinungo ang pintuan. Pinihit ko ang sedura nito at sumilip pa sakanya bago tuluyang lumabas. Wala sa sariling napangiti ako nang makita ko siyang ginulo-gulo ang buhok niya habang nag pipigil ng ngiti.

Oh, Simon.. you're a drug.

"Nasaan si Rian?" Bungad ni Kuya Adrian sa may hamba ng pintuan.

We're in the kitchen, tumutulong ako sa pagluluto ng lunch. Kasama ko si Agatha at Tita Pia. Ang sabi sa akin ay lumabas daw ang mga lalaki kaya hindi ko sila naabutan kaninang umaga. Si Simon naman ay hindi ko alam kung bumalik na ba sa kwarto niya o ano dahil hindi na ako umakyat ulit.

Hindi ko siya kayang harapin kung nasa kwarto ko pa rin siya.

"Sinama ni Osiris Claveria, Kuya." Ani Agatha.

Binaba ko ang sandok na hawak ko at hinarap si Kuya Adrian. Kita ko ang pagpupuyos ng galit sakanya. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko, sabi ko na nga ba at hindi niya magugustuhan 'to.

"Alam niyo ba kung saan siya dinala?" Matiim niyang wika.

"No.."

Nakakatakot ang aura ni Kuya Adrian ngayon. Parang sasabog siya.

"Putang ina! Track her phone. I'll talk to dad about this shit. Ano 'to? Blind date? Bulagin ko kaya sila!" Inis na inis niyang wika bago tumalikod sa amin.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at ginawa ang sinabi ni Kuya Adrian. I tracked her phone, buti nalang at madali kong nakita kung nasaan 'yon.

Evergarden..

"I know where is it!" Saad ko habang nakatingin sa cellphone ko.

"Let's go. Sunduin natin."

Namilog ang mga mata ko nang may humawak sa kamay ko at hablutin ako palabas ng kusina. Mula sa kamay na humahawak sa akin ay nag angat ako ng tingin para makita kung sino ang lakaking 'to.

It was Uno.

"Uno, sabihin muna natin kay Kuya Ad." Pagpipigil ko sakanya habang hinihila ang kamay ko pero patuloy lang siya sa paghila sa akin.

"Sinabi ko na." Aniya.

"Huh? Paano?" Naguguluhan kong tanong.

Narating namin ang labas ng mansyon. Tinahak namin ang sasakyan niya at napalunok ako ng kusa. It's Uno's car. Parang nagpapakamatay na ako pag sumakay ako diyan.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at hinarap ako. Ngumisi ito at tinuro ang utak niya.

"Through telepathy." Nakangisi niyang wika.

I rolled my eyes.

"Telepathy mo mukha mo!" Inis kong wika.

"Sakay na. Bago pa maging wild beast si Romeo at Kuya Adrian." Natatawa niyang wika.

Tinagilid ko ang ulo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Tinaasan lang niya ako ng kilay at tinuro ang loob ng kotse niya. Napabuga ako ng hangin at padabog na sumakay sa kotse niya.

Romeo? Who the heck is Romeo?

Juliet..

Oh my mother! Simon?

But it doesn't make sense. Pinanuod ko siyang sumakay ng kotse at paandarin ito. Ang hirap talaga intindihan ng isang Uno Montgomery. Para akong sumasagot ng math exam tuwing tina-translate ko sa mas naiintindihan na salita ang mga sinasabi niya

"Where's your phone?" Aniya.

Napatingin ako sa phone ko at sakanya ulit. Anong gagawin niya sa cellphone ko?

Binalingan niya ako ng tingin at kumunot ang noo niya nang makitang hindi ko inaabot sakanya ang cellphone ko.

"I won't do anything. Kailangan ko lang makita yung location ni Rian." Nakangisi niyang wika.

Burn! Burn, Tulip!

Sarap burahin ng ngisi niya! Yabang! Para matapos na, inabot ko sakanya 'to at hinayaan siyang ilagay 'yon sa cellphone stand ng kotse niya.

Napatingin ako sa labas at agad kong napansin ang mabagal niyang pagpapatakbo ng kotse. I mean, it's not that slow but this is definitely not Uno's style! Ang normal niyang pagpapatakbo ay nakakawala ng kaluluwa pero ngayon ay tolerable na siya.

Bumaling ako sakanya. "Ang bagal mong magpatakbo?"

"Of course, gusto mo bang patayin ako ni Romeo?"

Nanatili ang kanyang ngisi sa labi.

"Simon?" Paninigurado ko.

"What do you think?" Pagbabalik niya sa akin.

"Ewan ko sa'yo!"

Nakakainis siya! Ang ayos-ayos kong magtanong tapos ganyan siya sasagot. Read between the lines palagi, I mean it's good but in times like this.. kailangan ko ng diretsong sagot.

Hindi ko kailangan ng mga bagay na magpapadagdag ng sakit ng ulo sa akin.

"We talked.." He traced.

Oh, now we're talking about yesterday. Sa kabila ng nakangisi niyang labi, nakaramdam ako ng pangamba sa sasabihin niya. Hindi ko alam kung bakit ako apektado sa bagay na wala naman akong kaugnayan.

"Yes, I heard that you made him drunk." I said with my most normal voice.

Nagpakawala siya ng halakhak dahil sa sinabi ko. Pailing-iling siya habang nagpipigil ng tawa. This is morbid, ang tagal niyang sabihin ang mga bagay na gusto kong malaman. He's laughing because he knows something that I don't and it's making me pissed.

"Tulip.. I did that to know something. I need to use my ways. Tignan mo, nakuha ko ang gusto kong malaman." Aniya.

Tumigil na siya sa pagtawa at sumeryoso na ang kanyang boses. Dahil dito ay mas naramdaman ko ang bigat ng pinaguusapan namin. What is it? What is happening between them?

"May kasalanan ba siya sa'yo? Kaya mo ba siya sinuntok? Okay na ba kayo?" Sunod sunod kong tanong.

Nilingon niya ako sandali bago binalik ang tingin sa harap ng sasakyan. Napalunok ako para mapahaba ang pasensya ko sa paghihintay. Parang may naririnig akong orasan sa bawat segundong dumadaan na hindi siya nag sasalita.

"Wala sa isip ko 'yan. Ang iniisip ko ngayon kung paano ko siya matutulungan." Aniya.

"What-"

"Look, I told you. Galit na si Romeo." Nakangisi niyang wika sabay pakita sa akin ng cellphone niyang nag riring.

May tumatawag sakanya at kumalabog ang puso ko nang makita ang pangalan ng taong tumatawag sakanya. He is Romeo, pero bakit naman siya magagalit? Hindi ko na makuha kung anong mga pinagsasabi ni Uno.

Mas lalo akong na ba-blanko habang nakikita ang pangalan ni Simon sa screen ng cellphone ni Uno. I suddenly want to hear his voice.

"He told me something that can destroy everything. He's doomed, Tulip. I want to help him but I don't have any weapon or plan. But thinking about it, mas lalaki ang problema kung malaman ko kung anong tingin ni Juliet sa problemang 'to. If she feels the same way towards him, then I'll just go crazy." Masinsinan niyang wika habang matamang nakatingin sa mga mata ko.

He's not joking. Seryoso siya sa lahat ng sinasabi niya kaya mas lalo akong natakot. I don't even understand anything he just said. Basta alam ko lang ay mabigat ang mga 'to.

Nakakatakot at mapanganib ito. Masisira ang lahat? Ganon kalaki ang problema ni Simon at Uno? How can I help? Can I even help?

Wala sa sariling napakahawak ako sa leeg ko. Nanginginig ang kamay ko habang pinipilit na ituon ang atensyon ko sa daan. Lumalim ang paghinga ko at bumigat ang puso ko. All I can think of is Simon.

Something whispered inside me.

I'm also doomed.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top