Chapter 12

Beautiful

"Hindi ko na kaya.." mahina niyang bulong.

Kumunot ang noo ko.

"Ano?" I breathed.

Naramdaman ko nalang na nahulog ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko. Mas bumigat siya at parang bumigay lahat ng bigat niya sa akin. Mabilis ko siyang sinapo at hinawakan sa braso niya.

"Simon?"

Tinapik-tapik ko siya at bahagya siyang gumalaw. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko at parang mababaliw ako dahil doon.

"Lasing ka ba?" Pag uulit ko sa tanong ko.

Tinanong ko siya kahit na alam kong hindi siya sasagot. I know he's sleeping already.

Linapit ko ang ilong ko sa leeg niya at bahagya siyang inamoy. Dahil sa taglay niyang bango ay hindi ko naamoy ang alak sakanya. Hindi ko ba naamoy o sadyang pre-occupied lang ako sa mga sinasabi niya para maamoy pa 'yon.

"You're drunk!" Inis kong wika.

Nakaramdam ako ng pananakit ng puso dahil doon. Ibig bang sabihin non ay lasing lang siya kaya niya nasabi ang mga 'yon. Sabagay.. I should be happy. Ibig sabihin ay makakalimutan niya ang lahat at magiging normal lahat.

Hindi ko man maintindihan lahat ng sinabi niya ay alam kong mahirap 'yon. Alam kong nakakasama. Alam kong makakasakit.

Dahil ngayon palang, nasasaktan na ako.

"I want to sleep.." mahina niyang bulong.

"Matulog ka! Bwisit!" Inis na inis kong wika.

"Don't get pissed, Juliet." Halos nanghihina niyang wika.

Natigilan ako sa sinabi niya. Parang may gumuhit sa puso ko. Matalim ito at sobrang lalim. Akala niya ba ako si Juliet? Ganon niya ba kamahal ang babaeng 'yon para kahit lasing siya ay naiisip niya pa rin 'to?

Pero bakit naman ako masasaktan?

Of course, I would be hurt! Ang sakit kaya na mapagkamalan bilang ibang tao.

Napalingon ako sa hagdan papunta sa fourth floor at parang manlulumo ako habang iniisip na kailangan ko siyang iakyat doon para marating ang kwarto niya.

Napabuntong hininga ako at napatingin naman sa kwarto ko. Inayos ko siya at linipat ang kamay niya papunta sa balikat ko. Tinulungan ko siyang makatayo ng maayos at pinasok sa kwarto ko.

"Bakit ka ba kasi uminom! Nag tooth-brush ka pa ata bago ako harapin. Tapos itatago mo pa, tutulugan mo din naman pala ako." Sermon ko sakanya habang hinihiga siya sa kama ko.

"Uno, went to my room. He brought some drinks." Bulong niya.

Inayos ko ang pagkakahiga niya atsaka siya kinumutan. Matalim ang tingin kong ibinigay sakanya. I never imagined that this will happen. Siya? Nasa kwarto ko? That is so close to a miracle before.

Pero ngayon, naniniwala na ata akong may himala.

"Uno? Akala ko hindi kayo okay?" Tanong ko.

Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siya. Nakapikit pa siya at sobrang payapa ng mukha niya. His hair is in mess but it doesn't made him less handsome.

Madaya! Pag ako ata ang magulo ang buhok, mukha akong nakipag-gyera.

"He talked to me.." he traced.

Kumalabog ang puso ko dahil doon. Nag usap sila tungkol sa bagay na pinag aawayan nila kanina? I suddenly had the urge to know..

Bahagya niyang minulat ang mga mata niya. Hinanap nito ang mga mata ko at mataman akong tinignan. Mapungay ang kanyang mga mata, talagang inaantok na ata siya.

"Pina-inom niya ako ng pina-inom. Yun pala, may gustong malaman. He made me drunk to ask me questions. Dammit." Bahagya siyang humalakhak.

Napangiwi ako. Nababaliw na ata ang lasing na 'to.

"Anong tinanong niya? Anong sinagot mo?" I asked with full curiosity.

Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakapatong sa binti ko. Inabot niya 'to at marahang hinawakan. Pinisil niya 'to at unti-unting dinala sa may dibdib niya. Napalunok ako dahil doon. Puro pagtatambol nalang ng puso ko ang naiintindihan ko sa mga nangyayari.

Pumikit siya at huminga ng malalim.

"He asked me things that he shouldn't know. But I said it.. kahit mali, sinabi ko pa din. I answered the truth. He gave me a strong punch but I didn't fought back. Hinayaan ko lang kasi deserve ko. It's wrong so I deserved it. I actually wanted to die. I almost asked him to kill me." Puno ng sakit niyang wika.

Sinubukan kong ilayo ang kamay ko sakanya pero mahigpit niya 'yong hinawakan. Nasasaktan ako.. hindi dahil sa pagkaka hawak niya sa akin kung hindi dahil sa nalaman ko. Sinuntok siya ni Uno? Kahit gaano pa kalaki ang kasalanan ni Simon at kahit ano pang pagkakamali 'yon, dapat ay hindi niya 'to sinuntok.

Hurting someone will never be an answer. It will never solve anything.

Isa pa, nasasaktan ako na malamang gusto niyang mamatay dahil lang sa nagawa niya. Kung ano man 'yon, alam kong hindi niya deserve na mamatay. He's a good son and a good brother. Well, kahit naman hindi kami close before, mabuti naman siya sa akin.

Minsan, sinusundo niya ako sa klase ko pag na lelate akong umuwi. Hinihintay niya ako pag may practice ng group work kahit umuwi na sila Kuya Carl. The difference was, kahit ginagawa niya ang mga 'yon, hindi niya ako kinakausap. Hihintayin lang niya ako kaya lang hindi naman kami mag-iimikan.

But now.. I can say that things are different.

So different.

"Ano ba 'yon? Ano bang problema niyo talaga?" Tanong ko.

Kita ko ang pagsilay ng ngiti sakanyang labi. Tipid 'yon pero sapat na para lumambot ang puso ko.

Tumagilid siya at mahigpit na yinakap ang kamay ko. Para siyang batang niyayakap ang unan niya. Malalim ang paghinga niya at parang ayaw niya talagang bitawan ang kamay ko.

"You're so beautiful.." bulong niya.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Bumagsak ang puso ko at parang nagkaroon ng suicidal bomb sa loob ko. Everything is in ruckus. My mind, heart and soul. Everything is in mess.

I am in mess.

Why am I beinf affected?

Sinabihan niya ako ng maganda, ano ngayon? Kanino pa ba ako mag mamana, of course kay mommy. What's the big deal? Damn, for me it's a big deal and I don't know why.

And I don't even want to know why.

"What happpened to your eyes?"

Parang mahuhulog ang puso ko sa narinig kong boses. Mabilis kong sinara ang kwarto ko dahil baka may makakita pa kay Simon. I don't want to explain things early in the morning.

Besides, it's Adrianna. Hindi ako pwedeng mag sinungaling dahil baka masabihan niya ako ng famous line niyang You're lying.

"Saan ka galing kahapon?" Pagbabalik ko ng tanong sakanya.

I can't tell her that I didn't sleep. Hindi ako makatulog dahil hawak hawak ni Simon ang kamay ko. Kung masama lang ako magisip ay baka isipin kong nag kukunyari lang siya na tulog dahil sa higpit ng hawak niya sa akin.

But seeing him still asleep? Knocked out nga siya. Buti nalang ay gumalaw siya ng konti kaya nakakuha ako ng tyansa na maka alis sa pagkakahawak niya. Literal siyang hindi gumalaw buong gabi. I don't know how he managed to do that.

Pag ako kasi, matutulog akong deretso at naka-ayos. Pag gising ko ay nasa paa-nan na ng kama ko ang ulo ko. I think I'm an acrobatic.

"Wala." Mabilis niyang sagot at tumalikod sa akin.

Napangisi ako dahil doon. Got 'ya! may tinatago ang pinsan kong si Adrianna. Hindi siya iiwas kung hindi! Pasalamat siya at may tinatago din ako kaya hindi ko siya masyadong pahihirapan ngayon.

Konti lang..

"Saan nga?" Pangungulit ko habang pababa kami ng hagdan.

"Sa tabi-tabi." Tipid niyang sagot.

Napangiwi ako. "Really? Tabi-tabi? Halos buong gabi kang hinanap nila Kuya. Hindi lang talaga sila makapasok ng maze kasi hindi nila alam ang pabalik."

"Wag makulit, Tul." Pagbabawal niya sa akin.

"Saan ka ba kasi galing kahapon?" Pagpipilit ko pa rin.

Hinarap niya ako at nakita hindi niya alam ang sasabihin. Mas lalo tuloy akong na-curious.

"Ate!"

Sabay kaming napalingon sa baba at nakita si Agatha at Alice na nagbe-bake with Tita Pia.

Lumingon siya sa akin. "Naligaw ako sa maze. Yun lang."

Pinanliitan ko siya ng mata. I'm not like her who can really predict who's lying or not but I'm sure, hundred percent sure that she's lying.

"Oh! You're lying! Nakakainis ka! Mas lalo akong naku-curious. Hindi mo itatago kung walang nangyari."

Napailing nalang siya at bahagya pang natawa dahil sa ginagawa ko. Naglakad na siya pababa muli para puntahan sila Agatha. Mabilis naman akong humabol sakanya. I still need to get food for Simon.

Hangover kills people. Masakit 'yon base sa una at huli kong experience. It was my eighteenth birthday when Cylde let me drink once and when I woke up the next day, I'm in my bed with a very painful headache.

"Who's lying?" Tanong ni Alice pagkababa namin.

Liningon niya ako at napailing siya.

"Ayan! Si Rian! Tinatanong ko siya kung saan siya galing kahapon pero nagsisinungaling siya."

She crossed her arms at me. Binigya niya pa ako ng evil glare pero lalo lamang akong natawa. Huling huli na, hindi pa umamin. Narinig ko na mula kay Alice kagabi dahil sobrang lakas ng boses niya na may lalaking rinereto daw kay Rian.

I looked at her intently.

"Naligaw ako sa maze. Ano bang hindi kapanipaniwala don?" Inis niyang wika.

Nagtaas ako ng kilay.

"That! Yung twinkle sa eyes mo everytime you mention the word maze." Manghang wika ko.

"Shut up you two. I know na sobrang nakakainlove ang maze runner pero kagabi pa kayo. Stop it okay." Saad ni Agatha kaya napangiwi ako.

Magkakampi! Of course, magkapatid sila! This is so unfair!

Natigilan kami nang tumunog ang doorbell. Napatingin kami sa orasan. It's quarter to two pm. Sino ang dadalaw mg ganitong oras gayong wala naman kaming kapit-bahay dito?

"Hey kids."

Napabuntong hininga ako nang makita si Tito Teo. Pinilig ko ang ulo ko at lumapit nalang kay Tita Pia para tignan ang ginagawa niya. She was baking and she's good at it. Though for me, Lola Camille is still the best baker, hindi ko makaka-ila na masarap din mag-bake si Tita Pia.

I remember Tito Ziel told us that Tita Pia made him fall in love with her through her baking. Nilagyan daw ni Tita ng gayuma ang mga pinapakain niya sakanya.

Thinking about how they found each other despite of Tito Ziel's situation at that time made me think that love is really magical. Naglayas si Tito non dahil sa mga bagay na hindi niya matanggap.

He was lost but he found her..

Ganon ang gusto ko. Strong love and magical. Tipong sagad kung sagad.

"Dad sino yan?"

Napalingon ako sa tanong ni Agatha. Kumunot ang noo ko. Why is he here? I'm talking about the guy from the basketball team.

"This is Mr. Osiris Ciro Claveria. Lalabas sila ng ate mo ngayon, Gath. May paguusapan sila." Ani Tito.

Mabilis kong nilingon si Adrianna. Hindi naman ako tanga. Alam ko ang ibig sabihin nito. This Claveria guy is the one they are trying to push for Adrianna. He's okay but.. you can't force love.

You just can't.

"Dad? Don't tell me you support arranged marriage" wika ni Agatha.

She was known as the most tactless. Pero para sa akin ay nakakabilib 'yon. Kumbaga sa arts, hindi siya concrete art siya. She is not a pretender. Nakakabilib ang ugali niyang ganon. Punong puno siya ng confidence at alam niyang gamitin 'yon.

She is not afraid to despise anything.

She is true and I hope I can be like that.

"No Agatha. They will just talk" sagot naman ni Tito.

Napalingon siya sa amin at tinignan ko siya ng puno ng pag-aalala. I hate how we base on standards. I hate how we need to follow everything in this house just because we are told so. I love this family, I love it so much but I don't understand this things.

Mga bagay na kahit kailan ay hindi ko maiintindihan.

"Oh please dad. Alam naman namin saan papunta to-" Pinigilan ni Rian si Agatha sa pagsasalita ng bagay na pwede niyang pag sisihan sa huli.

"Okay dad.. I'll come."

Nagulat ako sa sinabi ni Adrianna. Nababaliw na ba siya? By doing this and by accepting this, parang sinabi na rin niya kay Tito na may chance. It's like saying that she'll try.

"Hahatid ko po sila sa labas." Ani Agatha.

Tumango si Tito at hinayaan na namin silang umalis. Si Tito naman ay dumiretso na sa study room.

"May kailangan ka ba, Tul? May gusto ka bang kainin? Hindi ka pa nag be-breakfast." Tanong ni Tita.

Umiling ako.

Ako na mismo ang kumuha ng pinggan at bumalik ako sa tabi niya.

"Can I get some?" Pag-papaalam ko.

"Of course!" She gladly said.

Kumuha ako ng ilang cookies at cupcakes doon. Tinungo ko ang coffee maker at ginawan ng coffee si Simon. Gusto ko mang gawan ang sarili ko ay hindi ko na ginawa dahil baka makahatala pa sila.

Hindi ko nga alam kung bakit ako nagtatago ng ganito.. I just felt like the need to do so.

"Tita, akyat na muna po ako. May aayusin pa po kasi ako sa kwarto ko." Pagpapa-alam ko.

Nakagawian kasi na kumain sa kusina. Naging rule na 'to at naiintindihan ko naman. Pag galang na rin sa hapagkainan at 'yun naman ang tama. May kusina para pagkainan pero sa sitwasyon ngayon, kailangan ko talagang i-akyat 'to.

"Sure.." aniya habang seryosong nag mimix ng ingredients.

Tinungo ko na ang hagdan at iniwan si Tita doon. Dahan-dahan ako sa hawak kong pinggan dahil doon ko din pinatong ang kape ni Simon. Ayaw ko naman na matapon 'to at baka makakuha pa ako ng atensyon.

Though hindi ko pa nakikita sila Kuya na pinagtataka ko talaga.

Dere-deretso ako sa kwarto pero mabilis na namilog ang mga mata ko nang makitang bukas ang pintuan. Nagsimula nang maghurumentado ang puso ko. Nagwawala ito at hindi ko alam ang gagawin ko.

Dahan-dahan kong tinungo 'yon at mahigpit akong napahawak sa pinggan nang makita si Kuya Carl doon. He was standing near my bed while looking at Simon who is still sleeping.

"Kuya.." I breathed.

Nilingon niya ako at sumalubong sa akin ang nakakunot niyang noo. Hinarap niya ako at matamang tinignan.

Parang lalabas ang puso ko mula sa dibdib ko sa sobrang kaba. Parang may ginawa akong kasalanan kung tignan niya ako. Napalunok ako.. may reason naman ako kung sakali. He was drunk, he can't reach his room so I helped him and let him sleep in my room.

It's easy pitsy but heck! I don't want to lie. Puno ng prinsipyo ang pamilyang 'to. Pinalaki kaming ganon at naiintindihan ko kung bakit. Malaking bagay ang katotohanan sa pamilya namin.

It's important yet here I am, thinking about lies.

God, help me.

"Anong ginagawa ni Simon dito, Tulip?" Litong-lito niyang tanong.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top