Chapter 11

Sanity

"You're such a dickhead, Uno." Galit na wika ni Simon.

Dama ko ang galit sa boses niya kaya kahit gusto kong magsalita ay pinigilan ko.

Sinubukan ko na tanggalin ang mahigpit na hawak ni Uno sa akin pero sadyang mahigpit talaga siyang humawak at mas malakas siya kay'sa sa akin.

A basketball player's hand? A MVP? It's harder than you thought.

"Answer my question, Simon. Anong kaya mong gawin? I'm really curious." Cockiness was spitting all over him.

Mariin akong pumikit dahil sa hindi ko alam ang gagawin ko.

"Whoa.. whoa. Kung takot kayo na mag isa sa loob ng maze. Sabihin niyo lang, hindi 'yung nag aagawan kayo para kay Tulip." Natatawang wika ni Agatha.

Nagmulat ako ng mata at tinignan siya. Nauna ng maghanap ang iba, Agatha and Gelo were left behind. Matamang nanunuod si Gelo sa gilid ni Agatha.

I can't read him right now.

Ang alam ko lang sa ngayon, mabilis ang pintig ng puso ko at nangangatog ang binti ko dahil sa panghihina. Hindi ko din alam kung para saan ang kabang nararamdaman ko ngayon pero sobra-sobra ito.

"Let's go, Gelo. Wala tayong mapapala sa dalawang lalaking 'to." Inis na wika ni Agatha nang wala man lang reaksyon ang dalawang lalaki.

Tumingin siya sa akin at kita ko ang pag-aalala doon. Tinanguan nalang niya ako at mabilis na hinila si Gelo para mag hanap sa kapatid nila. Lumipat ang tingin ko sa dalawang lalaki. Pabalik-balik ang tingin ko sakanilang dalawa at hindi ko alam kung kanino mananatili ang tingin ko.

Kung umasta sila ay parang wala ako sa harap nila. Mataman silang nakatingin sa isa't isa. Tila nagsusukatan ang mga matalim nilang tingin.

"What Simon? Where are you coming from? Is this because you're being an overly protective brother? Is that it?"

Wala ng bakas ng kayabangan sa boses ni Uno pero rinig ko ang frustration sa boses niya. I don't why he's frustrated though. Kung tutuusin ay siya ang dahilan ng pagka-frustrate ko. I should be the one who's frustrated instead of him.

"Wala kang pakielam." Matigas na wika ni Simon.

Rinig ko ang malalim niyang paghinga sa tabi ko. I felt bad suddenly. We're family, hindi ko man alam kung bakit sila nagkaka ganito, dapat ay gumawa pa rin ako ng paraan para matigil ang away na meron sila.

Something whispered inside of me, telling me the reason about why are they behaving like this but I didn't accept it. I shook it before I even let it enter my being.

I shook it because it's absurd.

"Ano, Sy? Walang pakielam-"

"Stop this will you!" Inis kong pagpuputol sa sasabihin dapat ni Uno.

Malalim ang ginawa kong paghinga. I was contemplating on what should I do next. Anong pwede kong gawin para makinig sila sa akin? Anong kaya ng isang Tulip laban sa dalawang matigas ang ulo?

I don't have any power over them. They won't listen to me.

Natahimik silang dalawa dahil doon. Hindi ko pinigilan ang sarili kong lingunin si Simon. He was now, looking at me directly. Kung nakakatunaw lang ang tingin ay malamang tunaw na ako.

Malayong malayo ang malambot niyang tingin sa akin, sa matalim niyang tingin kay Uno. Naramdaman kong nag-init ang mga mata ko at hindi ko alam kung para saan 'yon. Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko habang nakatingin sa mga mata ni Simon.

"Do you even know what you're getting yourself into?" Sabat na naman ni Simon.

"I know.." Simon breathed.

Parang kakapusin ako ng hininga nang maramdaman ko ang pagkalas niya ng hawak sa akin. Kusang nalaglag ang kamay ko sa gilid ko, kasabay din non ay ang pagka-hulog ng mga butil ng luha sa aking mga mata.

Nasasaktan ako. Hindi ko man maintindihan ang mga sinasabi nila, dama ko ang sakit na nakikita ko sa mga mata ni Simon. Dahil dito, nasasaktan na din ako.

"Pasok na ako."

Tumalikod si Simon at linagpasan kami ni Uno. Bumagsak ang aking puso, literal kong naramdaman ito. Mariin akong pumikit at dinama ang bigat na nararamdaman ng puso ko. Nanatili nalamang akong nakatayo doon habang hawak-hawak pa rin ni Uno ang kamay ko.

"Why are you crying?" Tanong niya.

"What?" Hindi makapaniwala kong tanong.

Nagmulat ako ng mga mata at hinayaan na magsitakasan muli ang mga luha ko. I don't need to hide it, kitang kita naman na umiiyak ako.

"Answer me." Mariin niyang wika.

Humugot ako ng malalim na hininga at binalingan siya. Isang matalim na tingin ang iginawad ko sakanya. Kung nakakamatay lang ang tingin, I'm sure that he'll be dead by now.

"Anong bang ginagawa mo, Uno? Why did you act that way? Simon and you are closer than anyone else, kaya hindi ko maintindihan kung bakit mo siya ginanon kanina. You're pushing his buttons." Inis na inis kong wika.

"I wanted to prove something." Deretso niyang sagot.

Napaawang ang labi ko. I wasn't expecting a soft voiced Uno, right now.

Napakalambot ng ekspresyon niya. Parang sinasabi niya sa akin na hindi siya nag e-enjoy sa nangyayari. He's looking at me like he wanted to say something but he can't. His eyes are the one who's speaking.

"Prove what?"

Umiwas siya ng tingin. Unti-unti ay bumitaw na rin siya sa kamay ko. Hinayaan ko lang na malaglag ang kamay ko papunta sa gilid ko. Pinanuod ko siyang dinama ang simoy ng hangin.

Bumuga siya ng hangin bago ako liningon.

"I can't tell you right now. I still need to prove something. Just believe that, I won't hurt Simon nor you. I just need to hear the truth from him. Hindi ko siya matutulungan kung hindi ko malalaman ang totoo."

Kumunot ang noo ko.

Litong kito ako sa mga sinasabi niya. Wala akong maintindihan kahit isa. Malinaw ang bawat salita pero malabo ang ibig sabihin ng mga 'to.

This is what I'm talking about Uno. His words are very out of the world. Sabog ang mga 'to pero malalim. Tuwing may sasabihin siya sa'yo, akala mo ay naiintindihan mo pero sa totoo lang, iba ang ibig sabihin ng mga 'yon.

"Hindi kita maintindihan." I honestly said.

Marahan siyang ngumiti sa akin.

"I will protect everyone. I promise that. Hindi ko siya titigilan hanggang hindi niya sinasabi mula sa bibig niya na tama ang tumatakbo sa isip ko." Aniya at tumalikod na sa akin.

Nauna siyang pumasok sa mansyon. Pinanuod ko siyang makalayo hanggang sa hindi ko na siya makita. Bumuga ako ng hangin at napahawak sa leeg ko. Ngayon lang ata ako nakahinga ng maayos.

Nag-angat ako ng tingin sa buwan.

Mababaliw na ata ako?

Nababaliw na nga siguro ako. The weird feeling that I felt a while ago is torture, suicidal and will kill me in the future. I need to get back on track, parang nawala ang utak ko sa ilang araw na nagdaan. Ang problema, hindi ko alam paano makakabalik pa.

Parang sa bawat hakbang ko ay ang paglalim ng sitwasyon ko. Mas nahihirapan akong kumawala sa lahat ng maling bagay na nararamdaman ko.

Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko mula sa labas ng banyo. Namatay agad 'yon kaya marahil, text lang 'to. Tumingin ako sa salamin at nagsuklay ng buhok. Kakatapos ko lang maligo at nag babalak ng maghanda para sa pagtulog.

Lumabas na ako ng banyo at tinungo ang kinaroroonan ng cellphone ko sa may tabi ng bedside table. Bahagya ko itong sinilip at nakitang message 'yon ni Simon. Mabilis pa sa kidlat na kinuha ko 'yon at tinignan ang nilalaman ng mensahe.

From: Simon Chase

Can you go out for a while?

Wala sa sariling napalingon ako sa pintuan ng kwarto. Parang automatic na nagreact ang sarili ko, kumalabog ang puso ko ng wala man lang pahintulot mula sa akin.

Binaba ko ang cellphone sa kama at inayos ang sarili ko. Pinasadahan ko ang pajama ko at ang sarili ko sa salamin. Hindi ko alam kung bakit ko pa 'to ginagawa pero iisipin ko nalang na nakakahiya naman na lumabas ng hindi maayos.

Kahit pa kapatid ko siya..

Kapatid..

Pinilig ko ang ulo ko at tinungo ang pintuan. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa bawat hakbang ko. Kung ano-ano ang iniisip kong dahilan kung bakit niya ako gusto makausap. Pumasok na ako kanina sa kwarto ko nang matapos akong magmuni-muni sa labas.

Hindi ko na sila hinarap ni Uno. Hinayaan ko nalang din ang pamilya ko na mag saya sa labas. I just suddenly felt that I need the time to be alone.

Pinihit ko ang sedura ng pintuan at hinigit ang hininga ko. Sinara ko ang pintuan nang makalabas ako at doon palang ako lumingon sa taong makakapatay ata sa akin.

"Simon." I breathed.

"Hey.." bati niya.

Naka hilig siya sa pader at prenteng nakasandal doon. Naririnig ko ang pag awit ng kung anong kanta sa utak ko habang nakikipag titigan sakanya. My eyes searched for his and he gladly pulled my eyes towards him.

"Gising ka pa?" He asked the obvious.

"Huh? Oo.." Nalilitong sagot ko.

Umayos siya ng tayo at napakamot sa batok niya. Ngayon ko lang napansin na naka pajama na rin siya. Suot suot niya ang pajama na binili ni mommy para sa aming magkakapatid.

Kusa akong ngumiti ng marahan habang pinagmamasdan siyang namumula ang tenga. Umiwas siya ng tingin at kung saan-saan dumaan ang mga mata niya. Gusto ko tuloy matawa pero pinigilan ko.

"Ikaw? Bakit gising ka pa?" Pag babasag ko sa katahimikan.

"I felt bad." Aniya.

Binalik niya ang tingin sa akin at matamang nakipag titigan sa mga mata ko muli. Namulaklak ang puso at tyan ko dahil sa pagtatama ng mga mata namin. Gusto ko mang bigyan ng dahilan ang mga 'to para gawing tama ang lahat ay hindi ko magawa.

Tinangay na ng mga tingin niya ang tamang pagiisip ko. Gusto ko nalang sabihin na.. bahala na. Kung ano man 'to, tsaka ko nalang iisipin. Nakakatakot bigyan ng pangalan o tawag ang bagay na bumabagabag sa akin ngayon. Ayaw ko, nakakatakot pero gusto kong nararamdaman.

"Felt bad? Why?"

Humakbang siya palapit sa akin. Pakiramdam ko ay mapuputol na ang mga ugat ko dahil sa sobrang paninikip ng puso ko. Buhay na buhay ngayon ang puso at sistema ko. Parang naririnig ko ang bawat pitik sa loob ng katawan at pagkatao ko.

I wanted to ask him things, mga bagay na baka makatulong sa nangyayaring kaguluhan sa utak ko pero tulad ng nangyayari dati, pag nakita ko na siya ay nawawala na lahat ng gusto kong sabihin.

"I felt bad that I had let you go. Dapat ay hindi kita binitawan. Kung alam ko lang na pagsisihan ko ang nangyari ay hindi kita binitawan. Kahit na mag away pa kami ni Uno sa harap mo, gagawin ko basta maalis lang ang paghihirap sa puso ko."

His deep voice filled the hallway.

I bit my lower lip.

Parang hahaplusin ng mainit na kamay ang puso ko sa bawat katagang sinasabi niya. Hindi naman ako uminom ng alak o wine kanina pero bakit parang hindi tama ang iniisip ko, bakit parang pati ang mga prinsipyo ko ay nawawala.

I can't distiguish right from wrong.

I want him to justify his words for me to understand but I'm afraid to ask, I'm afraid of the answers. I'm afraid of losing my sanity.

"Lasing ka ba?" Tanong ko.

"No!" Aniya sabay halakhak.

Hindi ko mapigilan ang matawa na rin dahil sa tawa niya. Paano ba naman kasi ay hindi ko siya maintindihan at isa pa, lahat ng sinasabi niya ay nakakatakot alamin ang sagot.

Nanaginip ba ako? Sana..

I want to reason out everything he said and everything I feel. I want to fool myself and make myself believe that everything is just normal.. everything is under-control but I can't.

"Tul.." tawag niya sa akin.

"Ano?"

Namilog sandali ang mga mata ko at mabilis na humakbang patalikod dahil sa ginawa niyang paghakbang palapit pa lalo sa akin. Tinawid niya ang natitirang distansya naming dalawa at sa pagkakataong 'to ay hindi na niya ako hinayaan makalayo.

He held my arms and pulled me closer to him. Amoy na amoy ko ang pabango niyang nakakapagpabaliw sa akin. Hinila niya ako lalo sakanya at siya mismo ang nag-angat ng mukha ko para maharap siya.

"Magkapatid tayo diba?" Tanong niya.

I felt something hit me.

"Oo.." mahinang sagot ko.

Nanghina ang tuhod ko dahil sa sagot ko. Muntik ng ma-nginig ang boses ko, buti nalang ay nakisama 'to at hindi sinira ang pinaka tamang sagot na binigay ko sa buong buhay ko.

Nakaramdam ako ng pananakit ng puso. Inangat niya ang isang kamay ko at pinatong 'yon sa dibdib niya. Sa parte kung saan ay dama ko ang malakas na pintig ng puso niya sa sobrang lapit niya sa akin ngayon.

"Tama magkapatid tayo.." aniya.

Mariin akong napapikit sa sinabi niya. Kailangan ko ng lakas, nanghihina ako dahil sa mga naririnig ko at pinaguusapan namin. Anong nangyayari sa'yo, Tulip? Umayos ka nga!

Dammit!

I'm losing my mind.

"This is wrong." Mahina niyang bulong.

Nag mulat ako ng mata at nakita ko ang paglapit niya pa lalo sa akin. Yinakap niya ako na ikinagulat ko. Pumulupot ang braso niya sa baywang ko at parang walang kahirap-hirap na niyakap niya ako.

I want to write everything I feel right now but I can't, I should't.. because there are no reasons to do that.

"What should I do, Tulip? I am lost and I am crazy. I'm losing my sanity, each and every day that God made.. I'll die feeling this way but I will never turn my back on you.. on this."

Humigpit ang yakap niya sa akin. Naramdaman ko ang pagbabaon niya ng mukha niya sa leeg ko at ang marahang paghaplos ng daliri niya sa kamay ko. Parang tataas ang mga balahibo ko dahil dito.

Instead of feeling better because of his touch and hugs, I felt hurt. I felt the short but hard punch on my heart. Sobrang lakas na K.O na ata ako.

Heck, Tul!

I just lost my sanity.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top