Chapter 10

Let go

"Hindi mo ba kami i-wewelcome?" Rinig kong tanong ni Clyde.

Kahit hindi ako komportable sa hawak ni Simon sa akin ay pinilit ko ang sarili kong makinig. Minsan lang magalit si Clyde at nakikita kong naiinis siya ngayon doon sa lalaking gwapo na nakita namin sa Gasoline Station.

"Sino bang nagsabi na isasali ko kayo?" Nakangising wika nito.

Literal na nalaglag ang panga ko.

Wow! I thought.. mabait siya. I mean, I always believe in people's kindness, lalo na sakanya. May mukha siyang anghel na makakapagsabi na malaki ang tyansa na mabait siya pero mukhang nagkamali ako.

This dimple guy is just as cocky as he looks.

"Fuck." Mahinang mura ni Simon.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko kaya napatingin ako sakanya. Kita ko ang pagtagis ng bagang niya sa inis. I know he's stretching his patience right now. Nagtitimpi siya para wag ng lumaki ang gulo.

Napakagat ako sa aking labi at marahang hinawakan ang braso niya gamit ang malaya kong kamay. Mukhang nakuha ko ang atensyon niya dahil bahagya siyang bumaling sa akin.

Ngumiti ako ng bahagya at kita kong lumambot ang ekspresyon niya.

"Aba tarantado ka pala! You told us that we just need to beat your team para makapasok! Tapos ganito?!" Naputol ang titigan namin nang marinig ko ang boses ni Kuya Carl.

Sinubukan kong lumapit kay Kuya dahil kita ko ang malalim niyang pag hinga. He's losing his patience! I need to do something.

"Simon, let me go." Banta ko kay Simon habang sinusubukan na matanggal ang pagkakahawak niya sa akin.

"Never." Madilim niyang wika.

Napabuga ako ng hangin dahil sa inis at umirap sakanya. Hindi man lang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. Mahigpit pa rin ito at mukhang wala siyang balak na pakawalan ako. I don't want to start a fight so I better shut my mouth.

"Ano bang problema mo?" Rinig kong tanong ni Adrianna.

Lahat kami ay naghintay ng sagot niya. His eyes are directly looking at Adrianna and I can say that they are dark and scary. Malayong malayo ang itsura niya ngayon doon sa nakita naming ngiting litaw ang dimples, noong isang araw.

It's like, everything is a facade and this is the truth.

"Ano? Kayo ang problema ko. I hate how you show you're.. all above everyone. I hate you're cockiness. I hate how you think highly of yourself. I hate how you just enter this university and the people think they need to be scared just because of your surname!" Galit na galit na wika nito.

Napaawang ang labi ko.

Hate? Someone would really hate us? This is the first. Hindi ako nagyayabang pero ito ang kaunaunahang pagkakataon na may nagsabi sa amin ng ganito.

Hindi ko maintindihan? Posible ba 'yon? You'll hate someone, kahit na hindi mo naman sila kilala? Obviously, ngayon lang namin siya nakilala at nakausap. Pero kung makapagsalita siya ay parang ang laki ng kasalanan namin. Tipong, pati pagkamatay ng mga langgam ay kasalanan namin.

"Oh? You're jealous?"

Here we go again, Uno.

Kayabangan to the highest level. Pinapalala niya ang sitwasyon. Pasalamat siya at nakukuha ang atensyon ko dahil sa tensyunadong hawak sa akin ni Simon. Pinisil ko ang kamay niya para pakalmahin siya.

Hindi pwedeng sumabay si Simon ngayon. I know, Simon's anger is much scarier than Uno's.

"I hate your shit" wika niya at kasabay non ang pagtalikod niya at paglakad niya paalis.

Naiwan kaming nakatingin lamang sakanya. Napalunok ako at napahawak sa leeg ko dahil sa kaba na nararamdaman. That was intense.

"Gago yun 'a!" Sinubukan siyang habulin ni Dos pero mabilis din siyang napigilan ni Clyde.

Lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Simon at unti-unti na akong binitawan. Ako din ay bumitaw na sa aking leeg habang ang mata ay naka direkta kay Simon. Nakita kong nag simula ng mamula ang tenga niya at lumambot na ang kanyang ekspresyon.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong ko.

Tumango lamang ito at hindi man lang ako tinignan. Nanliit ang mga mata ko dahil sa ina-asal niya. Anong problema niya? Makahawak sa akin kanina akala mo mamatay siyapag bumitaw sa akin, ngayon hindi ako magawang tignan.

"Pasensya na kayo sa inasal ng captain namin. Don't worry I'll talk to him. An agreement is an agreement. Pasok kayo sa team." Saad ng isa sa member ng team.

Napalingon ako sa lalaking nagsalita at kita ko ang mataman niyang mata na naka direkta sa akin. Kumunot ang noo ko pero bago ko pa masuri kung bakit niya ako tinitignan ay may humarang sa harap ko na isang matipunong likod.

Amoy palang alam ko na si Simon 'to.

What is his problem now?

"I don't care. Kayo ng bahala. We won't force ourselves kung ayaw niyo." Narinig kong wika ni Uno.

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Sa eighteen years ko sa mundong 'to. 'Yan na ata ang pinaka magandang sinabi ni Uno na narinig ko. Thank God, meron pa pala siyang kayang sabihin na maganda.

Nauna na silang maglakad, pati si Simon ay sumunod na doon pero hindi niya ako hinintay kaya nanatili akong nakasunod sa likod niya. Si Adrianna ay nasa may kaliwa ko lang at mabilis din na nakasunod si Agatha at Alice.

"Ayoko na sakanya! Kahit ang gwapo niya magalit. Ayoko na talaga" Sinubukan kong pagaanin ang loob ni Rian.

Tulala siya at parang apektado sa sinabi ng lalaking 'yon. I know she's attracted to him, maybe that's why. Minsan lang magkagusto si Rian, nakakalungkot isipin na sa lalaking yun pa.

Pero ganon naman ata talaga 'yon, hindi naman kasi napipilit ang sarili at puso kung sino ang gugustuhin mo. Sa laro ng pag ibig, brain is under the dangerous spell of heart.

You can't force yourself to love somebody. Love will come, even how much you try to stop it.

It can be at the right time or at the wrong time. It can be with the right person of with the wrong one. Kahit ano pa 'yan, pag sinabi na ng puso, wala ka ng magagawa.

"Bakit ganon naman yung lalaking yon? I get it.. maybe he dislikes us pero hindi rason yon para baliwalain niya ang kakayahan nila Uno.." Komento ni Agatha.

"Whatever it is.. hayaan na natin. Remember our promise? We should behave and be proper. Hindi maganda to sa image natin. That guy looks so famous kaya maraming susunod sakanya."

I agree with what Rian said. Nasa politika ang linya ngayon ng pamilya namin. Kung papatulan namin ang mga ganoong bagay, kami lang ang masisira at mapapahamak. We need to play with our cards right.

"Yeah, Rian's right. Let's go" ani Kuya Carl.

"Wag niyong hayaan si Uno mag drive! Mainit ang dugo niyan. Mamatay tayo" saad ni Alice habang pasakay sa kotse ni Uno.

Natawa kami dahil sa sinabi ni Alice. Naramdaman ko ang pagsiko sa akin sa likod kaya bumaling ang atensyon ko doon. Kita ko ang pag ngisi ni Simon at isang matalim na tingin naman ang iginawad ko sakanya.

"Anong problema mo?"

"Ikaw." Deretso niyang sagot.

Nawala ang tapang ko at parang umurong ang dila ko. Nanghina ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ko akalain na ganito ang mararamdamab ko. With just one word..

My heart felt so much pain.

Ako? Ako ang problema niya?

Why?

Ano nanamang ginawa ko para maging problema?

"Huh?" Wala sa sariling tanong ko.

Natigilan ako sa pagiisip nang marinig ko siyang humalakhak. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa ginawa niyang pagtawa. Pinag titripan niya ba ako? I am here, sincere and he will just make fun of me?

"I thought, you don't consider my existence. Thank you, Tulip. You made me happy." Aniya.

Napalunok ako.

"Happy?" Nalilitong tanong ko.

Tumango ito. "You made me happy by caring." Aniya atsaka pumasok sa kotse ni Kuya Carl.

Sinundan lang siya ng mga mata ko. Napako ako sa kinatatayuan ko at napabuga ng hangin dahil sa paninikip ng puso.

Unti-unting inangat ko ang kamay ko at napahawak sa puso ko. My heart is really pounding so fast. Too fast that it hurts, too fast that it is scary, too fast that I want to surrender on whatever is running through me right now.


"Happy Birthday, lola." Bati ko sa aming Lola Selena.

Humalik ako sakanyang pisngi.

Dito siya nakatira kasama namin sa Mansyon. She's the one who preserved the whole Mansyon. Mahal na mahal niya ito na kaya niyang gawin lahat para dito.

Ito nalang daw ang tanging bagay na nag uugnay sakanila ni Lolo.

Naghiwalay sila, not in papers but in life. Mahal nila ang isa't isa pero tinanggap na nila na hindi sila pwede magsama. Parehas lang nilang masasaktan ang isa't isa kung gagawin nila 'yon.

Love isn't about being together, aniya.

"Thank you, Tulip. You're a big blessing to this family. I'm glad, naabutan kita." Aniya habang hinahaplos ang kamay ko.

Kinilabutan ako sa sinabi ni lola.

"Lola.."

"Lola's life is expiring. Nalulungkot ako dahil hindi ko makikita ang pagtanda mo at kung paano ka magiging isang matagumpay na tao. You deserve everything in this world. You deserve this family. Preserve it.." dagdag niya.

Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi ni Lola. There are hidden messages from what she said. Uno really got his oh so called famous read between the lines thing from Lola.

Birthday ni lola kaya hinayaan ko nalang. Baka nagpapaka senti lang siya.

"I will lola, I love this family so much." Saad ko.

Ngumiti ako at napahagod sa dress ko. Kulay baby blue dress ang suot ko ngayon. It contrast the heavy aura from the visitors. Hindi ko alam kung dahil ba sa mabigat ang politika kaya pati ang aura ng mga politiko ay sobrang bigat at dilim.

May party sa mansyon dahil birthday ni Lola at para na rin sa official welcoming for the Montgomery family. Dapat ay maliit na party lang pero with the invited people, nagmukhang malaki. Mga ka-negosyo at kaibigan lang dapat pero pati mga politiko ay nandito.

"Sige na at kumain na kayo sa loob. Itong mga batang to talaga. Batiin niyo ang lolo niyo pag nakita niyo siya ah." Wika ni Grandma.

Natawa kami at binigyan siya ng huling yakap.

"Guard your heart, Tulip. Remember you will always be the Tulip of the Montgomery." Bulong niya sa akin nang ako na ang yumakap sakanya.

Humiwalay ako sa pagkakayakap at tinignan siya ng masinsinan. Nangingilid ang luha sa mga mata niya kaya hindi ko magawang magsalita. I want to ask..

What are her tears for? What does she mean with what she said?

But I didn't ask her. Kahit na puno ng emosyon ang puso niya ay hindi ko ginawa ang magtanong.. Because deep down, I know that I am afraid.

Afraid of answers.

Hidden things are scary. They won't be hidden if they are not.

Sumunod nalang ako sa mga pinsan ko na pumunta sa loob ng Mansyon. Lutang ako habang naglalakad. Naririnig ko ang usapan nila tungkol sa pagkain at ang tawanan nila pero hindi ako makasabay. Nasa tabi ko din si Simon at ramdam ko ang maya't mayang pagtingin niya sa akin.

Something is bothering me and I don't know what is it

"Ate, pinapatawag ka ni dad doon sa table na yon" Rinig kong wika ni Gelo kay Rian.

"Kumain na kayo. 'Wag niyo na akong hintayin." Aniya.

Tumango nalang ako bilang sagot. Dahil wala ako sa sarili ko ay hindi ko alam ang gagawin ko. Pasasalamat ko nalang kay Simon at hinila niya ako. Nakahawak siya sa braso ko habang hila hila ako sa buffet table.

Siya mismo ang kumuha ng plato para sa akin. Binigay niya ito sa akin kaya mabilis ko itong hinawakan. Siya din mismo ang naglagay ng mga pagkain ko doon. Halos mapangiwi ako sa mga pagkain na nilalagay niya. Hindi nalang ako kumontra dahil naiisip ko pa rin ang sinabi ni Lola.

Hinintay ko nalang si Simon matapos kumuha ng pagkain bago umupo kasama ang mga pinsan namin. Habang kumakain ay hindi nawala sa tingin namin kay Adrianna. She seems off and I think I know why..

Politics.

Napabitaw ako sa hawak kong kubyertos nang lumabas si Adrianna ng mansyon. Tinahak niya ang garden sa likod kaya mabilis akong sumunod sakanya. Rinig ko naman ang yapak ng mga pinsan ko sa likuran.

Mabilis na nakasunod si Simon at Uno sa akin. Inirapan ko lang si Uno dahil nakangisi itong sumusunod sa amin ni Simon. I didn't bother on looking at Simon's direction. Nakakawala ng hininga ang pagtingin sakanya.

Sinabayan nila ako sa paglakad. Hindi ko sila pinansin at tinuon ang atensyon ko sa pagsunod kay Adrianna.

Tinahak namin ang likod na parte ng mansyon. There was a mini maze there. Base sa mga kwento ay pinagawa ito ni daddy dahil malaki daw ang naging parte nito sa legendary love nila ni mommy.

Nang marinig ko ang legendary love story nila, I told myself I will also have that kind of love. I want it, I'm hungry for it. I want something strong and unbreaking. Tipong mahigpit ang hawak na hindi makakawala. Masarap at worth it na pagmamahal.

Gusto ko ng ganon..

Love that is worth having and fighting for.

"Ate!" Sigaw ni Gelo.

Bumalik na ako sa hwisyo at tinuon na ang sarili ko sa buong graden. Wala siya dito..

"Rian, where are you?" Sigaw ko naman.

"Adrianna! Let's talk about this!" Sigaw ni Kuya Adrian.

Hindi pakawala si Adrianna so something is really wrong. She walked out even though it's her dad that she's talking to. May mali talaga kung ganon.

"Maghiwalay hiwalay tayo. Hanapin natin siya." Utos ni Kuya Carl.

Tumango ako.

Masyadong malaki ang maze at ang garden na 'to para mahanap siya agad. Besides, mahirap hanapin ang taong ayaw magpakita. The maze is hard itself, what more if she's hiding inside.

"Okay, I'll go with Tulip."

"I'll go with Tulip."

Namilog ang mga mata ko nang maramdaman ko ang paghila sa kanang kamay ko. Napabaling ako dito at napaawang ang labi ko. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ko at napalitan ng pagkunot ng noo.

It's Uno.

"Let go."

Nanigas ako sa narinig kong boses. Unti-unti ay lumingon ako sa kaliwa ko. Abo't langit ang bilis ng takbo ng puso ko. Wala sa sariling napa lunok din ako. Amoy palang niya..

Ngayon ko lang napansin na may nakahawak din sa kaliwang kamay ko. Nag angat ako ng tingin doon at naramdaman ko ang pag pukpok sa puso ko.

It's Simon.

A loud bang made my heart leap.

"Uno, bitawan mo." Pag uulit ni Simon.

Matalim ang tingin niya kay Uno na nakahawak naman sa kanang kamay ko. Malalim ang boses niya at rinig ko ang pagtitimpi dito. Bahagya siyang napatingin sa akin at lumambot saglit ang ekspresyon niya.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Uno sa akin.

"Let go." Madiing wika ni Simon.

"Bakit anong gagawin mo? Anong kaya mong gawin pag hindi ako bumitaw?" Mayabang na tanong ni Uno.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top