Bullet 8
Masahe
"What are you doing here?"
Wala akong nagawa kung hindi ang huminga ng malalim dahil sa tanong ni Uno. He excused us a while ago at alam na alam ko na kung anong sasabihin niya.
"Uno, it's for my job." Paliwanag ko.
I don't need to elaborate. Matalino siya at kayang kaya niyang intindihin 'to. What scares me is the thougth of him telling mom about this. Hindi ko sila mapupuntahan o mabibisita if ever. Pag nalaman nilang nandito ako sa Pilipinas at hindi man lang nag paparamdam ay mag tatampo pa si mommy.
Kumunot ang noo niya. "You mean it's your mission to be with De la Fuente. Ano 'yon bodyguard ka-"
Natigilan siya at mas lalong kumunot ang noo niya.
"Don't tell me.. dahil ito sa eleksyon? His life is in danger. So nandito ka dahil doon?"
Hindi ko pwedeng ipagsabi ang mga misyon ko pero pag dating sa mga pinsan ko ay wala talaga akong maitatago.
"You're very smart." Simpleng sagot ko.
I don't want to answer using a yes or no.
"Damn. Bakit siya nakahawak sa kamay mo?" Frustrated na tanong niya.
Napangiwi ako. "Malay ko. Malandi siya 'e." Dahilan ko.
Natawa si Uno at umiling iling pa. Inakbayan naman niya ako at umupo kami sa may hindi kalayuang bleachers. Nag papractice na ang iba pero dahil 'magaling' na daw siya ay pwede naman daw siyang ma-late panandalian.
"Hindi ka ba dadalaw sa bahay?"
Napakagat ako sa aking labi dahil sa tanong niya. It's not about I don't like to go home..
Natatakot lang akong umiyak nanaman si mommy at magmakaawa siya sa harap ko.
"I'll try, Uno. I will.."
"Rian and Evander went back to Argao yesterday. Tapos na ang pinapagawa nilang bahay doon." Balita niya sa akin.
Wala sa sariling napangiti ako doon.
"Really? How about Vanessa and Vance?" Excited kong tanong.
"Oh! The twins are doing good. Manang mana si Vanessa kay Rian. I told her to name her Honesta rather than Vanessa!" Natatawang wika ni Uno.
Napangiwi ako doon. Rian and Evander's twin are really the treausure of the family.
Napatingin ako sa court at nakitang naka standby ang mga players. Hindi napigilan ng mata ko ang mapunta kay Markus. He was laughing with his teammates. Naka jersey na siya at sobrang gwapo niyang tignan dito.
Napadako ang tingin niya sa akin at lalong lumawak ang ngiti niya.
Ginalaw niya ang mga kilay niya kaya napangiti din ako. Aga aga.. may mga tutubi.
Cute talaga ng hinayupak.
"Vance is so much like Evander. Masungit and very protective towards Vanessa." Dagdag ni Uno.
Binalingan ko siya at tinaasan ng kilay. That's scary. Baka nga mas malala pa si Vance kay Claveria. Last time I visited them, gumapang ang bata papunta sa kama kung nasaan ang baril ko at kahit mabigat ay sinubukan niyang pulutin 'yon.
Damn we were so scared.
"Tulip? How is she?" Tanong ko.
Napakagat ako sa labi ko. It was a very sensitive topic kaya hindi ko alam paano itatanong.
"I don't know.. I tried protecting them. But I failed." Ani Uno.
I understand him. Ginawa naman niya ang lahat para mapagtakpan at maprotektahan ang dalawa pero may mga bagay talagang hindi na mako-kontrol. Mga bagay na hindi masasagip.. mga bagay na dapat pakawalan nalang.
"Where is.." damn. Hindi ko magawang banggitin ang pangalan niya.
"He's in Argao. Pinatapon siya doon ni Tito Ivor. Nakatira siya sa mansyon at siya ang namamahala ng mga lupain natin doon. While Tulip is.. at home. Hindi siya pinapalabas. Halos ikulong siya." Malungkot na kwento ni Uno.
Napaawang ang labi ko at naiyukom ang mga palad ko. I know what they are doing is wrong but.. still, hindi nila dapat ikulong si Tulip.
"I'm gonna visit soon. Promise." Saad ko.
Ngayon ay mas may rason na ako para bumisita.
Tumango si Uno at yinaya na akong bumalik doon. Natigilan sa pag ke-kwentuhan ang mga players nang makalapit kami doon. Umupo muna si Uno sa tabi nila at uminom ng tubig.
"Here."
Natigilan ako sa nag abot sa akin ng gatorade. Nag angat ako ng tingin at nakita ang mabait na mukha ni Osiris. Tinawag ko itong mabait dahil napaka approachable niyang tignan. He's very handsome too but I don't find his looks so amazing. Kaya nga nasasabihan akong baliw dahil hindi ko daw siya ma appreciate.
Ngumiti ako at kukunin na sana 'yon nang may mag tabig sa kamay niya.
"Ito." Masungit na wika ni Markus.
"What?"
Kumunot ang noo ko nang si Markus mismo ang maglagay sa kamay ko ng gatorade niya. Tumikhim ito at pinasadahan pa ang buhok niya ganit ang kamay niya.
"Bro, kaibigan ko si Agatha. I know her since then.." ani Osiris.
"I know but I don't care." Nakangising wika ni Markus.
Natawa ang iba dahil doon habang ako naman ay gulong gulo sa nangyayari.
"Nandito ako. Pinsan ko 'yan. Tigilan niyo siya." Natatawang wika ni Uno.
Tinaasan ko siya ng kilay pero nag kibit balikat lang siya.
Humakbang nalang ako palapit sa mga gamit ni Markus at umupo sa tabi non. Doon ko ininom ang gatorade at bahagya pa akong napatingin kay Markus. May ngiting tagumpay ang mokong.
Ngumiti siya sa gawi ko pero inirapan ko lang siya. Pa-cute ng pa-cute!
"Let's go!" Ani Uno sabay palakpak ng malakas. Senyas na babalik na sila sa court.
Pinanuod ko silang pumunta lahat doon pero napabaling ako sa tabi ko nang umupo si Osiris doon. Tinaasan ko siya ng kilay at tinuro ang court pero hindi niya 'yon pinansin at uminom lang sa inumin niya.
"Os!" Tawag ng isa sa mga team mates niya pero umiling lang siya.
"Pass muna. Pasok ako next game." Aniya kaya nag simula sila ng wala siya.
Napatingin ako kay Markus para sana panuorin siyang maglaro pero nag alala ako nang nakita kong naka kunot ang noo niya at naka isang deretso na linya ang labi niya.
"Is he your boyfriend?"
Napabaling ang tingin ko kay Osiris. Naka deretso pa rin ang tingin niya sa harap.
"No." I honestly said.
"Why are you with him?"
This time ay hinarap niya na ako. His eyes are really beautiful but I can't help to compare it with Markus'. It's very plain not like Markus' shimmering eyes.
"I don't think I need to answer that question, Osiris." Deretso kong wika.
Nagpakawala siya ng halakhak dahil doon kaya napailing ako.
"I missed you. I missed talking to you. Hindi ka pa rin nagbabago. Your guts is still amazing." Manghang wika niya. Napangiti ako dahil doon.
"I missed you too. Kayo nila Sky, ng mga pinsan ko. Everyone.."
"I will forget your second sentence. Kunyari ay yung una lang ang narinig ko." Aniya.
Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. This is what I hate. Nagiging awkward ako pag ito na ang pinag uusapan namin. I don't want to hurt him but he always do this..
"Agatha, you still remember what I told you right?"
Nanatili akong nakatingin sa ibang lugar. Of course I remember.. I like you and I will wait for you. This are his last words to me before I entered the army.
"Oo pero hindi ba ay sinagot ko na 'yan. I don't want to be unfair with you, Os. Mahalaga ka sa akin pero hindi sa lebel na gusto mo. I will always care for you but I can't give you anything aside from care and appreciation."
Shit. Ayokong pagusapan 'to dito pero magiging unfair ako sakaya kung hindi ko 'to sasabihin agad. If I prolong this.. I will also prolong is pain.
Alam ko naman na nasasaktan ko siya.. pero wala talaga akong maibibigay.
"I know but-"
"Markus!"
Hind ko nasundan ang sasabihin niya dahil mabilis akong napatayo sa narinig ko. Naramdaman ko ang mabilis na pag akyat ng kaba sa puso ko lalo na nung makitang natumba si Markus.
"Markus!" Sigaw ko at tumakbo ako papunta doon.
Langya! Bakit ako nag heels?
"Okay ka lang?" Tanong ko.
Sinubukan siyang itayo ng mga kasama niya pero tinabig niya ang mga kamay nila.
"Wag kang mayabang! Mag patulong ka nga!" Inis kong wika sakanya.
Tinayo niya ang sarili niya at nakita kong ginalaw galaw niya ang kamay niya. Yun kasi ang ginamit niyang pang harang sa katawan niya nang matumba siya.
"Help me then." Aniya.
Wow! Gusto lang niya talaga akong pahirapan ganon?
"Sige ako ng bahala. Practice na kayo ulit." Saad ko at hinawaka si Markus sa braso niya para hilahin siya pabalik sa bleachers area.
"Os! Pasok ka muna sa game!" Rinig kong sigaw ni Uno. Tumayo si Osiris at bumalik sa court.
Napansin kong wala ang coach nila. Kaya siguro si Uno ang namamahala.
Narinig ko ang mahinang pag mura ni Markus.
"Buti nga." Rinig kong bulong niya pa.
Hindi ko na 'yon pinansin at kinurot nalang siya kaya napadaing siya. Ngumis ako dahil doon. Yabang yabang kasi!
Tinulungan ko siyang umupo at binigyan siya ng inumin niya. Kinuha niya ang pang punas niya at pinunasan ang pawis niya. Sumunod na ako at umupo sa tabi niya.
"Saan masakit?" Tanong ko.
Parang bata naman siyang sumunod at pinatong ang kanang kamay niya sa hita ko. Sinamaan ko siya ng tingin at kinuha ang kamay niya.
Dahan dahan ay minasahe ko 'yon. Napansin kong namumula din ito kaya naisip kong baka nabigla ito.
"Damn. Sarap." Aniya.
Namilog ang mata ko at masamang tingin ang binigay ko sakanya.
"You're thinking something erotic again." Nakangisi niyang wika.
"No!"
Hinayupak!
"Anong meron sainyo ni Osiris Claveria?" Mahinang tanong niya.
"Personal na tanong 'yan ah." Saad ko.
Ngayon ko lang naramdaman ang pag init ng kamay niya kaya mas pinagbutihan ko pa ang pag masahe sakanya. It's weird to touch him like this but..
I like it.
"Okay.. sorry." Mas mahinang wika niya.
It's hard for him to say sorry huh?
Bumuntong hininga ako. "Well, we dated few years back. Bago ako pumasok ng army."
Nakuha ko ang lahat ng atensyon niya dahil doon. Nag angat siya ng tingin sa akin at tinapat ang mukha niya sa akin kaya bahagya akong napaurong.
Hindi ba niya nararamdaman ang nararamdaman ko? Bakit hindi ata siya nahihirapan sa pag lapit sa akin?
"You two are together?"
Kita ko ang kuryosidad sakanya kaya kahit ayaw ko, sasagutin ko pa rin.
Umiling ako. "No, kasalanan ko lahat. I dated him because I want to experience romance before I enter the army. Hindi ko naisip na nag invest na siya ng feelings sa akin. He told me that he'll wait but I realized.. I don't feel anything. Besides, sa trabaho ko.. hindi pwede 'yon."
Kita ko ang pag awang ng labi niya dahil doon. Gusto ko tuloy matawa sa reaksyon niya pero pinigilan ko ang sarili ko.
"You're so bad." Aniya.
Napaismid ako sa sinabi niya.
"I'm not like you. Na nakikipag tawanan sa mga babae, leaving them signs that you like them. Paasa ka kasi." Balik ko sakanya.
Napangiti siya dahil doon at napabuga pa ng hangin.
"What? Are you jealous?" Manghang manghang tanong niya.
Binitawan ko ang kamay niya at humalukipkip.
"No! Me? Jealous? I never been jealous." Ngayon lang.
Tang'na? Ano ako? Si John Lloyd? Hindi ako nagseselos! Sadyang nakakainis lang siya. Bakit naman ako magseselos? Dalawang araw ko palang siyang kasama para makaramdam ako ng ganon.
Sino bang kinukumbinsi ko?
Napakagat ako sa labi ko at napaiwas ng tingin. Nawawala lahat ng pinaniniwalaan ko dahil sakanya. Sakalin ko siya 'e!
"Whoa.. chill. I was just joking. You're to defensive."
Hindi ko siya sinagot at hindi na rin niya sinundan 'yon. Inayos nalang niya ang bag niya at binitbit na 'yon.
"Uuwi na tayo?" Tanong ko.
Inalok niya ang kamay niya sa akin pero hindi ko 'yon pinansin at tumayo mag isa. Ngumuso siya at kinuha pa rin ang kamay ko. Hinila ko 'yon pero hinablot niya 'yon kaya mas napalapit ako sakanya.
"Wag makulit." Matigas niyang wika kaya nanahimik nalang ako.
Pag nalaman ng mga pinsan ko 'to. Pag tatawanan nila ako. No one can order me around..
"We're going home!" Sigaw niya sa mga kasama niya.
Nagpangiwi ako sa sinabi niya. Ang weird non para sa akin. Kinurot ko siya sa kamay kaya napatingin siya sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Nilingon ko si Uno at nag wave ako para mag paalam. Sumenyas naman siya na tatawag siya mamaya.
Lumabas kami sa gym at pinatunog niya ang kotse. Napatingin ako sa paligid at nanliit ang mata ko sa itim na kotse sa hindi kalayuan. I suddenly remember.. that's the exact same car that followed us from his old house to the new one.
"Markus, I'll drive." Saad ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top