Bullet 6

Patient

"Walang'ya ka!"

Tinulak ko siya pag kapasok na pag kapasok namin. Kita ko ang tuwa sakanya dahil hindi siya nagalit, tumawa pa ang mokong.

"What? I just followed you! I acted!" Depensa niya.

I'm not buying it! Acted? Acted-in niya mukha niya! Isasampal ko sakanya kung gaano siya ka-walang'ya.

Pinanliitan ko siya ng mata at tinuro siya na parang may ginawang kasalanan. Tumawa siya lalo at nag taas ng dalawang kamay na para bang sumusuko.

"Acted? Ginamit mo nanaman ang bibig mo sa akin! Hinalikan mo ako sa noo! Masyado ka naman atang nadala mister? Feel na feel mo ang eksena at hinalikan at inakbayan mo pa ako?" Singhal ko sakanya.

Pumupuyos ang inis ko! Hindi sakanya kung hindi dahil sa sarili ko dahil kung tutuusin ay pwede ko siyang pigilan kanina pero natulala lang ako.

Ayoko ang reaksyon ko sakanya.

"Well yes! I was carried away! Anong masama doon?"

Wala akong masagot sa tanong niya. Nakatingin pa rin siya sa akin habang ako ay umiwas na ng tingin. Seryoso nanaman siya. Tila para bang binabasa niya kung anong nasa isip ko.

Agatha! Sagot! Tang'na, tameme nanaman ako.

"What? Bakit wala kang masagot sa akin Agatha? Nasaan na ang matapang na Agatha?"

Napaawang ang labi ko sa tanong niya. Agatha.. tinawag niya ako sa pangalan ko. Dapat ay suntukin ko na siya pero hindi ako makagalaw. Lalo na ngayong tinawid niya ang distansya na natitira sa amin.

"Hope.. call me hope." Giit ko.

"Ito.."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Napasinghap ako nang hawakan niya ang baril ko na nakaipit sa loob ng dress ko sa gilid ng kaliwang binti ko.

"Bakit hindi mo ginamit sa akin 'to? If I did the wrong thing.. kung galit na galit ka sa akin dahil sa ginawa ko. Bakit hindi mo ako binaril o pinigilan?" Bulong niya sa akin.

Napakagat ako sa labi ko. Umiwas ako ng tingin dahil sa sobrang lapit niya sa akin. I was breathing heavily. Pakiramdam ko kasi ay hindi ako makakahinga dahil sa lapit niya sa akin. Pinigilan kong kumalabog ang puso ko pero hindi pala napipigilan 'yon, kaya damang dama ko 'to.

"K-kasi.. hindi naman ako ganon kasama para barili ka agad no! Ha-ha! Nakakatawa ka talaga, Markus!"

Para akong baliw sa sagot ko. Anong connect ng sagot ko? Napaka walang kwenta ng sagot ko. Halatang iniiba ko lang ang topic pero umaasa pa rin akong gumana 'to.

Dito daw ako magaling..

"You're changing the topic." Aniya.

Hindi niya tinatanong 'yon. Sinasabi niya ito at siguradong sigurado siya.

Kumunot pa ang noo niya at parang sinipat sipat pa ako. Tumikhim ako at ginamit ang lakas ko para lumayo sakanya. Doon ko lamang naramdaman ang tamang pag hinga.

"I have a job to do, Markus." Saad ko at linibot ang buong opisina niya.

Lumapit ako sa mga bintana doon at sinara lahat ng binds kaya bahagyang dumilim. Para kaming mga bampira kung mag tago sa araw.

"Next time, I'll make sure na hindi ka na makaka lusot. By the way, why are you closing the binds?" Aniya.

Ngumisi ako at hinarap siya.

"Wala ng next time and to answer your question, baka may tumutok nanaman ng baril sa'yo mula sa malayo. We need to be sure. Alam sigurado ng gustong pumatay sa'yo na nandito ka sa opisina. Sigurado ako.."

Lumapit ako sa sofa niya doon at umupo. Nakatapat lamang ito sa mismong lamesa niya. Siya naman ay dumiretso sa swivel chair niya kaya napatingin siya sa akin. Napaiwas ako ng tingin at pinansin nalang ang kabuuan ng opisina niya.

Nostalgic hit me.

Malaki ito.. kagaya ng mga nakikita ko sa kompanya ng pamilya ko. I remember, noong dinalaw ko si Gelo sa office niya sa Harris Hotels ay ganito din. I was so bored sitting in the sofa while my brother is busy being the general manager there.

Kakasimula palang niya non at gusto ni Tito Jerem ay masubukan lahat ni Gelo lahat. But I'm sure.. mas mataas na niyan ang pwesto niya.

"Na bobore ka na?" Tanong niya sa akin.

Ngumisi ako at umiling kahit sa totoo lang ay nararamdaman ko na ang pagiging inutil ko dito.

This is what I hate about office work. Walang thrill, you only read, analyze, sign the papers. Hindi tulad sa field ay takbo, action at ginagamit lahat. Mula utak hanggang sa buong katawan. I can't deal the fact that I'll only sit all day long.

"Markus.." tawag ko sakanya habang nakasandal sa sofa niya.

"Yes?"

Hindi niya ako liningon kaya napanguso ako.

"Markus.." muli kong tawag.

Nagiging komportable na ako sa upuan at na bobore na talaga ako. Pag ganito ako ay isa lang ang mangyayari..

"Hmm?" Simple niyang sagot pero patuloy lamang siya sa pag pirma at pag galaw ng ballpen niya.

"Hinayupak.." muli kong tawag at bahagya akong napangiti nang kumunot ang noo niya.

Hindi ako pwedeng makatulog! Babantayan ko pa siya. Pero nararamdaman ko ang antok.

What the heck! Layuan mo ako, antok!

"Markus" pag uulit ko.

Napaka seryoso niya kaya lalo siyang gumagwapo.

"I wouldn't be able to focus if you keep on calling me. You know, ibang iba ang pagtawag mo sa pangalan ko. I want to record that.." Aniya habang nanatili ang tingin sa mga papeles.

I let out a chuckle because of that.

Smooth! Super smooth!

Hindi na ako sumagot para makapag focus siya. Pinagmasdan ko nalamang siya. Ang noo niyang bahagyang kukunot habang nagbabasa. Ang pagkibot ng kanyang bibig tuwing ililipat niya ang pahina. Ang panga niyang perpekto at bahagyang mag titiim tuwing may hindi nagustuhan sa nabasa.

"Ang gwapo mo, hinayupak.." mahina kong bulong at doon lamang siya nag-angat ng tingin sa akin.

"What?" Aniya.

Kita ko ang pag silay ng ngisi sakanya na naging ngiti din sa huli. Tumalon ng bahagya ang hypothalamus ko nang mag tama ang tingin namin at nang masilayan ko ang ngui niya.

Okay na ako. Tumingin na siya sa akin.

"Wala.." mahina kong wika at unti-unting pumikit.

Napahawak ako sa noo ko dahil sa pag mulat ko ng mata. Humikab ako ng konti at luminga linga. Namilog ang mga mata ko nang mapadako ang tingin ko sa upuan ni Markus at makitang wala siya doon.

Gumapang ang kaba sa akin. Tinanggal ko ang kumot sa katawan ko na siguro ay si Markus ang nagkabit. Gusto kong ngumiti dahil sa kumot na 'yon pero mas importante ang katotohanan na wala siya dito.

Mabilis kong tinungo ang pintuan at lumabas doon. Napatingin ako sa lamesa ng sekretarya niya pero pati ito ay wala doon. Mas lalo akong kinabahan. Mga imahe ang dumaan sa utak ko. Paano kung nilooban ang opisina niya at pinatay ang sekretarya niya tapos siya ay kinuha habang tulog ako?

Markus! Hinayupak ka talaga para pag aalalahanin ako ng ganito!

Naglakad lakad ako para hanapin siya pero natigilan ako dahil nakita ko siyang nakikipagtawanan sa mga babae. Nanliit ang mga mata ko dahil doon.

Nakita kong nakuha ko ang atensyon niya at lalong lumawak ang ngiti niya sa akin. Bahagya niyang tinaas ang kamay niya para sabihing sandali lang.

Gago!

Tumalikod ako at nag martsa papasok sa opisina niya muli. Ang sarap ko rin murahin! Ano bang pinuputok ng butsi ko?

"Hey-"

Matalim ko siyang tinignan pagkapasok niya sa pintuan. Kita ko ang gulat sakanya kaya lalong nag init ang dugo ko.

"What's the problem?" Takang taka pa ang mokong.

Hindi ko din alam!

Ayokong alamin!

"Wala!" Inis na wika ko at padabog na umupo sofa niya ulit.

Shit! Ano namang gagawin ko dito? Tutunga nanaman?

"Really?" Manghang tanong niya.

"Oo nga! Kulit!"

Humalukipkip ako at binaling ang tingin sa lamesa sa harap ko. Doon ko lang napansin na may pagkain pala sa harap ko. May post it note din doon..

If you woke up and you didn't see me. Don't worry. Eat first, may thirty minutes meeting lang ako. Eat well, Hope.

-Markus

Nanglambot ang puso ko dahil doon at napasapo ako sa noo ko. Hindi ko napansin 'yon kanina! 'Di sana ay hindi na ako nag alala at lumabas pa. Sana ay hindi ko siya nakita doon na nakikipag tawanan at hindi sana ako naguguluhan sa pinuputok ng butsi ko.

Dalawang araw palang kami magkasama ulit since five years ago pero pakiramdam ko ay may mali na sa akin.

Nakakalimutan ko ang mga paniniwala ko. My principles are no where to be found. I need to get myself back. I need to gather my shit.

"Hope? Anong problema? Ayaw mo ba ng pagkain?" Tanong niya sa akin.

Naramdaman ko ang pag hawak niya sa braso ko na nakatakip sa mukha ko at unti-unti 'yun tinanggal. Ito nanaman ang hypothalamus ko.

Crush ko siya.. pwede ba 'yon?

Langya! Pwede pa ba sa akin ang crush crush?

"H-hindi.. masarap nga 'eh." Sagot ko para matigil na siya.

Kumunot ang noo niya at humalakhak. Lalong bumilis ang pintig ng puso ko dahil doon. Mali na talaga 'to..

I can smell him and that made me full already.

"You're fooling me. Hindi mo pa naman natikman ang pagkain na pinabili ko tapos masarap na nga?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Oo masarap ka kasi eh.

Napakagat ako sa labi ko.

Agatha! Umayos ka nga! Sinalubong ko ang mga tingin niya at pinag sisihan ko 'yon dahil mas lalong nagwala ang sistema ko dahil nakikita ko nanaman ang kumikislap niyang mata.

I wonder.. ako lang ba ang nakakakita nito?

"Alam mo naman pala. Tinatanong mo pa." Kunyari ay pagtataray ko.

Napahalakhak siya muli. Ang sarap ng  tawa niya. Ang sarap pakinggan.

Umiling iling siya at kinuha ang kamay ko. Inagaw ko 'yon sakanya pero hindi niya 'yon binitawa. Kinuha niya ang pagkain at hinila ako sa may lamesa niya. Iniupo niya ako sa isa sa mga upuan sa harap niya at linapag naman niya ang pagkain sa lamesa.

Pinagmasdan ko siya na lumipat sa harap ko at muling umupo sa swivel chair.

"Doon nalang ako kakain."

Tinuro ko ang lamesa sa likod. Hindi niya ako tinignan at nag simula na muli sa pag babasa.

"Diyan ka lang." Matigas niyang wika.

"Doon nalang.. baka maistorbo kita." Giit ko.

"Diyan ka sa harap ko."

Naninibago ako sakanya. Kailan ba ako masasanay sa seryosong Markus? Sanay akong lagi niyang binubusit ang buhay ko. Mas gusto ko pa 'yon.. atleast sigurado ako sa nararamdaman kong galit sakanya.

"Baka matapunan pa 'yang mga papeles mo." Pilit ko.

Huminga siya ng malalim at sumandal sa upuan niya. Doon lamang niya ako tinignan kaya napaiwas ako ng tingin ulit.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. Alam ko na naiinis na siya. Makulit at mapilit ako, isa 'to sa mga ugaling hindi ko maaalis sa akin dahil namana ko 'to sa tatay at kuya ko. Kailangan ng mahabang pasensya sa akin.

"I want to see you eat. Hindi ko alam kung paano ka napasok sa serbisyo nang ganyan ang katawan mo." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.

Para nanaman akong binuhusan ng tubig sa sinabi niya. Ito ang sinasabi ko.. meron siyang katangian na kayang kaya ilabas ang sobrang pagkainis sa katawan ko.

"Anong problema sa katawan ko?" Pag titimpi kong tanong.

Sinalubong ko na muli ang tingin niya. Ayan! Tignan mo ang pag kainis ko sa'yo!

Anong akala niya? Sasali ako wrestling? Hindi purkit parte ako ng SF ay dapat malaki na ang katawan ko. Kainis talaga 'to!

"Eat." Aniya.

I can see that I'm trying his patience. I know his type. Aggressive at hindi kayang mag pasensya. Let's see how long can he last.

"Make me." Tudyo ko sakanya.

Ngumisi siya at umiling iling. Pinaglaruan niya ang ballpen niyang hawak.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"You're trying my patience. Pero hahabaan ko ang pasensya ko. I'm not that type of person pero gagawin ko pa rin. Nag pabili pala ako ng first aid kit dahil wala ako dito non. You need to clean your wound after. Now eat."

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Bumaling siya muli sa mga trabaho niya at hindi na ako pinansin. While here I am, very shock. May ganito pala siyang ugali? He's very caring..

Patient?

Napahawak ako sa puso ko pagkatapos ay pinasadahan ko ang buhok ko para mahimasmasan.

Kinuha ko ang kubyertos at muli akong bahagyang napa tingin sakanya at kita kong nakasilip siya at nakatingin sa mga kamay kong nakahawak sa kubyertos.

He smiled and my hypothalamus skipped.

"Ngiti ngiti ka pa diyan." Bulong ko at binuksan ang lalagyan ng pagkain.

"What? May sinasabi ka?" Rinig kong tanong niya.

Maagap akong umiling at sumubo.

"Wala. Wala akong sinabi. Whoa! Ang sarap. Masarap ang pagkain Markus." Saad ko sabay pakawala ng pekeng tawa.

"Good. Eat well." Aniya.

Hindi man lang niya ako binalingan.

'Di wag!

"Kumain ka na?" Tanong ko sakanya.

Pinagmasdan ko at hinihintay ang pag angat niya ng tingin sa akin.

"Yes, sa meeting ay kumain na kami." Sagot niya pero nanatili ang tingin niya sa mga papeles na hawak niya.

Ngumuso ako muli at sumubo nalang.

"Okay.." mahina kong sagot.

Teka? Teka lang Agatha! Bakit parang under ka ata! Bakit nabaliktad ata ang lamesa at bigla kanalang sumusunod?

Gather your shit!

Mamaya.. babawi ako.

Sumubo ako at napatingin sa bind na medyo nakabukas.

Bakit nakabukas 'to?

Nanliit ang mata ko at sinundan ang pader na kaharap non. Tulad noong isang gabi ay may pulang bilog na nag lalaro 'doon.

Namilog ang mata ko at napatingin kay Markus na seryoso pa rin pumipirma. Mabilis akong napatayo at napatingin sa pulang bilog na unti-unting gumagalaw papunta sa tapat niya.

"Markus! Yuko!" Sigaw ko at mabilis na kinuha ang baril ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top