Bullet 5

Kinurot

"Goodmorning!" Masayang bati ko sakanilang lahat.

Kakalabas ko palang mula sa kwarto na pinahiram sa akin at naka bihis na ako para sa pag sama ko kay Markus. Natagpuan ko naman sila Violet sa kusina habang nag aalmusal.

They were all looking at me with their shocked expression.

"Sinabi na ba ni Violet ang mga gagawin niyo ngayong araw?" Tanong ko habang lumalapit sakanila.

Para silang mga robot na tumatango at literal na sumusunod ang mga ulo nila habang lumalakad ako. What is wrong with them?

"Ayusin niyo ang report. Detailed dapat okay? From the time we entered the house hanggang sa kung anong natagpuan niyo sa bahay na 'yon." Tuloy tuloy lamang ako sa pagsasalita pero sila ay tumatango lamang habang nakatingin sa akin.

"What the heck? Ano bang mga problema niyo?"

Kumuha ako ng sandwich at kumagat doon. It's good! I suddenly missed my mom's sandwich. She's a very good cook and she can turn a simple food to a master piece.

"Cap, 'yan ang suot mo sa pagsama mo kay De la Fuente?" Tanong ni Kina.

Kumunot ang noo ko at nagbaba ng tingin sa suot ko. I was wearing the dress that I bought with my mom the last time I got a vacation. It was a turtle neck dress that hugged me perfectly. Konti lang naman kasi ang dress ko dahil wala na akong oras mamili. It's just that mom bought me dresses. Kaunti lamang ang t-shirt at jeans na binili niya.

"Yes.. anong gusto niyo? Mag uniform ako doon? 'Di nalaman nilang special forces ako? Wala dapat makaalam ng identity natin diba?" Saad ko.

"Yes pero.." hindi ko na nasundan ang sinasabi ni Geric dahil nakuha ng atensyon ko ang lalaking pababa ng hagdan.

He was looking so manly and confident in his suit. Napaka matured niyang tignan at bagay sakanya 'yon. Lahat naman ata bagay sa mokong na 'to.

Lumipat ang tingin niya sa akin at napangiwi ako nang umawang ang labi niya. Ano ba 'to? Masama na ba mag ayos talaga? Babae din naman ako! I can wear high heels and kill everyone with them! Hindi ako magpapaka humble at alam ko kung ano ang mga asset ko. If I dress up properly, I know I'll look like a celebrity. Kanino pa ba ako mag mamana? Of course to my beautiful mom!

Pero kung tignan ako ng mga tao dito, parang kasalanan ang ginagawa ko.

"Hey." Bati ko sakanya.

Lumapit ako sakanya habang ang mga mata niya ay nanatiling nakatingin sa akin.

"Eat." Saad ko sabay pasok ng sandwich sa bibig niya.

"Huh?" Aniya.

Napahalakhak ako dahil doon. Umiling ako at tumalikod na sakanya. Umagang umaga nag papacute ang mokong!

"Baka malate ka!" Sigaw ko at naglakad na palabas.

"Cap! Ingat! Tatalbugan mo lahat ng mga babae sa De la Fuente corp!" Narinig kong wika ni Den.

What the heck?

"Hey! Wait up!"

Mabilis niya akong nahabol pero hindi ko naman siya nilingon. Pinatunog ko ang kotse at binuksan ang driver's seat at tuloy tuloy na sumakay doon.

"I'll be honest. I don't like the idea of you driving." Aniya pagkapasok niya.

Tumaas lang ang kilay ko habang pinapaandar na ang kotse at umalis na doon. Nang nasa may daan na kami ay doon ko lamang pinansin ang sinabi niya.

"Why?"

"It's very awkward to let a girl drive for me.." He traced.

Oh! I get it. Boys has this thing that they shouldn't let a girl drive lalo na kung nandyan naman sila para mag maneho. Pinaliwanag na ito ng kuya ko dati.

"But I can't let you drive. Mag tiis ka muna." Saad ko at ngumiti ng bahagya.

"Okay.. pero ganyan talaga ang suot mo hanggang mamaya?"

Bahagya akong natigilan sa tanong niya pero pinanatili ko ang tingin ko sa harap ng daan. Huminga ako ng malalim at sandali siyang liningon bago ibalik ang mata ko ulit sa daan.

He was looking at me intently.. at nakaka-bother 'yon.

"Oo, bakit ba?"

"It's just that.. baka hindi makapag focus ang mga empleyado namin. Tapos may basketball practice pa ako mamaya, siguradong mapapansin ka nila." Aniya.

Natawa na ako sa sinabi niya at umiling iling. Ginalaw ko ng kaunti ang balikat ko para mai-check kung okay na ba ang sugat ko at medyo masakit pa 'yon.

"Are you complimenting me?" Amused kong tanong.

I can't believe that we're having this conversation right now. Konti nalang ay sabihin niyang napakaganda ko sa suot ko at ayaw niya akong mapansin ng iba. Well hindi naman sa gusto kong marinig 'yon. Nakakatawa lang talaga.

Teka! Bakit natutuwa ako?

Expired na ang hypothalamus ko. Ayon sa aking kalkulasyon ay namatay ito kasabay ng pag pasok ko sa army. Na revive ba?

"No! Ayoko lang na hindi sila makapag focus." Aniya.

Ngumiwi naman ako at inirapan siya. Panira talaga ng kasiyahan!

"Okay, sabi mo 'eh. But to answer your question. Yes, ito ang isusuot ko dahil hindi ako pwedeng mag uniporme. Bawal kasi malaman ang mga identity namin." Nakangisi kong wika.

"Speaking of that.. kaya ba Hope ang tawag sa'yo? Everyone of you has a code name?"

"Yes. To keep our identities. Agatha Joan Montgomery is not a member of special forces but Hope is. Simple as that." Paliwanag ko.

Binalingan ko siya sandali bago ko liniko ang kotse papunta sa Korporasyon nila. Mataman niya akong tinitignan at pinapakinggan. I never thought I'm going to see him like this.

Who would have thought that he is the happy go lucky boy I met five years ago.

"That's cool. Bakit ka pumasok ng army? I mean.. your family is really successful not just here in Manila and Cebu but your family is also internationally competent." Aniya.

Kumunot ang noo ko at bahagyang humalakhak. Pinanliitan ko siya ng tingin pero mabilis ko rin binalik ang tingin ko sa daan.

Maaksidente pa ata kami dahil sakanya.

"Masyado ng personal ang tanong mo Mr. De la Fuente. I can't provide you answers. I need to kill you first before I tell you." Nakangising wika ko.

I was expecting him to get surprised or scared.. anything but not this, he smiled! Did he found that funny? Worthy of his smile?

Kung titignan ay napaka rami kong ineexpect na gagawin niya o marami akong mga hula kung anong klase siyang tao. But everytime he's like this, lagi kong napapatunayan na nagkamali ako. Maybe he did mature.

"Okay.. time will come. Malalaman ko din 'yan. I have to many questions and I'll find the answers myself."

Nangilabot ako sa sinabi niya.

I raised my eyebrow at him. He's very confident that he will.

"Nandito na tayo.."

Pinasok ko ang sasakyan sa parking lot ng building na 'yon at naunang lumabas sakanya. Mabilis din siyang bumaba at hinabol ako dahil dire-diretso lamang ako.

"Why are you always leaving me behind?" Aniya nang maka habol sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay at mabilis na hirap. He was breathing heavily because of keeping up with me. Hinawakan ko siya sa balikat at lalong hinarap sa akin. Kita ko na natigilan siya dahil doon kaya napangiti ako. Nice shoulders. Dama ko ang muscles doon.

Inayos ko ang suit niya, pati na rin ang tie niya. Napa-angat ako ng tingin at nabura ang ngiti sa aking labi nang mag tama ang mga mata namin. He was just staring at me and that made me gulp. Akala ko ay maiintimidate ko siya pero ako ata ang naintimidate dahil sa tingin niya.

It was very very hot. Hot stare? May ganon ba? Oo! Siya! Kaya niyang gawin 'yon.

"Dapat ay lagi kang maayos tignan. Dapat ay nakahiwalay ang basketball player look mo sa office look mo." Paliwanag ko.

Akmang aalisin ko na ang kamay ko sa balikat niya pero nagulat ako ng hulihin niya ang dalawang kamay ko at mabilis akong hinila. He was holding my hands firmly. Nasa tapat ng dibdib niya ang mga 'yon at lapat na lapat ako sakanya. Naging malalim ang pag hinga ko at unti-unti akong nag angat muli ng tingin.

Ako dapat ang doninant sa amin! Why the heck am I being a scared cat? Why am I being under him? Ako ang may baril pero hindi ako makawala sakanya. I was too captivated by his shimmering eyes. Seryoso siya ngayon at nakaka panibago..

"Magkahiwalay? Like you? Nakahiwalay ang army look mo sa ngayon? You look so sexy and irresistable. Unang kita ko palang sayo five years ago ay nakuha mo agad ang atensyon ko." Walang alin langang saad niya.

Namilog ang mga mata ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at nangatog ang mga binti ko.

Ang hypothalamus ko ay tumitibok.. pwede ba 'yon? Rinevive siya!

I was waiting for him to take it back.. to take back what he said. Like say that it's a joke but it never came. Lalo lamang lumalim ang tingin niya sa akin.

Tumikhim ako. "Syempre maganda ako." Saad ko sabay pakawala ng pekeng tawa.

Damn. Of course! I need to do something to ease the tension! Hindi ako sanay ng seryoso sa ganito. Kaya nga hindi ko pinatulan si Osiris Ciro Claveria, brother of my sister's husband. Kahit na handa siyang mag hintay kahit gaano pa katagal dahil kaya kong lumandi at maglaro pero hindi ko kaya ng seryosong usapan.

Kumunot ang noo niya at humalakhak. Kinuha ko ang tyansa na 'yon para humiwalay sakanya. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Langya! Anong nangyari sa akin? Nawala ako sa katinuan!

"Yeah, you're really beautiful. Damn confident." Aniya habang natatawa pa.

Ngumisi ako. "Buti alam mo!" Saad ko sabay hawi sa buhok ko.

Lalo siyang natawa at umirap ako. Mariin kong sinara ang mata at bibig ko para mapigilan ang pag hagikgik at pag ngiti. Peste! Ang cute talaga ng mokong na 'to!

Pwede ba 'yon? Napaka gwapo niya pero cute pa din. Madaya!

Nauna akong pumasok sa elevator doon at hinintay siya dahil hindi ko alam ang floor ng opisina niya. Bakas pa rin ang ngisi sakanya habang ako ay pigil na pigil ang ngiti.

Napaurong ako nang maraming pumasok na mga empleyado hanggang sa marating ko ang dulo ng elevator. Napaurong ako lalo nang higitin niya ang kamay ko at ilagay niya ako sa likod niya. I can't see anything except his back.

"Goodmorning Sir!" Sabay sabay na bati ng mga babae. Sabay sabay din silang humagikgik na parang sayang saya sa mga nangyayari.

Landi!

Ako lang ang pwedeng lumandi!

Katapos ng six months, doon kayo gumanyan!

"Goodmorning." Bati niya rito kaya kinurot ko siya sa likod.

Kumunot ang noo ko at kinurot pa siya ng isang beses. Wala akong makurot nakakainis! Everything in him is hard! Bahagya siyang tumalikod para siguro tignan kung anong ginagawa ko.

Gusto kong tanungin ang sarili ko kung bakit ko siya kinukurot pero hindi ko ginawa. Ayokong sagutin. Basta 'yon ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang kurutin!

"Hinayupak." Mahina kong bulong pero sinigurado kong maririnig niya.

"What?" Rinig ko ang pagkamangha sa boses niya. Bahagya pang tumawa!

Inirapan ko lamang siya at inappreciate nalang ang bango niya. Ano kayang pabango niya?

"Pogi ni sir.." rinig kong wika nila kaya kinurot ko siya muli.

Umiirap lang ako sakanya tuwing lilingon siya sa akin. Tinadtad ko siya ng kurot lalo na at walang tigil ang mga babae sa pag puri sakanya.

Hello! Nandito ang pinag uusapan niyo! Syempre gustong gusto naman niya! Mokong siya!

Laking tuwa ko nang lumabas ang lahat at kami nalang ang natira. Doon ko na conclude na sa pinaka top floor ang office niya. Marahan ko siyang tinulak at tumayo sa gilid niya.

"Why do you keep on pinching me?" Tanong niya.

Humalukipkip ako pero sa harap pa rin ang tingin ko.

"Ay? Naramdaman mo? Wala naman akong nakurot don't worry. Puro muscles eh." Matalim kong wika.

I said it with a smile pero isang deretsong linya lamang ata ang nagawa ko. Kulang sa curves! Sayang! Try next time!

"What?" Aniya habang nag pipigil ng tawa.

Masayang masaya talaga siya sa buhay niya no?

"Wala.. nakabukas na ang elevator." Simple kong wika at ako na ang naunang lumabas sakanya.

"Hey! You're leaving me again!" Aniya habang hinahabol ako.

Tumapat ako sa opisina niya dahil may babae sa gilid. His secretary?

"Sir! Goodmorning po! Nandyan na po ang coffee niyo!" Masayang mayasayang bati ng babae.

Sa sobrang saya niya baka mapagkamalan pang gawa sa himala ang kape niya.

"Oh thanks." Sagot naman ng nasa gilid ko.

Napansin ko ang pag baling niya sa akin kaya napabaling rin ang babae sa akin. Mula sa ngiti ng babae ay naging simangot ito. Pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa.

Ano? Anong problema niya sa akin?

"Oh! Sorry I didn't introduce myself. I am Hope De la Fuente. Cousin of your boss." Nakangiti kong wika sabay yakap sa braso ni Markus.

"Cousin?" Pag uulit ng babae.

Wow! Ayaw maniwala? Ngumiti ako ng matamis at tumango tango. Shit! I am so great with this! Alice will be proud of me! Alice is a well known celebrity and she's my cousin.

"I just got home from the states and my parents told me to tag along with Kuya Markus." Saad ko habang naka sabit ang kamay ko kay Markus.

Nilingon ko siya at kita ko ang manghang manghang ekspresyon sakanya. Ngayon lang ba siya nakakita ng award winning acting?

Tinaasan ko siya ng kilay kaya nakuha ko ang atensyon niya.

"Yes! She is my cousin! Hope De la Fuente." Aniya sabay halik sa noo ko.

Namilog ang mata ko at kusang nalaglag ang mga kamay ko dahil sa gulat. Nanatili lamang ang tingin ko sakanya at kitang kita ko ang pag ngiti niya. Pati ata mata niya ay nakatawa na din.

Tumawa siya at mabilis akong inakbayan. Wala akong magawa. Hindi pa napo-proseso sa akin ang nangyayari. Ako dapat ang nakangiti ngayon at ako dapat ang nanamantala dito pero bakit parang baliktad?

"Let's go Baby Hope!" Aniya sabay hila sa akin papasok ng opisina niya.

Hindi ko na napansin ang itsura nung sekretarya niya pero wala na akong pakielam dahil may papatayin ako ngayon din!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top