Bullet 31
Turn off
"Agatha, pwede mo bang ipaliwanag sa amin ng daddy mo kung bakit mo tinago na isang araw ka ng wala sa serbisyo at nagtatago ka lang sa bahay nila Tulip?" Ani Mommy.
Huminga ako ng malalim at malungkot na ngumiti sakanila.
Sinamahan ako ni Tulip sa bahay namin at nandito ako ngayon sa sala namin, nakaharap kina mommy at daddy. Hindi pumasok si daddy kahit na ayos na ayos na siya para pumasok. They were eating breakfast when I came. Ayaw din sana pumasok nila Kuya Adrian at Gelo pero napilitan sila dahil utos ni daddy.
"I can't face you mom.." Mahina kong paliwanag.
Gusto ko sabihin sakanila ang lahat. I want to tell them that I was broken and I made the most stupid decision in my life. Pero habang tinitignan ako ni mommy na para bang sobra siyang nag aalala sa nangyayari sa akin, parang hindi ko kaya.
The last talk I had with Markus is still swaying and running in my head.
"Why did you leave the army?" Deretsong tanong ni daddy.
Bahagya akong natigilan. Pag si daddy na ang nagtanong, hindi ko maiwasan ang kabahan. Kilalang kilala ako ni daddy. Nagmana ako sakanya at parehas na parehas kami kung paano mag isip. I am his girl version.
"Yun naman po talaga ang plano. For mom.. for everybody." Sagot ko.
'Yun naman talaga ang plano. After six months ay aalis na ako, sadyang napabilis lang dahil kay Markus. Pero hindi ko pwedeng sabihin 'yon.. hindi ko kayang sabihin na dahil kay Markus.
It will mean so much for them.
Bumaling ang tingin ko kay mommy dahil hindi ko kayang makipag sukatan ng tingin kay daddy. Kung meron man akong tao na kinakatakutan sa mundong ito, it's him.
The one and only, Theodore Montgomery.
"Anak, tell me the truth.. sa limang taon na nasa serbisyo ka. Araw araw akong nagmamakaawa sa'yo para bumalik sa amin at umalis na sa serbisyo pero hindi mo ako napagbigyan. I know how much you love this, your job is your dream. Alam kong sinabi mo sa amin na aalis ka pagkatapos ng huling misyon mo at aware ako na hindi pa tapos ang eleksyon. Now tell me, bakit nandito ka sa harap namin ngayon? Paano ka nakapag desisyon agad na umalis?"
Kita ko ang pagkalito sa mga mata ni mommy. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak kay daddy. Parang pinisil ang puso ko dahil doon. How I wish to have my own happy ever after just like them.
"Ayaw niyo bang nandito ako ngayon?" Pagliligaw ko sa tanong.
Naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko kaya nag iwas ako ng tingin. I felt Tulip's hand held mine. Na guilty tuloy ako, noong mga panahon na kailangan niya ako ay wala ako. Though Ate Adrianna was there, Alice too but still, iba pa rin kung lahat kami ay nandoon.
"Mommy mo ako, I know you. I can see it in your eyes, may pinag dadaanan ka. Can't you tell me? Hindi mo ba pwedeng sabihin sa akin kung anong tumatakbo at bumabagabag sa'yo?" Puno ng pagsusumamo ang boses ni mommy.
Something hit me.
Hindi naman kasi ako ang klase ng taong sinasabi ang mga bagay na 'to. Kilala ako bilang babae na iba ang priority. Ang prayoridad ko ay ang mga pangarap ko. Love is last on my list but here I am, running because of it.
Yumuko ako at hinayaang tumulo ang mga luhang nagbabadya. Pinisil ko ang kamay ni Tulip para makakuha ng lakas. Bumuga ako ng hangin para maalis ang kung anong bumubuhol sa puso ko.
"Ma, the thing that you badly wanted to happen.. happened"
Basag na boses ang lumabas sa akin. Narinig ko ang pag singhap ni mommy kaya mariin akong napapikit sandali bago nag angat ng tingin. Sinalubong ko ang mga tingin nila at mabilis na humilig si mommy kay daddy.
"I loved." I breathed.
"Then.. why? Why are you crying, Agatha Joan?" Tanong ni daddy.
"I just experienced my first heartbreak dad."
Napahawak ako sa puso ko dahil sa paninikip nito. Nakakahiya man na sabihin sakanila 'to ay masaya pa rin ako na may nasasabihan ako. Atleast, alam nila kung anong nararamdaman ko at kung anong tumatakbo sa isip ko.
I know they'll understand.
"Hindi ka ba niya gusto?" Tanong ni dad.
Napangiwi ako. "He does."
"Then why? It's Markus De la Fuente, right? Don't you dare deny it. I saw how he looked at you and how you looked at him." Banta ni daddy
Tumango ako. No need to hide it.
"I'm bad for him. I oath to protect him but he ended lying on the hospital bed."
I bit my lower lip.
Memories from that night flashed in my mind. It still pains me.
"That's not a reason.. if you love someone and he loves you back, why don't you grab it? Montgomerys are not like that, Joan. You're brave, you're smart and you're my daughter." Dagdag ni daddy.
Umiling ako. "This is my decision, dad. I'm sorry. I need to stay away. If I need to hide, I'll hide." Desidido kong wika.
Dad, his step mom begged me to stay away, to let him go and to turn my back on him because I'm bad for him. This is to protect him from everything. She thinks that I'll bring him to danger and I agree. Even though how much cruel and nonsense it sounds, I understand because she's a mother.
Gusto kong isatinig 'yan pero wala akong lakas para gawin 'yon. If I tell them that, it will be too much information. May mga bagay na hindi na kailangan ikwento, mga bagay na sa akin nalang at hindi na nila kailangan malaman pa. Though I told Tulip and Alice, iba naman sila, may mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa mga magulang ko.
"Hide? Markus is looking for you?" Nag aalalang wika ni mommy.
Tumango ako.
I'll die looking for you.
"Anong balak mo? Hindi ako sang ayon sa desisyon mo pero hindi kita kokontrahin dahil ginawa ko din 'yan dati. But Joan, think about it. Think hard about everything. Risk if you have to risk." Ani daddy.
Nakakatawa man na marinig kay daddy 'to ay pinigilan kong matawa. I never though I'll get a love advice from my dad. Though it felt so good, lalo na at alam kong naiintindihan niya ako. They've been in my situation. Papunta palang ako ay pabalik na sila, baka nga narating na nila ang dulo.
Tumingin ako kay mommy tapos ay kay Tulip. Pinunasan ko ang mga luha ko bago tumingin kay daddy.
"I want to go to Argao dad. Doon muna po ako. I can help Simon there and I can stay at our house. Gawa na ito diba? Hindi pa po ako nakakapunta doon. I also want to see Ate Rian and the twins plus the child inside her."
Maliban sa mansyon namin sa Argao, kung saan nakatira si Simon ngayon ay meron pang tig isa-isang bahay para sa pamilya ni Tito Ziel, Tito Ivir at para rin sa amin. Five years ago noong pinagawa ang mga 'yon para doon na kami lahat maninirahan pero kinailangan kami ng SSM, our business from Mother's side, kaya bumalik kami ng Manila at naging bahay bakasyunan nalang ang mga 'yon.
Kumunot ang noo ni mommy habang nanatiling deretso ang tingin ni daddy sa akin. Alam kong hindi niya ako pipigilan. We have the same way of thinking and maybe, alam din niya na hindi niya ako mapipigilan. Hindi naman ako nag papaalam, sinasabi ko lang.
"But Agatha, ikaw lang mag isa doon-"
"Okay, hindi kita pipigilan. Kung gusto mo muna ng panahon at oras para mag isip, Argao is open for you. This is new to you and even though I want you to stay here, I won't stop you. Malaki ka na at alam mo na ang ginagawa mo." Ani daddy.
Mabilis naman siyang pinalo ni mommy sa braso kaya nilingon niya 'to at mabilis na hinila patayo. Tumayo rin ako at si Tulip.
"Thanks dad." Pasasalamat ko.
"Teo! Nababaliw-" Bago pa matuloy ni mommy ang sasabihin niya ay hinila na siya ni daddy paalis.
Umakyat sila ng hagdan at nakita kong tinaas ni daddy ang kamay niya para makita ko. We always have that sign, senyas ito na umalis na ako at mag ingat ako.
"He trusts you." Bulong ni Tulip.
Binalingan ko siya ng tingin at napangiti ako.
"Tito Ivor trusts you too. Sadyang komplikado lang ang sitwasyon niyo." Saad ko.
Iba ang sakanila. Mas mahirap ito at kahit siguro kailan ay hindi mahahanapan ng solusyon pero hindi ako magsasawa na manalangin para maayos ang kalagayan nila.
My problem can't be compared to their problem. Alam kong bali ang mga rason, madali lang 'to kumapara sa iba pero ganon naman ata talaga sa pagmamahal. Kahit bali at mali ang mga rason mo, it will still matter because it's love.
"I don't know. Alam ko naman na simula nang malaman nila ang totoo ay hindi na nila ako pinagkakatiwalaan. Kaya nga nila ako kinulong sa bahay habang siya ay pinatapon naman mag isa sa Argao."
Malungkot siyang ngumiti at tumalikod na sa akin. Humakbang na siya paalis at sumunod ako sakanya. Alam kong malalim ang iniisip niya ngayon dahil deretso lang ang tingin niya habang malalim ang pag hinga.
Lumabas kami ng bahay at tinungo ang kotse niya. Binuksan niya ang likod nito at tinulungan akong kunin ang mga gamit ko. Binuksan ko naman ang kotse ko na naka parada sa tabi ng kotse niya. Pinasok ko doon ang mga gamit ko bago siya harapin.
"Ngayon ka na ba pupunta sa Argao? Hindi mo na hihintayin si Alice?" Tanong niya sa akin.
Sinara ko ang likod ng kotse ko at humilig ako doon. Ngumisi ako at tumango.
"Ngayon na. Baka pigilan pa ako ni mommy and I have no time to waste. Tsaka na ako makikipag usap kay Alice at alam ko naman na sisinghalan lang ako 'non dahil sa mga mali at bali na rason ko."
Bahagya siyang humalakhak dahil doon. Hindi ko rin napigilan ang matawa habang naaalala ang pag singhal sa akin ni Alice. It's nice to laugh like this with her. Napanguso ako habang pinipigilan ang pag tawa.
"Kaya mo ba mag drive mag isa papunta doon? Manila to Argao is tiring.."
Ngumisi ako. "I can do it. Hindi man ako kasing bilis ni Uno at Kuya Ad, I can keep up with them. I can do this alone, tsaka kahit naman gusto kitang isama, hindi pwede dahil pag ginawa ko 'yon, may pauuwiin dito."
Napaiwas siya ng tingin at umiling iling. Bumaling siya muli sa akin at binigyan ako ng mainit na yakap. Napangiti ako at yinakap din siya pabalik.
"Fine, Tul. Kahit hindi ka mag salita, alam ko na. Ang unang ichecheck ko sa Argao ay si lover boy. Titignan ko kung kumusta siya sa Mansyon." Saad ko.
Humiwalay siya sa akin at bahagya akong tinulak.
"No!" Maagap niyang wika.
Nagtaas ako ng kilay at pinanliitan siya ng mata.
"Ayaw kong makarinig ng kahit ano mula sakanya. Mas mahihirapan lang ako." Malungkot niyang wika.
Napaawang ang labi ko at hindi nalang nag salita. Ngumiti ako at tumango. Kinuha ko ang car keys ko mula sa bulsa ko at pinatunog na ang sasakyan ko.
"I need to go para hindi ako gabihin. Thank you for everything. See you soon." Pamamaalam ko.
Inabot niya ang kamay ko at bahagyang pinisil 'yon.
"Mag ingat ka don. I'll try my best to stop Markus from tracking you even though I don't agree with your reasons." Aniya.
"Thanks."
Humugot ako ng hininga at binigyan siya ng huling yakap bago sumakay sa kotse ko. Binuksan ko ang bintana ko at nag simula ng paandarin ang kotse para makalabas na ng bahay namin. Kumaway ako kay Tulip na pinapanood ako mula sa loob.
"Ikaw ng bahala dito! I hope to see you happy again!" Huling wika ko bago paandarin ng mabilis ang kotse ko.
Nag maneho ako ng parang si Uno. Fast and hard. Nanalangin na sa tulong ng bilis nito ay maalis din lahat ng hirap ay sakit sa puso ko. My heart is aching inside pero medyo nasasanay na ako.
Pinipigilan kong isipin si Markus kahit na mahirap. I miss him so bad pero kailangan kong tiisin. Kaya ko 'to.. kailangan kong kayanin.
Binuksan ko ang cellphone ko at tinext si Simon na abangan ako at mag pahanda ng maraming pagkain dahil pauwi na ako sa Argao. Mag se-stress eating nalang ako.
Mabilis din itong nagreply ng See you, sana sinama mo siya. Matalim kong tinignan ang cellphone ko na para bang siya 'yon dahil alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya. Mabilis akong nag reply ng Gago.
Hindi ko na hinintay ang reply niya at akmang isasara na muli ang cellphone ko nang muntik ko na itong mabitawan dahil lumitaw ang pangalan ni Markus. It was just a message pero sapat na para mahulog ang puso ko at mamilog ang mga mata ko.
From : Toblerone
Turn off your phone, baby. I can track you. You're making it easy for me.
Bumilis ang tibok ng puso ko at mabilis ko 'yong pinatay. Sandali akong napapikit bago ko binilisan pa ang pag mamaneho ko. My heart is in war again.
"Putang'na." Mahinang mura ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top