Bullet 3
Tameme
"Are you really okay? Baka kailangan kang dalhin sa hospital?" Inosenteng tanong ni Markus.
Ngumisi ako at tinulungan ang sarili kong umupo sa sofa. Nahimatay ako ng sandali kanina pero kilala ko ang sarili ko. This shot is nothing. Walang wala ito sa mga nararanasan ko sa field.
Alalang alala ang mokong. If I know, takot lang siyang may mamatay sa bahay na 'to.
"Si Captain 'yan. Hindi agad mamatay 'yan. Isang daan ang buhay niyan." Natatawang wika ni Ramon at sumunod sa pag tawa ang iba.
"I can still remember nung matamaan siya ng baril sa tyan pero hindi man lang siya natumba!" Manghang manghang kwento ni Geric.
Napailing nalang ako at binaling ang tingin kay Markus na diretso pa rin ang tingin sa akin. He was serious, not the typical smirking Markus.
"Did you check on the house already?" Tanong ko habang tinutuon ang atensyon ko sa tama ng baril sa akin.
It was throbbing and so painful pero pinipigilan kong gumawa ng kahit anong tunog na makakapagsabing nasasaktan ako. I was breathing heavily to stop the pain.
I need to remove this..
"No Cap." Deretsong sagot ni Den.
Tinignan ko sila at tinaasan ng kilay. They already know what I meant by that. Mabilis silang gumalaw at umalis. Kasabay non ang pagdaing ko at ang pagsandal ko sa upuan.
"Bakit hindi mo sinabi sakanila na nasasaktan ka? You're in pain.. Hope." Aniya.
Bahagya akong napangiti sa pag banggit niya ng Hope.
"If I told them that. Mag papanic ang mga 'yon. As a Captain.. ako ang mamumuno. Paano ko sila pamumunuan kung ito lang ay hindi ko makaya?"
Natigilan siya sa sinabi ko. Lumapit siya ng bahagya sa akin at pinagmasdan ako. Hinawakan ko ang balikat ko para magka pressure doon. Fuck, sharp shooter ang bumaril.
"But you're a girl.." he traced.
"I'm a girl but that doesn't mean, I can't protect you. I'll put my life on the line just to make sure you're safe, Markus." Seryosong wika ko.
Kumunot ang noo niya. "Kahit alam mong pwede kang mamatay?"
Naninibago ako. He's too serious right now. Walang wala ang lalaking may hawak ng nylon habang hinihila ang chocolate na hinabol ko.
"Yes." Walang alinlangan kong sagot. Kita ko ang pagkagulat sakanya. Hindi ko na siya pinansin dahil sobrang sakit na talaga ng balikat ko.
Unang beses kong mabaril sa balikat, magaling ako sa pag ilag that's why I'm not used to the pain on my shoulders. Mostly ay sa binti ang tama ko at mas madaling pigilan ang sakit doon. Hindi ko alam kung bakit pero para sa akin ay ganon..
"Kumuha ka ng gunting." Utos ko sakanya.
"Huh? Why?"
Wala sa sariling napangiti ako. He's too handsome and I can't help it.
"Get it." Giit ko at mabilis naman siyang lumabas.
Lalong lumawak ang ngiti ko. He must be really scared to obey me like that. Nakaka inspire naman ang kagwapuhan niya kaya okay lang. Wala naman kasing gwapo sa barracks. Kakaiba 'tong hinayupak na 'to. He's too good to be true. Sanay ako sa mga gwapo dahil sa mga pinsan ko pero para sa akin ay iba ang gwapo niya. Nakaka hinayupak ang ka-gwapuhan niya.
But I know my limitation. Hindi naman ako magkakagusto sakanya dahil namumuhi pa rin ako. Besides, sa trabaho ko.. komplikasyon lang ang pag ibig.
"Here." Saad niya nang makabalik na siya dala ang gunting.
Tumango ako. "Thanks"
Kumuha ako ng panyo sa bulsa ko at kinagat 'yon. Napansin kong pinagmamasdan lang niya ako. Nanuyo ang lalamunan ko sa hindi malamang dahilan.
Walang alinlangan kong hinubad ang uniporme ko. Lumitaw ang puting sando ko at mas lalo kong nakita ang tama ng baril. Mahina akong napamura dahil doon.
"What are you doing?" Hindi makapaniwala niyang wika.
"Aalisin ang bala." Saad ko habang sinusuri kung gaano kalalim 'yon. Napabuntong hininga ako nang malamang, hindi naman ganon kalalim.
"I mean, why are you undressing infront of me?" Dagdag niya. Napahalakhak ako sa sinabi niya.
Sobra naman ang lalaking 'to. Undress agad? May sando pa ako, huy! Masyadong advance ang utak nito. Bastos kasi.
Napailing nalang ako at tinaasan siya ng kilay.
"Limang taon ako sa serbisyo at hindi na ako nahihiya sa mga lalaki. Twenty-four seven ay sila ang kasama ko kaya wag mong bigyan ng malisya 'to." Paliwanag ko sakanya.
Huminga siya ng malalim at pinasadahan ang buhok niya. Sexy. Sarap hawakan. Ayos lang naman na pagnasahan siya dahil after six months ay hindi na kami magkikita.
Tinuon ko na muli ang atensyon ko sa sugat. Kinagat ko ng mariin ang panyo at kinuha ang mga gamit sa mini bag na dala ko. Mariin akong pumikit dahil sa sakit na mararamdaman ko.
I disinfected it and applied the first aid that we learned at the army. Bawat paghila sa bala ay dumadaing ako. I was like a pig getting killed. Seriously, nakakahiya pero mas mahalagang matanggal 'to kay'sa isipin ang tunog na lumalabas sa bibig ko.
Hindi ko na pinansin ang lalaking nasa harap ko dahil wala akong pakielam sa reaksyon niya. Baka mas malala pa ang mangyari sa mga susunod na araw kaya dapat masanay siya.
"Cap, magaling ang may gawa nito. No traced found. Wala man lang force entry sa bahay na 'yon." Rinig kong wika.
Kumunot ang noo ko. Tumango nalang ako at hinayaan sila. Magaling nga ang may gawa nito, next time sisiguraduhin kong mahuhuli ko na siya. Patay man o buhay.
"Cap, do you need help?"
Rinig kong tanong sa akin. Hindi ako nag mulat pero umiling ako. Tinanggal ko ang panyo at huminga ng malalim para hindi mapadaing.
"Ihanda niyo ang sasakyan. We need to go. Isasama natin si De la Fuente. Hindi na safe dito. Ang dalawa sainyo, tulungan mag impake si De la Fuente. Siguraduhin niyo din na naka lock lahat ng kwarto."
Mabilis silang sumunod pero nagtaka ako nang hindi gumalaw si Markus. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. Liningon niya si Violet at Kina dahil ang mga lalaki lamang ang lumabas.
"My things are upstairs. May nakahanda ng maleta doon dahil ang unang plano naman ay aalis na ako dito." Aniya.
Babawalan ko sana siya dahil ang kapal ng mukha niyang utusan sina Kina pero natigilan ako nang sumunod ang dalawa habang nakangiti pa.
Ano 'to?
Gustong gusto lang?
Nanatili ang tingin ko sakanya. Bumaling siya sa akin muli at lumapit dahan dahan. Kinuha niya ang panyo at binalik 'yon sa bibig ko. Napasinghap ako dahil doon. He is too close..
"Alisin mo na 'yan.." banayad niyang wika.
Nangilabot ako sa pagkakasabi niya. It's not his typical mocking voice or deep voice. It was very comforting..
Pinilig ko ang ulo ko at tinuon ang pansin sa pagtanggal sa bala. Kahit na parang malulusaw ako sa klase ng tingin niya.
"Are you really okay now? Do you need something?" Tanong niya agad pagka alis ng bala sa balikat ko.
Umiling ako at nag angat ng tingin. Napaawang ang labi ko nang mag salubong ang mga tingin namin. Damn. Dahil ba 'to sa bala?
"Cap?"
Thank God! Dumating na sila!
Nagputol ako ng tingin at binalingan sina Kina na may dalang tatlong maleta. Ngumiti ako at binendahan ang sugat ko. Mabilis akong nag ayos ng gamit. Muli kong sinuot ang uniporme ko pero hindi ko na 'yon sinara. Huminga ako ng malalim para makakuha ng bwelo at tumayo.
"Kaya mo ba Cap?" Tanong nila sa akin.
Tumango ako at inayos ang sarili ko. Sinenyasan ko sila na mauna na at lumabas. Humakbang ako ng isa para tantyahin kung kaya ko ba. Napakagat ako sa labi ko dahil sa panghihina ko.
"Shit." Rinig kong wika ng nasa gilid ko.
Bago ko pa siya lingunin para alamin ang problema niya ay naramdaman kong may humigit sa akin. Napatingin ako sa kamay ko at hinawakan niya 'yon ng mahigpit. Kasabay non ay ang mainit na paghawak din sa puso ko.
Nag angat ako ng tingin sakanya dahil masyado siyang matangkad. Ngayon ko lang napansin ang suot niya. Baby blue v-neck shirt at maong pants. Napaka simple pero kaya niyang dalhin 'yon. Madaya!
Binaling ko muli ang tingin sa mukha niya. Wala man akong makitang kahit anong reaksyon sakanya.. deretso lamang ang tingin niya habang hinihila ako.
Tang'na! Bakit natameme ako? Asan na ang tapang ko? Teka! Hahanapin ko muna!
"Stop staring." Aniya sabay ngisi.
Okay! Binabawi ko na! Bakit ba ako namangha sa ginawa niya? Player talaga! Sigurado akong madalas niya 'tong ginagawa sa mga babae niya.
Ngumiwi ako at nag iwas ng tingin.
"Hinayupak." Bulong ko.
Nagpatianod nalang ako sakanya at kita ko ang pamimilog ng mga mata nila Den nang makita ako at nang bumaba ang tingin nila sa mga kamay namin. Ngumuso ako dahil sa kahihiyan.
"Can I bring my car?" Tanong niya.
Sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero mahigpit niya pa rin 'yon hinawakan. Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon pero inosente lamang niya akong nginitian.
"No. Maaring ma-track 'yan. Kami na muna ang magiging driver mo for the mean time. May mga sasakyan naman na pinapagamit ang SF." Sagot ko at mabilis na pumasok para hindi na makita ang gulat na gulat na mukha ng mga kasamahan ko.
Inaasahan kong aalisin niya na ang pagkakahawak sa akin pero mabilis siyang sumunod sa akin at tumabi. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak pa rin.
"Tatanggalin mo ba 'yan o papuputukin ko yang ulo mo?" Banta ko sakanya.
"Damn! Yun agad? Bwisit na buhay naman 'to." Aniya at padabog na tinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin.
Napatingin ako sa kabilang gilid para maharap sa bintana. Mariin akong pumikit at ngumiti. Ang cute talaga ng hinayupak na 'to! Kamuhi-muhi lang talaga ang ugali niya.
Naramdaman ko ng pinaandar ang kotse. Tumikhim ako para maging normal muli ang tibok ng puso ko at binalingan si Markus. Bahagya ko pang nakitang nakatingin sa amin ang iba kaya mas inayos ko ang ekspresyon ko.
"Wala ka bang ibang bahay? Yung hindi alam ng publiko? In short, wala ka bang mas safe na bahay?" Tanong ko habang inaabala ang sarili sa pag aayos ng benda ko.
"Meron.. here." Aniya sabay abot kay Geric ng cellphone niya. Baka nandoon ang direksyon ng papunta doon.
"So you'll be with me, twenty-four seven for six months?" Tanong niya.
Bumaling ako sakanya.
Kumunot ang noo ko nang makita ko ang ngisi sakanya. "Oo, may reklamo ka?"
"Wala. Wala." Aniya.
Napakagat pa siya sa kanyang labi habang tumataas ang sulok ng kanyang labi. Nakaka hinayupak talaga 'to!
Narinig ko ang pagtikhim ni Violet at ang paghalakhak ni Kina. Ang iba naman ay nag sitawanan. Lahat sila ay pinanlakihan ko ng mata kaya nagpigil sila ng tawa.
Anong nakakatawa?
Natutuwa ba sila sa mga nangyayari?
"Captain, mukhang hindi boring ang six months natin." Rinig kong saad ni Ramon.
"At bakit?" Pagtataray ko.
"May titibok ata sa katawan mo." Aniya sabay tago sa likod ni Riko.
"Cap! Wag mo akong idamay!" Mabilis na depensa ni Riko dahil muntik ng siya ang singhalan ko.
Napabuga ako ng hangin dahil nagtawanan sila. Napatingin ako kay Markus at nakitang bahagya rin siyang tumawa. His eyes were shimmering and I don't know how he did that.
May problema na ata ako sa mata.
"Captain, alam mo ang rule.." tukso pa ni Den.
I know! Hindi ko naman kaliligtaan ang rules and regulations namin. Pagsasapakin ko ata ang mga 'to!
"Pero.. ayos lang 'yan Cap. Enjoy ka minsan minsan. Baka ma expired yan at hindi na matutong tumibok para sa iba." Natatawa pang dagdag ni Geric.
"Wag kayong mag biro. Makapal ang mukha nito at baka mag assume na totoo 'yan kahit hindi naman." Nakangisi kong wika.
I was waiting for him to burst out pero ikinagulat ko nang tumawa siya at umiling iling. Kumunot ang noo ko at masama siyang tinignan pagkatapos.
Ngumisi siya at binalingan ang mga kasama ko.
"No, don't worry. Just continue. Kunyari wala ako dito at hindi ko naririnig." Aniya habang nagpipigil ng tawa.
Narinig ko ang tawanan nila kaya mariin akong pumikit.
"Hinayupak!" Inis na sigaw ko at mas lalo silang natawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top