Bullet 29

Miss

I sighed.

Kanina pa ako nakatingin sa kisame ng kwarto ni Tulip. It's already ten o'clock on the morning based on what Tulip said a while ago pero hindi pa rin ako tumatayo.

Habang nakatingin sa kisame ay parang nakikita ko si Markus.

What happened yesterday night is still very clear to me. The way he hugged me and the way he told me his intentions. Kahit na minemorya ko na ang mukha niya ay parang namimiss ko pa rin siya. Bakit ganito?

I never thought it will be this hard. Wala pang twenty four hours ang huling paalam ko sakanya pero parang sobrang naninikip na ang puso ko. This should be easy, ang kalimutan siya ay dapat madali lang pero bakit ang hirap hirap?

"Gising ka na pala."

Binaling ko ang atensyon ko kay Tulip na kalalabas lang ng banyo. Pinupunasan niya ng twalya ang buhok niya habang hapit na hapit naman ang mahabang pencil skirt niya. Binagayan niya ng isang pastel blouse ang pencil skirt kaya mas nag mukha siyang classy.

I never engaged myself on buying clothes. Si mommy lang naman ang bumibili ng mga damit ko. I don't need those though, bagay na bagay naman sa akin ang mga uniporme ko pero ngayon, siguro ay kailangan ko ng mamili ng mga damit.

"Late ka ng umuwi kagabi. Saan ka galing?" Tanong ko sakanya.

Bahagya kong linagay ang daliri ko sa gilid ng mata ko para pigilan ang nagbabadyang luha doon. Para talaga akong tanga.

Pinanuod kong umupo si Tulip sa tabi ko at bahagya akong napangiwi ng maamoy ko ang shampoo niya.

"Sa hospital." Sagot niya.

Tinabi niya ang twalya at sunod na sinuklayan ang buhok niya. Napapikit ako at hinayaan ang katawan kong kainin ng katamaran.

"Anong ginawa mo doon?"

"Nagpadala si Kuya Carl ng pera. He's helping someone there." Aniya.

Kumunot ang noo ko.

"Helping? Are you sure it's not Hazel? Doon na nag tatrabaho ang babaeng 'yon." Balita ko sakanya.

"No. I saw the girl he's helping. Nurse ata doon ang babae. I don't know the whole story dahil pinagtabuyan na ako ni Kuya pagka bigay ko ng pera." Aniya.

Tumango tango ako habang nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Markus' face flashed kaya napilitan akong dumilat. Nakapikit o hindi, siya pa rin ang nakikita ko.

Magaling!

"Tul, your shampoo.." I traced.

Nilingon ko siya at kita ko ang pamimilog ng mga mata niya. The necklace was gracefully flowing in her neck while she's in panic kung anong gagawin sa tanong ko.

"Oh? Matapang no? Bayaan mo.. papalitan ko. By the way, what's your plan for today?" Tanong niya sa akin.

Napangisi ako. Natututo na si Tulip lumusot sa mga tanong na mahirap sagutin. That's good, atleast she knows how to handle herself.

"I'll pass my discharge letter." Mahina kong tugon.

"Itutuloy mo? Sigurado ka na ba diyan? Binitawan mo si Markus kahapon, ngayon naman ang pangarap mo."

Parang kikilabutan ako sa sinabi niya. Tama siya, I lost two important things in my life pero walang tatalo sa sakit na nararamdaman ng puso ko.

Muli akong tumingin sa kisame at humugot ng hininga.

"Wala eh, I found the man who can make me leave the army without second thoughts." Nakangiti kong wika.

"And you lost that man too." Aniya.

"You understand me, right? Kailangan ko siyang pakawalan." Mahina kong wika.

Umayos siya ng upo kaya napabaling ako sakanya. Bumuntong hininga siya at malungkot akong tinignan. Her soft eyes that looked like an artwork were looking at me directly.

"I don't know, Gath. Pero hindi kita huhusgahan dahil ginawa ko rin ang ginawa mo. The difference was, you had a choice while I didn't." Aniya.

Tama siya. May choice ako na pumili pero bakit pakiramdam ko wala pa rin. Kahit anong piliin ko don, may masasaktan at masasaktan. It's just that I chose myself to be in pain instead of others.

Hindi ako martyr. I'm far from being one but damn, I hate myself for being like this.

"Let's go. Mag prepare ka na. You need to face your commander and you need to help me in the exhibit. Mamili ka nalang ng damit diyan sa walk-in." Alok niya.

Umupo ako at bahagyang ginulo ang buhok ko. Humahaba na ang buhok ko at wala na akong balak na ipagupit 'yon. Wala ng rason dahil wala na ako sa army.

Everything is changing.

"Kasya kaya sa akin ang mga damit mo? I mean, your waistline is only twenty inches. Mine is twenty two."

Tumayo ako at bahagyang pinakita sakanya ang waistline ko. Bahagya pa siyang natawa at umiling iling. Tumayo siya at tinulak ako papasok ng walk-in closet niya. Napanguso ako nang makita ang walk-in closet niya. Punong puno 'yon ng mga damit.

I have a walk-in closet at home but last time I saw it was two years ago. I'm sure hindi ko na kasya ang mga damit ko doon.

"I'll pick for you." Aniya.

Sumandal muna ako sa pintuan niya at hinintay nalang siya na matapos sa pagkalkal sa mga kabinet niya. Habang nakasandal doon ay hindi mapigilan ng utak ko na lumipad at isipin si Markus.

Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Is he okay now? Hinahanap niya kaya ako? Nagkausap na kaya sila ng step mother niya kung sasama siya sa New York?

Iniisip niya rin kaya ako?

Ang daming tanong, pero lahat 'to ay hindi na masasagot. Kahit kailan siguro ay hindi ko na maririnig ang mga sagot dito.

"Hey!"

Napapitlag ako sa pag tawag sa akin ni Tulip. Inabot niya sa akin ang mga damit na pinapahiram niya. It's a red straight dress. I like it.

Huminga siya ng malalim.

"Iniisip mo siya no?"

Maagap akong umiling. "No."

Nagpakawala siya ng halakhak kaya napangiwi ako. I'm in deep shit. I'm doomed. I'm problematic and I just want to escape.

I want to escape reality.

"You are." Aniya at nauna nang lumabas sa akin mula sa walk-in niya.

Sumunod na ako sakanya at dumiretso sa banyo niya. Iniwan ko siya doon habang pinipigilan niyang matawa. Mabilis kong sinara ang pintuan at sumandal doon. Binaba ko ang damit sa gilid at tinungo ang lababo.

Hinilamos ko ang mukha ko at tumitig sa salamin. Huminga ako ng malalim at pinilig ang ulo ko. Nagmadali nalang akong maligo at mag ayos. The dress actually fits me.

"I'm done." Tuluyan na akong lumabas.

Binigyan ko pa ng isang pasada ang damit ko bago nag angat ng tingin kay Tulip. Nagulat ako nang makitang hawak hawak niya ang cellphone ko at hinarap niya ito sa akin.

"Bakit mo binuksan?"

Nag panic ako at mabilis na kinuha sakanya 'yon. Nakita kong nag riring ito at tumatawag si Markus. Napamura ako dahil doon at mabilis 'tong pinatay muli. Halos kumalabog ang puso ko nang makita ang pangalan ni Markus doon.

He is looking for me..

Kaya nga pinatay ko ito kagabi para kung sakaling hanapin niya ako ay hindi ako bumigay sa temptasyon na bumalik sakanya.

It's so tempting..

"Looks like, he's already looking for you." Ani Tulip.

Umiling ako at kinuha ang bag ko. Tumingin ako sa salamin niya at mabilis na sinuklayan ang buhok ko. Linagyan ko ng konting pulbos ang mukha ko at nag lipgloss.

"Let's go."

Hinila ko na siya at sabay kaming lumabas ng kwarto niya. Nadaanan namin ang kwarto ni Kuya Carl, Clyde at Simon bago tuluyang makababa. Halatang walang tao sa loob ng mga 'yon dahil sobrang tahimik.

I suddenly missed the old days.

"Ano bang nangyari kahapon?" Basag ni Tulip sa katahimikan.

Sumakay kami sa kotse niya at natigilan ako. Napatingin ako sa seatbelt at agad kong naalala si Markus. He's supposed to be making my heart pound so fast right now by fixing my seatbelt for me.

Napahawak ako sa puso ko.

"Everything was good. Pinuri niya ang binake ko at maganda ang naging usapan namin. He's so sweet kaya nahirapan akong umalis. I didn't directly told him that we won't see each other anymore. Basta umalis nalang ako. Hindi ko kayang magpaalam ng harapan." Kwento ko.

Tinahak na ni Tulip ang daa papunta sa barracks. Mauuna muna daw kami doon dahil hapon pa naman ang exhibit.

"Hindi titigil 'yon. He will look for you, I'm sure. Hindi titigil 'yon." Ani Tulip.

"Bahala na. I can escape this. Dito ako magaling."

I'm used to this. Ang takasan ang lahat. Sa misyon ay agad akong nakakahanap ng easy way out. Siguradong hindi rin ako mahihirapan dito. Magsasawa din si Markus at siya mismo ang titigil sa paghahanap sa akin.

I'm still safe for this day. Bukas ay pupunta na ako ng Argao at mahihirapan na siyang hanapin ako. Sana lang ay mabilis siyang magsawa para mas mapadali sa akin ang lahat. Kung mauuna siyang sumuko, mas mapapadali ang lahat.

"I'm gonna wait for you here, kukunin ko na rin ang gamit mo para mabilis." Ani Tul.

Ngumiti ako. "Thank you, Tulip."

Lumabas na ako ng kotse niya at nag angat ng tingin sa barracks namin. Huminga ako ng malalim dahil sa nararamdaman ko. It was my home for the past few years. I made memories in here.

Humakbang na ako papasok at tinahak ang opisina ng commander. Mamaya ko nalang bibisitahin sila Violet. Gusto ko ng matapos ang nakakasakit sa puso ko.

"May I talk to the commander?" Tanong ko sa sekretarya niya.

"He was expecting you." Aniya at pinagbuksan pa ako ng pinto.

Ngumiti ako at pumasok doon. Familiarity entered my being. I will miss this. I will miss the tension of this place.

"Agatha." Bati niya sa akin.

Ibinaling ko ang atensyon ko sa aking pangalawang ama. Nakaramdam ako ng pangingilid ng luha sa aking mata. Tumayo ito at inabot sa akin ang kamay niya. Mabilis na nanikip ang puso ko at tumakbo ako sakanya.

Yinakap ko siya at humagulgol sa bisig niya. Yinakap ko siya ng mahigpit at parang bata na umiyak sakanya.

"Ito talagang bata 'to. Desisyon mo 'to panindigan mo. Naaalala mo ba ang mga turo ko sa'yo? Everything happens for a reason." Aniya.

Tumango tango lamang ako. Wala na akong gustong sabihin. Alam na niya ang saloobin ko. Isa siya sa mga tao sa buhay ko na hindi ko man sabihan ay alam na alam na ang tumatakbo sa utak ko.

"Last time you cried like this was the day you actually took a bath using mud." Natatawa niyang biro.

Kumawala ako sa bisig niya at natatawang pinunasan ang mga luha ko. Mula sa bag ko ay kinuha ko ang discharge letter doon. Inabot ko 'to sakanya at malugod niya 'tong tinanggap.

"Ayaw ko man tanggapin 'to ay gagawin ko pa rin dahil alam kong desisyon mo 'to. You will always be my daughter that I never had and everything that makes you happy will be my happiness too."

Patuloy lamang sa paglandas ang mga luha ko. Tagos sa puso lahat ng sinasabi niya.

"Maraming salamat po. Hinding hindi ko po kayo makakalimutan. Mahal ko po kayo." Pilit kong pinupunasan ang mga luha ko.

"Hinding hindi rin kita makakalimutan. You're one of the best, Agatha. You were legandary. Pero hindi ko rin ikakaila na gusto ko ang ayos mo ngayon, babaeng babae. You deserve the best. You served the country very well but now, you need to face a different path of your life. Buhay na para talaga sa'yo." Banayad niyang paliwanag.

Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Parang may natanggal na tinik sa puso ko. Ngumiti ako at nagbigay pa ng konting oras para makipag usap sakanya. Sinabi rin niyang natuluyan nga ang tito ni Markus pero kahit kailan daw ay hindi niya ikakahiya ang desisyon ko. Siya na rin daw ang bahala kay Mr. De la Fuente.

It was a decision of a true soldier.

"See you again." Aniya.

Nagpalaam na ako at pinihit pabukas ang pintuan. Kumunot ang noo ko nang makita si Tulip na tumatakbo papunta sa gawi ko. Muntik pa siyang matumba kaya hinawakan ko siya sa braso.

"Mag dahan-dahan ka nga!" Bawal ko sakanya.

"Agatha! Si Markus! Nasa labas! Papasok siya dito!" Nag papanic niyang wika.

Namilog ang mga mata ko. Si Markus? Anong ginagawa niya dito? Bakit ang bilis? Naka labas na siya ng hospital? Magaling na siya? Okay na ba ang kondisyon niya?

"Agatha!" Ani Tulip.

Doon lamang ako nagising sa pagiisip ng malalim at luminga linga sa paligid. Hinila ko siya papunta sa ibang direksyon. I know this place better than anyone. Lumabas kami ng opisina at mabilis kong hinila si Tulip patago dahil nakita kong kausap ni Markus si Ramon sa harap ng barracks namin.

"Where the hell is she! I can't reach her! Fuck!"

I can hear frustration from him.

Napahawak ako sa puso ko dahil sa mabilis na pagtakbo nito. Para rin itong pinipisil dahil sa sakit. Napakagat ako sa aking labi at hinayaan ang luha ko na lumandas muli.

Nagiging iyakin na ako dahil sakanya. My whole life is changing because of him.

"I don't know, De la Fuente! Pati kami ay hindi niya na muling kinausap. Pinsan niya pa ang kumuha ng gamit niya dito. Kung ano man ang nangyayari sakanya, I'm sure dahil sa'yo yon! Bumalik ka na sa pinanggalingan mo! You ruined her!" Galit na galit na wika ni Ramon.

Mariin akong napapapikit dahil doon. Hinawakan ng mahigpit ni Tulip ang kamay ko at yinakap ako. I can feel the breaking pieces of my heart. Pira piraso na 'to at hindi ko alam kung kailan ito magiging maayos.

Sana ay maayos ko pa 'to.

"Please, I need to see her. I want to see her. I love her. I can't live without her. Help me.. I'm begging you." Rinig ko ang pagmamakaawa sa boses niya.

Napaawang ang labi ko. He loves me? Lalo lamang nag hirap ang kalooban ko sa narinig ko. Parang tinidor ang tumarak sa puso ko dahil doon. Napatakip ako ng bibig para wag mapahikbi. Pinilit kong wag tumingin doon dahil hindi ko siya kayang makita na nasasaktan.

"Gath.." bulong ni Tul.

Umiling ako. "Let's go."

Hinila ko siya at tumahak kami ng ibang direksyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top