Bullet 28

Lifetime

Huminga ako ng malalim at mahigpit na hinawakan ang dala kong box na may lamang baked cookies, brownies and cupcakes. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko at wala pa man ay nararamdaman ko na ang pamimitik nito.

Humugot ako ng hininga at kumatok. Lumunok ako para pakalmahin ang sarili ko. Halos mapapitlag ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan at bumungad sa akin ay ang step mother niya.

Ngumiti ako. "Magandang gabi po." Bati ko.

"Magandang gabi." Bati niya pabalik at binigyan rin ako ng ngiti.

"Ma, sino 'yan?" Narinig kong tanong ni Markus mula sa loob.

Sa munting pagkarinig ng boses niya ay parang gusto ko ng umalis. Hindi ko ata kayang kausapin siya na alam kong huling pagkakataon na 'to. Mas nanikip lamang ang puso ko dahil dito.

Binuksan niya pa lalo ang pintuan at tuluyan na akong pumasok. Kahit hirap ay hinanap ng mga mata ko si Markus at nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Mabilis na sumilay ang ngiti sakanyang mga labi habang nakatingin sa akin.

"Maiwan ko muna kayo." Pamamaalam ng step mother niya.

Tumango lamang ako at lihim na nagpasalamat. Hindi ko ata kakayanin na makausap si Markus na nanonood ang step mother niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nanatili lamang akong nakatayo sa harap niya habang nakatingin sakanya. Sinusuri ko ang bawat detalye ng kanyang mukha.

"Dapat ay hindi ka na kumatok. You're always welcome here." Aniya.

Hindi ko mapigilan ang pag ngiti dahil sa sinabi niya. Napatingin ako sandali sa sapatos ko bago muli nag angat ng tingin sakanya.

Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang makipag usap sakanya.

"Mukhang magaling ka na. You're talkative already." Natatawang wika ko.

Nakita ko ang pag ngiwi niya kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko. Okay na siya, okay na okay na siya at 'yun ang mahalaga. Medyo maputla pa siya pero mas okay na ang itsura niya kay'sa noong huli kong kita sakanya.

"I saw you already, bigla akong nagka energy." Proud niyang saad.

Napaismid ako sa sinabi niya at pilit na tumitingin sa ibang direksyon para hindi ako malunod sa mga tingin niya. My heart is beating like crazy and it's not helping me.

"Bolero!" Balik ko sakanya.

"What? I'm saying the truth. By the way, bakit ba nandyan ka? Lumapit ka nga dito." Aniya.

Napalunok ako muli at huminga ng malalim. Hirap na hirap na nga akong tumingin sakanya tapos ay papalapitin niya pa ako. This is so hard for me.

Kahit na hirap ay humakbang pa rin ako palapit sakanya. Bawat hakbang ko ata ay pakiramdam ko umaangat ako sa lupa dahil sa klase ng tingin na binibigay niya sa akin. Tingin na kahit sinong babae ay nanaisin.

"Umupo ka dito." Utos niya.

Tinapik niya ang malawak na space sakanyang tabi. May upuan naman bakit hindi niya ako doon paupuin? Tinitigan ko lamang siya habang nakatayo sa gilid niya. Gusto kong punahin ang pag utos niya sa akin pero hindi ko na ginawa.

"What's your problem?" Tanong niya.

Bago pa ako makasagot ay hinila na niya ako kaya bumagsak ako paupo sa tabi niya. I'm sitting on his hospital bed. Nakaharap ako sakanya habang siya ay matamang nakatingin sa akin.

"Wala.." I breathed.

Ngayong nakikita ko siya ng malapitan ay mas sumisikip ang puso ko. Mas nasasaktan ito at mas naghihirap. Kakayanin ko kayang hindi siya makita? Sabagay, nabuhay ako ng napakaraming taon na wala siya bakit pa ako mahihirapan?

Sa limang taon na hindi ko siya nakita ulit ay araw araw yata akong binabangungot dahil lagi siyang nasa mga panaginip ko.

"May problema ka." Aniya.

Hindi niya ako tinatanong, sinasabi niya talaga sa akin na may problema ako at alam niya 'yon.

Napaawang ang labi ko nang mas lalo pa siyang lumapit sa akin. We are facing each other and it's not helping me to think. Mas na bablanko lang ang isip ko sa sobrang lapit namin.

"I thought I'm gonna lose you." Bulong ko.

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa aking mga mata. Alam kong iba ang dahilan ng mga luha ko. Dahil ito sa paninikip ng puso ko at sa patuloy na pagwasak nito.

Inabot niya ang kamay ko at bahagya 'yong hinaplos. Mas lalong nanubig ang mga mata ko dahil doon. His eyes were so soft while looking at me. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko at mariing pumikit dahil nag simula nang magsitakasan ang mga luha sa mata ko.

"I'm not gonna die. I'm still planning to spend the rest of my life with you. Hindi pa ako pwedeng mamatay." Bulong niya.

Hindi ako umimik. I'm just intently looking at him.

"You don't need to worry. We have a lifetime to spend." Aniya.

Lifetime?

Rest of his life?

Dammit! I can't give that to him. Pakiramdam ko ako ang nag tutulak sakanya sa bangin. Ako ang taong magiging dahilan ng kapahamakan niya. Tulad ngayon, paulit ulit na lumalabas sa utak ko ang ginawa niyang pagsagip sa akin.

"I'll be your soldier. Sabi ko sa'yo poprotekatahan din kita. I'll do it and I'll take any bullet for you." Patuloy niyang pag papaliwanag sa akin.

Hindi ko na napigilan ang paghikbi dahil sa sinabi niya. Mariin akong pumikit at matiim kong pinagdikit ang mga labi ko para hindi na makagawa ng kahit anong ingay. My heart is literally breaking into pieces.

I can still remember how he blocked the bullet for me and the way he fell on the ground.

"Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa'yo." Basag na ang aking boses.

Naramdaman ko ang kamay niya sa aking likod at unti unti kong naramdaman ang bisig niya. Marahan niya akong yinakap at doon ako umiyak ng umiyak.

Ito na ang huling yakap niya sa akin kaya mas lalong naghirap ang puso ko.

Hindi ko ata kakayanin..

"This is not my intention. Hindi ko binuwis ang buhay ko para lang marinig kitang umiyak. Damn. Stop crying, Agatha." Bulong niya sa akin.

The way he calls my name made me cry harder. Huling pagkakataon ko na rin ata na maririnig 'to. Inangat ko ang isa kong kamay at yinakap siya pabalik. Yinakap ko siya na para bang tinatatak ko na sa sarili ko na ito ang huling pagkakataon na mayayakap ko siya.

Nanatili kaming ganon ng ilang minuto pa. Hinayaan lang niya akong umiyak ng umiyak sa bisig niya. I can see the understanding Markus. He is really patient when needed and I love him for that.

"Iyakin pala ang Agatha ko. Masamang pangitain 'to. I need to try my best not to make you cry in our lifetime." Biro niya.

Ngumiwi lamang ako at humiwalay sakanya. Inabot niya ang aking mukha at marahang pinunasan ang mga luha ko. His touch sent thousands of messages but I only receive one and it went directly to my heart.

"I'm not your Agatha!" Kunyari ay inis kong wika pero sa huli ay natawa pa rin ako.

"I'm still mad at you for leaving me. Sabi mo sa akin, hindi mo ako iiwan pero umalis ka pa rin. I was waiting for you the whole day tapos ngayon mo lang ako binisita. Hindi ka ba nag aalala sa akin?" Puno ng hinanakit niyang wika.

Napabuga ako ng hangin at doon ko palang inabot sakanya ang box na hawak ko. Linapag ko 'yon sa harap niya at kita ko ang pamimilog ng mga mata niya.

I hope he likes it..

Alam ba ni Markus na 'yan na ang huling bagay na matitikman niya galing sa'yo?

Alice's voice filled my head. Pinilig ko ang ulo ko at malungkot na ngumiti habang pinagmamasdan siyang buksan ito.

"How can I not leave you kung gagawin ko 'yan? I baked that the whole day so appreciate it whether you like it or not." Banta ko sakanya.

Nagpakawala siya ng halakhak at doon ko lang naalala na isa rin 'to sa mga mamimiss ko sakanya. Ang napaka sarap niyang tawa na parang maiihi ka pag narinig 'yon. Sarap niya pang yakapin tuwing tumatawa siya.

"Kahit hindi masarap 'to. It will still taste good kasi ikaw ang may bigay. 'Wag ko nalang kayang kainin? Should I frame them? Idisplay ko nalang kaya sa bahay? Kaya lang lalanggamin."

Ngumiwi ako at bahagya siyang kinurot sa braso. Dumaing siya kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata. Ngumuso siya na parang bata pero ngumiti din sa huli.

His smile made my heart calm.

"Kainin mo pa rin. Memorize everything about it. Think about how much I tried my best in making it. Remember that I made that while thinking of you." Wala sa sariling wika ko.

More like, I made that while hearing Alice's rants.

"Why? You can always bake for me."

Natahimik ako sa sinabi niya. Buti nalang ay hindi niya napansin ang pananahimik ko. Sumubok na siya ng isa at tinikman 'yon. I was only looking at his expression and I smiled when I saw him smiled.

"Wow! It tastes so good. I'm lucky to have you as my wife in the future." Aniya.

Wife?

The shocking thing was I didn't find it weird or anything. I actually find it so sweet. Hindi ko nalang pinansin 'yon dahil masasaktan lang ulit ako.

"Markus.." tawag ko sakanya.

Sandali niya akong tinignan bago sumubo ulit. Napangiti ako dahil doon. Tinapat niya ang isang cookie sa akin kaya kumagat naman ako pero nagulat ako dahil bago ko pa man masubo ng buo 'yon ay sinakop na niya ang bibig ko at kinuha ang cookie sa akin gamit ang bibig niya.

I felt his tounge against my tounge. I gasped ang I just saw him smile while taking another bite. Kung umarte siya ngayon ay parang wala siyang ginawa.

"What are you saying again?" Inosenteng tanong niya sa akin.

Kumunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin. I can still taste him and my heart is in war because of that. Nagwawala ang buong sistema ko dahil doon!

Tang'na! Pumunta ako dito para sa huling pamamaalam sakanya tapos pahihirapan niya ako ng ganito?

"Paano mo nakuha ang number ko?" Tanong ko na siyang nagpatigil sakanya.

"Kay Uno." Simple niyang sagot.

Siraulong Uno 'yon. How can he give my number that easy? Is he really my cousin? Sabagay parehas sila ni Dos na siraulo. Mana mana lang. Sabi ni daddy, siraulo din daw si Tito Danziel. Gusto kong humagikgik dahil doon. I miss them. I badly want to be in my comfort zone again.

Pag kasama ko sila, walang makakapanakit sa akin. Lahat sila poprotektahan ako.

"What are you thinking?"

Naputol ang pag iisip ko at liningon ko siya. Ngumiti ako at umiling. Tinabi na niya ang box at humarap ng maayos sa akin. Inangat ko ang kamay ko para punasan ang labi niya.

"Dirty eater." Bulong ko.

"You're my wife. You should take care of me, then." Natatawa niyang wika.

Ngumiwi lamang ako at ngumiti din sa huli.

"What are you thinking?" Pag uulit niya sa tanong niya.

I can still clearly remember how he said before that he wanted to know everthing about me.

"Wala naman.. naisip ko lang na kung mawawala ako. Anong gagawin mo?" Seryoso kong tanong.

Kumunot ang noo niya sa tanong ko. Sana ay wag niyang mahalata. He is somehow dense kaya hindi na ako masyadong nag aalala.

"I'll find you. Hahanapin kita kahit saan pang lupalop ng mundo. Hinayaan na kitang mawala sa paningin ko for five years. Pinagsisisihan ko 'yon, Agatha. I won't make the same mistake again." Aniya.

"No.. don't look for me." Mahina kong wika.

"What?" Naguguluhan niyang tanong.

Umiling ako at yinakap siya mula. Mahigpit na mahigpit na para bang nakataya dito ang buhay ko. Napatingin ako sa orasan ko at malungkot akong napangiti. Naramdaman ko nanaman ang muling paninikip ng puso ko.

"It's time. I need to go, Markus. Take care okay? You need to get back on track and be well again." Mahinang bulong ko sakanya.

Binigyan ko siya ng mabilis na halik sa pisngi at nakangiting humiwalay sakanya.

"Okay.. see you tomorrow." Aniya.

Napawi ang ngiti sa aking labi. Tumayo ako pero hawak hawak pa rin ng kamay niya ang kamay ko. I was looking right through his eyes and I felt a tear escape again.

Unti-unti kong binitawan ang kamay niya at halos hirap na hirap akong gawin 'yon.

Huminga ako ng malalim at sinuklay ang buhok ko. Ngumiti ako sakanya at kita kong pinagmamasdan lang niya ako. Binigyan ko siya ng huling tingin at ngumiti muli para makita niyang ayos lang ako kahit na may ilang luha na tumatakas sa aking mga mata.

"Goodbye, Markus."

Tumalikod na ako at lumakad palayo. Pinihit ko ang sedura ng pintuan at tuluyan ng lumabas. Bago ko isara ang pinto ay nakita ko ang malungkot niyang mga mata na nakatingin sa akin. Kumaway ako sakanya at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.

See you in our next life, Markus Hyle De la Fuente.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top