Bullet 26

The pain

"Pwede ba tayong mag usap?" Seryosong tanong ng step mother ni Markus.

Sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero hindi ko alam kung bakit ako nahihirapan magsalita. Dapat ay madali lang ito diba? Pwede naman kaming mag usap, lalo na kung tungkol ito sa nangyari kay Markus.

Binitawan ko unti-unti ang kamay ni Markus at kinumutan siya ng maayos. Hindi na ako nahiyang gawin 'yon kahit na nandyan ang mama niya. Binigyan ko pa siya ng huling tingin bago binaling ang tingin muli sa nanay niya.

"Sige po." I breathed.

"Doon tayo sa labas." Aniya.

Pinanuod ko siyang lumabas bago liningon sina Kina.

"Bantayan niyo si Markus." Utos ko at maagap naman silang tumango.

Huminga ako ng malalim bago sumunod sa nanay ni Markus. Lumabas ako at nakita ko siyang nakaupo sa labas ng kwarto. Hindi ko alam kung para saan ang kaba sa puso ko pero umupo pa rin ako sa tabi niya. Nasa kabilang tabi naman niya si Hope na tahimik lang na nakaupo.

"Mam, what actually happened was-"

Natigil ako sa pagsasalita nang biglaan niyan hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam pero bumagsak ang puso ko dahil doon.

"I know who you are." Aniya.

Nag-angat ako ng tingin mula sa kamay niya na nakahawak sa akin papunta sa mukha niya, sa mata niyang nanunubig dahil sa nag babadya niyang mga luha.

I saw the pain from her eyes.

Nasasaktan din ako nang makita ko 'yon. Somehow.. I saw my mom's eyes. The eyes she used while begging for me to stay.

"Ano po?" Halos pabulong kong tanong.

"You're Agatha Joan Montgomery, the girl she met five years ago. Sa Argao hindi ba?"

Hindi siya nag tatanong. She was sure of it.

I nodded.

"Opo.." I traced.

Gusto ko magtanong kung paano niya nalaman ang tungkol doon pero hindi ko magawa. Nanatili lamang ang tingin ko sakanya habang siya naman ay parang nag hahanap ng tamang sasabihin. Hope was just looking at our direction pero alam ko naman na wala siyang nakikita.

"Five years ago, Markus called me and he said that he met an amazing girl. A girl with a voice that can sooth your being, a girl who can express her self without inhibitions and a girl that he wanted to meet again."

Napaawang ang labi ko sa mga sinasabi ng ina ni Markus. Her tears fell while my eyes were watery. Nangilid na ang mga luha ko pero ayaw kong umiyak. Ginawa ko ang lahat para wag silang tumulo.

"Her name was Agatha Joan Montgomery." Nagpakawala ng isang hikbi ang ina ni Markus.

Naninikip ang puso ko sa mga sinabi ng ina ni Markus. It's true.. totoo nga ang sinabi ni Markus. Napansin na niya ako dati pa.

I don't know what to react.

Nandito sa harap ko ang ina ni Markus habang umiiyak sa hindi ko alam na dahilan. Kailangan bang iyakan ang bagay na ito? Bakit parang hirap na hirap siya.

"Mam, bakit niyo po sinasabi sa akin 'to?" Nagawa kong itanong.

"I'm showing you how much you mean to him. Alam ko rin kung bakit nasa tabi ka niya. I know you're protecting him. I know you're hired for that job. I know that he still likes you and I know you feel the same."

Humupa na ang kanyang mga luha at nag punas na siya ng kanyang mukha. Umayos siya ng upo at humawak kay Hope.

Gusto ko man magsalita ay hindi ko magawa. I can't find the right words to say. Habang siya, alam ko, marami siyang gustong sabihin.

"I met his dad at alam ko na non na wala na siyang asawa pero alam kong mayroon siyang anak. Dahil kay Markus, ayaw kong magpakasal non sakanya dahil naaawa ako sa bata. Ayokong isipin niya na inaagaw ko ang pwesto ng mama sa buhay nila. But I met him, I met Markus and do you know what he told me? Are you my new mom? Aalagaan niyo po ba ako? My heart was broken into pieces. I saw how his eyes shimmer with happiness. Everything was good. Masaya kami, pinaramdam ko sakanya paano magkaroon ng isang ina at pinaramdam niya sa akin na miyembro ako ng pamilya nila."

My tears fell. Hindi ito bumuhos dahil sa sakit pero dahil ramdam ko ang sakit sa mga sinasabi niya. Tumulo muli ang mga luha niya. Umalog ang kanyang balikat dahil sa mga kinekwento niya. I don't know, her stories are so good, dapat ay masaya kaming nag kekwentuhan pero puno ng sakit ang paligid at ang puso ko.

"Agatha.."

Lumingon aiya sa akin.

"Importante sa akin si Markus. Hindi ko kayang masaktan pa ang anak ko. Hindi ko kayang mapahamak pa siya. Masyado ng masakit ang naging kabataan niya. Losing his mom is something I can't remove from his system anymore but I want to remove the other things that can cause him pain."

Napaawang ang labi ko muli. Hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi ng mama niya pero alam ko na sa likod ng mga sinasabi niya ay medyo naiintindihan ko na ito. Ayaw ko lang tanggapin dahil unti-unting nabibiyak ang puso ko sa sakit.

"I like you for him. Trust me, I like you for him. Pero nakakasama ka sakanya. I am sorry to say this but you are. You oath to protect him but instead of you being there in the hospital bed, siya ang nandoon."

Namilog ang mga mata ko at nag sibagsakan ang bagong batalyon ng mga luha sa mga mata ko. Parang binaril ang puso ko ng ilang ulit dahil sa mga naririnig ko.

I didn't expect this.

Gusto kong mag paliwanag na hindi ko naman ginusto ang nangyari at hindi ko sinasadya na hindi siya maprotektahan pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa dahil alam kong may punto siya. Lahat ng ito ay dahil sa akin. Ako ang nagdala kay Markus sa kinalalagyan niya ngayon.

Kasalanan ko lahat. Kasalanan ko ito.

"Nakakasama po ako?" Muntik na akong mapahikbi kaya mabilis kong tiniim ang mga labi ko.

"I'm sorry, ija. I don't want to hurt you like this. Pero hindi ko kayang nasasaktan din ang anak ko."

Tumango ako. Naiintindihan ko naman. Alam ko kung saan siya nanggagaling. Tulad ng mommy ko, tulad niya na kayang gawin ang lahat para sa akin. Tulad ni mommy na mag mamakaawa para lang wag na akong bumalik sa kapahamakan.

I can understand because I have a mom. I can see my mom's eyes crying while looking at her.

"Ano pong gusto niyong mangyari?"

I felt a stabbing pain on my chest.

Nakita ko ang pamimilog ng mga mata niya. Hindi niya siguro inaasahan ang sinabi ko. Hindi niya alam kung gaano ka importante sa akin si Markus na kaya kong tiisin lahat ng ito para sakanya.

Ito ang bagay na kahit kailan ay hindi niya maiintindihan. Bagay na ako lang ang nakakaalam. Bagay na pati si Markus ay hindi na malalaman dahil alam ko kung anong gusto ng mama niya.

"Balak kong dalhin si Hope sa New York. Ipapagamot ko ang mga mata niya doon. Balak kong isama si Markus doon pero alam kong hindi siya sasama. He won't because you're here."

New York?

Napaiwas ako ng tingin dahil ayaw tumigil ng mga luha ko. Hindi ako iyakin kaya naipon siguro ang mga luha ko. Ngayon lang sila nagsilabasan at dahil ito kay Markus.

"I can't ask my son to stay away from you because you know him. Hindi niya gagawin 'yon.."

Naiyukom ko ang mga palad ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"Please do it for me. Ikaw na ang lumayo. Nag mamakaawa ako sa'yo." Rinig kong wika niya.

Nilingon ko siya at napasinghap ako dahil bigla siyang tumayo at lumuhod sa harapan ko. Napatakip ako ng bibig at mas lalong napahikbi. Siya rin ay tuloy tuloy ang pagiyak. Napatingin ako kay Hope at nakitang seryoso lang siyang nakaupo doon habang may isang luhang lumandas mula sakanyang mga mata.

My heart was in pain. Seeing the two of them cry is torturing me. Parang napakasama ko namang tao.

"Tumayo po kayo diyan." Saad ko at pilit siyang tinayo.

Tumayo din ako at naglebel ng tingin sakanya. Huminga ako ng malalim para makakuha ng lakas pero wala akong makuhang lakas. Ubos na ubos ako.

"Kung dadalhin niyo po ba siya doon.. magiging maayos siya?" Tanong ko.

Alam kong oo.. magiging maayos siya.

"Gagawin ko ang lahat para maging maayos siya."

Tumango ako. "Sige po. Importante po para sa akin si Markus. Gagawin ko po ito hindi dahil sa sinabi niyo pero dahil alam ko.. tama kayo. Nakakasama ako sakanya."

Mariin akong napapikit dahil hindi na kaya ng puso ko ang sakit ng huling sinabi ko. Sabi nila, masarap magmahal pero tang'na lahat ng nagsabi non! Hindi man lang ako binalaan na masakit!

Ganito ba kasakit ang naramdaman ni Ate Rian? Ganito ba kasakit?

Alam ko, there are different kinds of pain. Iba ang sakanya, iba ang sakin, iba ang kay Tulip, iba rin ang kay Alice pero sa huli.. pare parehas lang na iiyak. Wala kang magagawa kung hindi ang umiyak nalang dahil hindi mo na matiis ang sakit.

The hole in you heart will just get bigger.

"I know.. alam ko na importante siya sa'yo pero naiintindihan mo naman ako hindi ba?"

Tumango ako. Nag angat ako ng tingin at malungkot na ngumiti sakanya. Inabot ko ang mga kamay niya at mahigpit na hinawakan 'yon.

"May hiling lang po sana ako." Nanghihina kong wika.

"Ano 'yon?"

"Pwede po bang bigyan niyo ako ng isang araw? Bago po ako umalis sa buhay niya. Isang araw lang po ang hinihingi ko. Gusto ko lang po siya makausap.. hindi ko po siya kayang iwan ng ganito." Ako naman ngayon ang halos magmakaawa.

"Agatha.. pinahihirapan mo lang ang sarili mo." Mahina niyang wika.

Umiling ako. "Mas mahihirapan po akong umalis ng ganito." Saad ko.

Nakita kong may pag aalinlangan sa mga mata niya pero hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. I need her to say yes. I need to see him. I still want to see him.. kahit sa huling pagkakataon lang.

Akala ko ay sa movies lang nangyayari 'to. But no, I can feel it, the unbearable pain in my heart is too much.

"Okay."

"Maraming salamat po." Mahina kong wika.

"Ako na ang magbabantay sakanya. Mag pahinga ka na. Umuwi ka na muna. Bumalik ka nalang bukas." Banayad niyang wika.

Tumango ako at pinanuod siyang tumalikod. Pinihit niya ang sedura ng pintuan at pumasok sa loob. Kasabay non ay ang paglabas nila Kina at ang pagbagsak ko sa upuan. Napaupo ako dahil nanghihina na ako, mula sa sakit na nararamdaman ng mga hita ko hanggang sa puso ko ay masakit na masakit.

"Cap.. what happened?" Mahinang tanong ni Violet.

Lumalim ang paghinga ko at bumuga ako ng hangin. Pinunasan ko ang mga luha ko at pinilit na ngumiti. Humarap ako sakanila at kahit hirap na hirap ay pinilit kong panatiliin ang marahang ngiti sa aking mukha.

"Kunin niyo ang mga gamit natin sa bahay ni Markus. Dalhin niyo na sa barracks ang mga 'yon. Kukunin ko ang mga gamit ko, two days from now. Kakausapin ko na rin si Commander tungkol sa pag alis ko sa serbisyo.." I traced.

Bumuga ako ng hangin. "Pwede ba 'yon? Pwede bang umuwi muna ako?"

Muling nagsibagsakan ang mga luha sa mga mata ko. Bakit ba ayaw nilang tumigil? Bakit ba ang kulit kulit nila? Gusto ko nalang talagang umuwi. I just want to go home.

"Copy, Cap." Sagot ni Ramon.

Tumango ako at ngumiti. Tumayo ako at hinarap silang lahat. Sumaludo silang lahat sa akin at parang sinaksak muli ang puso ko. Tinaas ko ang kamay ko at sumaludo rin.

Tumalikod na sila at lumakad palayo sa akin. Napaupo ako muli at mabilis kong kinuha ang cellphone ko. Naghanap ako ng pwedeng tatawagan at mapait na ngumiti nang makita ko ang pangalan niya.

I pressed the call button.

"Tulip?" Bungad ko nang sinagot niya 'yon.

"Agatha? Are you okay? I saw the news.."

Napahikbi lamang ako kaya natigilan siya sa pagsasalita.

"Hey! Where are you? Tell me, I'm gonna fetch you." Nag aalalang saad niya.

"Yes please.. kunin mo ako dito. Nasa LH ako. Please Tul." Hikbi ko.

"Wait for me."

I ended the call.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang sakit ng puso ko. Bakit kasi kailangan ko pa siyang makilala? Eveything was okay.. my life was okay. Bakit nagkaganito pa?

Sabi nila.. When love comes in, there are no inhibitions, no factors. You just love and conquer.

In my case, I can't do it. Kasi pag ginawa ko 'yon, masasaktan lang ako, masasaktan lang siya. Magkakasakitan lang kaming dalawa. We're not good for each other.

But the thought of not seeing him again.. kills me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top