Bullet 25
Panaginip
Para akong nanghihina sa nakikita ko. This is not what I planned! Wasak na wasak ang puso ko at lumalim ang paghinga ko.
"Markus!" Sigaw ko.
"Cap!" Rinig kong sigaw sa likod ko.
Mabilis kong itinaas ang baril na hawak ko at walang dalawang pag iisip na pinutok 'yon sa dibdib ni Monteverde. Napaawang ang labi ko ng mag paputok din siya at mabilis akong tinamaan sa hita ko. Naiyukom ko ang mga palad ko sa baril at mahigpit ko 'yong hinawakan. Ininda ko ang sakit sa hita ko kahit na ramdam na ramdam ko ang pagpitik non.
Naningkit ang mga mata ko at muling pinutok 'yon sa paa niya at sa balikat niya. Akmang magpapaputok pa siya nang marinig kong may pumutok mula sa likod ko at tinamaan siya.
Mabilis siyang humandusay sa sahig at nagpakawala ng halakhak. Tawa lang siya ng tawa habang nawawalan siya unti-unti ng dugo. Lumingon ako at nakita kong kompleto na sila doon. Nangagalaiti ako sa galit ngayon dahil hindi ko man itanong, alam kong sila ang nagdala kay Markus dito.
"Tumawag kayo ng ambulansya!" Sigaw ko.
"Cap! May sugat po kayo!" Nag aalalang wika ni Violet.
"Tumawag kayo! This is an order!" Sigaw ko.
Binaling ko ang atensyon ko kay Markus at muling nanikip ang dibdib ko. Tumakbo ako papunta sakanya at iniangat ang ulo niya. Napatingin ako sa may tyan niya at nakitang marami ng nawawalang dugo sakanya. Yinakap ko siya at humagulgol ako. Para akong batang inagawan ng candy at umiyak ng umiyak lang.
I never thought it would hurt this bad. Akala ko ay nag papaka over acting lang ang mga nasa movies pero ngayon, alam ko na hindi. Totoong nakakamatay ang sakit na makita siyang ganito dahil sa akin.
"Sh.. don't cry, Agatha. I don't want to see you like this. This is not what wanted." Halos walang lakas niyang wika.
Para namang may gumihit na linya sa puso ko habang pinapakinggan siya.
"Nababaliw ka na ba? Anong gusto mo! Tumawa ako? Ang sama sama mo talaga! I hate you! Kinamumuhian kita! Sinisira mo lahat nga plano ko! Lagi mo nalang akong pinaiiyak! Wala kang kwenta! Nakakainis ka! You'll pay for this! Don't you dare die!"
Lumayo ako sakanya at sininghalan siya. Wala na akong pakielam kung ang pangit pangit ko ng tignan sa paningin niya. Gusto kong makita niya kung gaano ako masaktan habang nakikita siyang ganito.
Instead of arguing with me. Inangat niya ang kamay niya at hinawakan ang hita ko. Hinaplos niya 'yon at mabilis ko ring inalis ang kamay niya doon para hawakan. Mahigpit ko 'yong linagay sa may puso ko at yinakap.
"Ang manyak mo talaga!" Naiiyak kong wika.
"Hindi kita naprotektahan. You've been shot." Nanghihinang wika niya.
"Kay'sa naman yung sa'yo!" Singhal ko.
I never thought that such a sad moment can turn out like this. Nakikita kong napapapikit na siya pero nilalabanan niya. Naiinis ako sakanya! Dapat ako ang nandito!
Ako dapat ang nabaril! Bakit niya ba hinarangan!
Bakit kailangan niyang maging ganito?
"Agatha.." mahina niyang tawag sa akin.
Sa munting pagkarinig ng pangalan ko mula sakanya ay nanghina ang puso ko. That is enough to make me cry harder. Hindi ako sumagot at tinignan lang siya sa mata.
Nasasaktan ako habang nakikitang nasasaktan din siya. The pain is so unbearable.
Hinawakan ko ng mahigpit ang isang kamay niya at hinayaang maglabasan ang mga luha ko. Iniangat naman niya ang kamay niya at inabot ang mukha ko. Hinaplos niya 'yon kaya mas humagulgol ako.
Hindi mapapalitan ng sakit sa hita ko ang nararamdaman kong sakit sa puso ko. Natatakot ako.. sobra sobra.
Takot na takot akong mawala siya.
Ayaw ko siyang mawala.. hindi pwede. Hindi pwede.
"Let's meet after this.." mahina niyang bulong.
Napakagat ako sa labi ko at pilit linilinaw ang paniningin ko dahil naglalabo ito. Dahil sa mga pesteng luha sa mata ko ay hindi ko siya makita ng maayos. Iyak lang ako ng iyak.
'Yun pa rin ang nasa isip niya? Ang magkita kami pagkatapos ng lahat ng 'to? Pagkatapos niyang mapahamak ng dahil sa akin?
"Answer me.." bulong niya.
Mariin akong pumikit at tumango. I will.. I will meet him.
"Okay.. we will." Sagot ko at muli siyang yinakap.
Naramdaman ko ang labi niya sa likod ng tenga ko at marahang hinalikan 'yon. Matiim kong pinagdikit ang labi ko para wag mapahikbi pero hindi ako nagtagumpay. Lumabas pa rin ang hikbi sa akin.
"I told you.. I will protect you." Mahina niyang bulong at muling hinalikan ang likod ng tenga ko.
"I'll be your soldier."
Natigilan ako nang maramdamang bumagsak ang kamay niya. Nag angat ako ng tingin at namilo ang mga mata ko nang makitang wala siyang malay. Tinapik tapik ko ang mukha niya pero ayaw niyang magmulat.
"Markus! Stay with me! Hindi ka pwedeng mawalan ng malay!"
I was hysterical.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Yinakap ko lang siya hanggang makarating ang mga magdadala sakanya sa hospital. Sinakay siya sa stretcher at mabilis kaming umalis sa hotel na 'yon para makapunta sa hospital.
Habang paalis kami ay nakita kong may bagong dating na ambulansya. Maybe it's for Monteverde. Hindi ko na 'yon pinansin dahil sigurado akong wala ng ligtas ang Montevarde na 'yon. From his shots.. wala na.
Sumakay din ako sa ambulansya at hinawakan ang kamay ni Markus sa gilid. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at nagdasal. I was praying so hard.. so hard for him. I can't let him die. Hindi ko ata kaya 'yon.
"Markus.." tawag ko sakanya at muling napahikbi.
Namamanhid na ang hita ko mula sa sakit. Wala naman akong pakielam doon. Hindi ko na nga rin alam kung nasaan ang mga kasamahan ko pero nang mahagip ng mga mata ko ang naka sunod na sasakyan sa amin ay nakompirma kong sila 'yon.
"Hinayupak.." tawag ko muli sakanya.
Hinalikan ko ang kamay niya at yinakap nalang muli 'yon.
Hindi ko ito bibitawan. Hanggang kaya ko.. hindi ako bibitaw.
"Mam, hindi po kayo pwedeng pumasok." Saad ng isang nurse.
Pagkarating namin sa hospital ay agad siyang inasikaso at pinasok sa operating room. Hindi ko na nga alam ang mga nangyari dahil nahihilo na rin ako. I endured the pain too much..
"Hindi mo ba ako kilala? My uncle owns this hospital." Inis kong wika.
"Alam ko po pero bilin din po ni Sir Jonathan na unahin ang pamilya niya. May tama po kayo sa hita niyo at kailangan po nating gamutin 'yan." Aniya.
Ayokong maging mataray at maging ganito lalo na at hindi naman talaga ako ganito pero hindi ko mapigilan. I badly want to enter the operating room pero ito ako at hinaharangan! Ginawa ba ang araw na 'to para saktan ako?
Damn! I never question anything in my life pero ito ako at nagiging ganito!
Gusto ko lang naman siyang makita.. wala namang masama doon diba? Napahawak ako sa puso ko para pakalmahin ang tumataas kong dugo sa ulo. Hinawi ko ang buhok ko at linagay 'yon sa likod ng tenga ko.
"Unahin niyo si Markus De la Fuente." Saad ko at umupo sa mga waiting chair sa labas ng operating room.
"Ginagawa na po ng mga doktor ang magagawa nila para kay Mr. De la Fuente kaya kayo naman po mam." Pangungulit niya.
Binalingan ko siya ng tingin at binigyan ng masamang tingin. Anong akala ng lalaking 'to? Close kami para magkaroon siya ng ganitong conversation sa akin? Sumbong ko siya kay Markus 'e! Siguradong magagalit 'yon.
Pero paano ko nga naman siya isusumbong kung nasa loob siya ng operating room at lumalaban para sa buhay niya.
Bumuga ako ng hangin. "Okay! Fine! Pero dalhin niyo lahat ng gamit dito at dito niyo ako gamutin. Wag ka ng kumontra dahil kahit anong gawin mo, hindi ako aalis dito."
Inirapan ko siya at tumingin sa pinto ng Operating Room. Habang tinitignan ang pintuan ay parang naninikip lalo ang dibdib ko. Hindi ko akalain na magiging ganito katakot takot tignan ang pintuan na 'to.
"Okay mam." Aniya.
"Wag ikaw ang gagamot sa akin. Bring a Surgeon. Babae." Saad ko habang hindi siya tinitignan.
Markus wouldn't like it.. I know he won't.
Narinig ko ang papalayong yapak ng lalaki at doon lang ako nakahinga ng maluwag. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko para mapigilan ang mapadaing. Nararamdaman na ng katawan ko ang sakit at pagod.
Sumandal ako sa pader at linibot ang tingin sa buong lugar. Maraming tao ngayon sa hospital.. ibig sabihin ay maraming pasyente, maraming nasaktan, maraming nahihirapan at maraming nakikipaglaban para sa buhay nila.
I'm sure, these people are what we call true soldiers.
Pumikit ako at napangiwi ng pumasok na sa sistema ko ang amoy ng hospital.
"Cap?"
Hindi ako nagmulat ng mata at hinayaan ang sarili kong nakapikit. Naramdaman ko ang pagupo nila sa tabi ko dahil sa pag uga ng mga upuan. Hindi na ako galit sakanila, nakakapagod lang talagang magmulat at magsalita pa.
This day is too much for me..
"Gagamutin ko na po kayo."
Mabilis akong napamulat ng marinig ko ang boses na 'yon. Napalunok ako ng makita ang taong nasa harap ko ngayon.
"Hazel?" Hindi makapaniwalang wika ko.
Pinanuod ko siyang umupo sa harapan ko at sinimulan ng gamutin ang sugat ko. Kahit nararamdaman ko ang sakit at hapdi ng mga tinusok niya sa akin ay hindi ko napansin 'yon dahil hindi pa rin ako makapaniwalang nasa harapan ko siya ngayon.
"Hazel, do you remember me?" Halos pabulong kong tanong.
Gusto kong makasigurado dahil hindi man lang niya pinansin ang pagkagulat ko. I didn't know she works here,we didn't know. Kuya Carl didn't know.
Nandito lang pala siya. She's wearing the usual attire a surgeon should wear.
"You're Agatha Montgomery." Simple niyang sagot.
Napaawang ang labi ko. She knows. Then why?
"Kuya Carl was looking for you. Ilang taon ka niyang pinapahanap." Hindi ko mapigilang sabihin.
Hindi siya tumigil at nagpatuloy lang sa pag gamot sa hita ko. Nakayuko lang siya kaya hindi ko makita ang ekspresyon niya. Bakit ganito? Bakit parang wala man lang siyang pakielam?
Sumasakit ang puso ko para kay Kuya Carl.
"Tingin mo ba, mahahanap niya ang taong ayaw magpahanap?" Malamig niyang tugon.
Natigilan ako sa sinabi niya. Nakita kong natanggal na niya ang bala sa loob pero wala doon ang atensyon ko. How can she say this? Mahal na mahal siya ni Kuya. I've seen him and I know he loves her to depths. Parehong pareho talaga si Simon at si Kuya Carl. They are both in the critical stage right now.
Saan ang sakit? Puso.
"Pasalamat ka at hindi malalim ang tama ng bala. Wala siyang tinamaan na pwedeng magpa kritikal ng kondisyon mo. Hindi siya bumaon sa buto o ano man. You're a one heck of a lucky girl Ms. Montgomery." Aniya at tinuloy na ang ginagawa niya.
"Yes, you're also lucky. Hindi ka pa niya nahahanap. Don't worry I won't say a thing. Mas mabuti na sigurong wag na nga kayong magkita. Ayoko namang makitang nasasaktan ang pinsan ko." Matapang kong balik sakanya.
Ayokong makielam pero hindi ko kayang panuorin lang 'to. Kung makapagsalita siya, akala mo siya ang nasaktan. Iniwan niya si Kuya Carl ng walang sabi sabi tapos ganito siya umakto.
Sumandal ako sa pader muli at pumikit nalang. Hinayaan ko nalang na tapusin niya ang ginagawa niya kay'sa ang makipag away pa sakanya. Natapos naman niya ito at hindi ko na siya pinasalamatan. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko at hinayaan siyang umalis. Nakaidlip din ako dahil sa pagod at ginhawa na naramdaman ng katawan ko.
Kahit nakaidlip ako ay nandoon pa rin ang kaba at takot sa puso ko. Si Markus pa rin ang nasa isip ko. Imahe niya pa rin ang pilit na pumapasok sa isip ko.
"Cap.."
Nagmulat ako ng mata at nakita kong may hawak na bottled water si Ramon. Inabot niya sa akin 'yon at bahagya akong ngumiti.
"Salamat." Tinanggap ko ito at uminom.
Napabaling muli ang tingin ko sa pintuan ng Operating Room at nakaramdam na naman ng sakit sa puso ko.
Mabilis akong tumayo nang lumabas ang doktor sa loob ng operating room at linabas na rin si Markus doon. Nasa hospital bed siya at mabilis siyang linayo sa amin. Sumunod lamang ang mata ko doon at lalong lumawak ang ngiti ko dahil alam kong ligtas siya.
"He's okay now.. hintayin niyo nalang na magising siya." Saad ng Doktor.
Tumango ako. "Maraming salamat po."
Sumunod kami sa mga nurse na nakasunod kay Markus. Hindi ko mapigilan ang malungkot na mapangiti habang sumusunod sakanila. Hindi niya ako iniwan. He really stayed.
He did..
Pumasok kami sa isang private room at doon siya inayos. Inasikaso muna siya ng mga nurse at masaya ako dahil lalaki ang mga 'yon. Hindi ko alam kung dahil ba nandito ako at kilala nila ako kaya nila pinaghuhusayan talaga o dahil ganyan talaga sila.
"Agatha.."
Napalingon sa akin ang lahat dahil sa narinig naming boses.
Hindi ko na sila pinansin at nagmadaling lumapit kay Markus. Umupo ako sa higaan niya at pinagmasdan ang mukhang nanghihina niyang mga mata. Halos pumukit pikit na 'yon kaya nanikip lalo ang puso ko. Ang paninikip na 'yon ay may halong saya at pagpisil ng puso.
"Hinayupak.." bungad ko sakanya at bahagyang binigyan siya ng matamis na ngiti.
"Inaantok ako." Mahina niyang wika.
Ngumiwi pa siya kaya lalo akong napangiti.
Tumango ako at inabot ang kamay niya. Ang mahalaga naman ay ligtas siya at nagising na siya. Yun lang naman. Wala na akong ibang hihilingin.
Ang pagiging ligtas niya ay sapat na sa akin.
"Sleep." Mahinang wika ko.
"Are you okay?" Tanong niya.
Kumunot ang noo ko. Ang tigas talaga ng ulo nito! Umirap ako at tumango pero hindi ko rin napigilan ang pag balik ng tingin ko sakanya dahil hinawakan niya ako sa kamay. Lalong sumaya ang puso ko dahil dito.
I felt his warm hands on the top of my hands. Alam kong nahihirapan pa siyang galawin 'yon pero ginawa niya parin.
"Bake for me." Aniya.
"Huh?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"You said.. you'll bake for me." Inosente niyang saad.
Pasalamat siya at naka hospital gown siya at nasa hospital bed siya kung hindi ay sisinghalan ko talaga siya! Sa dami ng nangyari, baking pa ang naisip?
"Okay." Sagot ko at ngumiti.
"Wag kang aalis ah."
Napalunok ako sa sinabi niya. Humigpit ang hawak niya sa akin at hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang lakas na 'yon habang ako ay hinanghina na dahil sakanya.
"Paano ako mag be-bake kung hindi kita iiwan?"
Pumikit na siya at huminga ng malalim. Sa panahon 'yon ay gumaan lalo ang loob ko.
"Just don't leave. Nanaginip ako, habang nasa Operating Room ako. Iniwan mo daw ako. Ayoko non.. ayoko." Mahina niyang bulong.
Akmang magsasalita pa ako pero natigilan ako sa pagbukas ng pinto. Lumingon ako doon at bumungad sa akin ang step mother niya habang hawak-hawak si Hope.
Ngumiti ako pero napawi ang ngiti ko nang hindi niya suklian ang ngiti ko. Binigyan lang niya ako ng seryosong tingin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top