Bullet 22

Marry

Inayos ko ang bag ko at sinabit na ito sa balikat ko.

"Cap, kanino ka sasabay?"

Bahagyang siniko pa ako ni Violet at lumapit pa para sa tanong niya.

"Hm.." Nilibot ko ang tingin ko para hanapin si Markus.

Nakita ko agad siya na palapit sa sasakyan niya. Napakagat ako sa labi ko habang pinagmamasdan siyang pinapasok ang mga gamit niya sa sasakyan niya. He was wearing a black plain v-neck shirt and a black board shorts.

He is so dark.

Hindi niya man lang ako tinapunun ng tingin. Sabagay.. pagkatapos ng lahat ng nangyari kagabi. Will he even look at me? Matitignan niya pa ba ako gamit ang kumikinang niyang mga mata?

Of course not.. hindi na siguro.

"Matunaw 'yan." Tukso ni Kina at humalakhak pa.

Napa ubo ako sa hindi ko alam na dahilan.

"Sainyo ako sasabay." Mabilis kong sagot at tinalikuran sila.

Yumuko ako at pinaglaruan ang ilang bato sa paanan ko. Nararamdaman ko ang pag ngiwi ko habang tinitignan ang mga batong 'yon.

Buti pa sila, kahit sipain at tapakan mo.. hindi nasasaktan. Mabuti pa atang maging manhid nalang!

"Cap.." tawag ni Geric sa akin.

Hindi ako nag angat ng tingin at nanatili akong nakayuko.

"Tawagin niyo nalang ako pag tapos na kayo para mapasok ko na ang gamit ko." Saad ko.

Lalo akong napangiwi dahil alam kong hindi ako isasabay ni Markus sa sasakyan niya.

Not that I want to..

Pero siya lang mag isa doon at baka mapahamak siya o ano.

"Hope.." tawag naman sa akin ni Riko.

Kumunot ang noo ko dahil tawag sila ng tawag. Bakit nagiging sutil sila? I mean, sutil ako pero wala silang karapatan na maging sutil sa akin!

Pag babatuhin ko sila ng mga bato 'e!

"Agatha-"

"Ano?" Singhal ko.

Liningon ko silang lahat at binigyan ng masamang tingin. Pira piraso ang puso ko ngayon kaya matatamaan talaga sila sa akin pag hindi maganda ang rason nila kung bakit ulit ulit nila akong tinatawag.

Bahagya kong tinagilid ang ulo ko para tanungin sila kung anong problema nila. Lalong kumunot ang noo ko nang mapansing hindi ako ang tinitignan nila. Tinaasan ko ng kilay si Violet dahil sa pag nguso niya.

"Hilahin ko nguso mo." Banta ko pero napatakip lang siya ng bibig sa sinabi ko.

"Let's go."

Literal na nanigas ang katawan ko nang maramdaman kong may kumuha ng gamit ko mula sa kamay ko.

"Markus."

Halos mahirapan akong banggitin ang pangalan niya. Pakiramdam ko kasi.. bawal na 'yon. Aaminin ko at parang sasabog ang puso ko dahil sa munting ginawa niya.

Napatingin ako sa kamay kong walang laman dahil sa kinuha niyang gamit. Malungkot akong napangiti, pwede pala 'yon..

"Markus, isasabay mo ba ako.. o mga gamit ko lang?" Mahina kong tanong.

Hindi ko pa siya magawang tignan kaya kung saan saan dumadapo ang tingin ko. Narinig ko pa ang impit na pagtawa ng mga tao sa paligid namin kaya sinamaan ko sila lahat ng tingin.

Mabuti ng maging sigurado. Baka mapahiya ako pag sumakay ako. Hindi ko na kasi siya maintindihan!

"Uh."

Napabaling ang tingin ko sa kamay ko dahil nag init ito. Sinakop ng kamay niya ang kamay ko at kasabay non ay parang sinakop din ang puso ko..

"I'm angry. Actually damn mad.. but I'll miss you." Aniya at mabilis na hinila ako palapit sakanya.

Nag angat ako ng tingin para matignan siya at kahit masakit na makitang deretso lang ang tingin niya ay masaya pa rin ako.. kahit papaano ay hindi niya pa rin pala ako matitiis.

Narinig ko ang pagtawa muli ng mga kasamahan ko pero hindi ko na sila magawang pansinin dahil buong atensyon ko ay na kay Markus lang.

"Dumiretso kayo sa bahay at tumuloy na kayo sa opisina ko pagkatapos. I'll bring Agatha with me." Aniya.

He's too serious.. hindi ako sanay.

Napangiwi ako muli dahil narealize ko na Agatha ang tinawag niya sa akin. Oo nga at alam na nila pero kakaiba pa rin marinig ang totoo kong pangalan habang magkakaharap kami ng ganito.

Pakiramdam ko tuloy ay wala kami sa trabaho. Kung sakaling normal na araw lang 'to ay baka kinurot ko na siya pero hindi ko magagawa ngayon lalo na at nagwawala pa ang sistema ko habang nararamdaman ang mainit na kamay ko sakanya.

"Copy." Ani Ramon at sumakay na sila sa kotse.

"Bye, Cap." Pagpapa alam ni Riko.

Ngumiti ako at kumaway pa habang pinapanuod silang magsipasok pero napaawang ang labi ko ng ibaba ni Markus ang kamay ko.

Tinignan ko siya dahil doon.

"What?" Inosente niyang tanong.

"Wala.." halos pabulong kong wika.

Mabilis nilang pinaharurot paalis ang sasakyan kaya bahagyang humangin. Nahipan ang buhok ko pero nanatili ang mga mata ko sakanya. Ganon din siya.. nanatili ang mga mata niya sa akin.

Pinisil ko ang kamay niya at bahagya akong ngumiti. Kahit nanatili siyang seryoso ang ekspresyon ay hindi nawala ang ngiti ko habang tinitignan siya.

"Tara na." Pag yaya ko sakanya.

"Okay."

Tumango siya at hinila na ako papunta sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya tahimik akong pumasok doon. Hinayaan ko na rin na siya ang mag suot sa akin ng seatbelt.

Sinara niya ang pintuan ng kotse at binuksan niya ang sa likod. Pagkatapos niyang ilagay ang gamit ko doon ay pumasok na siya sa driver's seat.

Sinuklay ko ang buhok ko para maging presentable kahit paano.

"You're beautiful.." aniya.

"Huh?"

Nilingon ko siya dahil kahit na narinig ko ang sinabi niya ay hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Alam kong maganda ako, mana ako sa nanay ko pero.. wala pang tao ang nagparamdam sa akin non. I mean, Osiris tried but I didn't felt it.

Ewan ko ba!

"I said you're beautiful. No need to fix yourself." Aniya na para bang normal na sabihin 'yon.

Uminit ang pisngi ko dahil doon kaya tumingin ako sa kabilang part ng sasakyan para hindi niya ako makita. Bahagya ko pa itong hinawakan para kahit papaano ay maibsan ang pagwawala ng sistema ko. Three hundred sixty degrees ata ang inikot ng tyan ko.

"Gwapo ka din naman.." bawi ko sakanya.

Lumunok ako at tinignan siya muli. Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya dahil sa sinabi ko. Kinikilig lang siya niyan!

"I know."

Fuck. Ang kapal talaga ng hinayupak ma 'to. Makapal din ako pero not like him. Kung hindi ko lang siya gusto ay kinwelyuhan ko na siya at tinapon sa labas. Kung wala lang akong kasalanan sakanya.. sininghalan ko na siya kaya lang meron kaya mananahimik nalang ako.

Umayos ako ng upo muli at napatingin sa stereo. Napakagat ako sa labi ko dahil hindi ako sigurado kung bubuksan ko ba ito o hindi. Nagpabalik balik ang tingin ko sakanya at sa stereo.

"Why don't you just open it?" Aniya.

Siya na mismo ang umabot non at binuksan niya 'to. Bakit ba parang alam niya lahat ng nasa isip ko?

Tala, tala, tala...
Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa'yong mga mata

Who is this?

Sarah Geronimo?

Well, I don't have any problem with her or with her song because Tulip really loves to listen to her songs.

Tala, tala, tala...
Ang ningning ng yong mga mata'y hinahanap ko sa mga tala

Wow, ngayon ko lang narinig ito pero.. damn. Saktong sakto ata para sa akin. It is so heart wrecking. I guess the title is Tala?

"The song.." he traced.

Tumikhim siya at parang hindi niya kayang ituloy ang sasabihin. Nanatiling diretso ang tingin ko at naiyukom ko ang mga palad ko dahil wala akong masabi at bumilis na ang tibok ng puso ko.

Great! Awkward! Hindi ko man lang siya magawang tignan dahil nahihiya ako sa kanta.

Should I just change it?

Siguro nga't masyadong mabilis ang pagyanig
Ng puso ko para sa puso mo

"Mabilis.." bulong ko.

Kagabi, I cried myself to sleep. I never did that that's why I'm shocked na tao pa pala ako. Si Tulip, siguradong umiyak na ng buong gabi 'yon. Si Alice.. narinig ko ng humagulgol 'yon kahit natutulog habang si Adrianna naman ay tahimik lang na umiiyak.

Akala ko hindi ako matutulad sakanila pero wala palang pinipili ang pagibig.

Siguro nga ako ay makulit, ayaw makinig
Sa takbo ng isip
Hindi ko maipilit

"Makulit at ayaw makinig.." rinig kong bulong niya.

Mariin akong napapikit at hinayaan na sumayaw ang kanta sa puso ko. Hinayaan kong kainin ako ng nararamdaman ng puso ko. It feels good but it's scary at the same time.

Ano kayang sasabihin nila daddy pag nalaman nilang tumitibok na ang puso ko para sa iba. Si mommy, sigurado ay magiging masaya. Si daddy kaya? Magiging strict kaya siya sa akin?

Tila ako'y nakalutang na sa langit
Ngunit nalulunod sa yong mga ngiti

"What are you thinking?" Mahina niyang tanong.

Binasa ko ang labi ko dahil pakiramdam ko ay natuyuan na ako ng labi sa nangyayari.

At kung hanggang dito lang talaga tayo
Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka

"Wala naman.." mahinang sagot ko rin.

Natahimik siya at hindi na nagsalita. Kumuha ako ng lakas para matignan siya. Kumunot ang noo ko nang umigting ang panga niya at kumunot ang noo niya.

Ano na namang ginawa ko? Wala naman akong sinabing mali. Galit nanaman ba siya sa akin?

At kung umabot tayo hanggang dulo
Kapit lang nang mahigpit
Aabutin natin ang mga tala

"Markus.." tawag ko sakanya.

Sandali niya akong tinignan bago ibinalik ang tingin sa daan. Napabuntong hininga ako nang makitang bahagyang lumambot ang ekspresyon niya.

"It's hard to read you.. I want you to be honest with me, kahit na mahirap. Kahit doon lang, maramdaman kong malapit ka sa akin." Aniya.

Rinig ko ang bakas ng frustration sa boses niya. Hindi ko naman gusto na mahirapan siya dahil sa akin. As much as possible, ayaw ko siyang mahirapan.

Tala, tala, tala...
Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa'yong mga mata

"I was just thinking about my feelings and the song." I honestly said.

Langya! Nakakahiya kayang umamin ng ganyan. Bahagya akong napahawak sa noo ko dahil sa hiya. Magaling talaga si De la Fuente! Nalalabas niya ang mga bagay sa akin na hindi ko dapat pinapakita sa iba.

Tala, tala, tala...
Ang ningning ng yong mga mata'y hinahanap ko sa mga tala

"Oh okay.. by the way, may paper bag diyan sa likod. Kunin mo at tignan mo ang nasa loob." Utos niya.

Aba't! Inuutusan ako! Pasalamat talaga siya at pinapatay ng puso ko ang utak ko kung hindi, tinamaan na siya sa akin.

Maaring kinabukasan ay mag-iba ng
Ihip ng iyong ninanais
Ngunit maaari bang kahit na pansamantala lang

Tumingin ako sa likod at may nakita ngang paper bag katabi ng mga gamit ko. Inabot ko ito at kinuha. Wala naman sa akin ito kaya mabilis ko itong binuksan at tinignan.

"What is this dress?" Inosente kong tanong.

Sinipat sipat ko pa ito. Maganda ito, long gown at may hindi kataasang slit sa gilid. Mint green ang kulay nito kaya lumitaw ang pagka elegante nito.

Totally my style.

Ikaw muna'y maging akin
Tila ako'y nakalutang na sa langit
Ngunit nalulunod sa yong mga ngiti.

"You'll wear that later.." he traced.

Nabitawan ko ang dress at nahulog ito sa hita ko. Mabilis ko siyang nilingon at tinignan dahil hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Hanggang kailan niya ba guguluhin ang buong sistema ko?

Alam niya ba ang dulot niya sa akin? Sa munting ginagawa niyang 'to ay mababaliw ako at baka mahirapan akong kumawala sakanya sa hinaharap.

At kung hanggang dito lang talaga tayo
Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka

"Hindi naman ako pupunta sa charity ball. Magbabantay lang kami sa mga tagong lugar at isa pa may hahanapin pa ako." Paliwanag ko.

Mataman ko siyang tinignan at kita kong bumalik ang malayong mga mata niya. Nag igting ang panga niya kaya alam ko na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Parang dudurugin ang puso ko pero ito talaga ang gusto kong sabihin.

At kung umabot tayo hanggang dulo
Kapit lang nang mahigpit
Aabutin natin ang mga tala

"Still, wear it. Paano pag may nakakita sainyo at naka uniporme kayo. Ayaw niyong malaman ang katauhan niyo hindi ba?"

Well may point siya doon. Pero sobra naman ata ang gown na ito. Kahit nga noong debut ko ay hindi ako nagpa party dahil ayaw ko ng mga ganito tapos siya mapipilit niya akong mag suot ng gown?

Ayaw ko!

No way!

"Okay.." mahinang wika ko.

Tala, tala, tala...
Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa'yong mga mata

Talaga lang, Agatha? Ayaw mo? Hindi ka niya mapipilit? Kainis! Hindi ko naman kasi siya matitiis.

"Good." Rinig kong bulong niya.

Tala, tala, tala...
Ang ningning ng yong mga mata'y hinahanap ko sa mga tala

"About what you said yesterday night.. do you really like me?" Tanong niya.

Parang masasamid ako sa sinabi niya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nababaliw na ba siya! How can he ask me that? He is crazy!

Hindi man ako nilagay sa mundong ito para sa iyo

"Oo.. wag mo akong tanungin kung bakit o paano dahil hindi ko din alam." Saad ko.

Umiwas ako ng tingin at pinagmasdan nalang ang tinatahak naming daan. Kung may kapangyarihan lang akong baguhin ang lahat, gagawin ko. Paano kaya kung hindi kami nagkita muli? Paano kaya kung hindi ko tinanggap ang misyong 'to?

Parang nakatingin ang buong daigdig pag ako'y yakap yakap mo

"You know what's next?" Tanong niya.

"Ano?"

Hindi ako lumingon sakanya dahil naninikip ang puso ko.

"Say you love me then I'll marry you."

Napaawang ang labi ko at mabilis na napatingin sakanya. Deretso pa rin ang tingin niya pero inabot niya ang kamay ko at hinawakan 'yon ng mahigpit. Pati puso ko yata ay kasama sa mga hinawakan niya at ayaw ng bumitaw.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top